Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Ulan

Image Description thesherelyncamille   |   03 May 2018


Bubuhos ngunit kailan titila?

Bumuhos ang ulan
Tuloy-tuloy, walang pahinga
Katulad kung paano tuluyang nawala
Pag-aalalang noo’y hindi alintana
Kasabay ng bawat patak ng ambon
Ay tila unti-unti ring naglaho
Damdaming hindi alam kung paano hihinto.

Sinubukang pumikit
Baka sakaling hindi na maramdaman ang sakit
Na sana sa pagtila ng ambon
Makasabay man lang ang pusong tila hindi makaahon
Unti-unti
Dahan-dahan
Hanggang sa makalimutan.


--

Photo location: Total Gasoline Station, Balagats, Batangas City



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018