Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

I decided na hayaan si Renzo bilang CEO ng OC. As expected, he managed to keep OC's place on top. OC is still the largest and most renowned advertising company in the country. Though noong una, akala ko'y hindi seseryosohin ni Dad ang ideyang ito pero itinuloy niya pa rin. 

Hindi naisip na baka someday, pabagsakin ni Renzo ang OC. Ngunit kung may balak mang ganoon si Renzo, he has OC's fate on palm of his hands for five years, why is it not happening yet? Hinihintay niya bang makabalik ako just so I could see our company crumble before my eyes? Or maybe just like me.. naisip niya siguro ang mga mawawalan ng trabaho kapag bumagsak ang OC.

I also decided na maging photographer na muna dahil ito naman talaga ang gusto kong gawin. I'm gonna take pictures for the magazine.. I'm excited. Wala naman akong narinig na reklamo kay Mom at Dad. Maybe they're both guilty.. I don't know.

Pagdating ko sa lobby ay natigilan ako sa paglalakad nang salubungin ako ni Renzo. I looked at him from head to toe. Before, he's just a simple content creator but he already look like an executive. But now that he's already an executive, his looks and aura are more captivating. 

Employees greeted him as he walked past them. His gaze that is focused only at me were too serious that I can't read what he's thinking. Tumigil siya sa harap ko. "I'm gonna take you to your department."

My brows furrowed. As much as I can, I want to have less interaction with him and when I say less.. I mean as less as possible.

"There's no need. Kabisado ko ang OC."

He smiled at saka nilahad ang kaniyang kamay sa daan. "I have to introduce you to your colleagues. Most of them are new.. so they will see you for the first time."

Nagtungo kami sa Material and Publishing Department at saka niya tinawag ang atensyon ng lahat. Kaya ang mga empleyado ay tumayo mula sa kani-kanilang cubicle habang binabati si Renzo.

"Good morning, Sir."

"Good morning, Mr. Solivares!"

"Good morning, Mr. CEO."

Ang ilan ay nagtataka sa aking presensya habang ang ilan ay nakikilala ako at nakikilala ko rin.

"Good morning, everyone." Renzo's hand gently caressed my back. His touch sent me shivers but I never showed a trace of my reaction. Even a trace of my racing heart!

"Everyone, we have here today Miss Wendy Feriol, the daughter of Mr. Henry and Mrs. Tamara Feriol."

Sunod sunod ang pagbati galing sa mgs empleyado kaya ngumiti na lamang ako at tumango sa iilan.

"You'll see more of her in this department as she assume the position of one of the senior photographers. I hope you all get along.."

"Pero Ma'am, bakit mas napili niyo pong maging photographer kaysa CEO?" Napabaling ako kay Santi.. kilala ko siya, isa sa mga loyal na empleyado ng OC.

"Photography is my passion. I'll take over OC soon pero sa ngayon, I think I'm fine here."

"Oo nga, Ma'am! Ang gaganda po ng mga kuha ninyo. Bumibili po ako ng magazine ng Bon Voyage!"

"Sikat na sikat na rin kayo kahit sa ibang bansa, Ma'am!"

"Welcome back, Ma'am! Akala po namin hindi na kayo babalik dito sa Pilipinas."

"Welcome to the our department, Miss Feriol!" 

Nagpalakpakan silang lahat kaya ngumiti ako at bahagyang yumuko. Their warm welcome is too overwhelming. Maybe because most of them are new so they're really delighted to meeting me for the first time.

Sabay kaming lumabas ni Renzo pero sa tapat ng lift ay hinarap ko siya. "Hindi mo na ako kailangang ihatid sa baba." I know that the office of the CEO is on the 28th floor. It'll only be a hassle for him.

Saglit siyang tumitig sa akin. "Kailangan ko ring bumaba. I have a client meeting somewhere." 

I froze. Damn! "Oh.. okay." 

Nilahad niya ang kaniyang kamay nang bumukas ang lift. Pagbaba namin sa ground floor ay nagulat ako nang makasalubong namin si Emily.

"Hello.. Miss Feriol." Ngumiti siya at saka kumindat. Her dark aura last time was gone. Really Emily? How many masks do you wear everyday? 

Lumingon siya kay Renzo. "Can you give us a minute?"

Tumango rin si Renzo. "I'm leaving anyway. You two catch up." Saka siya naglakad palayo.

Catch up? What? What are we, friends? Ang kapal ng mukha mo, Renzo! She's your mistress and you want me to catch up with her? You insentive bastard!

I tried to calm myself. Hindi kami kasal, alright. But that doesn't change the fact that he deliberately cheated on me! Catch up??? 

I faced Emily. "What do you want?"

"Wala ka pang isang araw dito sa OC, nakadikit ka kaagad sa asawa ko."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. This woman is in my territory, how dare she talk like this to me? 

"You look so insecure. Nasa 'yo na nga e, ano pang pinoproblema mo?"

"Dahil kilala kita. I know you'll do everything para kunin ang dapat sakin. College pa lang talaga, ganyan ka na."

Eww? She sounds like a hurt teenager.

"Bakit? Ako ba ang nang-agaw ng asawa ng iba?"

"You're not married in the first place."

"Tss, pyschotic bitch."

Her eyes widened.. I smirked. Hindi siya nakasagot kaya iniwan ko na siya roon at naglakad palabas kung saan naghihintay ang valet.

The next day, medyo awkward pa dahil nahihiya sa akin ang supervisor at ang general manager but I told them not to. Nabigyan naman ako agad ang assignment. I have to join this certain team na pupunta sa Bicol para sa gagawing promotion ng pinakamalaki at pinaka engrandeng resort doon. I'm excited.

But I didn't expect na kasama pala si Renzo! Noong ako ang CEO, hindi naman ako sumasama kahit kailan kapag nagshu-shoot ng advetisement pero si Renzo ay hands on daw talaga. Minsan daw ay sumasama si Renzo sa pagdi-direk at paged-design ng production dahil artistically inclined na talaga siya noon pa.

Kasama ko si Gigi at si Julius sa cafeteria nang mag-lunch na. Nilapag ni Julius ang dalawang order ng shawarma rice sa lamesa. "Hindi ko 'to mauubos."

"Tayo tayo na lang, huwag ka nang magpanggap." 

Inirapan ko siya habang siya ay tinawanan lang ako. "Ewan ko sa'yo."

Bumaling sa akin si Gigi. "Totoo ba 'yung nasagap kong balita? Sasama raw si Renzo sa Bicol?"

Magsasalita pa lang ako pero biglang sumabat si Julius. "Akala ko ba may usapan tayong hindi natin pag-uusapan si Renzo sa loob ng sampung taon? Pang limang taon pa lang ngayon."

Umirap si Gigi at saka umismid. "Ang KJ mo! Nakamove-on na 'tong si Wendy kaya pwede nang pag-usapan."

Ngumiti ako at saka tumango. "Ang sabi ng direktor ay sasama nga raw si Renzo. Malaking account ito kaya sasama siya para magbigay ng ideas. You know he's.. brilliant."

"Gusto ko ring sumama." 

Bumaling ako kay Julius nang hindi makapaniwala. Agad namang natawa si Gigi at mabilis na uminom ng tubig. "Huwag mo sabihing susundan mo rin sila sa Bicol?"

"What's wrong? Hindi ba pwedeng sumama ang CFO?"

Umirap si Gigi. "Ang yabang."

"Well.." Julius shrugged habang pinapagpag ang kaniyang balikat.

"You don't have to come. Mapapagod ka lang doon."

Mabilis na hinawakan ni Gigi ang braso ko."Naku! Tama si Julius. You should take him with you dahil pupunta rin si Emily. That woman's bitching everyone since she was hired!"

"Hired? She works here?"

"Hired by your ex-husband, 'te! Ang kakapal ng mga mukha! Pareho silang nawala for 6 months mula nang umalis ka. Hindi namin alam kung saan sila nagpunta. Si Renzo lang ang bumalik noong una, we concluded that they got married somewhere. May suot na wedding ring si Renzo pagbalik niya and guess what? Kapareho ng singsing niya noong kinasal kayo! Siraulo talaga! Then a year passed bumalik si Emily dito with their baby and then poof! That bitch was hired few days later and take note! She is now Renzo's secretary. Kagigil 'di ba?"

Napatitig ako sa kaniya. Anong karapatan ni Renzo na dahil ang babae niya sa kumpanya ko?! Napasandal ako sa aking upuan. Tila sa isang iglap ay gusto ko nang bawiin ang OC at paalisin silang dalawa sa lugar na 'to! 

I exhaled violently to calm myself. "I feel something odd. Sa tuwing naglalandas kami ni Emily, may mga sinasabi siyang hindi ko talaga maintindihan."

Julius shrugged too. "Baka nahirapan ka lang sumunod sa mga pangyayari. You're gone for five years. Maraming nangyari."

"Yep! Maraming nangyari! Their child-" 

My phone rang. Someone's calling but it' an unregistered number.

Julius nodded."Answer it."

"Hello?"

"I asked your number from your Mom." His baritone voice sent me shivers. It's just his freaking voice but my heart already went crazy. Calm down! 

"What do you want?"

"I'll fetch you tomorrow."

"Why?"

"You are informed about the project in Bicol, right?"

I chuckled in disbelief. "You're not my driver, Mr. CEO. Don't bother."



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019