Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Facebook Boyfriend For Real

Image Description abcastueras   |   28 February 2020


FBBF2020

Chapter 4: THIS IS IT!

What’s on your mind? > Wag sama nang sama, baka mapasama ka! Sige ka.


NADS

Bumalik sa dati ang buhay ko. Pumapasok sa school, gagawa ng project, at talagang hindi lang maiiwasan na hindi maging topic ako ng usapan ng ibang schoolmate ko. Simula kasi ng face-off namin nung EX nung si Troy, wala na talagang paramdam na nangyari. At kahit ang fake account, hindi ko na rin naisipang buhayin. Kahit nga ang sarili kong FB ay ‘di ko na makuhang buksan sa panglulumo sa nangyari. Isa na kasi talaga akong desperada sa paningin ng mga nakaka-alam ng mga nangyari.

Nagsabi na ‘ko kina Chris na hindi ako sasabay pauwi dahil may pupuntahan pa ‘ko. Kaya eto, nag-aabang ng jeep na masasakyan ng biglang may bumusina sa bandang likuran ko.

“Teka… Pamilyar…” Habang tinitignan ko yung yellow car—yellow car! Nang makalapit sa’kin yung sasakyan, biglang bumukas yung pintuan nung front seat. Tumungo ako para makita naman yung si… Si… Sino nga ba?

“Hi!” Bati niya.

Ngumiti naman ako. Ano nga bang pangalan niya?

Ngumiti naman siya. “Luke.”

“Ah?”

“Luke Sandoval. Yun ang name ko.”

“Ah…” Nakakahiya, nabasa pa ata nasa utak ko.

“Pauwi ka na?” Tanong niya.

“Ah… Medyo?” Sagot ‘ko. May pupuntahan pa kasi ako.

“Oh, tara. Hatid na kita, sa’n man yan. Libreng sakay.”

Hmm? Di kaya may masamang binabalak ‘to?

“Wala akong masamang binabalak. Napadaan lang ako dito, nagkataong nakita kita.”

“May lahi ka bang—.”

“Manghuhula? Wala. Sadyang napakavisible ng expression ng mukha mo sa iniisip mo. Madaling basahin. Tara?”

“Sige na nga.” Sumakay na ‘ko. Kung may masama man siyang balak, hindi naman ako papa-isa ‘no! May dala ata akong… Ah… Ano bang makakapa dito sa bag ‘ko—Tinidor? May baon nga pala akong utensils para sa demo cooking kanina. Ah basta, nakakamatay din ‘to ‘no.

“Sa’n ba punta mo, Nadine?” Tanong niya.

“Ah, sa palengke lang. May dadaanan ako.” Sabi ‘ko. Binaba ko na yung tinidor. Mukhang safe pa naman.

“Palengke? Nagpupunta pala mga tiga Escolastica sa palengke.”

“Ako lang siguro…” Sagot ‘ko. Ako lang naman kasi ang sabit sa university na yun.

Maya-maya, pagtapos kong sabihin kung saan ang eksaktong place ng pupuntahan ko, nagsalita na naman siya. “So, kamusta naman kayo ni Troy?”

Hay, narinig ko na naman ang pangalan na yan. Nakamove-on na ‘ko—teka!? Sino raw!?

Napatingin ako sa kanya. “Sino kamo?”

“Si Troy.” Sagot niya habang nagmamaneho. “Pupunta ka naman sa game ‘di ba? Nasabi na rin siguro ni Captain sa’yo yun.”

Teka, anong sinasabi ng isang magandang nilalang na ito? Tsaka… Captain?

Pero hindi yan ang issue!

“Anong sinasabi mo? Hindi na kami nagkikita nun, ‘no.” Giit ‘ko.

“Yung FB account niya ‘naka-in-relationship’ pa rin sa’yo. Siguradong nagkikita pa rin kayo Nadine.”Parang hindi pa ata ‘to naniniwala sa’kin.

“Nads na lang.” Bigla ‘kong nasabi pero napapa-isip pa din sa kasasabi lang niya. Parang ‘di nagregister, eh. “Ano nga yung sabi ‘mo? Naka-in-relationship kanino?”

“Kay Maria Nadine Castro.” Direstsong sagot niya.

Malas niya. Bakulaw na kapre ang boyfriend niya—ANO DAW!?

“AAHHH!!” Sigaw ‘ko.

Napahinto sa pagmamaneho si Luke. “Bakit Nads!?”

Tumingin ako sa kanya. “A-Anong sabi mo!? Kanino naka-in-relationship? Sa-sa-akin? Yung totoo!?”

“Oo nga, sa’yo.” Natatawang sabi niya. “Imposible namang hindi mo alam yun, Nads.” Saka siya nagmaneho uli.

Kaya ba… Kaya ba tahimik ang tatlong yun? Imposibleng hindi nila alam ‘to! Nangangamoy kalokohan, ah!?

“Sa katunayan, totoong FB account pa nga ni Troy ang ‘naka-in-relationship’ sa’yo ngayon—.”

“ANO!!???” Sigaw ‘ko ulit. Kaya napahinto na naman siya.

“Ano na naman, Nads!?”

“No! It’s not for real! Teka lang Luke, sa ibang lugar mo na lang ako dalhin.”

“No problem.” Sagot niya.

Pero bigla akong may naisip… Kaya ba ganoon si Mommy!?

Going steady na kayo baby, ah? Keep it up!

At si Liz naman…

Nads, ‘wag malungkot dahil buhay pa naman ang FBBF mo.

Teka? Ako na lang ba ang hindi nakaka-alam ng lahat!?

-=-

Pagkababa ‘ko sa tapat ng bahay nila Sandy.“Salamat Luke. Pasensya ka na sa istorbo, ah?”

“Kung ikaw lang din naman ang iistorbo, bakit hindi. Sige, bukas ah? See yah!” Saka niya pinaandar nang mabilis yung sasakyan niya. Buti na lang hindi ganyan kabilis ang pagmamaneho niya kanina, ‘di tulad nung isa. Che! Naaalala ‘ko na naman yung Mokong na yun.

“Teka! Nga pala! Wala ng ‘SEE YAH!’”

Pumasok na lang ako sa bahay nila Sandy at ang salubong ‘ko sa kanya: “DON’T DENY ANYTHING!”

“Fine, I admit everything. Happy?” Sabay ngiti niya.

Can’t get mad to this Goddess friend of mine. “Bawiin mo na yung relationship status, Sandy.”

“Ayaw mo bang marinig man lang yung paliwanag—.”

“Ayaw!”

“Grabe, ayaw mo talaga? Kahit na sinabi niyang susunduin ka niya bukas para sa practice game nila?” Paliwanag niya.

“What!? Bukas!? Tapos na lahat! Manigas siya!”

“Tapos ka diyan.Talaga lang uh…”

-=-

Ala-sais na ng umaga at hindi pa rin ako nakakabuo ng matinong tulog. Salamat sa kapreng Mokong na yun, ni hindi man lang ako dinalaw ni isang minutong idlip man lang. SIYA ANG NASA UTAK ‘KO!

Wala na ‘kong magagawa sa eyebags ko kaya bumaba na lang ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko for school. Bigla namang tumunog ang cellphone ko, Liz calling?

“Hello girl.”

Goodmorning Nads. Ah, don’t forget to wear sports wear. Uh? 

“At bakit naman?”

Huh? Basta, may pupuntahan tayo, okay? So bye! See you!

At binabaan ako ng telepono. Bahala siya, nakabihis na ‘ko. Di na lang ako sasama sa kanila sa’n man sila magpunta.

Papasok na sana ako ng building namin ng may peste akong nasalubong at ‘di manlang marunong magsabi ng sorry kahit nabangga nila ako ng mga alipores niya.

“Binibigyang pansin ka ba sa bahay niyo at dito ka naghahanap ng atensyon?” Sabi ko pagkalagpas nila sa’kin. Humarap naman sila pagkasabi ko noon.

“Kung sa’yo lang din naman manggagaling, no thanks.” Sagot ng mukhang butiking Jhoanna na ‘to.

Ang payat kaya niya! Mas sexy pa ‘ko diyan eh—okay! May baby fats ako, pero kahit na!

“Kung sa’yo lang din naman ibibigay, mas mabuting matulog na lang.” Saka ako nagsmile.

“Ganyan talaga ang nagagawa ng kakapalan ng face after na mabuking ng FBBF niya.”

Sasagot na sana ako ng dumating na sila Sandy. “Na for real na.” At saka ako inakbayan. Real na?

“Kulang ang sagap ng radar mo dahil ang true FB account na ni Troy ang ‘naka-in-relationship’ kay Nads ngayon.” Si Liz.

“Kaya kung may problema ka pa dun. Bibigyan kita ng piso, maghanap ka na ng kausap mo.” Dagdag pa ni Chris. Kakatakot ‘tong si Chris pag naiinis.

Umismik lang si Jhoanna and saka sinabing, “No wonder na Love is Blind.” Saka niya kami tinalikuran.

“Inggit ang bruha.” Sabi ni liz.

“Sigurado ako, siya yung sumigaw nung pangalan ko nung nandito yung grupo nila Troy dati.” Sabi ko.

Inalis naman ni Sandy yung akbay niya. “Hayaan mo na yun. Sooner or later, she’ll be resting in peace.”

“Ay… Ang morbid.” Biro ni Liz. “Pero we all need peace of mind naman talaga.”

“Haba-habaan niya para pati tayo meron,” singit ni Chris.

-=-

Tumagal ang buong araw ng klase sa walang kamatayang reporting. Gusto ‘ko ng umuwi at ang sakit na ng paa ‘ko dahil nakaheels ako ngayon. Dapat nga ata sinunod ‘ko na lang si Liz kanina. But anyways, wala na magagawa.

“Chris, sabay na ‘ko sa’yo pag-uwi ah? Masakit na’ng paa ko.” Sabi ko habang palabas na kami ng building papuntang carpark. Pero mukhang hindi ako napapansin ni Chris, kaya naman… “Uy, ano ba? Chris.”

“Ah, oh? Oo, sige—teka, Nads. Una ka na sa carpark, may kukunin lang ako sa… room?”

Napataas naman yung kilay ‘ko. “Room? Bakit ‘di ka ba sure? Tara, samahan na kita—.”

“No! okay lang.” Tumawa naman siya. “Ako na lang. Mabilis lang, okay? Sige, bye.”

Naiwan naman ako. “Weird.” Nabulong ko sa sarili ko.

May nakasalubong naman akong mga girls.

“Balik tayo dun girl.”

“Nako, suplado naman, eh. ‘Di namamansin.”

“Hindi lang ako nakita kaya gano’n.”

“Nako, in your dreams.”


Lagi na lang lalaki ang usapan ng mga babae. Buti na lang, wala na ‘kong iintindihin na lalaki ngayon.

“Hey, Freak.”

Mga lalaki ngayon, masyadong dominante. Dapat sa kanila, kinakadena at pinapaamo na parang alagang aso.

“Freak!”

“Nakaka-inis.” Bulong ‘ko habang naglalakad. Naalala ko yung Mokong na yun. Tinatawag niya ‘kong ganyan, nakaka-irita sa tenga—.

“You stop there, freak. I’m talking to you!”

Napahinto ako bigla. Teka? That voice! Teka!? Don’t tell me, pupunta nga siya dito!?


Unti-unti akong lumingon sa kanya at laking gulat kong nasa likuran ko na pala siya.

“Are you deaf!?”

“Anong ginagawa mo rito—”

“Let’s go, we’re late!” Sabi niya. Ng hindi ako sumunod sa kanya, hinawakan nanaman niya ko para hatakin papunta sa motorsiklo niya.

“Teka,wag mong sabihing pasasakayin mo ‘ko diyan?” Tanong ko, sabay turo sa motor niya.

“What do you think? Sa’kin?”

“No! Duh!”

“Good, then let’s go.”


Hindi ko nga alam kung bakit ako sumakay kahit na hirap ako dahil sa nakaheels ako. Pero kasi etong lalaking ‘to masyadong nakakatakot mag-utos. Gusto niya ata lahat makuha niya sa isang sabi lang, ay ewan sa kanya. Wala na din naman akong magagawa, nakasakay na ‘ko at may helmet na rin—Oh my gosh! Nakalimutan ko.

“Wag kang magkakamaling bili—SAAAAAN!!! TROY HARRIS SMITH PAG NAMATAY AKO PAPATAYIN KITA!”

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya dahil matindi pa sa Space Shuttle ito! Between life and death ang peg ‘ko habang wala siyang paki-alam sa nangyayari!


Pagkarating naman namin sa lugar na hindi ‘ko alam kung saan.

“Freak, we’re here.”

“Talaga?” Habang nakapikit pa rin ako at nakakapit sa kanya. “Buti naman.”

“Yeah, your arms.”

“Huh?” Ang bango niya infairness ah. “Ano yun—.”

“Stop sniffing me like a dog.”

Napa-alis ako ng kapit sa kanya. “DOG!?”

Nakita ‘ko siyang nangisi at bumaba ng motorsiklo niya. “Then stop acting like one.” Tinanggal naman niya bigla yung helmet na suot ‘ko.

Habang inaayos ‘ko yung buhok ‘ko. “Nasa’n ba tayo?” Tanong ko.


Pero bago pa makasagot si Mokong, eh, bigla akong nangati. May nakita kasi akong makati rin…

“So, look who’s here?” That Madeline. “Pathetic Couple?”

Natawa naman yung kasama niya na hindi niya alam, laruan lang din siya ng babaeng iyan.

Mukhang nagdilim naman ata ang paningin nitong kasama ko pero inunahan ko na siya. Bumaba ako ng motorsiklo at hinarap ang makating lintang ‘to at ang kasama niyang guy.

Relax ka lang Mokong. Chicken lang ang dalawang ito.


Tumingin ako sa kasama ng Madeline niya. “Hindi ka pa ba nangangati?” Tanong ko.

“Ah? What do you mean?” Tanong nung lalaki sa’kin.

Ngumiti naman ako bago ko siya sinagot. “Kasi ang kati… “at tumingin kay Madeline, “kati ng kasama mo. Parang feather lang?”

Handa na sana siyang sumagot pero hinarangan ko na ang matabil niyang bibig.

“Ooops, may nahulog oh.” Sabay tingin ko sa bandang paanan nila.

Tumingin naman si Madeline. “What?”

“Your face.” Say ‘ko.


Lumingon ako kay Troy at saka sinabing “Tara!” At saka ako naglakad papunta sa harapan ni Madeline, sabay hinto. Inapakan ng malakas ang itinuro ko kanina at saka nilagpasan ang maasim niyang mukha. Kasunod ko naman si Troy nanaglakad dito sa… Sa… Sa’n nga ba ‘to!?

Napatingin ako sa isang signboard, This way to Austine University Gymnasium.

AUSTINE UNIVERSITY!??

Napahinto ako. “Teka, bakit nandito tayo!?”

“We’re helping each other, don’t you remember?”

“Remember ka diyan!?”

“Don’t forget that I’m still doing you a favor.”

“Favor?”

“Tss! Your Facebook relationship status with my name. Remember?”

“I can’t remember—.”


“Uy Nads!”

Oh! Si Luke! Ay buti na lang nandito siya. “Hi.” Bati ‘ko.

“Kanina ka pa namin inaabangan.”

“Kanina pa?” Tanong ‘ko.

“Freak, do you even know why you’re here!?” tanong nitong Kapreng ‘to.

“Siyempre hindi! Hinila mo lang ako pasakay ng motor mo at dinala dito. Malay ‘ko!?”

“Teka-teka, mamaya na kayo magdiskusyon. Nads,” Tumingin siya sa’kin. “I’ll explain it to you later. So nasa’n yung sports wear mo?”

“Huh!?” Isa pa ‘tong si Luke eh. “Ano bang meron?”

“Sige-sige na. May extra shirt pa ‘ko, bahala na. Tara na muna.” At saka ako hinawakan ni Luke sa likuran ko at bahagyang itinutulak papasok ng… GYM!?

Pinagbihis ako ni Luke ng extra jersey niya at nagsuot lang ako ng jeans ko.

Pagpasok naman namin sa mismong gym, laking gulat ko na lang sa nadatnan ko.

“O-kay? Sinong makakapagpaliwanag kung bakit ang daming tao?”



*****TO BE CONTINUED******


#FBBFisBACK !!!!

Sa mga nakabasa na nito noon ng mga ebook days pa lang, share your unforgettable scenes, feels o kahit mga funny experiences habang nagbabasa ng FBBF.

Follow me on FB – annebernadette.castueras

Follow me on Twitter - @berna3gurl

Follow me on Insta - @abcdyosaa




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019