Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



FBBF2020

Description: https://assets-noink.abs-cbn.com/ugc-images/1581079505_KcLZv304.jpg

Ikaw na lang ba ang NBSB sa barkada?

Bakit ‘di mo subukang gumawa ng iyong Facebook Boyfriend?

Makakapagpalit ka pa ng status mo from single into relationship, oh, ‘di ba!?

Pero pa’no kung ang ginamit mong picture ng FBBF mo ay mabuking ka? IYON LANG!

Sa Facebook, ‘di lang friends ang makikita, dahil pati lalaking mamahalin mo - dito mo lang mase-search! Ito ang istoryang pupunan ang BORING na araw ninyo sa Facebook, at bibigyan kayo nang kakaibang idea kung paano ang Facebook Boyfriend mo ay magiging For Real?!


****


THE START


“Two Chocolate Cream Frappuccino for Liz and Sandy, one Caramel Frapuccinno for Chris, and one Chocolate Cream Chip for… Miss Nadine.”

“AH!” Iling ko pagkasiko sa’kin nitong si Sandy.

“Girl, wag maarte. Ikaw ang kumuha at mukhang may pagka-exotic ang hilig nung guy.” Sabi niya habang nakatingin naman siya dun sa direksyon nung guy crew na tumawag ng order namin. Nandito lang naman kasi kami sa favorite hang-out place ng gusto lumanghap ng kape buong araw at bumili ng pagkamahal-mahal na pastries in just one slice, ang Starbucks.

“Sige na Nads, minsan lang magkalat ang may sapak ngayon. Get the chance!” Dagdag pa ni Liz.

“Che! Inggit lang kayo, ako ang unang napansin—”

“Dahil ikaw ang pinakakakaiba sa’ting tatlo. Now go!”

Biglang tulak sa’kin sa pagkaka-upo ko kaya napatayo na ‘ko. Tumingin ako kay Sandy habang inaayos yung damit ko. “Kailangan nanunulak?” No choice kaya naglakad na ‘ko papunta dun sa counter, kay guy crew na kinindatan ako pagkakuha ko ng mga orders namin.

Ngumiti na lang ako, pero deep inside, sa kalalimlaliman ng pagkababae ko, kinikilig ang gaga.



Ako nga pala si Maria Nadine Castro, but my friends call me Nads. Second year collegestudent na may course na HRM. Mahaba ang buhok, maputi naman, five-three ang height. Curious ka ba kung maganda ako?

Hindi naman ako kagandahan tulad ng iba, pero alam mo ba yung salitang KARISMA?

Diyan lang naman ‘na-i-ichupwera’ ang lahat ng maganda sa mundo. At yun ang mayroon ako… Karisma!

Pagkabalik ko naman, nagkanya-kanya na silang kuha ng mga orders nila. Habang eto namang si Sandy ay may tinitingnan sa laptop niya.

“Tutal, pakipot si Nads sa guy crew na yan.” Tumingin siya sa’ming tatlo with that Oh yeah, get ready... eyes niya. “May papakita ako sa inyo and I know! I just know, you know? That you’ll all love it! Especially you!” Sabay turo sa’kin.

Si Sandy ang playgirl ng grupo. Dyosa nga kasi ang tingin sa kanya ng kalalakihan at Bruha naman pagdating sa mga kababaihan. Bakit? She treat boys as a game, may start at may tinatawag ding game over. Kaya inis ang ibang girls sa kanya dahil alam na alam niyang maganda siya at wala siyang paki-alam sa sasabihin nila. Just don’t mess up with her, okay?


Napataas na lang ang kilay ko. Pero nang ilapit niya sa’min yung laptop niya… Napa-OH! nalang ako.

“Wow Sandy. Tinanggap mo na talaga na desperada ang isang ‘to sa mga imaginations niya.” Sabay buntong-hininga ni Chris. “Ginawan mo pa talaga ng Facebook ang imaginary boyfriend ni Nads, ah…”

Si Chris naman ang tinatawag naming ‘just right’. Bakit? She wants everything in order, ayaw niyang may magiging mali sa mga bagay-bagay. Kumbaga, siya na siguro ang pinaka-matino sa’ming grupo. Mahahawa na lang talaga si Ms. Right sa’min kapag hindi na kinaya ng brain cells niya, alam niyo na?Tahimik lang yan, pero wag kang magkakamali na kantiin siya o ang kahit na sinong malapit sa kanya, dahil makakakita ka ng santong naging siga sa kanto. Ah basta, don’t make her mad.


“Ang galing! Sino naman yang ‘ultra mega hot super duper love him na talaga’ na guy na yan?” Nangingiting sabi ni Liz habang sabay naming tinititigan ang facebook nitong guy na ito.

At si Liz naman ang pinakasunod sa kalokohan ni Sandy. Nagkakasundo ang dalawang yan basta ang salitang ‘KALOKOHAN’ na ang usapan. Para sa kanya, masaya lang ang buhay, tinatawanan lang. Wag masyadong serious ang peg, she’s too adorable para ayawan mo. Pero you’ll be sorry kung aawayin mo. Just back-off, okay?

“Well, well, well, bawal ang kontra, okay!? Katuwaan lang naman Chris and, of course, diyan lang masaya ang friend nating—oh, tingnan mo siya, amaze na amaze na…”

“Ano pa nga ba…” Habol pa ni Chris habang nakatingin sa’kin.


Alam kong mukha akong ewan, kaso… HINDI KO MAPIGILAN ANG NGUMITI AT TUMITIG SA KANYA!

“Kung totoo lang siya… Siguro nasa langit na ‘ko…” Napatingin ako kay Sandy. “Grabe Sandy! Ang galing mong pumili, sa’n mo naman siya nahagilap!? Pero teka lang! Baka makita ng totoong may-ari yan, ah?” Nag-aalala, pero excited na rin akong umpisahan ang kalokohan ko with this fake account.

Sumagot naman si Sandy. “Siyempre, sa malayung-malayo na account sa facebook—.”

“What!? Sa fb mo rin nakuha!? Teka lang ah, pano kung makita niya yan!? Tapos sundan ako sa bahay namin at makita niya ko at ma-inlove siya sa’kin dahil ang ganda ko—.”

“Okay Nads, wag assuming okay?” Sagot ni Sandy with matching wave pa ng hand niya sa’kin.

“Fine! Pero paano nga kung—”

“HEP! AWAT! Hindi naman ako kukuha ng mabubuking agad, ‘no!” Say ni Sandy na kinontra naman ni Chris kaagad.


“Pero teka lang ah… Sabi mo, AGAD? Hindi mabubuking kaagad!?” Uminom naman si Chris before saying na “Nads, goodluck.”

“May point si Miss Chris. Paano nga yan Sandy?” Tanong na rin ni Liz.

“Alam niyo girls, malinis ako gumawa and I know what I’m doing. Kung makita man niya yan, we’ll delete it and everything will end. Sure naman akong hindi mahahanap si Nads niyan, ang layo kaya ng pinagkuhanan ‘ko. I don’t even remember his real name, and that’s the truth.” Tumingin naman sa’kin si Sandy. “So… Are you ready to grab the opportunity to be his girlfriend? Your Facebook Boyfriend?”

“Wait, pag-iisipan ko…” Sagot ko. Mahirap na pag sumabit.

Bigla namang sumagot si Liz. “Kung ayaw mo, akin na lang—.”

“No thanks, nakapagdecide na ko at pinag-isipan ko nang mabuti ‘to kaya go! Go na go na ‘to! Wag kang feelingera, akin yan Liz.”

“Nag-isip yan, Nads talaga. Okay fine, wala na ‘kong magagawa sa inyong tatlo.” Pagsuko ni Chris.


“Okay! May boyfriend na ‘ko sa FB. So anong pangalan niya?” Tanong ko.

“Okay girls…” Tumayo pa si Sandy at saka niya kinuha ang laptop niya habang may ginawa saglit bago iniharap sa’min ang screen ng laptop with another picture of him, my FBBF. Luwa mga mata namin!

“Gosh Nads, akin na lang siya…” Medyo nahihibang na sabi ni Liz habang nakatingin sa picture.

“Okay, I have to admit… Makalaglag-panga,” sabi ni Chris na nagpipigil.

“Hindi ba panty?” Dagdag pa ni Liz.

“Grabe, anong ginawa ko noong past life ko para magkaroon ng tulad niya?” Sabi ko habang nakatitig sa picture niyang nakatopless at red basketball shorts. Stolen shot pero malamang sa malamang namatay na ang kumuha nito dahil sa nosebleed. Grabe naman yang katawan ng lalaking yan, parang hindi totoo… SCULPTED BODY! At ang face? Ang pinapangarap kong lalaking-lalaki ang mukha na hindi mukhang mahilig sa powder at hindi yung mukhang hindi pa nasusuntok ever in his life. Siya na talaga, siya na talaga ang hinahanap ng puso at utak ko!

At sabay proud na nagsalita si Sandy.


“Meet your Facebook boyfriend, William Troy.”


****TO BE CONTINUED****



Yihaaa! Opo! Ako po ito! Si Manager ABC!

At ako po ang nag-iisang sumulat ng istoryang ito na nagmula sa Wattpad. ;)

I want to reupload this again para naman makilala ng new generation readers natin. Aba! Nagsitandaan na kaming mga lola ng mga sinaunang online readers, e. hahaha! BAWAL MAG-REPRODUCE NG KOPYA NITO. GUMAWA NUN, PANGIT! AS IN SOOOOOBRANG PANGIT! LOOB AT LABAS. HAHA! MASAMA MAGNAKAW! OY!

Kitakits sa next UD. Every Sabado! MWAH!

Please share this balita to everyone para naman sama-sama ulit tayong mabaliw kina Mokong at Freak! <3

Leave your beautiful comment below!

BYE!


#FBBFRETURNS2020

#FBBFNOINK

#MOKONGFREAK2020


-MANAGER ABC-


  • (6 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019