Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Big Wave

Image Description @sariojulian   |   20 August 2019


Asula wants to be free from his evil boss, she is a prostitute And her miserable life will be save by this time traveler named, Wave Ocean Can the wave defeat the fire

Prologue

“MAY BAGO TAYONG site na pupuntahan, mga girls! Two days from now. Maghanda kayo ng mga gamit niyong dadalhin at mga damit niyong susuotin roon. Dahil mga bigatin ang mga magiging customers niyo. Huwag na huwag niyo akong ipapahiya, sa Time Gold Resort sa El Nido Palawan! Kayo pa naman ang mga pinagmamayabang ko roon na magagaling sa larangan ng pagma-massage! Kayâ, mga girls, galingan niyo!”

Sunud-sunod silang tumango na nasa bilang dalawampu na mga kababaehan. Tumaas ang kilay ng amo nilang bakla saka sila inirapan. Ngumisi ito saka pumalakpak.

“Good! I want to hear all your voice! Are we clear, girls?!” mataray nitong tanong na pasigaw.

Humugot silang lahat nang malalim na hininga saka nila ito sinagot nang malakas. “Yes, boss!”

Pumalakpak ulit ito saka ngumiti na nang pagkalawak-lawak. “Good girls! Hindi talaga ako nagkamaling piliin kayong bente! Malaki ang magiging kita natin sa raket natin na ito, kayâ, tandaan niyo ang mga bilin ko. Hala! Magsikilos na kayo at mag-beauty rest! Mas maganda iyong fresh na fresh kayo pagharap sa mga customers bago ang dalawang araw.”

Iwinasiwas nito ang dala na pamaypay saka maarteng pumaypay sa harap nilang lahat. Tumalikod ito sa kanila saka pakinding -kinding na lumakad papalayo. Nang mawala na ang bakla sa kanilang paningin lahat ay napahinga sila nang maluwag at nagsimulang magbulungan.

“Paniguradong tiba na naman siya nito. Akalain mo iyon tayo ang nagtatrabaho tapos siya tumatanggap lang ng pera? Tapos ang ibibigay lang sa atin eh, kaunti lang? Wala talaga siyang puso.”

“Naku sinabi mo pa, Glenda. Mukhang hindi ka naman nasanay sa boss natin.”

“Ah, basta ako magpapahinga na lang na muna ngayon. Dahil paniguradong mapapagod ako sa darating na araw, pagkatapos ng dalawang araw simula ngayon.”

Kumibit-balikat na lamang si Asula sa mga usapan ng kaniyang kasamahan. Wala na siyang pakialam pa sa mga pinag-uusapan ng kanyang mga kasamahan. Lumakad na siya sa isang silid kung saan apat silang nagmamay-ari no’n. Siya, si Lena, Casy, at Mona.

Naramdaman niyang may humabol sa kaniya at tumabi. Nakilala niya agad ito dahil sa base ng amoy nitong gamit.

“Wala bang panibagong plano?” tanong nito sa kanya.

“Wala tayong dapat na i-plano sa mga oras na ito, Mona. Alam mo namang mahigpit ang mga guwardiya sa buong mansyon na ito. Natatandaam mo ba noong una nating sinbukukang tumakas, muntik na tayong mahuli. Mabuti na lamang at may plab B tayo.”

Tumango-tango ito dahil sa sinabi niya. Nakasunod na rin sa likod nila sina Casy at Lena. Silang apat ay parehong gusto nang makatakas sa parusa ng buhay na ito. Gusto na nilang mabuhay nang normal at tahimik.

Pero mukhang pinagkait talaga iyon sa kanila. . . ang ganoong pamumuhay. Siguro talagang ipinanganak sila para sa gawain na ito. Sadyang hanggang dito lang siguro sila at hindi na makakatakas pa.

Habang buhay na lamang silang mga bayarang babae na hindi naman nila ginusto. Noong una, nakakatakot at nakakasura. Pero nang tumagal na’y natanggap na nilang apat. Unti-unti na nilang sinisikmura. Kahit na kailan, hindi na siguro sila liligaya.

“Were in jail. No one can escape,” malamig na turan ni Asula sa kasamang tatlo sabay sara niya ng pinto ng kanilang silid na apat.

“I CAN GIVE YOU this whole, man. Just buy it,” wika ng isang matanda sa isang lalaki na nakasuot ng isang itim na jacket hanggang sa paanan nito ang haba.

Mukhang negosyante ang matandang lalaking nagsasalita sa kanyang haraoan dahil sa paraan ng  pananalita nito. Ingles.

Umiling siya saka ngumiti rito. Kahit na anong pilit nito sa kanya ay hindi niya mabibili ang isang bagay na iyon. Wala siyang pera na dala, wala ni isang barya.

“Pasensya na po, pero hindi ko mabibili iyang gusto niyong ipabili sa akin.”

Akma na sana siyang tatalikod rito nang hawakan nito bigla ang kaniyang kamay. He found him weird, since an hour ago. Nanlalaki ang mga mata ng matandang lalaki saka ipinilit nitong idutdot sa kanyang kanang kamay ang isang pabilog na orasan.

Kumunot ang noo niya. Ibabalik niya sana rito ang bagay na iyon nang bigla itong magsalita . “You are bound to take that time pendant. You need that in your mission. Mag-iingat ka at huwag na huwag kang pumunta sa peligro. Siguraduhin mo hanggang dulo ay matapos mo ang misyon mo. Gamitin mo ang iyong isip, at huwag papakinggan ang puso mong magpapahamak sa iyo.”

Ibinaling niya ang kanyang paningin sa isang pabilog na orasang maliit na nasa kanyang kamay saka hinawakan iyon nang mahigpit. Magsasalita na sana siya at magpapasalamat sa matanda nang mawala na lamang ito bigla.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid pero pawang mga tao na lamang na paroon at parito ang kanyang nakikita.

He is from the past, and he came for the future.

Ipinanganak siya para sa iisang misyon na nakaatang sa kaniyang mga balikat, simula noong bata pa siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang pabalik-balik sa kasalukyan para linisan ang buong sanlibutan.

Ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa isang pader at sa isang iglap naging pintuan iyon na patungo sa bagong mundo na nakasulat sa kapalaran niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa isang pendant na orasan.

Kabaliktaran na ngayon ang sitwasyon. Dahil mula siya sa kasalukuyan, at babalik siya sa nakaraan.

It means, He is from the future, and he need to go back in the past.

Pagkaapak na pagkaapak niya sa lagusan ay ang siyang pagbabago ng mundo para sa kaniya.

“From Philippines 2050 to Philippines 1930. 120 years from now.”

Lumakad na siya at nakisabay sa mga daloy ng tao na naglalakad sa gitna ng kalsada. “Marami talagang mga dapat linisin sa lugar na ito, kahit naman siguro taon-taon marami silang dapat na mawala.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE