Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Salaysay ng Damdamin

Image Description blue-BAErry   |   11 March 2019


Mga tulang sumasalamin sa nararamdaman ng ating damdamin

Bakit ba tayo kumakapit pa,

Kahit ang sakit sakit na?

Bakit umaasang magiging maayos pa,

Kahit hindi na talaga?


Bakit pinaniniwala ang sarili sa mga ito

Kahit hindi naman talaga sigurado

May pagasa pa nga ba?

O wala na talaga?


Mahirap, pero kakayanin

Nsasaktan, pero patuloy na mamahalin

Paulit-ulit nalang na yan ang sinasabi mo

Patuloy na umaasang may magbabago


Bakit puro puso nalang?

Kung pwedeng utak nman?

Utak nman ang sundin mo

Nang hindi ka na nasasaktan ng todo


"Masakit, pero mahal ko"

Yan ang sinasabi ng iyong puso

"Tama pa nga ba ito?"

Ang sinasabi ng utak mo


Ano ang mas matimbang para sayo?

Ano nga ba ang susundin mo?

Ang puso na nakakaramdam

O ang utak na nakakaalam


Kung paulit ulit nalang,

Away, bati, away nanaman

Kung lagi nalang nagkakasakitan

Bitaw na, at wag ng magalinlangan


Kung problema'y di matapos tapos

Mga luha sa mata mo'y patuloy na umaagos

Sakit sa puso mo'y tumatagos

Bitaw na, dahil hindi na yan maayos


Kung puro nalang pagdududa

Puro nalang tamang hinala

Tiwala sa isa't isa'y nawala na

Bitaw na, dahil wala na yang patutunguhan pa


Kung sa pagkakamali'y lagi nalang nagsisisihan

Kungpuro nalang malabong usapan

At hindi na nagkakaintindihan at nagkakaunawaan

Bitaw na, dahil wala ng katapusan yan


Kung una palang lagi ng ganyan

Puro problema at away nalang

Tigilan na, at tapusin na

Bitaw na, at wag ng patagalin pa


Sugat na sa puso mo'y maiiwanan

Sakit na iyong nararamdaman

Sa simula lang ganyan

Mawawala at maghihilom din yan


Mahalin ang iyong sarili

Mga problema ay isantabi

Ikaw ay sadyang mahalaga

At nararapat lang na maging masaya


Maging masaya na walang lungkot na nadarama

Maging masaya sa kung anong meron ka

Maging masaya sa kung ano ka

At maging masaya kahit na nagiisa


Dahil ang tunay na kaligayahan

Ay hindi lang sa kanya matatagpuan

Kung pipiliin mo ang maging masaya

Sasaya at sasaya ka kahit wala siya.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018