Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Facebook Boyfriend For Real

Image Description abcastueras   |   21 February 2020


FBBF2020


Chapter 3: FACE-OFF!

What’s on your mind?> Start a fight and I’ll be your biggest nightmare of your life.



NADS

Eto na ba ang araw na pinakahihintay ko? Hinde! Pinaka-ayaw kong dumating na araw ang araw na ito. Hindi ko alam kung paano ko siya makikita dahil wala naman akong sinabi kung saan ako nakatira kaya medyo nagdadalawang-isip pa ‘ko kung makikita ko nga talaga siya. Hindi ko naman siya hinihintay ‘no! Curious lang kung paano kami magkikitang dalawa.

Pababa ako ng hagdan habang naghihikab pa. Wala akong pasok ngayon, thank God talaga. “Mommy, baka po pumunta ako mamaya kina Sandy—.”

“Good morning.”

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan, napahinto rin sa pag-iinat at paghihikab. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa lalaking ito na naka-upo sa sofa namin na diretsong nakatingin sa’kin. Nakadekwatro at nakahalukipkip pa! Para niya ‘kong sinusuri sa tingin niyang mula ulo hanggang paa!

“Anong—.”

“Oh anak! Gising ka na naman pala.” Si Mommy na galing sa kusina.

Nakatingin pa rin ako sa kanya at parang naka-half smile pa siya. Anong nakakatawa!? Gusto kong itanong yan sa kanya.

“Panong—bakit, bakit nandito ka?” Bigla kong nasabi pagkababa ng braso ko na nag-iinat kanina.

“Nadine Castro!” Biglang sigaw ni Mommy, napatingin naman ako. “Kung nag-away man kayo ng boyfriend mo, hindi ganyan ang itinuro ‘ko sa’yo. Tsk, tsk, tsk, hindi ganyan ang pagtrato sa bisita.”

Narinig ko namang napa-ismik ‘tong kapreng ‘to at umiwas ng tingin sa’kin.

“Pero Mi—.” Hindi na naman ako pinatuloy magsalita.

“Wala ng pero-pero. May lakad daw kayo ngayon ni ‘Son-in-law’ kaya mag-ayos ka na at tingnan mo yang itsura mo, oh. Nako, magpalit ka nga anak. Teka dun muna ako saglit sa kusina.”

Pagka-alis naman ni Mommy, nakita kong kinuha niya yung picture frame na nakapatong sa lamesita namin. Picture ko nung bata ako. Hanggang sa narinig ko siyang nagsalita. “You better change your clothes, or else…”

“Or else ano!? Huh! Kahit anong gusto kong isuot, isusuot ‘ko. Walang makakapag—.”

“Or else, I have to see what I don’t like to see from you.”

“Huh!?” Napatungo ako sa suot ko at nanglaki ang mata ko. “Sh*t.” Napatingin ako sa kanya at saka ko siya nakitang naka-evil smile habang tinitingnan ang baby picture ko. Nakamini shorts lang pala ako at sphagetti strap na super fitted ppa. And I’m not wearing any brassiere! Napatakip ako sa dibdib ‘ko. Tumakbo na lang ako sa room ko at ginawa ang dapat kong gawin.

-=-

“Mi, alis na po ‘ko.” Paalam ko kay Mommy. No doubt na nandito siya para sa usapan naming dalawa kaya nag-ayos na ‘ko para matapos na ‘tong lahat. Hindi na ’ko masyadong nagpaganda pa. Nag-jeans at plain white shirt nga lang ako, baka isipin niya kasi nagpapaganda pa ako para sa kanya.

“Okay Baby, you need to look beautiful lagi, ah? Sayang ang boyfriend na sagad sa kagwapuhan, okay?”

Kung alam lang talaga ni Mommy. Pero sasabihin ko rin lahat after nitong usapan naming dalawa. For sure!

-=-

Nasa daan na kaming dalawa nitong kapreng ‘to nang mag-umpisa ako magmasid sa loob ng sasakyan niya. Habang tinitingnan ang kabuuan ng loob ng sasakyan, nagsalita naman ako.

“Paano mo naman nalaman ang bahay ‘ko? Stalker ka ba?” Tanong ko. Taray Nads!

“Tss.” Iling niya habang nagmamaneho. “I know everything.”

“Yabang…” Bulong ‘ko. Buti hindi narinig.

Actually, pangdalawahan nga lang ‘tong sasakyan niya. Napakatahimik din, ‘di manlang makuha na magmusic. Ang lungkot siguro ng buhay nito.

