Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




School Riot

Image Description khaos_   |   11 October 2019


A merge creates an unexpected rivalry between the two Student Council Presidents fighting for their principles and rights More stories will unlock as the riot continues

Mary Clauredette Academy is an all-girls school founded by Mrs. Clauredette Del Rosario 10 years ago. May tatlo itong 3-storey buildings, isang 2-storey building para sa faculty office at canteen at maliit na gym sa gitna. May mahigit 400 estudyante ang nakaenroll dito ngayon.


"Everyone knows how this lady helped the previous Presidents as the Vice President of the Student Council. And now as she won the hearts of 70% of our population, let's all welcome our newly elected Student Council President, Lallaina Ashley De Asis!"


Masigabong palakpakan ang sumalubong sa 16 anyos na dalaga pagkapasok niya sa gymnasium ng kanilang eskwelahan. Ang lahat ay nakatayo't nakangiti habang tinatanaw siya paakyat ng stage.


Magiliw na iniabot ni Gwen, ang nanalong representative ng Grade 10, ang mic kay Ashley nang makalapit ito.


She smiled genuinely at her best friend, "Congrats, Ash!"


Ashley smiled back and nodded at her before looking at the crowd in front. On her back were the newly elected officers, where Gwen went after introducing her, and the faculties of each year level.


"Good morning everyone." paunang bati niya na agad namang sinagot ng mga kapwa niya estudyante at ibang guro. "A lot of people told me that I was born to be a leader but to be honest, I never saw myself as that kind of person. I'd rather be in the shadow of a leader, which I was for the past two years, but seeing how this leader overused the powers bestowed to her by the students, it made me want to get out. Isang masinsinang usapan yung ginawa ko with Miss Tony, the Student Council's Guardian, before ako nagdecide na tumakbo bilang President this school year."


Nagpalakpakan ang lahat sa maikling paghinto ni Ashley sa kanyang speech ngunit naisip din yung mga nagawa ng nakaraan presidente. Masyadong naging bossing-bossingan ito and her friends during her second regime na ikinainis hindi lang ng mga estudyante kundi pati na rin ng ilang guro. Ginamit din nito ang kapangyarihan niya bilang Student Council President upang magkaroon ng sariling lamesa sa canteen, sariling space sa comfort room at sa library.


Kaya laking pasasalamat ng mga estudyante kay Ashley for voicing out their opinions and concerns to this president last year. Grumaduate ito ng may hindi magandang reputasyong naiwan sa eskwelahan.


Ilang segundo ang dumaan bago niya ipinagpatuloy ito.


"Thank you to everyone who chose and believe me- us and put us here. I also thank God for guiding us throughout the whole election period and gave these roles to us. We are still overwhelmed by our win, but that will never distracts us." Ashley looked at her co-officers and told them to stand up.


With a big smile on her face, the newly elected Student Council President said, "As your new set of officers who'll lead you this school year, we will do our best to serve you all. Huwag kayong mahihiyang lumapit sa amin if you're in trouble, because solving your school problems and concerns is our job. Thank you!"


Isang malakas na palakpakan ang muling narinig sa buong auditorium. Lumapit si Ashley sa iba pang officers at kinamayan ang mga ito. Ang ilang faculty members naman ay niyakap ang dalaga while saying their "Congratulations" na sinuklian nito ng isang matamis na ngiti.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE