Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Facebook Boyfriend For Real

Image Description abcastueras   |   13 March 2020


FBBF2020

Chapter 6: KV KV KV

What’s on your mind? > Ang lalaking hindi mo gusto, nilalayuan… HINDI NILALAPITAN!


“So anong nakakatawa sa nangyare sa’kin!?” Tanong ko sa kanila habang hagalpak sila sa pagtawa diyan. Mga magagaling na kaibigan, napakasupportive sa kalokohan ng iba.

Tinginan sila nang tinginan sa isa’t-isa, parang may ‘di sinasabi. Hmm, nangangamoy…

“Kasi naman, Nads. Ikaw na ang nag-iisang babaeng naglaro ng basketball na naka-heels. Pero don’t worry, nagmahaba ka naman ng hair during the game at napaglaro mo nang nakayapak si Captain Troy.”

Naalala ko na naman. Fine, natuwa ako pero kahit na!

“So paano ka nga ba naka-uwi kagabi?” Tanong ni Chris.

“Naka-uwi? Pano nga ba?”

“Para ka namang ‘na-hypnotize’ ni Troy. Hindi mo na alam mga ginagawa mo.”

Alam ko… Hinatid ako ni Mokong. Tama… Hinatid niya ko tapos… tapos? Anong sunod ng pagkatapos?

-=-

Kaka-uwi ‘ko lang ng bahay ng biglang tumunog yung doorbell namin.

“Ako na Mi.” At lumabas ako papuntang gate. Pagkabukas ko naman, “Luke!”

“Hi.” Bati niya.

“Naligaw ‘ka?” Tanong ‘ko.

“Ah, hindi naman. Sabi ‘ko, pupunta ako dun sa magandang player namin kagabi , tapos dito ako napunta. I have sense in direction, I guess.” Sabay ngiti sa’kin.

“Bolero. Siya, tara.” Pinapasok ‘ko naman siya sa bahay.


“Nak, sinong dumating. Kuya mo na—.” Natigilan si Mommy with matching titig sa kasama ‘ko. “Anak, bagong bf mo?”

Umubo naman si Luke. “O-ho!” Biro niya.

“Hindi Mi!” Wish ‘ko lang, wagayway flag pa.

“Anak, loyalty ang key sa relationship. Kahit na, uhmm, gwapo ang kasama mo.”

“Salamat po.” Pabirong sagot naman ni Luke. Nako magkakasundo ang dalawang ito.

“Ikaw talaga anak. Magkasunod mo pa silang dinala mo dito sa bahay natin.”

“Magkasunod?” Ulit ‘ko.

“Upo muna kaya kayong dalawa.” Napa-upo na rin kami sa sofa. “Kagabi kaya, inihatid ka ni Troy dito. Pagod na pagod ka nga ‘nak. Sa’ng sakahan ka ba nagsaka at para kang lantang gulay na bitbit ni Troy kahapon hanggang kwarto mo.”

“Kwarto?” Ulit ni Luke.

“Oo, nako. Kasama niyang umuwi ang boyfriend niya.” Sabi ni Mommy. “Mabait na bata.”Bata? Laki-laking tao nun.

“Si Troy po?” Tanong ni Luke.

“Ah, oo? Bakit ‘nak?” Tumingin sa’kin. “May iba pa ba bukod kay son-in-law?”

“Son-in-law!?” Pagtatakang ulit ni Luke. Samantalang ako naman ay speechless.

“Dito ko pa nga pinatulog—.”

“Mommy!!” Saka ako natauhan. Nakakahiya na kay Luke! Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Mommy na FBBF ‘ko lang ang Mokong na yun.

Natawa lang si Mommy. “Hindi ko naman kayo pinagtabi. Alam ‘ko naman ang hormones, masyadong aktibo kaya sa kwarto ng kuya mo siya pinatulog. Wala naman ang kuya mo.”

Napahawak na lang ako sa noo ko at napayuko sa hiya. Susme Mommy, hormones!? Hormones sa harap ng lalaking ito!? Sa harap ng crush ‘ko? Yeah, crush ‘ko nga ang may nakakamatay na ngiting lalaking ito.

“Sige, iwan ko na nga muna kayo. Kukuha ako ng meryenda.” Tama yan Mommy!

Nakahinga na ‘ko nang maluwag. “Pagpasensyahan mo na si Mommy.” Segunda ko.

“Wala yun. Nakakatawa nga… Hormones?” Biro ni Luke sabay tinging maloko sa’kin.

“Luke naman, eh.” Saway ‘ko.

“Biro lang. Pero si Troy ba talaga yung tinutukoy ni Mommy mo?”

“Hindi ko rin sigurado, pero mukhang siya nga.” Siya lang naman tinatawag na son-in-law ni Mommy, sure na sure Ang ‘di lang alam ni Mommy halos maputulan ako ng paa dahil sa kanya.

“Wala lang, ang alam ‘ko hindi naman totoo ang pagiging in-relationship niyo sa FB ‘di ba?”

“Oo naman.” Ikaw nga ‘tong mas gusto ko, eh.

“Hindi naman kasi napapatulog sa ibang bahay yang si Troy lalo na kung hindi niya gusto ang tao. Ni hindi ko pa rin nakitang binuhat si Madeline ni Troy.” Napatingin siya sa watch niya. “Kung nagkataon, ikaw pa lang.” Tumingin siya sa’kin.

“Ah?” Sabay tawang pilit. “Buti na lang hindi ko alam. Buti tulog ako.” Sabay tawang pilipit. Ehe-ehe-ehe.

“Namumula ka.” Sabi niya at napahawak ako sa mukha ‘ko. “Joke.”

“Luke naman, eh!”

Tumawa siya. “Wag mo ng pansinin yung sinabi ‘ko.”

“Pero Luke, bakit ba parang galit na galit yung Captain niyo nung nagbreak sila nung gf niya. Eh, no offense, mukha namang manloloko yung girl.” Anong mukha? TALAGANG manloloko yun.

“Kahit ako, ayoko sa isang yun. Pero, siguro natanga lang si Captain nang mawala ang mother niya. Saktong namang dumating ang Madeline na yun.”

Mother ni Mokong? Bakit? Ano bang nangyari—.

“Gusto mo magtanong kung anong nangyari, ‘no?” Si Luke habang nakatingin sa’kin.

“Ah!? Hindi kaya.” Tanggi ko. Inis naman ‘tong si Luke. Nababasa ako lagi. Try mong basahin ang heart ko, hinihiyaw ang name mo.

“Ayoko sanang pinag-uusapan ang tungkol sa mga kaibigan ‘ko ng hindi nila alam, kaya mas mabuting sa kanya mo na lang tanungin.”

“Nako, hindi ‘ko tatanungin ‘no. Hindi naman ako interesado.” Pero bakit nga kaya? Ay ewan!

Ngumiti lang si Luke na akala mo nababasa na naman niya ang nasa utak ‘ko.

“Teka, Nads, mahuhuli na ‘ko sa practice namin.”

“Aalis ka na agad… Ah teka, tama ba’ng rinig ‘ko, your name is Luke?” Si Mommy habang may dalang juice.

“Opo, Luke nga. Pasensya na Tita, talagang dumaan lang ako rito para tingnan kung sa’n nakatira si Nads.” Kinuha pa rin niya yung baso ng juice at straight na ininom. At pagkatapos ay iniabot kay Mommy ang baso sabay sabing, “Luke Sandoval po, Engineering student, third year college sa Austine University. Only son ng pamilya namin at wala pong girlfriend.” Sabay ngiti niya.

Mukhang natuwa naman si Mommy kay Luke. “Kung walang boyfriend ang anak ‘ko, iisipin ‘kong nagpopropose ka na, Luke. Buti ka pa, Tita ang tawag sa’kin. Si Troy kasi, ma’am. Ginawa pa kong prof niya. Oh siya, sige, balik ka rito and have dinner with us.”

Kahit alam niyang hindi ko naman bf for real si Mokong, hindi siya umapela sa sinabi ni Mommy at nag-smile lang. “Gusto ko yan, Tita. Sige po, I’ll be looking forward to that dinner.”


-=-

Umalis na si Luke at saka ako napa-isip sa sinabi niya tungkol kay Mokong. Concern ang kapre? Eh ano naman kung concern siya? Tao naman siya kaya normal lang sa tao ang maging concern sa iba. Unless, hindi siya tao o hindi siya normal, or both.

“Oh.” Nandito pa pala ‘tong rubber shoes niya. Dapat kinuha na niya ‘to kahapon bago siya umalis dito sa bahay.

Kinuha ko yung rubbershoes niya at nilagay sa plastic. Kinuha ang bag ko at bumaba ng hagdan. Siguro, dapat ko na ngang lubayan ang lahat sa taong yun nang hindi ko siya isipin. Mahirap na…

“Hep! San ang punta natin? Kauuwi mo lang.”

“Ah… May isasauli lang?” Sabi ko pagka-angat nung plastic na hawak ko.

“Kanino?”

“Kay Mokon—Troy.”

“Ah, sige. You may go.” Sabay balik kung sa’n man galing si Mommy. NGANGA ako eh.

Basta kay Mokong, okay lang. Ibang klase…


-=-



Tumawag ako kay Sandy pagkalabas ‘ko ng gate.

“Sandy, alam mo ba kung san yung Austine University?”

Uuyy… What’s with that University?

“May ibabalik lang akong gamit.”

Kay Troy?

“Free ka’ba?”

Super. Wait me, I’ll be there in… Two seconds.

Two seconds? Bigla na lang may bumusina sa’kin. Inihinto ko na yung call.

Tumakbo ako papunta sa sasakyan niya. ”Anong ginagawa mo rito, ah!?”

“Sakay muna bago sagot, Nads.” Sumakay naman ako at pinaliwanag niya along the way kung bakit siya nando’n sa’min kaagad. Gusto raw niya kasing may-overnight sa’min dahil wala siyang magawa sa bahay nila. Sila lang kasi ng Kuya Roy niya ang magkasama. Tapos busy pa si Kuya Roy sa pag-aasikaso ng business nila kaya laging alone ang Dyosa. Ang dad niya? Ah, nasa ibang-bansa. Wala na rin akong balita, basta galit siya dun.

Pagkarating namin ng Austine. “Okay, balik ko lang ‘to, ah. Mabilis lang. Super.” Sabi ko.

Pagkadating ko sa gate. Pinapasok ako agad ni Manong Guard. Ako daw ba yung girlfriend ng Sir niya. Sir? Nakakatawa naman kung sina Troy ang may-ari nito. Nagkamali lang siguro si Manong. Gabi na rin kasi at wala ng estudyante sa paligid.

Pero sabi ni Manong nasa gym daw ang team, nagpapractice.

Tuloy lang ako sa paglalakad, sinusundan ang ilaw papuntang gym nang biglang may naramdaman akong sumusunod sa’kin.

No girl, no stalker, killer, rapist—please!

Lakad, sige, lakad lang Nads.

Hanggang sa napatakbo ako at bigla na lang ay humatak sa’kin sa isang gilid ng building. Takip-takip ang bibig ‘ko at halos nakayakap na siya sa’kin para pigilan ang pagpupumiglas ‘ko. Pagpupumiglas? Hindi naman ako nagpumiglas. Ang bango kaya nitong humatak sa’kin at ang muscele, achieve na achieve!

Ay hala Nads? Kiligin sa dilim with a stranger?

“Just stay here, understand?” Biglang sinabi ng lalaking ‘to pagkaalis ng takip sa bibig ‘ko.

“Huh?”

“Tss! Stay here!” Sigaw niya at bigla akong natameme. Umalis siya at tumakbo sa kung saan.

Stay? Para akong aso, ah!? Nagstay naman! Teka, aso? May naalala ako ah.

Stop sniffing me like a dog.

Hanggang sa maya-maya, may narinig akong umiling sa sakit.

“Sir! Sir! Roving guard po ako rito! Kala ko po kasi ‘trespasser-magnanakaw’ kaya sinundan ko siya.”

Napalabas ako sa lunggang kinatatayuan ‘ko. At saka ko siya nakita, si Troy!

Habang hawak sa kuwelyo yung lalaki. Binitawan naman niya at saka may sinabi sa lalaki at umalis naman ito agad-agad.

Papalapit na sana ako sa kanya ng… “You!”

“Me?”

“Whoelse do you think I’m talking with?” Tanong niya. “What are you doin’ here at this hour? Huh!?”

Antipatiko talaga. “Wala naman! Napadaan lang at naisipan ‘kong itapon ‘tong rubbershoes mo.” Sabay hagis nung plastic na may laman sa rubbershoes niya.

Tinalikuran ko siya. Inis na yan. Magpapasalamat pa sana ako kaso ang lakas makasigaw eh. Wag na lang!

“Freak!”

“Freak your face.” Bulong ko habang naglalakad pabalik sa pinanggalingan ko.

“Freak!!” Sigaw pa niya.

Manigas ka.

“Nadine!”

Napahinto ako. Tinawag niya ba ‘ko sa pangalan ko?

“Freak.”

“Ay buwiset.” Sabay lakad.

“Stop!” Sabay harang sa daraanan ko.

“Ano!?”

“I don’t know. Just… Tss! Let’s go.” Sabay hawak niya sa’kin sa kanang kamay habang hawak niya sa kabilang kamay niya yung plastic na may sapatos niya.

Sa gym naman, napahinto silang lahat pagkakita nila sa’ming dalawa ni Troy. Anong problema nila? “Hi?” Bati ‘ko.

“Ah, Nads!” Si Luke. Lumapit siya sa’kin at saka naman bumitaw sa’kin si Troy.

“Parang kanina lang nagkita tayo.”

“Oo nga eh.” Sagot ‘ko. Lumapit din sila Sebastian.

“Nagkita kayo?” Tanong ni Sebastian.

“Ah, pumunta ako sa bahay nila Nads. Wala lang naman.” Sabi ni Luke.

Napatingin naman sa’min yung team. Alam naman siguro nilang laro-laro lang yung relationship status ‘ko sa Mokong nilang Captain, ‘no? Baka isipin nila ang dami kong lalaki, eh.

“Oh mga tingin niyo, p’re.” Si Luke. Tumingin na lang siya sa’kin. “Bakit ka nga pala nandito, Nads?” Pag-iiba niya ng mood.

“Oo nga. Kanina sabi ni Captain, may nakalimutan daw siya then lumabas ng gym. Pagbalik, ikaw na ang kasama. Ikaw ba’ng nakalimutan niya?” Si Sebastian. Issue naman ‘tong isang ‘to oh. Pero kaya naman pala ganoon mga reaksyon nila pagdating namin ni Mokong sa gym.

“Sosoli ko lang yung sapatos na pinahiram ni Troy,” Sabi ko.

“Sana hindi ka na nag-abala. Hindi na niya isusuot yan,” Si Luke.

Lumapit si Adrian sa’kin at pabulong na sinabi. “Takot sa alipunga si Captain. Bwahaha! Pero joke yan.”

Eh sus! Eh bakit si Madeline? Gamit na ng iba, gusto pa rin niya?

“Ah, sana pala hindi na.” Sinagot ko na lang.

Hanggang sa napatingin ako sa ibang players na napatingin sa isang direskyon, kaya napatingin na lang din ako. Eh!? Nagsusuot ng rubber shoes si Troy. Yung dala ko.

Pagtapos niya ay tumayo siya at tumingin sa’min.

“What’s with the stares!? Got a problem?”

“No captain!” Sabay iwas nila ng tingin.

“Wala… wala talaga.” Sabay ubo nung iba.

“Stop that nonsense talk of yours and get back to the game. Move!” Sigaw niya.

Asus, sinuot naman niya. Wag na intrigahin, baka mausog!

Tumingin naman sa’kin si Troy. “Freak, stop thinking anything, just think nothing.”

“Oo na! Yes, captain.” Tss! Sabi mo, eh.


Nagpractice sila at ako naman nanood lang sa kanila. Na-enjoy ko naman ang panunood sa kanila dahil nakakatuwa naman silang lahat. Mas nagugustuhan ‘ko pa tuloy ang basketball dahil sa team nila at hindi dahil sa team ng school namin.

Nakalimutan kong may sarili kaming Basketball team—teka!? Nakalimutan?

OH-MY! Si Sandy! Nakalimutan ko na! Tinawagan ko siya.

“Sandy! Hello, sorry nakalimutan ko!”

Inuugat na ko dito Nad. Mga ilang dekada pa hihintayin ko?

“Sorry talaga girl! Teksa sasabihi—.”

Ayii… Bakit? Ayaw ka bang paalisin ni Troy?

“Hindi ‘no! Kasi nga—.”

“NADS!!!” May sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako.

“Huh—.

Aray ko po.

********


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019