Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




5 Signs Na Mafe-friend Zone Ka

Image Description @jamescaraan   |   05 June 2018


Boy: "I love you" Girl: "I love you too...as a FRIEND" Narrator: "At hindi na sila nagkita ulit." Audience: "Awwwwww :("

Mga pre, na-inlab na ba kayo sa mga tropa nyo? Yung tipong na-develop ka lang dahil lagi kayong magkasama. Tapos nung nagkaron ka na ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung feelings mo, na-friend zone ka! Ang sakit nyan mga pre. Dalawang beses kong naranasan yan. O ha! Di pa ko nadala sa una, pumangalawa pa ko. Tandang-tanda ko pa kung pano ako na-friend zone. Nung nagtapat ako sa kanya, wala man lang syang sinagot sakin, bigla na lang syang umalis. Habang naglalakad kami palabas ng school, sinabi ko sa kanya, “Chona, may sasabihin ako sayo. Hindi ko nga alam kung bakit ko naramdaman to sayo. Hindi ko to sinasadya pero gusto ko la---bakit bumibilis kang maglakad? Huy Chona, wait lang!” Tapos, sumakay na sya ng jeep. Wala na kong nasabi sa kanya kundi, “Huy Chona! Pa-Quiapo yan, pa-Cubao ka dapat!” Ang hirap wala kaming closure ni Chona kasi naligaw na sya sa Quiapo. Pero ngayon, alam ko na ang mga senyales kung mafe-friend zone ako. Syempre una dyan kapag sinabihan ka ng…


…I love you...as a FRIEND

Naku ang sakit nyan! Yung tipong umasa ka for 2 seconds tapos biglang binawi. Ikaw naman kasi e, magtatapat ka lang nagsabi ka kagad ng ‘I love you.’ Kahit ako magugulat din sa pinaggagagawa mo. Dahan-dahan lang kasi. Magsimula ka lang muna sa ‘I like you,’ para sagutin ka nya ng ‘I like you…as a FRIEND!’ O ayan at least hindi ganun kasakit. Pero bago ka magsabi ng ‘I love you,’ kailangan mo na malaman kung malapit ka nang ma-friend zone. Malalaman mo yan kapag ginagawa ka nyang…


…Shoulder To Cry On

Kapag punong-puno na ng luha nya ang shoulder mo, pre, wag ka nang magtangkang magtapat sa kanya ng feelings mo, dahil siguradong sa friend zone din ang punta mo. Kung ang mga problemang iniiyak nya sa shoulder mo ay tungkol sa mga boys, nakupo, ang lalim mo na sa friend zone, hindi ka na makaka-recover. Kung alam ko lang dati na ikasasama ko ang pagiging shoulder to cry on, dapat pala inuntog ko na yung mukha nila sa shoulder ko bago pa sila umiyak. O kaya habang umiiyak sya sa shoulders ko e, nagsho-shoulder press ako ng tig-50lbs na dumbbells, sabihin ko, “Sige babe iyak ka lang sa bumubukol kong deltoids.” Pero huli na ang lahat! Bukod sa iniiyakan ka sa shoulders, malalaman mong mapupunta ka sa friend zone kapag ginagawa ka nyang…


…Shopping Buddy

Kapag ikaw ang sinasama nyang mag-shopping, siguradong wala ka nang pag-asang maging kayo. Ang lalim mo na sa friend zone nyan. Dahil kung may pag-asa pang maging kayo, dapat pinapanood mo syang naghuhubad, hindi nagbibihis. Hindi ikaw dapat ang nagsasabi sa kanya kung ano ang susuotin, dapat ikaw yung nagsasabi kung ano ang huhubarin. Mas masakit pa dyan kapag tinawag ka pa nya sa fitting room at tatanungin ka, “Guuuuuurl! Bagay ba to sakin?” Shet! Tinawag kang “Guuuuurl!” Wala na pre, hindi ka na pwedeng magtapat ng feelings mo. Bukod sa “Guuuuuurl!” tatawagin ka din nyang…


…Beshie!

Kapag tinry mong mag-joke na tawagin syang “babe” at binalikan ka nya ng isang malaking “BESHIE”, ang sakit nyan, pre. Para ka nyang inapiran sa mukha. Ang hirap maka-recover dyan. Pero ang bait na nyang tropa mo ah, kasi binigyan ka pa nya ng warning. Sunod na warning nyan, tatawagin ka nyang MOMSHIE! Ibig sabihin lang nya, “subukan mo pa ulit tawagin akong babe, susungalngalin ko yang mukha mo!” Kaya wag ka na magtangka pang magtapat ng feelings mo sa kanya kung gusto mo pa ulit makitang buhay ang pagkakaibigan nyo. At kung mamalasin ka, ikaw pa ang tatanungin nya tungkol sa mga crush nya kung…


…Pogi ba sya?

Syempre, kanino pa ba sya magtatanong kundi kay beshie nya! Ang sakit nyan pre. Para kang pumipili ng kutsilyong isasaksak sayo. Tapos kapag nakapili ka na, ikaw pa mismo sasaksak sa sarili mo. Alam mo kung anong mas masakit pa dyan? Kapag nilista nya lahat ng boys sa classroom nyo, except sayo. Talagang pinapamukha nya sayong hindi ka nya type! Tinanong na ko ng ganyan e, tapos ang sinagot ko, “Mas gwapo pa ko dyan e!” Ayun, sinagot nya ko ng “Kapal ng mukha mo!” Dun ko naranasan yung tumatawa habang nagpipigil ng luha. Ang sakit!


Yan ang napapala talaga kapag na-inlab ka sa tropa mo. Kaya kung ako sa inyo, tigil-tigilan nyo na manood ng mga palabas na may mga ganyang tema. Pinapaasa ka lang e. At isa pa, kapag mabait ka talagang friend, friend zone lang ang pwede mong babagsakan. Kaya naniniwala talaga akong mas nakakakuha ng chicks ang mga bad boys. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018