“Loner…” Bulong ko. Pero this time, mukhang narinig na niya. My bad…

“What?” Tanong niya sabay tingin sa’kin pagkahinto namin sa daan.

“Wala.” Sagot ‘ko. “Binge.” Bulong ko.

Kaso pagkasabi ko no’n, nagsisisi na agad ako. Dahil pagka-andar ng sasakyan, parang papatayin niya ‘ko sa bilis niya magmaneho. Napahawak nalang ako sa upuan ko. Pero wala ata siyang balak na bagalan ang pagpapatakbo niya. No choice, sigaw na lang ang tanging nagawa ko!

“KUNG MAY BALAK KANG MAGPAKAMATAY, WAG MO ‘KONG IDAMAY!!”

-=-

Isang oras ang nakalipas at salamat po talaga, nakarating ako nang ligtas kung saan man ang lugar na ito. Pagkababa namin ay pinagmasdan ko ang paligid. Napa-whistle ako pagkakita ko ng pangalan ng restaurant. Isa ‘to sa mga sikat na restaurant, in and out the country. Siyempre alam ‘ko ‘to, HRM kaya ako! At inaalam ko ang mga prospect kong restaurant na gusto kong mapabilang pagkagraduate.

Pagpasok naman namin, may sumalubong sa’min pero hindi pinansin nitong kasama ko at dirediretso lang sa table na ‘naka-reserved’ na para sa’min. Kung ako yung crew, lalagyan ko ng lason ang ‘o-orderin’ ng lalaking ‘to.

“So yung EX mo na ba ang hinihintay natin dito?”

“Who else do you think?” Sagot niya sabay tingin sa ibang direksyon.

Nako lang talaga, saniban ako ng mga ilang kilometro pa ng pasensya dahil mukhang kakailanganin ko sa isang ‘to. Matatapos din ‘to, pagbigyan.

“Hey freak, can you see that.” Sinundan ko yung tiningnan niyang direksyon—teka! Anong tawag niya sa’kin!? Freak!? Ako!?

“Yes! I’m not blind, I can see that, mas maliwanag pa sa sikat ng araw.” Mokong ka. “And now, so what!?” Dagdag ko.

Tumingin siya sa’kin. “So what? That’s my girlfriend, you Freak.”

Baka naman EX. “Girlfriend? Eh bakit may kasama na siyang iba?” Tumingin na kami parehas sa tinuturo niya kanina. Maganda rin naman pala.

“Friend, of course. Tss! That bastard.” Inis na sabi niya.

Bitter ka lang. “Like I’ve told you before, ‘di ka talaga mahal ng girlfriend mo. Pinalitan ka nga agad, oh. May spare siya…” Pang-iinis ko.

Tumingin naman siya sa’kin sabay sabing ,“Just do your thing and stop talking. Wait for your time.” Saka niya ibinalik yung tingin niya sa table ng EX niya.

“Fine, I’ll wait. Aalis muna ‘ko sandali.” Saka ako tumayo at hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko. Napatingin naman ako dun sa EX niya. Sus! Mas maganda pa ‘ko dun eh. Naka-ayos lang yun.

Pagpasok ko ng comfort room. May sumunod naman na babaeng—yung EX ni Mokong!

Nagretouch siya ng make-up niya tulad ‘ko. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.

“Hello, Madeline speaking…”

Ah, Madeline pala ang name niya…

“Oh, Edward! How are you? Oh? Yes… Sorry for the other night. Yes, I’m little upset right now. Hmm? My place? Sure. Later? 8 pm would be fine. Where am I? I—uhm… Boutique. Yes, okay. I’ll see you later. Bye.”

Ano daw? Little Upset? Nakakatawa naman pala magsinungaling ‘tong EX ni Mokong. Daig pa exam sa pagsagot, ang bilis. Eto lang masasabi ko…

Isa siyang MANLOLOKO slash MANGGAGAMIT slash PLAY GIRL!

Eto na ba yung pinaghihimutok ng butsi ng Mokong na yun? Sayang lang ang oras ko rito para magpaliwanag na—napahinto ako sa pag-iisip. Napatingin naman kasi siya sa’kin.

“Disgusting…” Narinig kong bulong niya at saka siya naglagay ng red lipstick niya.

Ako!? Disgusting?! Sampolan ko kaya ‘to?

“Playgirl…” Ganti ko at saka ibinalik yung face powder sa bag ko.

Napatingin siya sa’kin while holding her lipstick. “What!?”

Naghugas ako ng kamay at saka sinabing, “Truth hurts.”

“Who’s that playgirl you’re murmuring, uh!?” Inis na sabi niya at saka niya binaba yung lipstick.

Napatingin ako sa paligid ko at saka siya sinagot. “Did I say something wrong? And wait, do I know you? Have we met before? My mom said… I should never talk with strangers.” Sabay flip ng hair ko bago lumabas at iwan siyang NGANGA!

Hindi pa man din ako nakakabalik sa upuan namin ay sinalubong na ‘ko ng lalaking ito.

“Let’s go.” Hinawakan niya ko sa may wrist at saka kami naglakad papunta sa—sa table nung EX niya!

“Hey, teka—.” Napahinto ako ng huminto kami sa harapan ng kararating lang na si Madeline. Tumalas naman yung tingin nung girl na ito sa’ming dalawa.

“Madeline, she’s the one I’m telling you. And hell, I have nothing to do with this woman. She’s definitely not my type and not my girlfriend.” Paliwanag ng Mokong na ‘to!

So sinama niya ‘ko dito para sabihing hindi niya ‘ko tipo? Well, paki ko! Dahil hindi ko rin type ang nakapa-ungentle na tulad niya!

“Wait, what’s happening here? Excuse me, bu we’re in a date—.” Sabi nung lalaking kasama nung EX niya, na napatayo na rin.

“I don’t give a shit with your date. It’s none of your business.” Habang diretsong nakatingin lang dun sa EX niya na mukhang tuwang-tuwa naman sa ginagawang kamartiran ng lalaking ‘to.

Pero bigla na lang siyang tumawa, na parang nag-iinis pa. “So it’s you!? Oh my—this is the girl? I don’t know if I’ll be insulted, or what.” Tumingin naman siya sa’kin at sunod kay Troy. “Don’t worry, you look good together. You both look… Uh? Pathetic?”


Wow!? Ano daw!? Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin lang sa babaeng ito.

Tanga ba siya o ano? Gusto niya ba talaga ang bruhildang ito!?

“So we’re done.” Yun lang nasabi niya.

Of course it’s done! Gusto kong isigaw sa kanya. Ano ba siya, naghahabol pa siya sa isang ‘to?! Tama lang yan!

“When I say we’re done, we’re done.” Sagot naman ng babaeng ‘to.

Binitawan naman ao ni Troy at umalis na lang na parang walang nangyari.Naiwan naman ako rito na hindi manlang niya inaayang umalis!Okay sige, uuwi na lang ako mag-isa. Pero hindi ako aalis dito ng hindi manlang ako nakakabawi sa mga sinabi ng babaeng ‘to. NEVER!

“Hey, you know what? This is my happiest day of my life.” Sabi ko.

“Who cares—.”

“Of course you care. It’s because, I know now how to spell the word SLUT.” I braced myself para lakasan ang boses ko. “And it’s M-A-D-E-L-I-N-E! In short, you’re a slut.”

“What the hell—.”

Tumingin ako dun sa kasama niyang guy. “Wag kang magpapaloko, masyado kang gwapo para lokohin niya. Narinig ko siyang may katatagpuin mamaya… Edward? Well, your choice—.” Napatigil ako ng bigla akong sabuyan ng juice sa damit ng babaeng ‘to!

Oh yes! She’s asking for war, I’ll give her war!

Kinuha ko yung plate na may pasta sa table nila.

“You’re dealing with the wrong person.” Saka ko binuhos sa ulunan niya yung pasta. Nilapag ko yung plate sa table at tinalikuran sila. Ang narinig ko na lang ang inis na sigaw nung babaeng iyon.

Pagkalabas ko naman, wala na yung Mokong! Hindi man lang ako hinintay!

Sama ng ugali… Buti na lang tapos na ‘to.

Pero ayos lang kaya yun? Magandang lalaki naman siya bakit naghahabol pa siya sa isang yun—ay! Wag mo na isipin nga, Nads!

Mahalaga, hindi na kayo magkikita no’n. Goodluck na lang sa kanya.




*****TO BE CONTINUED******


#FBBFisBACK !!!!

Sa mga nakabasa na nito noon ng mga ebook days pa lang, share your unforgettable scenes, feels o kahit mga funny experiences habang nagbabasa ng FBBF.

Follow me on FB – annebernadette.castueras

Follow me on Twitter - @berna3gurl

Follow me on Insta - @abcdyosaa



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019