Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



FBBF2020

Chapter 5: GAME!

What’s on your mind? > Ang bola, ring, at rubbershoes para sa basketball player. Pero ang heels pangbasketball… kay Nads lang.



NADS

Pinaliwanag sa’kin ni Luke ang nangyayari at wala akong naintindihan dahil sa mga babaeng ‘to na kala mo wala ng bukas kung makatili! Ay nako naman, anong gagawin ko? Ang narinig ko lang ay Galingan mo Nads. Don’t worry, nandito lang kami. Moral support ba yun o babala?

“Pass the ball to freak, we’ll guard her. Make sure, no one will block her way, got it!?”

“TEKA!” Sigaw ‘ko. Tumingin naman silang lahat sa’kin. Ang gwapo talaga nilang lahat! “Bakit nga sa’kin ipapasa yung bola?” Nagsmile ako.

Tama naman ang tanong ko ‘di ba? Bigla kasing nagsikunutan ang mga noo nila.

“Hindi niya ba alam?”

“Ewan ‘ko.”

“Ano nga bang alam mo, tulog ka lage.”

“Nads.” Si Luke. “Basta, pag nakuha mo ang bola, magshoot ka lang. Kami ng bahala sa iba.”

Biglang napasagot ako ng, “Okay.” Nads! Mapapahamak ka sa charm ng lalaking iyan!


Hanggang sa naintindihan ko na ng ipaliwanag sa’kin ng isa pang mabait na nilalang na si Sebastian ang mga nangyayari. Vice Captain siya ng team nila. Isang pustahan ang larong ito sa pagitan ng dalawang teams. Nagkayabangan na naman daw kasi bago pa ang real play nila sa susunod na araw. At kailangan na may isang babae sa team na maglalaro at siya lang ang magpupuntos, kaya eto ako ngayon. Tatakas na sana ako kung ‘di lang dahil sa mabait na si Sebastian na ‘to at sa ‘di ka makatangging’ ngiti nitong si Luke, eh.


Nag-umpisa na ang game. First five? Troy, Luke, Adrian, Sebastian, at ako!

Tumakbo ako sa isang side ng court hanggang sa madulas na lang ako ng walang anu-ano. “Aaah!!” Aray, ang sakit sa—you know? My butt!

Tatayo na sana ako ng mapansin ‘kong… “AAHHH!” Napasigaw ako. Saktong nasa tabi ko na sina Luke at Sebastian.

“Bakit Nads!?” Tanong ni Luke na nakaluhod na sa tabi ko. “May masakit ba sa’yo?”

“Wala.” Umiling ako. Tumingin ako sa kanya sabay sabing, “Naka-heels lang naman ako.” Sabay ngiti ng alanganin.

“Sosmaryosep, naka-heels pala si Nads! Bwahaha!” Si Adrian.

“Thanks for the support Adrian.” Sagot ‘ko.

“Peace Nads.” Tumingin naman siya sa Referee. “Ref! Magpapalit lang ng rubbershoes ang player namin.”

“Ah, usapan niyo raw po na walang break hanggang hindi natatapos ang time?” Sagot nung referee.

“Ah!?” Iling ko. Patay kang paa ka. Patay talaga sa’kin ‘tong sina Sandy.

“Let her play. I told her about this.” Si Troy.

“Troy!” Sigaw ni Luke. “Hindi, tama na ‘tong kalokohang ‘to—.”

“No, fine. Ayos lang. Wag na kayo mag-away.” Sabi ko at saka tumayo. “I can do it. Actually, sanay naman akong naka-heels.” Yeah right. Pero hindi kapag ‘nag-ba-basketball’. “Ok game!” Ayoko ng marinig sumigaw ‘tong si Troy. Nagpulasan na isa-isa ang mga kasamahan kong kapre ng may marinig naman akong nagsalita mula dun sa kabilang team.

“Yan ang gusto ko palaban…” Narinig kong sabi nung isang player sa kabila. Sabay tingin sa’kin ng… Yuck! Pwede ba!?

“I want her.” Sama mo pa yung isa.

“Same here.” Ano ba ‘tong mga ‘to!? Sisigawan ko na sana sila, pero may umuna na sa’kin.

“Can’t you all shut up?! Tss!” Si Mokong! Nakatingin siya dun sa tatlong player.

“Pagbigyan pare, teritoryo nila ‘to.” Sabi nung isa. Mukhang lalapitan ata ni Mokong yung mga lalaking yun ng biglang pumito si ref’ to start the game. Huminto na lang siya sabay tingin sa’kin.

“Just play this game and don’t talk to them.” Seryosong sabi niya.

“Hindi ako nakikipag—inis!” Tinalikuran na lang ako. Sa’kin pa nagalit!? Kala ko pa naman, ay ewan!

-=-

Nagstart ang game na padulas-dulas ako. Ang hirap kaya! Pero eto, dahil sa cheer ng mga kasama ‘ko, ‘na-e-enjoy‘ ‘ko naman. SINUNGALING…

Nakakashoot naman ako dahil wala namang nakakalapit sa’king ibang player dahil hinaharangan talaga nila.

Nakabusangot na rin yung girl sa kabilang team. Siguradong napilitan din yan. Natapos ang unang half ng laro at naka-upo na rin ako sa wakas. Binigyan nila agad ako ng towel at inumin, pero gusto ko na umiyak sa sakit ng paa ko. Another minute pa at mapuputol na ang paa ko, promise.

“Freak.” Narinig kong tawag niya.

Tumingala naman ako mula sa paghihimas ng paa ‘ko. Freak, freak, freak na naman!

“WHAT—.” Natigilan ako nang ibagsak niya sa tabi ko yung pair ng rubber shoes. Napatingin ako sa paanan niya. “Teka!?” Napa-ayos ako ng upo. “Eh ikaw?”

“Tss, just wear it.”

Sinuot ‘ko naman at tinulungan ako nung ibang players na higpitan yung tali para ‘di mahubad sa paanan ‘ko. I’m ready to fight pero napatingin ako sa Mokong na ‘to. So magpapaa na lang siya? Inalok ni Adrian yung isa niyang sapatos pero tinanggihanniya. ARTE. Pero… Fine! Thank you na rin.

Hala sige! Mukha na ‘kong hip-hop nito. Loose jersey at big size rubber shoes!

Naririnig kong naiingit yung mga babaeng mga nanunood dahil sa mga suot kong galing sa Captain at Heartthrob Ace player ng RD. ‘Di lang nila alam, hirap na hirap na ‘ko.

Tinitignan ko naman ang Mokong na ‘to na pa-ikot-ikot sa court na nakayapak. Hindi ‘ko na lang pinansin baka maguilty pa ‘ko. Kaya nagfocus ako sa game hanggang sa makashoot ako ng napakarami na siya namang ikinapanalo ng team.

“NADS! Panalo tayo!!” Sigaw ni Adrian sa’kin habang tumatalon-talon at hawak ang magkabilang kamay ko. Pati tuloy ako napagaya na. Nakakatuwa ang isang ‘to, laging masaya lang sabay tawa ng, “BWAHAHA! Makapag-heels nga minsan sa game!”

“Oo nga!” Natawa na lang ako.

Nagpalit na ‘ko ng damit pagkatapos, at hindi ko na sinuot ang heels ko! This might be the last time na isusuot ko yan. Nightmare! Kaya sinuot ‘ko na lang yung rubbershoes ni Mokong kanina.

“Alis na ‘ko guys.” Paalam ko nang dumaan ako sa locker room nila.

“Oh teka, sama ka sa party.” Aya nung isang player.

“Ay, sorry, hindi kasi alam sa’min na nandito ako. Need ko na umuwi, next time na lang.”

“Sige na, wag ng pilitin. Gabi na rin. Salamat, Nads. Treat ka namin next time.” Si Sebastian.

“Bigyan kita ng isang-dosenang heels, Nads.” Sabay tawa ni Adrian.

“No thanks,” nangingiting sabi ‘ko.

“Bili ka, pupukol namin sa’yo isa-isa yun,” sagot ni Luke. Tumingin naman siya sa’kin. “Oh, hatid na kita, Nads.”

Bago pa ‘ko makasagot may biglang pumasok sa locker room at hinarangan ang tingin ko kay Luke. Kapre talaga!

“Are you done? Of course, you are. Let’s go.” Si Troy at saka niya kinuha yung bagpack na dala ko at lumabas ng room.

“Uh? Sige, alis na ‘ko. Salamat.” Saka ako lumabas at hinabol siya.

Sumakay na ‘ko ng motor niya at iniyakap sa kanya ang magkabilang braso ‘ko. Ang totoo… Ngayon ‘ko na naramdaman ang pagod. Buti na lang, hindi na siya mabilis magpatakbo tulad kanina. Mabuti rin at malapadang likuran niya, masarap magpahinga.

Sana totoo na lang siya… Sana totoo na lang ang facebook boyfriend ‘ko. ‘I-la-like’ ‘ko siya araw-araw minuminuto at hinding-hindi ‘ko ‘i-she-share’, ever!

Umayos ako ng kapit sa kanya saka bumulong...

“Nakaka-inis ka Mokong…”

Inaantok na ‘ko, pero hinigpitan niya ba yung kapit ‘ko sa kanya? Whatever, pumikit na lang ako…


 

******ITUTULOY******



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019