Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




NoInk’s Writer of the month: Cecile Cruz

Image Description NoInk   |   13 July 2018


The mysterious writer behind the stories of ElNella, DonKiss, KimXi, and more!

Si Ma. Cecilia Valderrama Cruz o mas kilala bilang Cecile Cruz ng kanyang mga readers sa NoInk ay isang simple at mapagmahal na may-bahay, may isang anak at nagmula sa Siniloan Laguna.

Hobby lang niya ang pagsusulat dahil may iba pa siyang profession. Ayon pa sa kanya, bata pa siya nang mahilig sa pagsusulat. Madalas pa nga siyang hindi nakikinig sa klase noong high school dahil abala ang isip niya sa mga kwentong bigla na lang sumusulpot sa kanyang isip.

Ang pagsusulat ng mga kwento ang naging paraan niya para i-express ang kanyang sarili. Usually tahimik at pinahahalagahan niya ang pagka-private ng kanyang buhay.

Pero hindi naman palaging seryoso si Cecile Cruz, in fact super dali niyang pasayahin. A simple joke from her family and friends makes her laugh at loud.

Her favorite movie was “Bride For Rent.” Everytime na mapapanood niya `yon naiiyak pa rin siya. Ang favorite niyang part sa movie ay ang scene ng dalawang matanda, na maaari mong malimutan lahat pero ang pagmamahal mo sa isang tao, hinding-hindi na mawawala.

Kapag hindi busy sa work at pagiging ina, basta hawak niya ang iPad, nagsusulat lang siya. Kapag kasama niya naman ang kanyang mga friends, nakikinig lang siya sa mga love stories ng mga ito and hoping na may mapulot na plot para sa next stories na isusulat niya.Description: https://ssl.gstatic.com/ui/v1/icons/mail/images/cleardot.gif


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018