Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




NoInk’s Writer of the month: Cecile Cruz

Image Description NoInk   |   13 July 2018


The mysterious writer behind the stories of ElNella, DonKiss, KimXi, and more!

Do you believe in love at first sight? Why?


“Love at first sight, hindi. Crush at first sight, oo. Hindi mo naman mamahalin ang isang tao nang unang kita mo palang kasi dapat ma-develop `yon. Pero sa mga kwento ko ganun, ‘no? Pero sa totoong buhay parang hindi nangyayari ang ganun.”



Who was your first love, first heartbreak and how did you move on?


“My first love? Actually siya ‘yong napangasawa ko. (Ha-ha-ha-ha!) Dinala pa rin ako ni Destiny sa kanya after so many years na nagkahiwalay kami.”


“My first heartbreak? Paano ba? Wala lang pinagdaanan ko lang siya. After ng konting iyak, tinanggap ko din, acceptance lang naman ‘yon.”


Straightforward at realistic. Dalawang salita kung paano sinagot ni Cecile Cruz ang tanong tungkol sa pag-ibig sa totoong buhay. Ibang-iba `yon sa mga isinusulat niya pero deep inside,romantic at heart din siya. Naging reader din si Cecile Cruz. Kung hindi siya nagsusulat, malamang na nagbabasa siya. Ang unang novel na nagpaiyak sa ating author ay isang pocketbook na may pamagat na “Tanikalang Ginto. 


Why did you write My Nerdy Baby Girl?


“Isinulat ko ‘yong My Nerdy Baby Girl kasi feeling ko iba ang concept niya sa mga usual kong isinusulat.”



Where did you find your inspiration while writing My Nerdy Baby Girl?


“Ang naging inspirasyon ko habang isinusulat yung kwento ‘yong mga readers ko mismo, nung magustuhan nila yung kwento.”


Tell us something about My Nerdy Baby Girl?


“Ang nerdy baby girl ay kwento ng nerd girl na na-in love sa isang heartthrob sa school. Pangarap niyang mapansin siya ni Donny and lucky enough minahal din siya.”



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018