Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kasi Tayo

Image Description   |   31 March 2018


A story that will make you believe in destiny. That you were born for someone and that someone was born for you.

****This story was intentionally written as a screenplay. Please bear with me with the format. :))

CHARACTERS:

EYANG SANTIAGO  (Maymay Entrata) - a simple wacky-go-lucky type of girl, jack of all traits, with 3 jobs (mekaniko, tindera, singer), early 20’s, inlove with her bestfriend, goal setter, bread winner, strong-willed hugot girl. Has a very loving and cool family. Dad is a Janitor, mother is housewife and tagaluto ng banana Q and has a little brother.

SEBY MARTINEZ  (Edward Barber) - an aspiring author, blogger, head of Ad department of their shoe company, early 20’s, boy next door, he grew up abroad, mas fluent sa English, with girlfriend of 3 years, hopeless romantic, funny and loves to play pranks. From a loving and supportive family. His family owned a known shoe company. He has an older sister.

ANDY SANTILLAN  (Liza Soberano) -  a freelance artist and painter, wants to be known for her works, early 20’s, not-so-adventurous sophisticated type of girl, soft-spoken, gorgeous, with boyfriend of 3 years, fan of corny jokes, kind and sweet.

BASTE MARTIJA (Enrique Gil) - independent, raketero, has 3 jobs (mekaniko, sorbetero, jeepney driver), mid 20’s, bestfriend ni Eyang, tahimik pero matinik, maalaga pero di halata.

MANG OSCAR (Jeffrey Tam) – may-ari ng talyer na pinagtatrabahuhan nila Baste at Eyang.

BABY Q – YURI SANITAGO (Raikko) bunsong kapatid ni Eyang, makulit, malambing, pumapasok sa public elementary school, nagtitinda ng lobo

MAMSY Q – LORNA SANTIAGO (Cherry Pie Picache); mapagmahal at masipag na nanay ni Eyang at Yuri, maasikasong asawa, masarap magluto ng banana Q, simple and typical housewife

PAPSY Q – CARLOS SANTIAGO (Joey Marquez); cool at mabait na tatay ni Eyang at Yuri, nagtatrabaho bilang Janitor sa shoe company nila Seby, sweet at joker father

MOMMY AU – LAURA MARTINEZ (Jackylou Blanco); mabait at maasikasong mommy ni Seby at Kathy, COO ng shoe company nila, maganda, maputi, mukhang artista

DADDY J – JAIME MARTINEZ (Michael de Mesa); bagets at palabirong daddy ni Seby and Kathy, CEO ng shoe company nila, gwapo, mestizo, kalbo, mahilig sa crossword puzzle

KATHY – KATERINA MARTINEZ (Cora Wadell); sexy and gorgeous sister ni Seby; model, Marketing head ng shoe company nila, maputi, mestiza, matangkad

YAYA LUDY (Gloria Sevilla who portrays Manang Fe in Be Careful with my heart) – mabait na yaya nila Seby at Kathy na yaya pa din ng mommy nila.

MAMANG DYOSA a.ka. MAMA DYO – DYOSA TATLONGHARI (Nikko Natividad) baklang host / emcee sa acoustic bar na pinagtatrabahuhan ni Eyang, type si Baste, mabait kay Eyang.

***

Scene 1

FADE IN:

From black then may iyak ng bata na bagong panganak, padami ng padami yung baby, parang nagpapatong patong na scenes, then magpapakita ng mga bata, tapos papakita yung super dami ng tao tapos may maririnig na heart beat then pakonti ng pakonti yung tao hanggang sa 2 tao na lang ang matitira, isang babae at isang lalaki pero blurred, palakas ng palakas yung heart beat then magcecenter sa dibdib nila..

Habang pinapakita yun may voice over: Sabi nila, sa bawat taong pinapanganak dito sa mundo ay may isang taong nakatakda na rin para sayo. Pwedeng 35 years old ka na pero yung nakalaan para sayo eh kakapanganak pa lang pala; parang si Vic Sotto at Pauline Luna, o di kaya naman yung taong nakatabi mo sa jeep at nagabot ng bayad mo, sya na pala ang ka-forever mo, kaso busy ka sa kakatext kaya di manlang nya nakuha ang attention mo. Meron na 10 years na together pero naghihiwalay pa rin, yung iba naman 2 months pa lang magkakilala pero magpapakasal na. Wala sa edad o sa tagal o bilis ng relationship, kasi kapag sya na, sya na. Pero sa bilyon-bilyong tao dito sa mundo, paano mo nga ba malalaman na sya na ang THE ONE mo?

Kapag ba sya na ang dahilan ng bawat paggising mo?


**Tutunog ang alarm clock.**


FROM BLACK:

Scene 2

1. EXT. SEBY’S HOUSE – DAY

Establish shot in an exclusive subdivision, modern minimalistic house. From outside, sunny morning.


DISSOLVE TO:

2. INT. SEBY’S BEDROOM – DAY

All blue toned masculine room, neat and clean, with bedside table, alarm clock and own bathroom.

SEBY, papatayin ang alarm clock, magiinat inat konti. Babangon wearing her dark blue boxer shorts, v-neck shirt, with a messy hair at haharap sa salamin.


SEBY: Good morning Handsome! (sabay papogi, masaya at maganda ang gising, pasayaw sayaw pa with background music papunta sa banyo)


After taking a bath, with towel wrapped on his waist, wet look and messy hair, Seby will get his phone and call


**Phone dialing**


CUT TO:


3. EXT. EYANG’S HOUSE – DAY

Scanty house in a typical and simple community. Establish a shot from the outside showing a simple community. Typical morning. 


**Phone rings**


DISSOLVE TO:


4. INT. EYANG’S BED – DAY

Papag with kumot and kulambo, phone under her pillow. Sisikatan ng araw ang mukha ni Eyang. Tulo ang laway at nakanganga. Magugulat sa pagvibrate ng phone nya, kakapain sa ilalim ng unan.


*Answers the phone*


Scene will show (two-way split screen)


SEBY: Hello gorgeous! Ano ready ka na?


Eyang just woke up, halos di pa maimulat ang mata.


EYANG: Good Morning (bagong gising voice, mapapahikab pa habang nagiinat)

SEBY: Seriously??? Don’t tell me you just woke up?? C’mon, bumangon ka na.. I’ll be there in 30minutes okay? Iloveyou.

EYANG: Halaaaaa ka… (titignan yung oras sa cellphone, eyes wide open, gulat mode, mapapabangon bigla)


Kakagising lang ni Eyang dahil sa tawag.


EYANG: Nakuuuu (mapapakamot sa ulo) paktay na naman ako..MafeFredie Aguilar na naman ako nun, siguradong SERMON ANG ALMUSAL :p (kunot noo) Pero di bale (magsasmile ng malaki), sya naman ang dahilan ng maganda kong gising eh (parang kikiligin sabay harap din sa salamin sabay sabing) Magandang umaga (happy greeting at super smile habang nagsestretch ng arms), sabi ng kapwa maganda (give emphasis sa face nya)!!!


Kukunin ang towel at papasok na sa banyo.


CUT TO:


Scene 3


5. EXT. ROAD - DAY

Sa labas ng bahay


*Horn blowing*


SEBY: (calling on the phone while waiting outside his car, nakasandal sa kotse) I’m already here, let’s go (waiting mode).

EYANG: (ipit ipit ang phone sa kanang tenga at balikat habang nag-lilipstick) Oo andyan na, 1 minute.. (natataranta na, tinitignan kung okay na ang suot nya, kung maganda na sya, tapos aalis na sa harap ng salamin pero babalik ulit for the last look then smile).


Paglabas BASTE is waiting for EYANG sa labas ng kanyang Jeep while SEBY is waiting for ANDY outside his car.


ANDY: Sorry Babe, thank you sa pagtawag ah hindi kasi ako nagising sa alarm ko eh (naglalakad palabas ng gate ng bahay nila, nakatungo, hinahanap ang cellphone sa bag then titingin kay Seby, wind effect close-up sa mukha ni Andy)

SEBY: (Mamemesmerize si Seby sa makikita) Wow! (heart eyes) You're forgiven. Kahit forever ka pang malate ng gising, okay lang. At hindi ako magsasawang gisingin ka araw-araw. You look gorgeous as always. Ang swerte ko talaga sayo (pagbubuksan ng pinto).

ANDY: Well, thank you. Pero di mo na ako kailangang bolahin pa coz as far as I can remember, tatlong taon na ang nakakaraan nung sinagot kita. (sabay pisil sa ilong ni Seby) kaya halika na nga at baka mas lalo pa tayong malate. (sasakay na sa kotse)


SHIFT TO:


Scene 4


6. EXT. ROAD - DAY

BASTE, with towel on his shoulders, waiting for EYANG outside his Jeep. May tinitignan sa loob ng jeep. 


EYANG: I'm here! (all smiles)

BASTE: (nakatalikod kay Eyang, may tinitignan pa rin sa loob ng Jeep) Haaayyy naku Eyang, di ka na nagbago. Tanghali ka na naman gumising. Kung di pa tatawagan di babangon. Malelate na naman tayo nito. (biglang harap kay Eyang)

EYANG: Sorry na (iaabot ang pandesal na may keso), eto oh pinagpabalot kita ng paborito mo.. MAINIIIIT NA PANDESAAAAL NA MAY KESOOOO.. (smiling habang sinusuyo si Baste)

BASTE: (Matutulala sa itsura ni Eyang kasi nakaayos, mapapanganga)

EYANG: (Mapapansin na nakatulala si Baste, isusubo ang isang pandesal sa bibig) Pandesal mo po.

BASTE: (Matatauhan, magugulat sa isusubo ni Eyang) Yaaaan (habang ngumunguya) dyan, dyan ka magaling sa panunuhol (kukunin ang plastic ng pandesal habang inuubos ang isinubo ni Eyang). Pero tekaaaa, saan naman ang rampa mo at may pablush on at lipstick ka ngayon?

EYANG: Wala, bakit??? (parang naconscious) Pangit ba??­ (titingin sa side mirror ng jeep)

BASTE: Hindi naman, actually may kamukha ka nga eh. Side view ka nga, oh sa kabila naman… oh pout… perpek! (ilalapit yung kamay sa mukha ni Eyang na parang ipeframe) Kamukhang kamukha mo talaga sya. Sobrang sikat neto, at nagsisimula sa A ang pangalan nya (nagpipigil na tawa)

EYANG: Talaga??? (kinikilig) Sino? Si Angelica Panganiban ba yan??? O Si Anne Curtis???? (sabay pout)

BASTE­­: Actually Ann din naman sya.. si Annn…abelle, yung manika sa horror movie. Hahahahahahahaha..

EYANG: (maniningkit ang mata) Kainis toh (sabay hampas), kahit kelan ka talaga. Halika na nga, umalis na tayo. (pupunta na sa passesnger's side at sasakay na sa jeep)

BASTE: (sasakay na rin habang patuloy pa ring inaasar si Eyang sa blush on at lipstick nya, tinuturo yung pisngi ni Eyang saka magpapout sya, matatawa)


Papaandarin na ni Baste ang jeep.


CUT TO:


Scene 5


7. EXT. TALYER - DAY

Baste and Eyang will arrive, bababa ng Jeep at papasok na sa loob ng talyer. Typical look, medyo magrasa, maraming sasakyan and parts ng sasakyan.


EYANG: Panibagong araw na naman! Lezz do it Pakner! (bestfriends handshake then bababa na ng jeep)


8. INT. TALYER - DAY

Sa talyer (unang raket ni Eyang at Baste, in short mekaniko sila).


BASTE AND EYANG: Good Morning Mang Oscar!

MANG OSCAR: Anong good sa morning? Late na naman kayo! Dun kayo sa kotse na yun ha (ituturo yung pulang kotse sa may kanan), kukunin na yan mamaya…

BASTE AND EYANG: Yes bossing!! (sasaludo)

MANG OSCAR: Sya nga pala Eyang! Ang ganda mo ngayon ah! (titignan mula paa hanggang ulo)

EYANG: Ayyyy, shelemet Meng Oscer! (pabebe hawi ng hair sa tenga and pabebe talk) The Best ke telege! (taas ng kamay pero titingin kay Baste). Narinig mo yun?? Maganda raw ako! (yabang face)

BASTE: Naniwala ka naman? Sus! Tigilan mo ako! Wag mong sabihin sa akin na paninindigan mo talaga yang blush on at lipstick mo habang ginagawa natin tong kotse na toh????? (natatawa pa rin)

EYANG: Bakit??? Inaano ka ba ng blush on at lipstick ko ha? Si Mang Oscar nga sinabihan akong maganda eh. If I know, nagagandahan ka lang din sakin ayaw mo lang aminin. (proud face) ano?? Totoo diba??? Diba??? (ididkit ang mukha kay Baste habang nagpapacute)

BASTE: Ewan ko sayo (iiwas ng tingin sabay pasok sa ilalim ng kotse)

EYANG: (tinignan ang itsura sa side mirror, bumubulong) Maganda naman ah??? Thank you ulit Mang Oscar ah (sisigaw with wave)


CUT TO:


Scene 6 

9. INT. TALYER

Nasa ilalim ng kotse si Baste, nakalabas ang kalahati ng katawan mula bewang pababa ng paa, nagkukumpuni, may mga grasa grasa sa pantalon,  habang si Eyang ay nasa may likurang part ng kotse.


BASTE: Eyang, iadjust mo nga yang bolt and nut dyan sa likurang gulong (pasigaw para marinig)

EYANG: (habang kumakanta kanta) Anooo?? Adjust???? (biglang bubulong sa sarili pero malakas pa rin) Akala ko sa pag-ibig lang ako mag-aadjust, pati ba naman dito ako pa rin ang mag-a-adjust??? (with actions)

BASTE: (narinig na bumubulong bulong si Eyang) May sinasabi ka??? ha????

EYANG: Walaaaaaa… sabi ko…. Sigeeeee po, ako na lang po ang mag-A-ADJUST!!!! Ako nalang, ako nalang ulit! (make face sabay luhod para ayusin yung sa may gulong)


CUT TO:


  • (8 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019