Ikaw Lang, Sapat Na

Image Description Yazuakie   |   09 August 2019


Karaniwan na ang katagang IKAW LANG SAPAT NA sa mga maloko at mapaglarong lalaki Pero para kay Shirley Angel Marvilla ay hindi ito pangkaraniwan lalo kung limang lalaki ang magsasabi nito sa kanya

"DREAM UNIVERSITY"



NAKAUPO lang ako sa sofa habang sinusundan ko nang tingin sila Mommy at Daddy, na hindi mapakali at parang kiti-kiti na hindi malaman kung saan lulugar. 

"Mommy, Daddy ang layo na po ng nararating ninyo. Kakalakad papunta doon at papunta dito. Nahihilo na po ako sa inyong dalawa."   hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil nahihilo na rin ako sa ginagawa ng magulang ko. 

"Sorry Princess, eh, kasi naman bakit ba gustong-gusto mo doon mag-aral?".  lumapit sa akin si Daddy at umupo sa tabi ko dito sa may kaliwa, hinarap niya ako sa kanya. Si Mommy naman ay nakatayo lang sa tabi ni Daddy.

"Dahil mas gusto ko po doon Daddy, please? Payagan ninyo na po ako."   nagpuppy eyes na ako sabay pout ng malupit para mapapayag ko si Daddy. 

"Pero Princess, mas maganda ang school na iyon. Kumpara sa school na gusto mong pasukan."   sabi ni Daddy na seryoso ang expression ng mukha. 

   Nah! Ayaw ko sa school na 'yon, pasosyalan, payabangan at pagandahan ang mga nag-aaral doon. Sabagay para sa mga mayayaman at kilalang tao ang Elite University of Asia. Alam ko na mayaman din ako at yakang-yaka nila Daddy at Mommy ang tuition fee na mala-ginto. Kahit na mayaman kami, hindi ako katulad ng iba na maarte at dapat sunod sa uso.

"Daddy pagbigyan ninyo na po ako ni Mommy. Noong nag-high school ako, pinagbigyan ko po kayo na pumasok sa school na 'yon kahit ayaw ko."   pagpapaalala ko sa nangyari noon.

   Alam naman nila Daddy at Mommy na simpleng tao lang ako. Ayoko ng mag-aral sa mga ganoon na klaseng school.

"Dee, hayaan na natin siya sa gusto niya. Malaki at dalaga na ang baby natin. Kaya niya na gawin ang mga bagay na gusto niya. Ang dapat nating gawin ngayon ay ang suportahan siya sa gusto niya. Kapag nagtampo na naman 'yan baka umalis na naman 'yan. Pupunta na naman 'yan sa South Korea at isang taon na naman siya doon."   sabi ni Mommy sabay tapik sa balikat ni Daddy.

   Mommy, thanks Mommy.. Sa wakas pumayag ka na rin, sana ganoon din si Daddy. Huhue

Tumingin lang ako kay Daddy na may 'Please Daddy pumayag ka na po please?' na tingin.

"Okay, okay payag na ako."   sabi ni Daddy at nagtaas pa ng dalawang kamay na parang sumusuko na siya sa pulis. 

"Yey! thank you Daddy, mwah!"   pinaghahalikan ko sa magkabilang pisngi si Daddy. 

"Si Dee lang? Ako mayroon din bang kiss?"   nagtatampong sabi ni Mommy. 

Mee at Dee ang tawagan nila Mommy at Daddy, iyon kasi ang endearment nilang dalawa para sa isa't-isa.

"Yay! selos agad si Mommy. Thank you so much, Mommy! mwah!"   pinaghahalikan ko rin si Mommy sa magkabilang pisngi.

   Sobrang saya ko talaga. Sa wakas ay pumayag din sila. Nakaraang taon kasi hindi sila pumayag, kaya sa tampo ko sa kanila. Umalis ako ng bansa at pumuntang South Korea. Isang taon akong tumira kay Kuya Shin, doon kasi siya nag-aaral. Doon ko din naisipan na magpalamig muna, tutal malamig naman talaga sa South Korea.

Sina Mommy at Daddy na ang naglakad at nagpasa ng mga requirents ko sa University na gustong-gusto kong pasukan. Kaya naghanda nalang ako ng mga kailangan ko at bumili ng uniforms. 

"MOMMY, Daddy, pasok na po ako."   paalam ko sabay kaway sa kanila matapos kong makapagmano. 

"Aalis ka na? 'yung driver mo?"   tanong sa akin ni Mommy. 

"Hindi na po kailangan Mommy, magko-commute po ako."   sagot ko na ngiting-ngiti.

"Ano? magko-commute ka?"   hindi makapaniwalang tanong ni Mommy. 

"Mommy alis na po muna ako. Hindi na po ako magpapahatid baka magulat 'yung mga makakakita sa school na nakasasakyan pa ako na pumasok. Alis na po ako." dali- dali akong lumabas ng gate at sumakay na ng tricycle na pinara ko pagkatapos ay nag-jeep naman ako.

May tricycle kasing dumadaan sa street namin kahit pang mayaman pa ang Village na tinitirihan namin. Dati talaga hindi ako marunong sumakay ng jeep. Pero dahil kay Kuya Shin, natuto na akong sumakay ng pampasaherong sasakyan. 

   Hello Dream University! Sa wakas nandito na rin ako.

Tiningnan ko ang gate ng University na papasukan ko. Habang todo ang ngiti ko.

Dream University ang name ng school na papasukan ko. Ang weird lang ng name. Sabi kasi nila kaya raw Dream University, lahat ng mga nag-aaral dito ay may mga pangarap sa buhay na gusto nilang matupad. Gaya ko, may pangarap din ako na gustong matupad at maabot.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE