Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Joke of A Queen

Image Description RuthMendoza_youramnesiagirl   |   12 December 2019


Compilation of Poems about Love and HeartbreakAll Rights Reserved 2019

Hinahanap mo ako,

Paulit-ulit na sabi mo

Hindi mo nakalimutan ang pangalan ko,

Apat na letra sa una, sa apelyido ay pito.


Araw-araw kausap ka,

Araw-araw panay kwento at tawa.

Ayoko nang matapos pa,

Ganoon din ang sabi mo, di ba?


Relasyong may bahid ng kataksilan,

Iyon ang iyong pinanggalingan

Puso mo ay sugatan,

Iyon ang aking pinaniwalaan.


Laro, laro lang nang laro,

Niyaya mo akong maglaro.

Maghapon, magdamag magkalaro,

Baka mauwi lang lahat sa laro.


Empake na lahat, handa na ako,

Handa na ulit magmahal ang natutulog kong puso.

Lampake sa lahat, sasama na sa’yo

Sasama sa’yo, oh masama ba ito?


Yaan mo sila, sabi nating paulit-ulit,

Basta makalayo sa mundong mapanakit

Sa mga mapanghusgang napakalupit,

Kahit sandali lang, kahit isang saglit.


Quits na ba tayo kasi nahuhulog na ako,

Huwag akong matakot, yan ang paalala mo.

Sa unang buwan, magbilang hanggang pito,

Sa aking pagbaksak, ikaw ang sasalo.


Urong-sulong, mga tanong ay umusbong.

Naghahanap ng sagot, pakikinggan kahit pabulong.

Wala nang magawa, lumalim na sa paglusong,

Sa iyong mga yakap, ako ay nakakulong.


Ipipikit ang mga mata, isasara ang tenga.

Bawat galaw mo ako’y pigil hininga.

Di magsasalita, nakatakip ang bunganga.

Ano nga ang tawag dito? Ah, oo “tanga


Naniwala ako dahil tinanggal mo ang takot,

Mali nga siguro na mundo’y sa’yo pinaikot.

Ngunit hindi nagsisisi, ngayong alam na ang sagot,

Kahit pa ang puso ko’y duguan ang inabot.


Nawala at walang iniwang bakas,

Sa ating dalawa sino ang tumakas?

Hindi ako, ikaw ang pumilas,

Sasagipin ang sarili, bahala na bukas


-(347031337), 2019





  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019