Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko siyang kumakain. Siya mismo ang nagluto ng almusal pero natigilan ako sa lamesa nang mapagtanto kong nagluto lang siya ng para lang sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo nang mapansin ang pagtitig ko. Napabuntong na lang hininga ako at saka lumapit sa cupboard.

"Magluluto ka na lang, hindi ka pa nagluto ng para sa dalawa."

Fuck. Sa isip ko'y agad kong nasapo ang noo ko. I'm supposed to use our days together para mahingi ang pagpapatawad niya pero hindi ko talaga mapagkasya sa maiksi kong pasensya ang mga ganitong kilos niya.

"Ang aga aga, Wendy."

"Kasi kung umasta ka, para kang namumuhay mag-isa."

"Kung gusto kong mamuhay mag-isa, wala dapat ako rito, stupid."

Napanganga ako at humarap sa kaniya kahit nakatalikod siya sa'kin. "I'm not stupid. I can be crazy but I'm not stupid." Umirap ako at naglagay ng mainit na tubig sa cup noodles, nawalan na ako ng ganang magluto. 

Agad akong dinapuan ng pagsisisi. Hindi ko na dapat siya inaaway dahil lang sa maliliit na bagay tulad nito. He's right, I'm stupid. Kumuha ako ng tubig sa fridge pero saktong pagharap ko ay nasa likod ko na siya! Tumapon sa kaniya ang tubig na nasa basong hawak ko. Damn it!

Natulala ako sa gulat pero agad akong napabalikwas ako nang bigla niya akong sigawan. "Kumuha ka na ng damit ko 'ron!" Mabilis kong inilapag ang baso sa lamesa at umakyat sa taas para kumuha ng tuwalya at pamalit niya. Pagbaba ko ay agad siyang nagtanggal ng suot, umiwas ako ng tingin habang kinukuha ang inabot niyang basing damit.

"Gagabihin ka ba ulit?"

"Wala kang pakialam." Padabog niyang hinagis ang tuwalya sa sofa at pinulot ang neck tie sa coffee table. Muli akong huminga ng malalim. Kalma, Wendy. He's mad, he's really fucking mad, 'wag mo nang gatungan pa.

"I just want to know. Of course.. I'm your wife." I just used my softest voice para lang hindi siya mairita. Tamad ang tingin niya sa akin habang kinakabit ang kaniyang neck tie.

"Yes. You're my crazy desperate wife." Nanlaki ang mga mata ko at hindi na nakasagot. Tila hiniwa ng mga salitang iyon ang puso ko. "That's offensive.. Renzo."

Imbes na sumagot ay iniba niya ang usapan. "Kunin mo ang bag ko sa taas."

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa kwarto. Akala ko'y kaya kong tiisin pero hindi ko na napigilang maiyak. Kailangan kong mas matutong magpigil ng luha sa susunod. Mugto na nga ang mata ko dahil sa away namin kagabi, hindi pwedeng pumasok ako sa trabahong ganito ang mata ko. Pagbaba ko ay agad kong inabot ang bag niya pero tumitig siya sa akin ng ilang saglit.. "Stop crying. You're making my insides turn."

"Kung ayaw na ayaw mo pa lang ikasal sa'kin, sana hindi mo na tinanggap 'yong 50 million!" 

Fuck! Ito na naman ako. Bakit hindi mo mapigil ang bibig mo, Wendy?! Ang tanga!

Halos mamutla ako sa takot nang bigla siyang lumapit at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Umatras ako hanggang sa maramdaman ang sofa sa likod ng aking tuhod.

Nanlilisik ang mga mata niya habang ang leeg ay namumula sa galit.. "Hindi ako pwedeng makulong dahil hindi pa ako tapos sa inyo. Babawi pa ako para sa nanay ko. Binigay ko na ang kasal na gusto mo pero ang commitment? You don't deserve it."

My heart sank at his every word. He really hates me. "Alam kong galit ka. But you're not like this noong inaasikaso pa natin ang kasal. What happened to you?"

Binitawan niya ako. Tamad na dumantay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang balakang.. "Your mother told me everything. Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa ng daddy mo ang lahat ng ito. He gave you everything you wanted, every single thing you wanted! And it cost my mother's life!"

Tila umurong na ang dila ko dahil wala na akong masabi.. Halos sumabog ang puso ko sa sakit habang nakikita ko ang namumula niyang mga mata. Oh my God.. 

"Your mother asked for forgiveness. She wanted me to forgive you for being irresponsibly in love and for your dad's immorality.." He laughed sarcastically and stared at me as he caress his jaw with his index finger... "But no one's forgiving anyone. Magdusa tayong lahat."

Saka siya naglakad palabas ng bahay.. Now I have no idea how to calm this aching heart. It hurts like hell.

Bumuntong hininga ako at naglagay ng concealer para matakpan ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko. Pagpasok ko sa opisina ay naabutan ko ang isang pamilyar na lalaki. Nang humarap siya ay nakumpirma ko kung sino. "Julius?" Lumawak ang ngiti ko at niyakap siya agad. "Nandito ka na pala sa Manila?"

Nagkibit balikat siya at kumindat. "The future Philippine President is back." Umirap ako at saka naupo sa swivel chair ko. "Bakit hindi ka nagpasabi? Sana nasundo ka namin ni Gigi sa airport."

 Umismid siya. "Si Gigi pa nga lang hindi ko na kaya, magsasama pa kayong dalawa?" 

Laglag ang panga ko habang hindi mapigilan ang naglalarong ngiti. "Excuse me? Ikaw ang hindi namin makayanan!.Talagang sinundan mo si Emily sa Macao para lang makahingi ng second chance?" 

Natawa siya at saka umiling habang hawak ang name plaque ko. "Pagdating ko doon, pinayagan niya pa ako na subukan namin ulit pero ilang araw lang, hindi niya na talaga maatim na makita ako. Kapag ako naging presidente, bawal na mga paasa dito sa Pilipinas."

I laughed at his bitterness. "Will you stay for good, then?"

"Siguro. I applied. Senior Accountant."

"Here at OC?"

"Uh-huh."

I smiled. "We should celebrate!" Hinila ko siya patungo sa elevator. "Let's surprise Gigi."

Pagdating namin sa opisina ni Gigi ay gulat na gulat din siya. Nakilang hampas ito sa braso ni Julius habang hindi makapaniwala. "Ang gwapo gwapo mo na!" 

Nagkwentuhan kami habang papunta sa isang sikat na kainan na madalas naming puntahan noong college kami. Dito sa kainan na ito kami unang nagkakilala dahil hindi naman kami magkakaklase noon.

Madalas din kami rito dahil nabibili namin dito ang mga paborito naming pagkain. Hindi ito kalakihan at hindi rin ganon karami ang tao pero that's a good thing dahil mas peaceful ang paligid.

We ordered and waited for our food pero sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay napawi ang ngiti ni Gigi at tumalim ang kaniyang tingin sa kung kanino. "Wow, nandito na rin sa Manila si Emily?"

Sabay sabay kaming lumingon sa lamesang tinitignan niya. Si Emily nga iyon, sobrang puti at nakasuot ng pulang dress. Birthday?

Lumingon si Emily sa likod niya at halos lumubog ang puso ko nang makita ko si Renzo na ipinaghila siya ng upuan. The fuck is going on? "Tangina, ang bilis ng linta." I heard Gigi with her brow shot up.

Uminom ako ng tubig para ibsan ang tila pagpunit ng bawat sulok ng puso ko. Bumaling ako kay Julius nang haplusin niya ang kamay ko.. "Are you okay? Namumutla ka."

Umiwas ako ng tingin. "E, ikaw? Are you okay? May kasama nang iba si Emily." I sais.

Ngumiti siya at umiling. "She does not affect me anymore. We're done."

Umiling iling si Gigi habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Emily at kay Renzo. "Bakit pa siya nakikipag date ngayong kasal na siya? Ang lakas ng amats ng asawa mo." Napalingon ako kay Gigi na pinanlakihan ko ng mata.

Shit, wala pa naman akong balak sabihin ngayon kay Julius ang tungkol sa pagpapakasal ko. This day is supposed to be for the three of us. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Julius sa aming dalawa ni Gigi. "Asawa? Hindi kami kasal ni Emily."

Umirap si Gigi. "Assumero, hindi ikaw. Si Wendy, asawa niya yang kasama ni Emily e."

Nanlaki ang mga mata ni Julius kaya umiwas na lang ako ng tingin. "Si Renzo Solivares? Asawa mo?"

"We just got married for convenience. Nothing personal." Mas lalong naguluhan si Julius habang si Gigi naman ay napanganga. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Asawa mo yan, Wendy. Ipagdamot mo!" Napapikit ako sa pagtaas ng kaniyang boses. Sana hindi iyon narinig nila Renzo. Saglit akong bumaling sa kanila at muling nilingon si Gigi.

"Gigi, stop it." Ngumuso na lang ako at yumuko. Alam kong naguguluhan si Julius, hindi niya alam na naging kami ni Renzo noon at hindi niya rin alam na asawa ko na siya ngayon – sa papel. 

Huminga ako ng malalim dahil naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y iiyak na ako anumang oras kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain nang dumating na ang waiter. Damang dama ko ang pagtitig ng dalawang ito pero hindi na lang ako umimik. Imagine the love of your life dating someone else, I shivered in pain.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019