Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



FBBF2020




Chapter 8: Not too late…

What’s on your mind? > Minsan, yung mismong taong ayaw mo, siyang laging nandyan sa tabi mo. Kurutin sa singeeet! Londeee!


Teka, natulala ata ako sa nangyayari. Anong eksena naman iyan?

“Ano, nagulat ka ba?” si Chris.

“Hayaan niyo na at mukhang nagulat sa taglay niyang karisma.” Si Liz.

Nakatingin ako ngayon sa picture frame na ito. Tama, at nakalagay dito ang tatlong picture during the game. Pinagdikit-dikit nila into one, to be exact.

“Edited ba yan?” Tanong ko habang nakatingin pa rin.

Yung unang picture sa bandang right ay yung scene na nadulas ako at tinutulungan ni Luke. Medyo malabo ang focus sa’min dahil ang focus ay na kay Mokong! Na ang sama ng tingin sa direksyon namin? At bakit naman!?

Yung nasa left naman ay ang picture nung pinapahiram ako ni Troy ng rubber shoes niya. At si Luke naman ang nakatingin sa’min!

At ang pinakamatindi sa lahat ay ang center picture!

As in, havey na havey sa karisma dahil yun ang picture ko nung time-out at nagpapahinga. Parehas silang nakatingin sa’kin habang nakatayo sa magkabilang gilid ko. Si Troy habang umiinom ng Gatorade niya, at si Luke naman habang nagpupunas gamit ang towel niya! Nakatingin sila sa direksyon ko!

“So, anong ibig-sabihin nito?” Sabay tingin sa kanila.

Sabay-sabay silang nagtinginan sa taas na parang hindi nila ma-take ang sinabi ko.

“You know? Hindi ka naman tinitingnan ng ibang players tulad ng pagtinging mapang-akit ng dalawang yan. If all of you know what I mean.” Si Sandy sabay libot ng tingin sa’ming tatlo.

“We know what you mean, ewan lang kay Nads.” Si Chris.

“So laitan?” Tunog nakaka-insulto ang batuhan ng lines. Medyo ‘di ‘ko lang sure?

“That only means…” Si Liz.

“HINDI—SILA—INTERESADO—SA’YO!” Sabay-sabay dapat?

“So anong ibig niyong sabihin? Panget ako!!??”

“Hindi naman Nads. Walang panget sa earth, you know? Nagkataon lang na ang tinatawag na mga panget ay hindi marunong mag-ayos at sadyang mapanglait lang ang earth sa kanila habang nag ‘se-self-pity’ sila. Samantalang pwede naman silang gumanda.”Sabi ni Sandy. Maganda yan, pero kahit kailan hindi ‘ko narinig na nanglait ng kapwa ang isang yan. “At ikaw!”

Ngumiti naman ako. Pupurihin na nila ang kagandahan ‘ko, sa wakas!

“Hindi ka pangit pero hindi ka rin naman dyosa.” Si Sandy.

“Isa ka lang namang babaeng napakahaba ng hair!” Sigaw ni Liz.

“Correct.” Sabay tango ni Chris.

Grabe namang makapuri itong mga ‘to. “Thanks.” Sabi ‘ko.

“Na-gets mo ba kung bakit namin sinabi yun?” Tanong ni Chris.

Habang nakangiti pa din. “Ah, pinupuri niyo ‘ko?”

Sabay-sabay namang nag-iwasan sila ng tingin sa’kin. Problema ng mga ‘to?

“Pigilan niyo ‘ko guys. Please…” Si Sandy.

“Relax Sandy. We’ve already accepted the fact na ganyan ang nature ng pag-iisip ni Nads. Medyo laanan mo pa ng ilang minutes for her to absorb and understand. Make conclusions and get shock. Ok?” Sabi ni Chris.

“Nads, ibig-sabihin may gusto sa’yo yung dalawang hotties ng RD! Kamandag mo ‘te, pasahod please?” Si Liz.

“Nads, remember! Ang guys, hindi yan tumititig sa isang babae without any purpose.” Si Sandy.

Okay? Mukhang magtake-down notes pa yung dalawa. “First, ang guy, titingin yan sa’yo dahil may nakikita silang mali sa’yo. May dumi ka sa mukha? Or pwede ring hindi ka niya gusto kaya tinititigan ka niya nang masama. It’s a bad omen stare in short.”

Masama ang tingin sa’kin nung dalawa? “Parang ‘di naman…” Bulong ‘ko sa sarili ‘ko.

“And next, pwedeng kakilala ka ni guy kaya nakatingin siya sa’yo. Familiar face, you know?”

“Pamilyar?” Tanong ‘ko. Well, medyo magkakakilala na kami sa mukha kaya hindi yan ang dahilan.

“Third one, nakikipagflirt.” Sabi ni Sandy. Bigla naman akong nangiti at agad din naman akong tinabig ni Liz.

“Nawiwili ka ah.” Babala ‘ko.

“Haller! Wag kang feeling kase, Nads. Nakikipagflirt? Sa gitna ng game?” Katwriran naman ni Liz.

“Kung sabagay…” Sang-ayon ‘ko naman.

“So, let’s go to the fourth one, nagagandahan siya sa’yo kaya ka niya tinitingnan. So skip na natin yan—.”

“EH BAKIT NAMAN ‘I-ISKIP’!” Sigaw ‘ko.

Tumawa naman sila. Mga masasamang kaibigan, pero mahal ‘ko yang mga yan.

“Nads, ang haggard kaya ng dating mo kahapon sa game.” Sabi ni Liz.

Tumango naman si Chris. “Pawis na pawis, ang gulo ng buhok, mabaho ka na rin siguro, ah mukhang—.”

“Fine! Pangit na, pangit.” Diretso ‘ko.

“Hindi naman girl! Ang rude mo sa sarili mo.” Sabay akbay ni Sandy. “Medyo pangit ka lang naman nung time na yun. Chaka?”

“Thanks for your encouraging words.” Sabi ‘ko. “So ano ng next?”

“Ang fifth ay dahil lang talaga sa wala sila sa mga sarili nila at napatingin sila sa’yo.” Tuloy ni Sandy.

Hindi naman sila napatingin lang base sa mga pictures. Intentional ang pagtingin nila sa’kin! Haba ng hair, iwas-iwas din baka maapakan.

“At ang huli naman,” tumingin sa’kin si Sandy. Eye to eye. “Malaki ang tama nila sila sa’yo kaya nakatingin sila sa’yo. In other words, interesado ang guy sa’yo!” Sabay tulak sa’kin na kamuntik ‘ko pang ika-hulog sa kama. “Landeeee!!”

Habang sila ay kinikilig, ako naman ‘tong busangot na babangon sa pagkakatulak nila. Minsan talaga ang sarap manghampas ng tao, ‘no?

“Lilinawin ko lang.” Sabi ko kaya agad silang natahimik sa kanilang dreamy land. “Si Luke, napaka-friendly na tao no’n. As in, super. Nakita ko siyang napakabait sa fans nila.” Nakatingin silang tatlo sa’kin at tumango-tango naman ako. “Samantalang si Mok—si Troy naman… Ahh, obviously… Galit ang taong yun sa’kin sa nangyari. Remember? Nagbreak nga sila nung girlfriend niyang manggagamit dahil sa’kin.” Tss! Pasalamat pa nga siya sa’kin at nagbreak sila. Magiging bright ang future niya! “So, wala talaga.” Sabay ngiti ‘ko.

Aba! Nagsabay-sabay ba namang nagtayuan at umalis sa tabi ko.

“So, ano yan?” Tanong ko habang lahat sila nagbusy-busyhan at parang walang narinig sa’kin.

“Pagbigyan ang manhid. NBSB alert,” si Liz habang nagbabasa kuno ng magazine.

“Eh!?” Iling ‘ko.

“Nads… lawak-lawakan mo ang imaginations mo.” Tumingin sa’kin si Sandy. “Walang permanent sa mundo, laging may changes. Kaya kung galit siya ngayon sa’yo o friendly friend man kayo ngayon, you’ll never know… Baka siya pala ang destiny mo tomorrow.”

Sakto pagkasabi niya ng mga yun, may kumatok sa pintuan.

“May kumakatok ba?” Tanong ni Liz.

“Aaay… Wala Liz, wala. Ayan oh,” eh may kumakatok pa rin. “Wala talagang kumakatok.” Sarcastic na sabi ni Sandy.

Tumayo naman si Liz. “Okay, wait lang, pagbubuksan ko lang ng pintuan.”

“Ay girl, wag. Pagsarhan mo dapat friend.” Sabay tawa ni Sandy. “Minsan may taglay ding kapenchayan ‘tong si Liz.”

“Che!” Sigaw ni Liz habang nasa pintuan na siya.

Ay nako, hindi ko na tuloy natanong kung nasa’ng bahay ba ko. Ang laki nitong kwarto, hindi naman ’to sa kwarto nung tatlo.

Patakbo namang bumalik si Liz sa’min.

“Uy! Uy! Uy! Teka, may mga matatangkad, gwapo, at mabangong lahi ng kapre sa labas.” Nangingiting sabi ni Liz.

Lahi ng kapre? Isa lang naman ang alam ‘kong lahi ng kapre ah… ‘Di kaya?

“Ay teka, pagbubuksan ‘ko.” Si Liz sabay balik sa pintuan.

“So binalita niya lang talaga.” Sabi ni Chris.

“Calm down, we have a great deal of patience with our friends.” Nagkasundo ang dalawa.

Hanggang sa nakita ko na pumasok na ang grupo nila Luke, Adrian, at Sebastian. Sabi na eh… Nagpakilanlanan naman sila pagkapasok. At eto, ang dami nilang dala para sa’kin. Kala mo naman ‘na-ospital’ ako.

“Hey Nads, we’re about to leave na rin naman. So dito ka muna sa mga new friends mo. Nice meeting you, boys.” Sabi ni Sandy. Habang sina Chris naman, sinesenyas na nakatago sa ilalim ng kama yung frame. Delikado pag nakita.

“Ingat kayo, girls.” Sabi ni Luke.

“Yeah, we will.” Sagot ni Sandy. Umalis na rin sila.

Maya-maya naman… “Nads, sorry talaga sa nangyari, ah?” Sabay kamot ni Adrian.

“Asus, ayos lang yun sa’kin.”

“Sa’yo ayos na. Kay Captain, hindi pa.” Natatawang sabi ni Sebastian.

“Bakit naman?” Ano na namang gusto ng Captain na yan.

“Pinaglinis ako ng buong gym, ng locker room, at lahat ng gamit sa gym. Anak ng tinapa, ginawa ‘kong boy eh.” Reklamo ni Adrian.

“Bakit mo sinunod yung isang yun?” Nabato daw kasi ako ni Adrian ng bola habang naglalaro sila.

“Nako! Mas sinusunod ‘ko pa nga si Captain kaysa sa nanay ‘ko!” Sabi ni Adrian.

Napakunot naman ako ng noo. Ganoon na lang ba sila takot sa Captain na Mokong na yun? Pero kung iisipin mo Nads, ah… Nagalit kaya siya dahil nasaktan ka? As if naman, naalala ko pa kung paano siya kapursigido na mag-explain ako sa EX niya. Ano ba kasing meron dun eh ang—.

“Anong iniisip mo?” Nabalik ako sa mundo bigla nang ilapit ni Luke yung mukha niya sa’kin. Face to face. Tumingin siya sa’kin na parang walang tiwala. “Iniisip mo ba si—.”

“So kumain na ba kayo?” Tanong ko.

Ngumiti lang si Luke. “Hindi pa naman. Ayos lang, nakita na naman kita.” Sabay layo nung dalawa na parang ayaw marinig yung sinabi ni Luke.

“Didiskarte na lang, sa harap pa talaga namin.” Sabi ni Sebastian, sabay upo sa sofa.

“Alis na tayo, Baste!” Aya ni Adrian.

“Ge, ‘kaw na lang.” Sabay buklat ng magazine ni Sebastian.

“Ayos ah. Bastusan pre.” Adik talaga si Adrian.

Tumingin naman sa’kin si Luke. “Wag mong pansinin yang dalawang yan.”

Wag kang mag-alala, kahit ‘di mo sabihin… Sa’yo lang ako nakafocus.

“Nga pala Luke,” Umupo naman siya sa kama. “Kaninong bahay ‘to?” Tanong ko.

