Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

"Let's go on a date."

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Julius. "Are you crazy?"

He chuckled and shook his head. "Busy si Gigi, wala akong kasamang mag-lunch."

Ngumuso siya habang nakapangalumbaba sa aking lamesa. He's too adorable to be rejected so I sighed in defeat.

Bago kami mag-lunch, aisipan kong bumili muna ng damit na isusuot ko para sa reunion na magaganap bukas. Pagpasok namin sa isang sikat na boutique na lagi kong pinupuntahan ay naghanap ako agad ng maisusuot.

"Akala ko ba kakain na tayo?" Nakanguso si Julius habang nakaupo sa sofa.

"Chill. Just give me few minutes, okay?"

Umismid lang siya at saka kinuha ang magazine na hawak niya. Nakapili ako ng isang dress at lumingon sa kaniya. Natawa ako nang mahuli ko siyang nakatanaw sa labas ng salaming pader. Titig na titig siya sa batang kumakain ng ice cream sa labas ng boutique. 

Lumingon siya sa akin at ngumuso. "Wendy, bilisan mo na."

"Sandali lang, ito na."

Sumandal siya sa sofa at parang naiiyak na. "Ang arte arte." aniya habang nakabusangot at pinapadyak ang paa sa sahig. Sinapo ko ang noo ko habang nagpipigil ng ngiti. This tall and well-built man in front of me is throwing tantrums but he's too cute to be taken seriously.

Nagtungo ako sa fitting room at pumasok sa isa sa mga cubicle doon. Paglabas ko ay lumapit ako sa kaniya. Nag-angat naman agad siya ng tingin at pinagpahinga ang kamay na may hawak na magazine sa kaniyang hita.

"Maganda?"

"Mukha kang hanger." Seryoso siya pero hindi niya rin napanindigan. Humagalpak sa tawa habang hinahampas ang magazine sa kaniyang hita. Siraulo.

"Tss.." Umirap ako at ngumuso.

Tinuro niya ang isang mannequin. "Mas bagay sayo 'yun." 

Isa iyong off-shoulder jumpsuit. 

"Peach" He added and smiled knowingly. Of course, he knows my favorite color too. 

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Lumapit ako agad sa isang assistant at tinuro ang damit sa mannequin. "Miss, I'll try that one.."

"Okay, Ma'am." Lumapit siya sa isang mahabang rack at kumuha ng damit na kaparehas ng nasa mannequin. "Ito po, Ma'am." Sinukat ko ito kaagad at paglabas ko at lumapit ako kay Julius. 

"What do you think?" Malawak ang ngiti ko dahil nagustuhan ko rin talaga ang damit.

"Wendy."

Lumingon ako agad sa gilid kung nasaan ang entrance ng boutique. Mestizo, matangkad at gwapo kaya pinagtitinginan ngayon si Renzo na naglalakad na palapit sa amin. His authoritative and manly aura have made the women around set their eyes on him. Screaming of wealth and power, he lowered his gaze on my bare shoulders.. but didn't speak. 

I looked at him with equal confidence. "What are you doing here?"

My pride is taking over. I don't want to look inferior in front of this people so I chose my language. 

"Bakit? Natatakot ka bang nahuli kita?" Though he.. doesn't care about the language. Maybe he knows, with what language he use, if he wants you to be scared, you will be fucking scared. 

Dali-daling umiwas ng tingin ang iilang tao na narito at bumalik sa kaniya kaniyang ginagawa but I know that their ears are still on us. 

Hindi ako nakasagot. I am not sure what he's talking about. Lumingon siya kay Julius bago binalik muli ang tingin sa'kin.

"Kailan mo pa ako niloloko?!" Lumakas ang boses niya na ikinabigla ko. 

Muling nagtinginan ang mga taong narito. Ang dalawang tila teenager pa ay dali-daling lumabas ng boutique. Ang mga saleslady naman na narito ay nagpa-panic na rin. 

What the fuck is he doing?! "He's just my friend, Renzo. Ano bang ginagawa mo?" Pinilit kong maging kalmado kahit hiyang hiya na ako sa mga pinagsasabi niya. Maging si Julius ay natulala sa gulat.

"You.. cheating slut." 

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Unti-unting bumagal ang tibok ng puso ko. Shame consumed me not because I am guilty but it' obvious that he's making a scene by telling lies! 

Maybe, gumaganti siya sa ginawa ko kagabi. Fuck. 

I moved closer and toned down my voice. "Nakakahiya ka, Renzo. Huwag kang gumawa ng eskandalo." 

"You cheated on me." He said with finality. Like that's what he wants these people to believe. Though.. I admit, with that baritone voice, his lies are very convincing!

Nawalan ako ng sasabihin dahil hindi ako makapaniwala. Tumayo agad si Julius at lumapit sa amin. "Mr. Solivares, wala kaming ginagawang masama-"

"Kukunin ko na ang asawa ko!"

Hinila niya ako doon kaya nagpumiglas ako. "Hindi ko pa nababayaran 'to! Let me go!" 

Binitawan niya ako at mabilis na nilabas ang kaniyang wallet. Dumukot siya ng ilang bills doon at inabot sa saleslady na nasa kaniyang gilid.

"What the hell are you doing Renzo-"

Agad niya akong hinila muli at hanggang sa labas ng boutique ay sinusundan kami ng tingin. Pinilit kong magpigil ng galit hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binitawan niya ako pero bago pa siya makasakay sa kotse ay hinila ko na siya. "Ano bang problema mo?! Nababaliw ka na ba?!"

I screamed on the top of my lungs. Never minding if someones hears us or if ever a paparazzi is just wandering around.

He smirked looking like a total high school jerk, both hands slid inside his pockets. Nasapo ko ang noo ko habang pinipilit na kumalma. "That's too embarrassing! Ikaw ang totoong nagloko sa ating dalawa so what the fuck did you just do?!" 

Sa pagkakaalam ko'y naiinis ako pero kusa nang nangilid ang luha ko. I am so fucking frustrated. This situation and his dirty schemes are draining all my energy.

He tilted his head sideways. Like he's waiting for my tears to fall but I managed not to blink for few seconds just to prevent it. "Renzo naman.. Tama na.." My voice cracked as tears stream down my cheeks. 

The anger I am feeling earlier subsided. But guilt and pity for myself is now consuming me. I want to slap him as hard as I could but staring at his eyes, just made me want to beg for forgiveness. 

"Alam kong hindi mo na ako kayang mahalin ulit pero sana mapatawad mo 'ko.. I'm sorry.. I know.. you can't love me anymore but I.. I still hope for it.." Hindi ko alam kung anong punto ng mga pinagsasabi ko. Alam kong hindi niya na ako mamahalin ulit pero umaasa pa rin ako. Ang tanga lang. Ang tanga tanga lang.

Umiling siya at saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. "You're selfish. Walang magmamahal sa'yo." Saka siya tuluyang tumalikod. I lost all my strength kaya napaupo ako sa sahig habang yakap-yakap ko ang sarili ko.

Lumingon ako sa gilid ko nang may mag-abot sa akin ng panyo kasabay ang pagharurot ng kotse ni Renzo palayo. Natanaw ko si Julius na nakasquat sa gilid ko. "Bakit ka nagtitiis? Is he worth it?" 

I stared at him for a while. "I don't know."

"E, bakit ka nga nagtitiis?"

"May kasalanan ako sa kaniya."

"Kaya hinahayaan mo siyang saktan ka ng ganyan?"

"I deserve this."

He laughed hard. "So we have a martyr wife here then?"

Umismid ako. "Ayos na sa akin. Kung gusto niyang ibaling ang lahat ng galit siya sa akin ay tatanggapin ko. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito, kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko. Kung kaya ko lang kunin ang lahat ng hinanakit niya, kukunin ko."

His eyes narrowed. Tila hindi makapaniwala sa desperasyon ko. "Are you really that willing to carry his burden for him?"

"Yes. If that's what it takes para lang mabawasan kahit paano ang galit siya."

"This love is unhealthy, Wendy. Save yourself."

Pag uwi ko ay himalang nauna sa akin si Renzo. Nanonood siya ng TV at ni hindi man lang ako nilingon. Gusto ko nang magpahinga agad kaya dumiretso na ako sa kusina para magluto. Pumasok rin siya sa kusina para kumuha ng maiinom.

Hinarap ko siya ng mabuti. "May dadaluhan akong reunion bukas. Pwedeng magdala ng isang guest ang bawat dadalo, gusto mo bang sumama? Masaya doon."

"Wala akong interes sa ganyan."

Ngumuso lang ako at kahit inaasahan ko na itong sagot niya, nalungkot pa rin ako. "Hindi man lang ba natin susubukang makisama ng normal sa isa't isa?" Hindi na siya sumagot at nagtungo na pabalik sa sala. Napabuntong hininga ako. Obviously, no casual treatment for you, Wendy.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019