Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Halos dalawang oras akong nag-ayos para sa gabing ito. It's Saturday at wala naman akong trabaho bukas kaya ayos lang na magpuyat. Lumingon ako kay Renzo na nagbabasa ng libro sa kama. "Sigurado ka bang okay lang sa'yo na umorder ka na lang ng pizza mamaya?" 

8pm ang party. Kaya hindi makakapagluto dahil kailangan kong mag-ayos agad.

"I said I'm fine. Just go."

Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na sa kwarto. Habang nasa biyahe ay tumawag si Julius. 

"Hindi naman sasama si Renzo, 'di ba?" He asked.

Napabuntong hininga na lang ako. "Oo, bakit?"

"I'll be your escort for tonight."

"Akala ko ba ikaw ang escort ni Gigi?"

"Wala siyang tiwalang sasama si Renzo kaya sinabihan niya ako kanina. Naghanap na siya ng ibang escort. Where are you?"

"Papunta na."

"Okay. See you."

Pinatay ko na ang tawag at pagdating ko sa campus ay marami na ring nagsisidatingan. I handed my invitation at the guard stationed at the entrance at agad na nagtungo sa gymnasium

. "Wendy!" Lumingon ako sa likod ko at natanaw ko si Julius kasama si Gigi at ang escort nitong si Dave, sikat na varsity player ng campus noon.

Julius inched closer and whispered. "You look stunning." Umismid ako at umirap. "Nakita mo nang suot ko 'to kahapon, e." Nagkibit balikat lang siya habang nakangiti. "Still, you look beautiful." 

Ngumiti ako at bumaling kay Gigi. "Am I late?" Umirap lang siya habang nakangiti. "Queens are never late they say." Kami naman ni Dave ay nagngitian lang dahil hindi naman kami close noon pa. Sabay sabay kaming naupo sa aming lamesa. While appetizers are being served, Gigi nudged me. "Sa pagkakaalam ko, ang highlight sa reunion na 'to ay magkakaroon ng bidding para sa mga nasalanta ng bagyo sa Mindanao."

Tumaas baba ang kaniyang kilay. She expects me to participate.

"Anong ibi-bid?"

"Antiques, limited edition items tsaka 'yung sikat na painting ng isa sa founder nitong campus. 'Yung painting ni Engineer Dualchi." I nodded. 

Nagsimula ang party sa isang production number. Nakikilala ko ang nag perform. Dati siyang member ng theater group dito sa campus at sikat na siyang singer at artista ngayon. Naghihiyawan at nakikisabay ang mga guest sa kanta. Kulang na lang ay tumayo sila sa kanilang upuan at makitalon. I stared at the wild crowd, still can't believe how possibly these lawyers, businessmen and doctors are enjoying the event this much.

Pero kung tutuusin, isa lang ito sa mga pagkakataong nakakatakas ang lahat sa tambak na trabaho. Hindi rin gaanong kilala ang paaralang ito pero mahirap makapasok dahil sa mataas na tuition fee at mahirap na entrance exam. 

Scholar si Gigi at Julius dito at dahil matatalino, nakapagtapos sila rito gamit ang scholarship. Minsan, tinutulungan ko sila sa pinansyal na pangangailangan nila. Some time in our last two years in college where OC is on its peak, thus money is not my problem anymore.. so I know it's not bad to share some.. especially to my friends.

Just when I am about to look at the figure near me, Gigi's piercing look caught my attention. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya. Wearing a champagne colored dress, Emily is flaunting her curves. 

For the second fucking time, he's with Renzo. He's with my husband! Akala ko hindi siya interesado sa ganito?! I sighed to keep my composure. Julius held my left hand and whispered,  "Calm down." 

I nodded.

"Hello guys! Long time, no see." Emily cheerfully smiled at us. I mentally rolled my eyes nang maamoy ko ang matapang niyang pabango. Julius and I remained silent. Si Gigi lamang ang nagsalita. "Hi Emily, you seem to be with someone else's husband. Aren't you aware?"

Lumingon naman agad sa akin si Emily. "Maghihiwalay na kayo 'di ba?" She smiled devilishly.

I glared at her. "How dare you?"

Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Julius sa kamay ko. "Emily, don't spoil the night."

Dumapo ang tingin ni Emily sa kamay ko at saka bumaling muli kay Julius. "You seem to be holding hands with someone else's wife. Aren't you aware?" Ngumisi siya at tuwang tuwa sa pagbato niya pabalik ng tanong sa amin. Nonsense.

I gazed at Renzo while trying as much as I can to stop myself from crying. The humiliation is too overwhelming! He didn't even gave a glance, nakatingin lamang siya kay Emily. Pinanood ko lang silang umupo sa hindi kalayuan. Dumantay ang kamay ni Renzo sa upuan ni Emily at malinaw na malinaw sa paningin kong tinanggal ni Renzo ang wedding ring niya.

The sight of them shattered my heart into million pieces. I can feel his anger towards me.. just by showing up with Emily instead of me.. is a prove of it.

Nagpatuloy ang party at nang simulan na ang bidding, kahit wala na akong gana ay pinilit ko pa rin mag bid dahil maganda naman ang patutunguhan. Lumingon ako sa gawi nila Renzo, nasa parte sila ng bar at hindi na nakisama sa bidding. Pakiramdam ko'y kinukurot ang puso ko sa tuwing ilalapit niya ang mukha niya sa tainga ni Emily para bumulong. Nagtama ang tingin namin dalawa. He smirked and looked away.

Julius tapped shoulder with the back of this index and middle finger. "Huwag mo na silang tignan. Sinasaktan mo lang sarili mo." 

Pinilit kong ituon ang pansin ko sa stage. Kanina pa ako nanalo sa bid pero para mawala sila sa isip ko ay nag bid pa ko ng isa. Hindi talaga ako nagpatalo hanggang sa umabot ng 2 million ang bid. Julius spoke. "Hindi ka naman mahilig sa alahas e."

Agad na sumabat si Gigi. "Barya lang yan sa kaniya. Hayaan mo na nang makatulong sa bansa."

I won the bid. Tinutok ang spotlight sa akin kaya medyo naningkit ang mata ko sa pagkasilaw. I smiled when the bidders clapped for me. As the CEO of the OC, though I am keeping a low profile, I am used to this kind of attention.. but I can't take it all now. I feel like in just one look, they can see how miserable I am inside. 

Matapos ang bidding session ay hinanda ang 5 course meal. Halos hindi ko manguya ang kinakain ko dahil sa kung anong nagbabara sa lalamunan ko. Thinkin that my husband is just somewhere in this place.. with his other woman.. makes my whole body ache. Every veins in all corners of my heart are like being stretched until they snap.. one by one.

Maya maya ay may nag perform muli kaya pinatay na ang maliwanag na ilaw, tanging ang mga makukulay at gumagalaw na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa lugar. Maging ang stage ay medyo madilim, making the next performance a bit mysterious. The spotlight switched on revealing a very famous singer from the largest TV station in the country. 

Everyone applauded but I am too wretched to even smile. Kahit madilim at nagtatalunan ang mga tao ay hindi nakatakas sa paningin ko si Renzo at si Emily. I blinked a few times only to confirm that they are fucking kissing! Halos pigain ang puso ko sa nakita. My hands trembled in horror and I can feel my heart pounding painfully. The sight of them sent me agonizing shivers. 

Tumayo na ako. Nangingilid na ang luha ko at nanghihina na rin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Parang tambol ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito. Every heart beat is laced with pain spread all through out my body. Narinig kong tinatawag ako ni Julius at ni Gigi pero hindi ko na sila nilingon. I am too pre-occupied of how to leave this place as fast as I can.

"Oh, shit!" Nanginig ako sa lamig nang bumunggo sa akin ang nagmamadaling waiter. Nabasag ang mga baso at gumawa ito ng nakabibinging ingay. Good thing, the music from the performance is much louder. 

Nagtinginan sa akin ang mga taong malapit lamang sa pinangyarihan. I bit my lower lip as I stare at my trembling hands. The scene of Renzo kissing Emily is still playing on my mind. Patuloy na nagso-sorry ang waiter pero ang iniisip ko na lang ngayon ay kung paano magpipigil ng luha. "Ma'am, sorry po talaga. Kukuha po ako ng pamunas-"

Bago pa ako mag-angat ng tingin sa waiter, may bumalot na sa aking katawan at paglingon ko ay nakita ko si Julius sa tabi ko. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kaniyang coat at saka kami nagtungo sa labas ng gymnasium at naupo sa holding area roon.

"Are you okay?" Sa tanong niyang iyon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Umiling lang ako habang humihikbi. I just kept reminding myself that I deserve this, sa lahat ng hindi magandang naidulot ng pagmamahal ko kay Renzo, I deserve this.

"Stop being so immature, Wendy. Makipaghiwalay ka na."

"I am responsible for his pain, Julius. Hindi ko siya pwedeng takasan."

"That's ridiculous. Kung may ibang nakakarinig sa'yo ngayon, kanina ka pa nasabihang tanga." 

Alam ko. Alam na alam ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nagkibit balikat lang siya. Hinatid niya na ako pauwi gamit ang sasakyan ko. "Thank you." I said.

Ngumiti siya ng mapait. "When you can't handle it anymore, you can always stop this. We will help you get over it, Wendy."

I'm too tired to listen to anything kaya tumango na lang ako. Naligo ako agad at nagbihis. Dalawang linggo na lang. Dalawang linggo na lang tapos na ang lahat ng ito. Sana sapat na 'yon para pagbayaran ang parte ko sa mga naging kasalanan ng pamilya ko kay Renzo. Titiisin ko na lang ang sakit.

As for my father.. masakit man tanggapin pero buo na ang loob ko.. I want him.. to suffer the most. With the most painful way possible. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019