Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




School Riot

Image Description khaos_   |   11 October 2019


A merge creates an unexpected rivalry between the two Student Council Presidents fighting for their principles and rights More stories will unlock as the riot continues

On the other hand, Don Dionisio Academy is an all-boys school founded by the Del Rosarios' closest friend, Mr. Dion Cheng 10 years ago. It is bigger than Mary Clauredette Academy because of its five four-storey buildings, a bigger gymnasium at the back of the administration building (two-storey) and an auditorium at the middle. Don Dionisio Academy can acommodate 1000 students with their facilities but there are only 500+ students enrolled for the current school year.


"Won by unanimous decision, give it up for Johannes Red Bautista!"


Isang malakas na tambol ang umapaw sa ingay ng mga kalalakihan sa loob ng auditorium.


Patalon na umakyat si Red sa stage at kinuha ang mic sa kaibigang si Batit, na nag-anunsyo sa kanyang pagkapanalo. Siniko siya nito at natatawang naupo sa isa sa mga silyang nasa stage.


"Oh oh, tama na sigawan." saway ni Red sa kapwa mga estudyante sabay ngisi at taas ng kamay. "Maraming salamat mga pare sa panibagong taon na pagpapahirap niyo nanaman sa akin mga ulul! Pero despite sa hirap bilang Student Council President niyo, mabuti na rin na ako ulit yung nanalo dahil sayang yung sponsors na nakuha ko for our Athletic Division."


Nagtawanan ang lahat sa sinabi nito. Ngunit may isang nagtaas ng kamay at nagtanong, "Paano yung ibang division, boss? Tulad ng Academic at Entertainment Division?"


Napakamot sa kanyang ulo si Red, "Ah. I believe may sapat na budget na para sa mga divisions na iyan. Pero kung may sumobra man doon sa sponsors para sa Athletic, hahatiin ko iyon pandagdag sa dalawa pang divisions."


Natahimik ang lahat nang mabuksan ang topic tungkol sa mga divisions. Alam ng lahat kung saan nagpofocus ang kanilang Presidente, at yun ay sa Athletic Division.


Sikat ang kanilang eskwelahan dahil sa "no-lost-record" simula nang maitayo ito sa Athletic Meet na ginaganap taon-taon. Marami na ring tanyag na manlalaro ang galing sa eskwelahan na ito kaya nama'y halos kada taon, dumadami ang mga estudyante na nag-eenroll dito para sumali sa Athletic Division.


May ilang estudyante pa rin naman na hindi sa sports nakafocus kundi sa academic at entertainment (Music, Art, Dance). Nakakapag-uwi rin sila ng panalo para sa eskwelahan, 'yun nga lang hindi gaanong katanyag tulad ng naiuuwi ng mga nasa Athletic Division. 


Red was informed about his unfairness by his eldest brother, Andre, who was the Student Council President two years ago and was under Academic and Entertainment divisions. It turned out na maraming estudyante from these divisions ang tumatakbo kay Andre whenever they felt left out by their current President.


"Alam ko naman na nangangamba kayo dahil baka hindi ko kayo maasikaso tulad nung nakaraang taon. Pero ngayong alam ko na yung dapat kong gawin at yung responsibilidad ko rin sa inyo, hindi ko na 'yun uulitin... Hindi tulad noon, bibigyan ko na rin ng pansin ang dalawa pang division." Red said apologetically na bago para sakanila. 


Kaya naman para maibsan ang anumang nararamdaman ng kanilang Presidente, tinawanan nila ito ng malakas. 


"Ang plastik mo, boss!"

"Tama na yan~"

"Hindi bagay! Nakakasuka!"


Kaya naman ang agad nawala ang kalungkutan ni Red. "Kailan birthday niyo? Ilang taon na kayo?-"


"HUWAG KANG ISIP BATA." sabay-sabay na dugtong ng lahat sa sinabi niya at nangibabaw muli ang tawanan sa loob.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE