The Lonely Gods of Hagayon

Image Description ElleStrange   |   14 January 2019


Blair only knew the myths and the stories, but she didn't knew she'd met the legends.

Muntik na akong matumba nang makita ko ang kabuoan ng hospital bill ni Mommy. It was way beyond what I was expecting. Of course, the first million went to the surgery. The next million went to the medicines, doctor and hospital fees and all the jazz of staying at the hospital for three weeks.

But the third million on the bill was like a shock to me. I mentally note to talk to someone to explain to me bakit ganoon naging kalaki ang bill.

Nang marinig ko na gising na si Mommy ay mabilis kong itiniklop ang bill at itinago sa bag ko. I got Mommy her own room. Bukod sa halos doon na ako tumira ay mahirap nang mahawaan pa si Mommy ng ibang sakit kapag sa ward sya mag-I stay.

“Good Morning, Mommy. How are you feeling?” Nakangiti na tanong ko.

She smiled back, but she still looks weak as hell. Lagpas isang lingo na mula nang operahan sya at naghihilom naman na ang sugat. In three days ay pwede na raw kami umuwi basta bed rest pa rin ang kailangan ni Mommy. I was also advised to hire a private nurse at least for two months or until maibalik na ang lakas ni Mommy.

Nakasangla na ang lupa kung saan nakatirik ang three story building na paupahan namin and Mommy doesn’t know it yet. Kung ganito kalaki ang babayaran namin na siguradong lalaki pa dahil may ilang araw pa kami ay baka maisangla ko na rin ang bahay at lupa namin na katabi lang ng paupahan namin.

Pero saan na kami pagkatapos? Mommy still need a regular check up, medicine and the private nurse. Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip pero kailangan kong itago ang nararamdaman ko para hindi mag-alala si Mommy.

“I feel good, anak. Have you had your breakfast?” Tinulungan ko syang makaupo at sumandal sa head board ng hospital bed nya.

Umiling ako. “Not yet, Mommy. Busog pa po ako, kinain ko kaninang alas kwatro ‘yung tira kong palabok.”

“I see. You know, Blair, I am feeling a little better. Why don’t you go home today para makatulog ka ng maayos and then kamustahin mo mga tenants natin. You can go back tonight.”

Mabilis akong umiling. “There you go again, Mommy. Tinataboy mo na naman ako. Nakakatulog naman ako ng maayos dito. The couch is quite big and comfortable. Ilang araw na lang naman and you can go home.”

“Have you seen your face, Blair? Your skin’s already so dry and the dark circles.. Oh my, anak. You shouldn’t forget to take care of yourself.” Naiiling na sabi nya. Mommy’s voice is sweet and soft. She’s also very refined. Pero prangka kung baga.

Palihim kong pinaikot ang mga mata ko. “I’m okay, Mommy. Please.” I don’t want to sound annoyed. Iba kasi maglambing si Mommy. Pupunain nya muna ang mga kapintasan ng isang tao pero magbibigay sya ng payo. Sanay naman na ako pero umagang umaga naman kasi at iyon agad ang sasabihin nya.

Aware na ako na dry na ang skin ko. Air-conditioned room ang room ni Mommy at bihira lang ako lumabas. Kapag may bibilhin na pagkain, gamit o gamut o kapag may kakausapin ako sa cellphone or may imi-meet ako sa labas. Halos dito na ako tumira.

She giggled. “Oh, I’m sorry. You should have brought your face masks and hydrating cream.”

“Mommy naman, maiisip ko pa ba magpa ganda sa sitwasyon mo?” Hindi ko na napigilan sabihin.

“That’s what I was saying. You shouldn’t forget to take care of yourself just because I am sick. Anak naman, ni hindi kita pinapadapuan ng lamok ever since you were a child. May sakit na nga ako pero para ka pang mas mukhang may sakit.” Humalukipkip sya at inirapan ako.

I sighed. “Fine, sorry. Don’t worry, kapag nakalabas ka na, I’ll set an appointment with Cora.” Tukoy ko sa malayong pinsan ko na may dermatology clinic.

“Good.”

In a few minutes ay dumating na ang pagkain ni Mommy. Hindi naman mapili sa pagkain si Mommy and she knows na mas alam ng hospital kung ano lang ang dapat nyang kainin so she eats them with no fuss. Ako naman ay madalas na bumibili sa canteen or nagpapa deliver.

Minsan ako na ang umuubos ng mga pagkain na dala para kay Mommy; specially the fruits. Pakiramdam ko ay pumayat talaga ako. Halo-halong pag-aalala, puyat at pagkain ng puro prutas ang naging routine ko while I was here. Lalo na noong operahan si Mommy. Her operation took nine hours. She was observed first before the doctors finally claimed na stable at safe na sya pero kailangan pa rin I monitor ng ilang araw.

“Glowing ka na ulit, Mamshie. Keep it up, ha? Para tuloy tuloy na ang pag galing mo.” Sabi ni Shyla, ang nurse na naka toka kay Mommy. Naging close na namin sya. I even asked her to stay a few times after her shift para saluhan kami kumain. Pasikreto lang dahil bawal sa kanila.

“Thank you, Shyla. Magaling rin kasi ang nurse ko.” Magiliw na sabi ni Mommy.

Habang nag-uusap sila Mommy at Shyla ay pumasok sa isip ko ‘yung option sa akin na kumuha ng private nurse. Naisip ko na pwedeng pwede si Shyla. Besides, sa pagkaka alam ko ay pwede naman na kausapin ang hospital to hire a nurse from them privately.

Mommy’s quite difficult for some. Marami syang kaibigan but bilang lang ang tunay na close nya. She’s old fashioned, very ladylike, prangka and she values respect very much. She has certain qualities that she likes in a person. Katulad ni Shyla. Magiliw si Shyla at kahit medyo madalas na grumpy si Mommy ay nilalambing nya para uminom ng gamut.

Shyla’s perfect.

But before everything else, I need to find another million or so para mabayaran ko na agad ang bill. This is making me feel insane inside pero ayoko talaga na mag-alala pa si Mommy. She probably thought na wala pang isang milyon ang bill namin. I lied to her.

Sinabi ko na two hundred thousand lang ang bayad sa operation nya and another hundred for other fees. May savings kasi kami na three hundred fifty thousand na ipon mula sa paupahan namin. Pero ang totoo ay halos ten percent lang iyon ng totoong kailangan namin.

I had to go home that afternoon dahil wala na kaming damit ni Mommy. May isang tenant kami na byuda. Kapag weekends ay naglalabada sya sa amin at binabawasan namin ang renta nya. Just like before ay kumuha ako ng pang tatlong araw na damit at pinalabhan ang mga dala kong damit pauwi.

“Kailan ba lalabas ang Mommy mo? Mukhang kailangan na sya talaga ang magdidilig sa mga halaman nya. Kahit alaga ko sila, parang Mommy mo talaga ang gusto nilang mag-alaga sa kanila.” Sabi ni Aling Belen nang I drop off ko ang mga lalabhan nya.

Nakiusap rin ako na kung pwede ay sya muna ang mag-dilig ng mga halaman ni Mommy sa mini garden nya sa gilid ng bahay. It’s my mother’s hobby.

“Malapit na po kami umuwi. Sasabihin ko po kay Mommy. Salamat po.” Magiliw na sabi ko.

I went back to the house. Ewan ko kung bakit biglang may pumasok na idea sa isip ko na tingnan ang cabinet ni Mommy. I knew she has this attaché case where she puts her important documents and papers.

Something inside me seems to tell me na baka may solusyon doon.

You see, Mommy’s family is one of the oldest and also one of the most prominent families from this certain province that I don’t remember the name. Once lang ako nakauwi doon. And that was when my grandparents died. Ni hindi ko na maalala masyado dahil nine years old pa lang ako noon.

Ayaw rin naman ako kwentuhan masyado ni Mommy at Daddy when Daddy was still alive.

I pulled the brown attaché case and I sat on the floor. Wala naman iyon lock, gusto lang ni Mommy na nasa isang lagayan lang ang mga importanteng papers nya. I opened it and saw endless folders and envelopes. Actually ay doon ko kinuha ang titulo ng lupa ng paupahan namin. Alam kong mali, pero pina sign ko kay Mommy ang authorization letter without her knowing. Nilibang ko sya by letting her watch live concert videos of Lea Salonga. She doesn’t want to be disturb much kaya pinirmahan nya na lang lahat ng pinapapirmahan ko.

I am such a bad daughter pero para rin naman sa kanya iyon.

Nagdalawang isip na tuloy ako. I mean, ano ba ang mapapala ko dito?

But this nagging feeling inside me is restless.

I started opening folders and envelopes. May mga kung anu-anong resibo at certificates. Diploma nya pati na kay Daddy. I just kept on looking.

I was already halfway when I saw an unfamiliar document.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na land title iyon. Lupa sa Hagayon.

I gasped. Right! Hagayon. Iyon ang pangalan ng probinsya nila Mommy. Nakapangalan iyon kay Mommy kagaya ng lupa namin dito.

I got my phone and searched for Hagayon. It’s a small province on the Northern part of Visayas. Can be reached by riding a bus and a ferry pero pwede rin na mag eroplano. One hour travel time for airplanes pero kapag bus at ferry ay halos twenty four hours.

May ilang travel blogs and articles akong nabasa. Most of them have this old story about Mt. Hagayon, the tallest mountain of the province, about unexplained phenomena’s. May iba raw na ilang beses naligaw, may iba raw na tumagal ng eight hours sa trail paakyat sa tuktok kakaikot at may iba na dalawang oras lang ang tinagal sa trail kahit na ang normal na tagal ng trail ay four hours kasama na ang maraming pahinga.

May iba naman daw na nagkasakit after going there. They feel like someone or something that cannot be seen is playing them.

Sa sobrang engrossed ko sa pagbabasa ay hindi ko na napansin ang oras. When I looked around, napansin ko na papadilim na. Mabilis na inayos ko ang laman ng attaché case pero kinuha ko ang titulo ng lupa sa Hagayon. I put it on my own cabinet then I went back to the hospital.

Dumaan na rin ako sa grocery para sa supply ko ng makakain while I’m at the hospital.

“Oh? I thought sa bahay ka muna.” Gulat na tanong ni Mommy nang makabalik na ako. Umiinom sya ng green tea at kumakain ng tinapay.

“Kumuha lang ako ng damit natin.”

She nods. “Ah, okay. How about my plants?”

“Dinidiligan naman po ni Aling Belen. But she said that the plants seem to look for you.”

Bumuntong hininga si Mommy. “I know. My babies miss me.”

“You’ll see them in a few days.”

“Bakit ba hindi pa ngayon? I feel fine naman na.”

“Doctor’s advice.”

“Nako, our bill is probably already mountain high. Simot ang savings natin.” Humalukipkip sya.

You have no idea, ang sabi ko na lang sa loob ko.

Wala pa akong concrete plan pero kinausap ko si Shyla that night na interisado akong kunin sya bilang private nurse ni Mommy kapag nakalabas na sya. She told me her interest pero depende raw kasi sa hospital. Understaffed sila ngayon pero itatry nya raw magpaalam dahil gusto nya rin.

Tapos na kami maghapunan at nagpapa antok na si Mommy by watching videos on youtube while I was looking for a chance to ask her about Hagayon. Kunwari ay busy ako sa cellphone ko.

“Oh, hala.” Arte ko na parang may nabasa akong kakaiba. Nakuha ko ang atensyon nya.

“What is it?” Kunot ang noo na tanong nya.

Tumingin ako sa kanya tapos sa cellphone ko, tapos sa kanya ulit. “Nothing, it’s just that.. Diba Mommy, Hagayon ‘yung name ng province nyo?”

I saw Mommy stiffened a bit. She blinked a few times. “W-what was it again, anak?”

“Hagayon, Mommy. I remember na iyon ‘yung name ng province nyo, hindi ba? I read an article about Mt. Hagayon.” Pinasigla ko ang boses ko. “Do you know about it? May mga engkanto raw?”

She pressed her lips then went back to watching videos. “Mga wala lang magawa mga nagpopost nyan.” Seryosong sabi nya.

I find her reaction intriguing. Okay, whenever I ask her or Dad before, iwas na sila. I mean, I didn’t think too much about it because hindi rin naman ganoon katindi ang interest ko. But this is different. I am actually curious.

Pero bakit kaya ayaw pag-usapan ni Mommy?

“Nakapunta ka na ba sa Mt. Hagayon, Mommy?” Tanong ko pa.

“Nope,” Mabilis na sagot nya pero nasa tablet pa rin ang attention.

“It’s actually becoming well known because of the stories. Marami nang pumupunta sa Hagayon.” I continued.

“There’s nothing much to see there,” Malamig na sagot nya na hindi pa rin ako tinitingnan.

“Ah, okay.” Sumuko na ako. Mukhang wala talaga sa mood si Mommy.

Hanggang matulog sya ay medyo bothered pa rin ako.

Bigla kong naisip si Cora. Her mother and my mother are third cousins. Both are from Hagayon. Kung ayaw ni Mommy magkwento, kakausapin ko na lang si Tita Astrid.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE