Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Night I don't remember

Image Description Anj Jimenez (Missbulilit)   |   14 January 2019


"Our mind is selective and even though something significant happened to us we can't always remember, unless something specific triggers that memory." –Anonymous.

Sunlight flashes through my eyes coming from the open window in my room. I can't remember how I got here. Hinatid siguro ako ni Gab, sa pagkaka alala ko siya ang huli kong kasama kagabi. I was out last night with my girl friends, nagkayayaang mag clubbing at siyempre mag inuman. This is usual for our group, sanay na kami sa inuman. I woke up still wearing the black satin dress I borrowed from a friend. Amoy parin akong redhorse. Oo! Redhorse lang ang alak namin! Walang wine, margarita, champagne eklavu! Cheap club lang kasi pinuntahan namin, eh sa walang budget eh. Ang sakit ng ulo ko parang bibiyakin! Uminom nalang ako ng hangover remedy na turo sa'kin ng lolo ko – salabat! Habang umiinon ng salabat, napangiti nalang ako nang maalala ko na,

The sem is finally over! Mapapahinga na rin sa wakas ang utak ko sa bunganga at talsik laway kong mga prof. Pero kailangan pa naming pumunta ng university para makapagpa-clearance sa nag-iisang ambisyosang prof na wala nung clearance day. At kikitain namin siya today.

Gab was just living sa tabi ng dorm room ko. Isang building lang ang dorm at sobrang liit lang ng mga kwarto. Kumatok ako sa pintuan niya to remind him about todays event. Halos mabulabog ko na ang buong building sa pagkatok pero hindi siya sumasagot. "Baka naman nauna na? Himala." I looked at my phone para tignan ang oras. It was almost time para sa oras na pinag usapan namin ng mga friends ko.

My friends were there already, ang aaga noh? Lapit lang kasi sila sa school. Hinanap ko si Gab pero wala siya. "Hey guys," bumeso ako sa kanila. "Where's Gab?" Mukha mas gulat pa sila sa'kin. "Sa'min mo tinatanong eh kayo tong magkapit-bahay." Ani Aya na nakapamewang pa. I told them what happened earlier at sabi nila hindi pa nagpaparamdam simula kagabe itong si Gab. "Hindi na natin siya pweding hintayin, late na tayo! Gora na!" Ani Pepper na naglakad sa ped xing at iniwan kami.

Si Aya, si Pepper, si Gab at ako ang magbabarkadang magaling sa school at sa kawalangyaan. We also need to enjoy life hindi yung puro studies at love life lang di ba? Matapos ang pagpapa clearance hindi namin mahagilap si Gab. Tinawagan ko na baka na hold up na yun.

Tatlong beses nag ring ang cellphone niya bago niya ito sagutin. "Gab! San ka? Di ka magpapa clearance?" Hindi ako agad naka nakakuha sa sagot mula sa kanya. "Earth to Gab? Andyan ka ba?" Loko ko. "Tapos na ko." Mahina niyang sagot saka niya binaba ang tawag ko.

I stared at my phone. Never pa niya akong binabaan ng phone before, may problema kaya siya?

"Ano? San daw siya?" Tanong ni Pepper na kakagaling lang ng canteen kasama si Aya. "Tapos na daw siya." Kunot-noo kong sagot. "E bat nakanguso ka?" Tanong naman ni Aya.

"Binabaan niya ko." Para akong naluging petchay sa nangyari. Affected much? Yes, sobra. Tumayo ako saka nagpaalam kina Pepper at Aya na hahanapin ko si Gab.

Usually sa school gym tunatambay si Gab pag mag isa lang siya kaya naman doon ako pumunta. I saw him sitting alone sa pinaka taas ng bleachers. Umupo ako sa tabi niya. "Hey Gab!" Tinapik ko ang balikat niya baka kasi hindi niya ako marinig dahil sa naka sumpak na earphones niya. I don't know why pero parang ang awkward ng mukha niya. Para siyang gulat at hindi siya mapakali nang makita ako. "Elle?!" Gulat nitong bulalas, bigla itong namawis. Kinakabahan ba siya? 

"Ba't di ka sumabay sa'min?" I said to him matapos akong umusog sa tabi niya. Umiling lang ito. "Ang weird mo today ah." Tinulak ko siya ng bahagya at ngumiti ng konti. I don't know what's wrong with him!

Ilang minutong walang umiimik sa'ming dalawa, tatayo at aalis na sana ako nang bigla itong magsalita. "Elle, yung kagabe–" he started. Now that he mentioned it, kagabe? Ano nga bang nangyari kagabe? 

"Right, kagabe. Nagtataka nga ako eh." I grinned at napakamot nalang. Gab looked tensed. Butil-butil ang pawis nito na nakikita kong tumutulo mula noo niya. "Ano bang nangyari kagabe? Wala kasi akong matandaan." Tumawa ako at nahiya na rin sa kanya. Baka ano pang pinag gagagawa ko kagabe. Nakakahiya naman sa kanya. Baka ano nalang masabi niya tungkol sa'kin.

"Huh? Wala kang matandaan?" Gulong-gulo ang expression ng mukha ni Gab na nagpupunas na ng pawis niya. Umiling ako at ngumiti. "Ano ba kasing nangyari? Last kong natatandaan nasa club pa ako umiinom tas wala na." Kwento ko. Yumuko si Gab at tumawa ng malakas na parang baliw. "Inakit mo ko kagabe." Bulong nito pero dinig na dinig ko parin.

Sobrang shocked ako sa sinabi niya, napaurong na ako't muntikan pang mahulog sa pagkaka upo ko. "Totoo?" Napatakip nalang ako ng bibig sa hiya. "Di. Joke lang. Actually, hinalikan mo ko." Anito na hinahaplos ang labi niya. "Gago! Di nga?!" Napahawak din ako sa walang karanasan kong mga labi. My virgin lips. Ninakaw niya? Or was it my fault?

Humagakgak nanaman ng tawa si Gab nang makita ako. "Gullible ka talaga." Tumayo ito at naglakad pababa ng bleachers. "Hoy! Gab. Magsabi ka naman ng totoo!" Hinabol ko siya. "Yun nga yon." Sagot nito nang makababa kami ng hagdan.

Kung totoong hinalikan ko siya, bakit hindi ko maalala? Dahil ba lasing ako? Hindi pweding makalimutan ng ganon nalang yun. Special yun kung nagkaganon man. First kiss ko sana yun.

Hindi ko pinapalampas na tanungin si Gab sa tuwing may chance ako at lalu na kapag nagiging topic namin yung club night out namin. He answered me the same way he did the first time. Hindi naman siya nagsi-seryoso. Nakakasawa siyang tanungin pero I need to know the truth. I deserve to know. Labi ko yung hinalikan niya. 

Kahit kmagtabi lang ang mga dorm room namin hindi ko siya makausap ng maayos dahil palagi siyang wala at pilit niya akong iniiwasan. Umabot yun hanggang sa araw ng closing namin for the sem.

Humarap ako sa salamin making sure na maganda ang pagkaka-suot ko ng bathing suit na hinanda ko para sa swimming namin ng kada ko. "Today aalamin ko na ang totoong nangyari. Aja!" Lumabas ako ng banyo and went out straight sa kada ko. Naka plano ang swimming namin noon pa kaya naman hindi namin pinalagpas ang init ng araw. We enjoyed the warm water na ininitan ni haring araw. Okay lang namang umitim besides once a year lang naman ang summer right? Overnight ang stay namin sa resort, pero bago pa lumubog ang araw pagod na ako sa sobrang enjoy ng kada. I decided to stay at our cottage habang nag stroll sina Aya at Pepper. Chance ko ng makausap si Gab, nagpaiwan din kasi ito. Ayaw daw niyang maglibot dahil wala naman daw itong makikitang maganda sa resort.

"Oy Gabriell." Nakasimagot kong tugon sa kanya. Nilinya niya ang kikay ko gamit ang daliri niya, baka daw magka wringkles ako agad, saka ito umupo sa kama kung saan ako naka upo. "Napano ka?" Tanong niya habang kinakalutkot ang remote control ng tv. "Umamin ka na kasi. Nabibiyak na ulo kakaisip sa nangyari ng gabing yun! Pero wala talaga, di ko talaga matandaan." Desperada na akong malaman ang totoo. Pinatay niya ang tv at tumabi sa'kin. "Do you really wanna know?" Napaurong ang mukha ko ng makitang kong palapit ang mukha niya sa'kin. Tumago ako. "Then let's play a game." Kinuyom nito ang kamay niya't nilagay saharap ko.

"Jack 'n Poy?!" Sigaw ko sa kanya. "Oo Jack 'n Poy, kung sinong manalo siya ang magtatanong sa natalo, nang kahit ano." He winked. The game sounds fair kaya pumayag ako. Wala naman mawawala di ba kung question and answer lang naman. And besides kaibigan ko siya, hindi naman niya ako ipapahamak right?

Round One. Fight!

"JACK AND POY ALE ALE HOY SINONG MATALO SIYANG UNGGOY!" Sabay naming kinanta ang pambatang laro.

Bato vs Papel.

Winner Gab!

"Ano ako para sa'yo?" His face is getting serious. Nagtaka ako sa tanong niya, but I have to answer anyway. "San galing yang tanong mo? Kaloka ka! Ikaw lang naman si Gab na pinaka close kong kaibigan." I answered proudly.

Round Two. Fight!

"JACK AND POY ALE ALE HOY SINONG MATALO SIYANG UNGGOY!"

Bato vs Gunting.

Winner Gab!

Lol. Bat di ako nananalo? Nandadaya ata siya.

"Gusto mo pa ba ako?" Nagulat at natawa ako sa tanong niya. Pero nang makita kong seryoso siya pinigilan kong tumawa. His eyes were eager to know my answer. Hindi ko alam saan nanggagaling ang mga tanong ni Gab at sobrang nagtataka na ako sa kanya.

"Gab! Ano ka ba? Bat ganyan yang tanong mo? Mabuti pa tigilan na natin to. Kung ayaw mong sabihin yung nangyari noon, edi wag! Bahala ka!" Padabog akong tumayo at binagsak ko ang pintuan paglabas ko ng cottage. Going out of that door led me to the terrace. Huminga ako ng malalim habang hawak ang kumakabog kong dibdib. 

Muntikan na akong mahuli sa sarili kong bitag. Matagal na akong may pagtingin kay Gab, dati ko naring sinabi iyon sa kanya. Pero hindi niya yun sineryoso. Ayaw daw niya akong mahalin baka daw masaktan lang niya ako. Ayaw daw niyang makita akong umiyak. Unacceptable reason right? Dinaan ko nalang sa ngiti ang lahat. But now, bakit niya gustong malaman kung mahal ko pa siya? Ano nga ba talagang nangyari nang gabing iyon? This is making me crazy!

I clossed my eyes trying to remember the night we were at the club. Pepper and Aya were dancing wildly at the dance floor filled with smoke. Habang ako naman naka upo kasama si Gab, nag iinuman kami. I smell beer, parang amoy redhorse. Madaming bote ng redhorse na walang laman ang nakakalat sa bilog na mesa. I'm starting to get dizzy. Napansin iyon ni Gab at umusog lalo sa tabi ko't niyakap at inalalayan palabas ng club. Malabo ang mga salitang sinabi niya base sa pagkaka alala ko. But I think he was saying na iuuwi na niya ako. We stood up but then we bump into a drunken guy. Pinagtanggol niya ako sa lalaki, para kasing binabastos ako.

Next thing I remember papasok nakami ng room ko. Hiniga niya ako sa kama ko. Aalis na sana siya pero hinila ko siya, pinigilan ko. Now I remember, siguro nga inakit ko siya.

I asked him if he ever felt something special for me. Pero tumalikod siya, hinila ko siya ulit. Sa pagkahila ko, yakap ang naramdaman ko galing sa kanya. He was saying something, hindi ko maintindihan, hindi ko maalala.

I heard a song being played, it is the same song na ring tone ng cellphone ko. The song is entitled 'For the nights I can't remember' sung by Hedly. The song made me remember everything clear. "Hindi ko na kayang pigilan. Elle, I love you. I always did." I can still feel his body trembling. I think he was crying. As the song continues to play, Gab revealed his true feelings.

"I was afraid to love you. Natakot akong baka magbago tayo. Na baka magbago ka." He cupped my face and looked straight into my eyes. "Hindi mo ko iniwan nung kinailangan ko ng kasama. You said I could be someone I always wanted to be. Pagod na pagod na ako noon sa buhay ko, I was about to give up but you believed in me." 

Then he kissed me.

I opened my eyes and they were wet with tears. Hinawakan kong ang labi ko feeling our first kiss, remembering how it feels. Bumukas ang pintuan sa likod ko, I quickly wiped my tears.

"Naalala mo ba yang kanta na yan?" Gab ask as he move towards me. "Your phone was ringing that night, hindi ko na sinagot. I was busy kissing you." I saw his eyes getting teary. 

He never cries, at sabi niya noon ang pag iyak pinapakita lang sa mga tao o bagay na pinaka importante sa buhay ng isang tao. Does this mean I am important to him?

"Believe Elle, I want to love you. Gusto kong subukan. But I was too afraid."

I was speechless with his confession. My heart is pounding and my eyes were flowing with tears. I have a lot of questions in mind. But I was too emotional to bother. Humarap siya sa'kin and slowly wipes my tears, "Don't cry. Hold those tears. Just let me love you this time." Then we kiss. Halik na matagal ko ng hinihintay mula sa kanya. Halik na mas malalim kaysa sa naging una naming halik. Parang nagging blangko ang lahat, wala akong marinig at wala akong maramdaman. Ang matamis niyang labi ang tangi kong nararamdan.

This is definitely one night I won't forget. At totoo ngang great things comes to those who wait. Hindi ako nagalit sa kanya sa mga panahong hindi niya tinaggap ang pagmamahal ko at mabuti nalang hindi ko iyon ginawa. Dahil baka hindi ko maranasan ito ngayon. Hinintay ko siya na mahanap niya ang sarili niya. Sinamahan ko siyang maging buo muli without waiting anything in return. Hindi ko inasahan na ang gabing iyon ang magiging umpisa ng paglaban niya sa sarili niyang takot. These are the nights I will remember forever.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018