Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kyah Pembarya

Image Description NoInk   |   20 January 2018


Nagsimula ang lahat sa outing ng mga IT professional mula sa isang sikat na Broadcasting company noong March 22, Biyernes, alas-otso ng gabi.

Ako nga pala si Louie, isang IT-professional sa isang Broadcasting Company. May mga kwento kwento na may bata raw na gumagala rito sa 8th floor ng kumpanyang pinapasukan ko.

Nagsimula ito sa outing naming magkakatrabaho, March 22, Friday, 8 ng gabi. Pababa ako sa elevator kasama ko ang aking mga katrabaho, sina Allan, Larry, at Eugine, hinihintay kami ni Victor sa tapat ng McDo dala ang kanyang sasakyan. Nang makasakay na kami, bumaba saglit si Allan para bumili ng makakain namin sa daan.

"Tok-tok-tok," may kumatok sa bintana sa tapat ni Victor, isang batang babae, maitim sya at naka orange na damit, ngunit hindi naman namin sya pinansin. Pagkabalik ni Allan sa sasakyan ay umalis na kami, papuntang San Rafael, Bulacan, at isang malakas na busina ang narinig namin mula sa sasakyang nasa likuran namin.

Dumaan kami sa isang liblib na lugar sa Sampaloc, San Rafael, at habang kami ay umaandar ay may isang mabilis na tumawid sa ‘ming harapan, at kumalabog ang aming sinasakyan. Napahinto kami, at bumabang lahat sa sasakyan para tignan ito, sa sobrang madali ay di na namin naisara ang pinto, mga limang hakbang sa harapan ng sasakyan ay may nakita kaming damit, kulay orange at may dugo. Nagkatinginan kaming lahat, at sinabi ni Victor, “Pre pamilyar sakin tong damit na ito,” at bigla na lang sumara ng malakas ang lahat ng pintuan ng kotse. Bumalik na kami agad sa sasakyan at umandar na papuntang resort. Nang makarating na kami, ay naroon nadin ang iba naming kasamahan. Nag party-party, kinalimutan ang stress sa trabaho, kantahan, swimming atbp.

Isang Linggo ng gabi, pumasok ako sa trabaho, night shift ako noon, kasama ko sina Allan at Wilson. Habang ginagawa ko ang pag support sa global, biglang nahilo, nabuwal, at sumakit ang tiyan ni Wilson. Sarado ang clinic noon kaya napilitan si Allan na samahan si Wilson sa hospital. Ako lang mag-isa non sa office, at dahil ako lang, kinabit ko ang aking headset at nagpatugtog ako ng malakas.

Habang nagpapatugtog, ay biglang nag brownout, namatay lahat ng ilaw at lahat ng computer, pero nagtaka ako kung bakit tanging monitor ko lang ang nakabukas gayong patay naman ang aking CPU. Sa madilim na banda ng office sa tabi ng pantry ay parang may pabagbag at parang may naglalakad, kaya tumayo ako para silipin gamit ang aking flashlight. “Hay, guni-guni ko lang pala.”

Pagbalik ko sa upuan ko ay nakita ko ang monitor ko na may picture ng isang damit na nasa kalsada at puno ng dugo. Inalis ko sa saksak ito pero hindi namatay, napaupo ako at medyo natatakot na rin, kaya ako ay pumikit at nagdasal, "Aba Ginoong..." pero napatigil ako nang marinig kong may kasabay akong nagdadasal na boses batang babae. Lalo kong pinikit ang aking mata. Ramdam kong katabi ko lang sya, at maya-maya pa ay tumahimik na. Sinubukan kong dumilat, at lumingon, "Hay salamat!" Nakahinga ako ng maluwag bagamat madilim, dahan-dahan akong lumakad para makalabas, at nang lumakad ako ay may tumalon sa aking likod, at sabay yakap sa batok ko, at nagsalita ng "KYAH, PEMBARYAH!", at napasigaw na lang ako sa takot!

"Louie, gising na!" ani Laura. "Tagal mong natulog nag su-swimming na sila doon."

"Umaga na pala, sorry pagod ako nakatulog ako ng mahimbing.”

Nang kinahapunan ay bumalik na kami sa opisina para kunin ang naiwang gamit. May security na pinanood samin ang video sa CCTV ng nangyari kagabi ng 8 pm. Matapos pala naming umalis sa Mcdo ay may isang batang babae na humabol sa amin. Sa kasamaang palad, biglang nasagasaan ng Montero na nasa likod namin ang kaawa-awang bata.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE