Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

White sand and pristine water, iyan ang ipinagmamalaki ng Calaya Resort dito sa Bicol. Importante kay Dad at sa OC ang resort na ito. Dahil ang may-ari nito ang kauna-unahang resort na nagawan ni Dad ng advertisement almost 30 years ago, kaya rin nakilala ang OC.

Kumpara sa unang punta ko rito noon. Mas marami nang puno at maliliit na kabahayan sa paligid. Marami ring local businesses ang makikita rito especially souvenir shops at mga gumagawa ng sand art bottles.

"Look." Inabot sa akin ni Julius ang isang bote na may sand art. Inikot ko ang bote para makita ang kabuuan. Ang sand art sa bote ay ang itsura ng sunset kapag narito ka sa resort kung saan ang araw ay mapaggigitnaan ng dalawang isla. 

"Ang ganda." Nilapag ko itong muli at kinunan ng litrato.

"Wendy. Start na tayo." Tinawag kami ni Direk Mikey kaya lumapit kami agad sa kanila. Nagkaroon muna ng briefing sa mangyayari, pinakita ulit sa amin ang story board kahit napag-aralan na namin ito sa Manila. 

Ang unang kinuhanan ay ang mga batang gumagawa ng sand sculpture. Humanap ako agad ng anggulo at kumuha ng mga litrato. Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa mga bata at hindi ko na napansin ang lightsman na nasa tabi ko kaya muntikan na akong matumba.. pero nasalo ako ni Julius. Agad kong naitikom ang aking bibig para hindi kami makaistorbo sa pagkuha ng video.

"Thank you." I whispered. Mabilis naman na dumapo ang tingin ko sa taong nasa likuran niya lamang. Nakatayo roon si Renzo na masamang masama ang tingin. Kunot ang kaniyang noo at salubong ang dalawang kilay. "Back to work." Aniya. Umayos ako agad ng tayo at naghanap ng bagong anggulo.

"Cut!"

Lumapit si Direk sa mga bata habang ako ay inayos ang settings ng aking camera.

"Okay.. ready.. "Rolling! Go kids." 

Inangat ko ang aking tingin sa dalawang bata at laglag ang panga ko nang makita ang ginawa nila. Kumuha sila ng buhanging may kulay at ihahagis iyon sa sculpture. Mabuti at inulit nila kaya nagawa ko itong kunan ng litrato. Saktong sakto habang nasa ere pa ang buhanging may iba't ibang kulay. 

I was speechless. The sculpture says "Calaya Resort" with a unicorn theme. Medyo taliwas sa theme ng commercial but we're too stunned to even complain about it. Wow! Lumapit na si Faye para dalhin ang bata sa tent kung saan nag-aabang ang kanilang mga magulang. May nakahandang pagkain doon at ang bayad para sa nagawa nila. 

"Next time, you should focus more. Kung hindi inulit ng mga bata ang ginawa, hindi mo 'yon makukunan." Renzo's thunderous voice echoed in my ears. Nagtinginan ang mga staff sa paligid pero nang lingunin ko rin sila ay agad silang umiwas ng tingin at bumalik sa pagliligpit ng set.

Hinarap ko si Renzo. His eyes are threatening. I really want to talk back but I know his skill when it comes to argument. There's no way he'll lose it at sa huli ay mapapahiya lamang ako rito. Ako! Ako na tagapagmana ng kumpaniyang ito! I sighed and walked away.

Nang magtanghali ay masyado nang tirik ang araw kaya nagpasiya kaming bumalik muna sa resort. Tulong tulong naman ang mga staff sa pagluluto ng tanghalian. Hindi ko na maiwasang kunan ng litrato ang mga cameramen at lightsmen na nagsama samang mag-ihaw habang ang iba ay nag iipon ng kahoy para sa bonfire mamaya.

Saktong sakto ang pinagsamang usok, sinag ng araw at ang asul na dagat sa likod. The irritation from the smoke and sun complemented very well to the calmness and serenity of the sea.

Inabutan ako ni Julius ng inihaw na hotdog. Natawa naman ako at tinanggap iyon. "Lagot ka, hindi pa nagtatanghalian dumudukot ka na 'don." Saka ko tinuro ang ihawang puno ng seafoods at barbeque.

"Ikaw naman kakain e, ikaw ang pagagalitan."

Inirapan ko na lang siya. Pasaway. Gutom na rin naman ako kaya kumagat na ako pero hindi niya ako nasabihang mainit pala 'to! Pinaypayan ko ang aking bibig at kumagat ng mabilis para madurog na ang pagkain. "Kukuha ako ng tubig, sandali." Nagmadali siyang pumunta sa kusina. Habang ako ay hawak ang labi kong mahapdi.

Narinig ko ang kung anong bumukas. "Here." Sa aking gilid ay naroon si Renzo na inabutan ako ng malamig na bottled water na wala nang takip. Mahapdi ang dila ko kaya kaysa mag inarte ay tinanggap ko na.

"Ito oh. Nanghingi pa ko ng yelo sa kabilang cottage, buti mabait sila-" Natigilan si Julius nang matanaw niya ang bottled water na hawak ko. 

Ngumiti siya at saka inangat ang baso. "Sabi ko nga akin na lang to, e. Cheers." Saka niya iyon ininuman. Hindi ko na napigilang matawa. Lumingon ako kay Renzo pero bigla na siyang naglakad paalis.

"Ma'am, Sir! Kain na ho tayo!" Ang sigaw ni Kuya Delfin.

Dinala nila ang pagkain sa lamesa kaya sabay-sabay na kaming kumain. Sa hapag ay nahuhuli kong sumusulyap sa akin si Renzo pero ayaw kong isipin niya ring sinusulyapan ko siya kaya pinirmi ko ng tingin ko sa aking pagkain.

Nang matapos magpahinga ay saka kami bumalik sa trabaho. Ang sunod na kukuhanan ay ang mga shop na itinayo ng mga locals dito.

Kinausap din ang locals tungkol sa script at daloy ng footage. Tagaktak na ang pawis ng lahat dahil tirik ang araw kaya nanatili muna ako sa loob ng isang souvenir shop at kinunan ang mga dream catcher na nakasabit sa kisame.

Dumating si Julius at inabutan ako ng pamaypay. "Thank you. Ang init pala rito."

Nilingon ko ang mga staff at mukhang handa na silang lahat kaya lumapit na ako. Nangawit ako sa pagpapaypay kaya kinuha ni Julius ang pamaypay sa akin. "Akin na." Saka niya ako pinaypayan.

"Okay, Three, two.. rolling!" Kinunan ang ilan sa mga souvenir shops habang ang scene ay may pamilyang namimili roon. May drone din sa itaas na inanggulo para sa scene na ito.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako paatras. Paglingon ko, nakatayo na si Renzo sa gilid ko habang nakahawak pa rin sa kamay ko at diretso ng tingin sa set. "Mahahagip ka." Tinuro niya ang camera na tinutulak mula sa camera dolly. Saka siya tumayo at pumwesto sa pagitan namin ni Julius.

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkuha ng litrato. Pero napalingon ako sa gilid ko nang makaramdam ako ng malakas na hangin. Nagulat ako nang nakatutok na sa akin ang maliit na portable fan na hawak ni Renzo.

"O-okay lang ako." Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi man lang niya ako nilingon.

Nakatapak ako ng sea shells at agad na nakaisip ng ideya. "Julius." Lumingon naman agad siya sakin at lumapit. "Pahawak muna 'to." Saka ko inabot ang camera na hawak ko.

Pinatong ko ang mga shell sa isang maliit na sand castle na ginawa rito at kinunan iyon habang ang background ay ang hilera ng mga souvenir shop sa likod. Inayos ko ang focus para hindi masyadong mag-blur ang background.

"You should add these." Mula sa pagkakaupo ko ay tiningala ko si Renzo na nilapag ang pearls sa tabi ng mga shell. "Totoong pearls yan?" 

Nagkamot siya ng ulo. "No. Kinuha ko lang sa isang shop."

Inayos ko lang ng kaunti ang pwesto ng mga pearls at saka ko kinunan ulit.

"Did it help?"

"Yes." I smiled. Narinig ko namang tumikhim si Julius sa tabi ko. "Magpapalit na ng scene. Tara na doon." Tumango ako at nagulat ako nang sabay sila ni Renzo na naglahad ng kamay. Sa pagkalito ko ay hindi ako nakasagot agad pero nakita kong kumunot ang noo ni Renzo at nilahad ng mas malapit ang kamay niya. "Akin na ang pearls, hindi ko binayaran yan kaya ibabalik ko na."

"Ah, okay." Kinuha ko agad ang pearls at inalis ang mga dumikit na buhangin. Saka ko ito inabot sa kaniya pero nagulat ako nang pagkatanggap niya ng pearls ay agad niya ring hinila ang kamay ko!

Halos mahulog ang puso ko nang mabitawan ko ang aking camera. Sa sobrang pagkataranta ay kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Renzo at hinanap ko agad kung saan iyon nahulog. I sighed in relief nang makitang nasalo iyon ni Julius.  "Damn it! Hindi pwedeng magasgasan 'to. May sentimental value sakin ito, e."

Ngumiti si Julius at saka kumindat. "Para saan pang nandito ako diba? I'm your savior." Natawa ako nang iangat niya ang kaniyang braso para ipagyabang ang magandang hubog ng kaniyang braso. Ngumiti rin ako at saka tumango. "Thank you."

Tumikhim si Renzo. "Ikaw na ang magbalik." Saka niya padarag na nilagay ang pearls sa kamay ko at naglakad palayo sa amin. Mas mainit pa ang ulo niya kaysa sa sikat ng araw!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019