Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Facebook Boyfriend For Real

Image Description abcastueras   |   13 February 2020


FBBF2020



Chapter 2: I’m Dead!

What’s on your mind? > Be careful on what you’re wishing for ‘coz you might just get it! Uhg!

-----


Posted five minutes ago…

TROY HARRIS SMITH: Whoever you are, I’ll hunt you down! Mark your days, woman.


NADS

Oh my gosh…

Hahanapin daw niya ako! Okay Nads, 'wag slow. Hahanapin ka niya at who knows what’s next ang drama! May lahi ba siyang mamatay tao? Bakit ganyan naman siya magbanta?! Muntik ko ng mabitawan 'yung baso ng juice na hawak ko. I’m Dead!

“I’m super dead…” Nabulong ko na lang sa sarili ko.

Pero hahanapin niya nga raw ako, Habulin mo ‘ko! Habulin mo ‘ko!, pahabol ang effect Nads?! Okay, no time for joke time.


Umuwi ako ng bahay at sinalubong naman ako ni Mommy ng tanong na: “May nangyari ba anak? Bakit hindi ka na ‘naka-in-relationship’ kay Troy? Okay, kahit ano man yan, magkaka-ayos din kayo.” Napabuntong hininga na lang ako at nagsmile.

Kung alam lang ni Mommy ang kalokohang pinasok ko. Ay nako naman, nakakahiya talaga ako. Ngayon ko lang naisip, bakit ko ba ginawa ang lahat ng ‘to?

After kong makita ang post na yun, binura ko na ‘to agad. Samantalang si Sandy naman ay inalis na rin ang relationship status nung fake account sa FB ko. Grabe, lahat na ata ng balahibo sa katawan ko ay tumayo pagkabasa ko noon. Except sa mga balahibong tago siyempre, haay.


Pagpasok ko sa kwarto, nagtext naman si Sandy.

I hide first your FBBF account, ah? Sorry Nads, sorry talaga girl!

Nag-reply na lang ako na ayos lang dahil ako rin naman itong pumayag. There’s no one to blame kung hindi ako! Gosh! Pa’no na ‘ko bukas niyan!???

***


Maaga akong pumasok sa University para maka-iwas sa mga chismisan ng mga nakabantay sa FB ‘ko twenty-four/seven at siguradong alam na ang pangyayari. Pero ano pa nga ba? Hindi talaga ako tatakasan ng aking kamalasan ng dahil sa FBBF na yan!

“Gisingin niyo na ‘ko please…” Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa grupo ng mga gwapong lalaking naka-abang sa main gate ng University namin.

Pero hindi yun ang issue, may mas matindi pa ‘kong nakita!

“Bumalik ka na sa langit na pinanggalingan mo, please!”

Sabay talikod ko. NO WAY! Nandito siya! Nandito ang totoong tao, kaluluwa, at machong-macho na FBBF ko! Tinitingnan nila isa-isa ang mga pumapasok ng gate!

Grabe ang gwapo niya—okay, tama na ang pantasya, Nads. Dahil kapag nakita ka niya, hindi ka niya pagpapantasyahan, baka patayin ka niyan! Ang morbid!

Whoever you are, I’ll hunt you down! Mark your days, woman.

Naalala ko na naman yung sinabi niya sa wallpost. Kinilabutan ako.

I have to go! Tumalikod na ‘ko para hindi na nila ako makita pa. Nako, bago mahuli ang lahat at baka makita niya pa ‘ko—


“NADS!!!”

Oh my gosh! Papatayin ko talaga 'yung tumawag sa pangalan ko kung sino man siya! Sorry Lord, nagiging brutal ako pero… Kasi naman, eh!

“YUNG NAKA-BLACK SHIRT AT YELLOW BACKPACK! LONG HAIR—”

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng bruhang yun, kung sino man yun. Dahil tumakbo na ‘ko palayo sa lugar. As in marathon ang peg!

Lumingon ako saglit.

At ibinalik ko na agad ang tingin ko sa harapan

“OMAYGASH ANG GANDA MO NADS!”

Sigaw ko habang tumatakbo dahil ang dami nilang humahabol sa’kin, puro lalaki! Pero hindi para kunin ang puso ko, ang buhay ko ang gusto nilang kunen!


Nakakahiya talaga! Saka ko na aalamin kung paano ko paplanuhin ang death process nung nagsigaw ng name ko. Sa ngayon, I need to get out of here! Mahal ko pa buhay ko kaya hindi ko hahayaang makaharap ang mga— “AHH!”

Lamunin na ‘ko ng lupa please! Bakit ba kailangan ngayon pa ‘ko maging lampa at NGAYON PA ‘KO NADAPA! Tatayo na sana ako kaso naramdaman kong dumilim ang paligid. Nang tumingala naman ako, saka ko lang nalaman na napapalibutan na ‘ko ng one, two, three, four, five… okay? Six… TAMA NA! Hindi ko na sila bibilangin, ang dami nilang kapre sa harap ko!

“Siya na ba 'yun?” Narinig kong tanong nung isa. Ang gwapo niya—Nads! Mamamatay ka na, wag ka na magpantasya!

“Tatakbo ba 'yan kung hindi?” Sagot naman nung isang gwapo rin.

Sorry na talaga, hindi ko kayang magsinungaling! Ang gwapo ng mga kapreng ‘to!


Ako naman ‘tong hindi makatayo dahil hindi ko alam kung sa’n ko kukunin ang lakas ko para makatayo. Hanggang sa isang boses ang narinig ko. Boses ng taong hinugot pa ata sa kailalim-ilaliman ng earth ang voice. Not to mention na unti-unti niyang hinihigup ang buong lakas ko habang papalapit siya sa’kin. Umiwas yung apat na lalaki at saka ko tuluyang nakita ang napakapamilyar na mukha na papalapit sa direksyon ko.

Nakatitig siya sa’kin na parang inlove na inlove siya dahil ang ganda ‘ko. Pero lahat ‘to pantasya ‘ko lang dahil mukha siyang murderer at ako ang next target niya! OMG!


“So it’s you, the woman who pretended to be my girlfriend on Facebook?"

Ano raw? I love you ba ang narinig ko?

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Pinagmasdan ko lang siya, kasi naman ngayon ko lang siya nakita sa personal. Ang mukha niya na pangahan, lalaking-lalaki ang peg! Matang kapag tinitigan ka, humanda kang matunaw anytime. Katawang matipuno… Malapad na dibdib at malalaking muscle sa braso. Naghuhumiyaw na ang isip ‘ko ‘YAKAPIN MO ‘KO!’

Ang ganda ng fit ng shirt niya! Ang tangkad niya, kala mo NBA player. I guess gentleman din siya at aalagaan niya ‘ko talaga. Siya nga ang FBBF ‘ko…

“Tss! Are you deaf or something, uh!?” dagdag niya.

Ano raw? Maganda daw ba ako or something?


Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Kaso… Handa na sana akong magpakabingi sa lahat ng sasabihin niya kung hindi lang talaga nagpanting ang ears ko sa sumunod na sinabi niya. Gwapo nga, pero sana pipe na lang siya!Yes, I’m bact to the real world!

“Too desperate to use my picture, and too pathetic to say that I’m his boyfriend. Feel sorry for this kind of woman, can’t even stand to stare at her—.”

Ay, dre! Insultuhan ito, over my dead bod—ay, 'wag naman dead. Ah, basta! Laban, Nads! Itaas ang bandera ng mga desperada. AY MALI! Magaganda pala sa paningin ng mga nanay nila! GO!

Tumayo ako para harapin siya nang mas maayos na ikinahinto naman niya. Grabe! Ang tangkad pala talaga niya. Tumayo na ‘ko pero nakatingala pa rin ako sa kanya. Sayang, pero hinde! Hindi ikaw ang pinapangarap ko. Ang lait-laitin ako ang huling bagay na hahayaan kong magyari sa buhay ko. Gwapo ka, pero mas gwapo si—ano. BASTA!


“Fine! Kinuha ko nga ang picture mo, mali yun and I’m sorry! Pero para sabihan ako ng desperate? Pathetic? This kind of woman? Mister! Picture lang ang kinuha ko sa’yo at hindi ang buong pagkatao mo. Hindi mo ikakamatay yun, okay!? Ang totoo pa nga niyan, napilitan lang ako na gamitin ang picture mo eh. Makita ko nga lang yung picture mo na… na ano… na mukhang kapre, nasusuka na ako!” Napatingin ako sa gilid ko. Mukha ba ‘kong convincing? Nasusuka? Baka naman nanglalambot sa kilig, Nads? Ah basta! “Tsaka kung makapagsalita ka, akala mo naman nakapangit ko para sabihin mong ‘I can’t even stand to stare at her’. Wow huh!? Hiyang-hiya naman ako sa kwagapuhan mo!”

Nads, humahaba na ang ilong mo sa pagsisinungaling mo.


Narinig ko na lang na nagtawanan sila.

“Mukhang dehado pa si Miss.”

“Bwahaha, hindi naman mukhang kapre si Captain! Slight lang.” Narinig kong tawa nung singkit na cute na yun sa gilid ko. Natahimik na lang bigla sa pagtawa nang tingnan siya nitong kaharap kong kapre. Actually, lahat naman sila matatangkad.

“Ano pa bang kailangan ninyo sa’kin? Tinanggal ko na 'yung fake account at sigurado akong hindi ko na babalikan ang account na 'yun. Hindi ninyo na ‘ko kailangang hanapin, okay!?” pagdidiinan ko.

“Kung gano’n nga lang kadali, Miss. Kaso hindi...” sabi nung isa na mukha namang mabait.

Ang totoo niyan, ang real na FBBF ko lang nga ata ang mukhang murderer sa kanilang lahat. Makatingin kala mo nagpaplano na siyang ilibing ako anytime. Kiss kita diyan nang magtigil ka, eh. Hmp, che!

“Naghiwalay ang captain namin at ang girlfriend niya ng dahil sa ginawa mong fake FB account, miss.”

Teka, ‘di ko masyado nakuha 'yun, ah. Naghiwalay, sino?

“Huh?”

“Tss, slow,” singit naman nitong kapreng, gawin na rin nating bakulaw, na ‘to!


Napatingin ako sa kanya at saka siya nagsalita ulit.

“Because of you, my girlfriend and I broke up. You ruined my relationship by messing up with my picture, you desperate-crazy woman!”

Aba, teka… Hindi ko gusto ang sinabi niya.Desperate na nga, crazy pa!? Chrasimatic ako, hindi Crazy!

“Hey you! Yes you!” Kasi naman tumaas pa yung isang kilay niya. As if na ‘di siya makapaniwala na siya ang tinutukoy at tinuturo ‘ko. “If your girlfriend really loves you, I mean, truly loves and trust you, kahit makakita pa siya ng isang milyon na facebook account mo na ‘naka-in-relationship’ sa napakaraming babae… She will never break up with you. Not unless, she doesn’t loves you anymore. Now who’s the desperate-crazy man here? Talking to myself? No, of course not, because I’m talking to you, you desperate-crazy man!”

Inis ah, napasabak tuloy ako sa English ng dahil sa mokong na ‘to. Tissue nga!


Kaso imbis na msindak ko siya, titig na titig siya sa’kin. Lord, help me, last day ko na ba on earth? Natutunaw ako!

“Hell no! If there’s one reason why my girlfriend broke up with me? It’s because of you. She’s been jealous of your crazy games playing to be my girlfriend, you desperate.”

Nakaka-irita na yung boses niya! Yung mga kasama niya nakatingin na lang sa’min. Nag-uusap pa nga kung pa’no nila kami aawatin. Kalmado kaya ako! Etong bakulaw na ‘to awatin nila!

“Wow, huh? Come to think of this. How can she be so jealous kung wala naman siyang nakikita na picture nating dalawa!? Sino kayang pathetic dito? Hindi kaya ikaw yun? Malamang, your girlfriend is just looking for some reasons to break up with you.

Kawawa ka naman! Buti nga!


“May point si miss, ‘no?”

“Oo nga, eh.”

Narinig kong usap-usapan nung mga kasama niya. Natigil sila nang napatingin sa kanila ‘tong kausap ko.

“Whatever you say, you have to do something about the mess that you’ve done, or else—.“

Hindi ko siya pinatapos magsalita. “Or else, what!?”

Humakbang siya palapit sa’kin at saka siya ‘nagbend-down’ sa mukha ‘ko na kina-atras naman ng ulo ‘ko. Ang lapit kaya ng mukha niya sa’kin! Walang ganyanan, akitan? Akitan?

“I’ll never stop bothering you… ‘Til you can’t say stop,” sabi ni in an Oh so cold-hot voice.

Kung hindi lang ako galit sa mga oras na yun, iisipin ko pang nang-aakit ang kapreng ‘to. Napalunok na lang ako ng makahakbang ako patalikod, palayo sa kanya. Kinikilabutan ako pag malapit siya sa’kin, inis.


“Fine, okay. I’ll do it para matapos na,” sagot ko sa kanya. “After nito, ‘wag niyo na kong guguluhin pa.”

Ang ganda ‘ko, ‘di ba? Taray...

“Tss! Deal. Wednesday, I’ll pick you up at eleven in the morning. Be ready,” seryosong sabi niya at saka niya ako tinalikuran.

“Bye Miss Nadine!” Narinig ko na lang na paalam nung iba.

“Teka, panong—.” Hindi ko na natanong kung sa’n ako susunduin.

Eh, hindi naman niya alam saan ako nakatira. Hindi ko na hinabol kasi may biglang dumating na lalaki na sinalubong nung iba.


“Oh, late ka na naman. Hanggang dito ba naman?” sabi nung sumalubong na isa.

“Sira, kanina pa ‘ko rito. May binili lang ako,” sabi nung lalaking bagong dating sabay tingin sa’kin. “Sige na, una na kayo,“ sabi niya at saka tinapik yung mga kasamahan niyang umuna na din naman.

Napatingin ako sa bag ‘ko na nasa lapag, kukunin ‘ko na sana pero inunahan niya ‘ko. Inabot niya sa’kin at kinuha ko rin naman.

“Salamat,” matipid na sagot ‘ko.

Kasama siya nung kapreng bakulaw na yun, siguradong pinagtatawanan din ako nito. Sayang, mukhang langit—este, mukhang mabait pa naman. Aalis na sana ako pero nagsalita siya.

“Pasensya ka na sa pagiging isip-bata namin at sinundan ka namin dito. Pero talagang medyo hindi nagustuhan ng Captain namin ang ginawa mo. Lalo na sa nangyari sa kanila nung—.”

“Girlfriend niya.”

“Oo tama. Kaya, on behalf of our team, sorry ah.”

Cool at sincere na pagkakasabi naman niya. Okay, apology accepted. Pero hindi ko yun sasabihin ‘no.


“Sige, alis na ‘ko.”

“Wait lang,” sabi niya saka siya nagbend-down sa harapan ‘ko. Napatingin naman ako sa kanya at iiwas sana ako dahil nakapalda lang ako pero agad niyang sinabing, “Lalagyan ‘ko lang ng band aid ‘tong sugat ‘mo.”

Saka ‘ko na naramdaman na may nilagay nga siya sa bandang tuhod ‘ko. Hindi ‘ko alam na may sugat pala ako. Pagkalagay niya nung band-aid, tumayo na siya nang maayos at ngumiti. What a smile… Playful pero very warm. Pero teka… Sa’n naman galing ang band aid?

“Wag kang magtaka, diyan lang ako bumili nung band aid. Nang makita kitang madapa, bumili ako diyan.” Lumingon siya sa kanan, na parang itinuturo yung botika. “Oh sige, iniwan na ‘ko ng mga kasama ‘ko. Basta, galingan mo na lang sa pakikipag-meet sa girlfriend ni Troy. Bye.”

At nag-salute pa siya habang naglalakad paatras pero nakatingin pa rin sa’kin. Saka siya tumakbo sa ‘di kalayuan at sumakay sa isang yellow sports car. Habang palayo ang sasakyan niya, napabuntong-hininga naman ako.


Ano ba ‘tong pinasok ko? My facebook boyfriend is not for real… Pero yung nangyayari ngayon, for real na for real! I’m dead.

******TO BE CONTINUED*****

It’s getting exciting, right!?

Nagustuhan mob a? Comment Share na! <3

See you sa next update!

-AB.CASTUERAS-

-MANAGER ABC-






  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019