“Bahay?” Ulit niya, kaya tumango naman ako. “Hindi ‘to bahay Nads. Ospital ‘to.”

“Ospital!?” Nilibot ko yung tingin ‘ko. Ospital ba ‘to? “Eh? Sana sa clinic na lang ako dinala.” Baka maubos pera namin pambayad dito.

“Nako! Sa bilis ni Captain, nagulat na lang kami nadala ka na niya rito.” Si Adrian. “Alalang-alala—Uhmm.” Tinakpan naman ni Baste yung bibig ni Adrian.

“Kaya ka napapahamak, masyado kang madaldal.” Si Sebastian.

“Kanila naman ‘to, kaya ayos lang yan, Nads.”

Sus, kanila naman pala ‘to. Bakit pa ‘ko nangangam—ANO DAW!? Kanila ang ospital!?

“Ang totoo, kanila rin yung Austine.” Habol ni Sebastian. GRABE!


-=-


“Grabe naman pala sa yaman yang FBBF mo Nads!” Bulalas ni Liz. Nandito kami sa University field, katatapos lang ng class. Nakuwento ko kasi yung info na nasabi ni Luke.

“Kahit ako, nagulat.” Kaya siguro siya gano’n, he can get everything that he wants. That explains siguro kung bakit makapag-utos na lang siya, napakadominante. Che, dapat sa kanya magkagirlfriend nang mas dominant sa kanya. Tipong patitiklupin siya sa mga pagsigaw-sigaw niya.

“Nads, prospect na’ba natin si Rich Guy?” Si Sandy.

“Excuse me, hindi ako gold digger. At mas mabuti pang maging lover ng matandang mayaman, at least, madaling paamuhin at mahalin. Kaysa naman sa kanya, mayaman nga, sagad naman sa muscle niya ang pagiging bossy.” Sayang…

“Hindi mo pa siya kilala, wag kang magsalita ng tapos, Nads.” Sabi ni Chris. May point siya.

Napabuntong hininga na lang ako. “Hindi ko kasi gusto ang mga tulad niya.” Physically, napaka-attractive niya. Okay, aminado ako. Pero… hindi na pwedeng puro pisikal na lang ang makita mo sa isang tao. I’m looking for, “Something real…” Nabulong ‘ko.

“Ano yun?” Si Chris.

Tumingin ako sa kanila. “Ah, wala.” Hindi ko siya gusto.

“Well, I’ve heard na may game ang RD ngayon. Who’s in? We’re late but I guess we have to be there to show our support and friendliness.” Si Sandy.

Nagtaas naman ng kamay si Liz. “I’m in!”

“Sure.” Sabi ‘ni Chris.

Gusto ‘kong makitang maglaro ulit ang team. Kalaban nila yung mga antipatikong Sharks Aces na kalaban namin nung nagpustahan sila. “Count me in.” Sagot ‘ko.

“Then let’s go girls.” Aya ni Sandy.

-=-


Twenty minutes na lang at kami pa rin naman ang lamang. Kaso may mali, sobrang may mali sa dalawa. Sina Luke at Captain kasi, mukhang konting udyok na lang at nangangamoy rambol na ang game na ‘to. Ano pa nga ba ang gagawin ng Vice na katulad ko? Sebastian to the rescue nanaman…

Kanina kasi, papunta kaming tatlo sa CR nang napahinto kami sa labas ng pintuan dahil may narinig kaming bumanggit ng team name namin mula sa loob.

“Oo pre, babae ng Red Dragons yun.”

“Sayang, mukhang ‘di ko ata makikita yun ngayon. Trip pa naman ni Captain yung babae.”

Hindi ‘ko nakuha kung sino yung tinutukoy nila nung una, pero nung narinig ko yung sumunod na usapan nila, hindi lang pala ako ang nagngingitngit sa galit, pati yung dalawang kasama ‘ko na rin pala.

“Palaban ang mga gusto ni Captain. Masarap daw kasi pabigayin sa kama.” Sabay tawanan nila.

“Kaso baka nagalaw na ng RD yun.”

“Okay lang, parehas lang yun.”

“Kung ibibigay sa’yo ni Captain.”

“Edi ako naman pagkatapos.”

Sabay na papasok dapat sina Luke at Captain pero pinigilan ‘ko sila kahit maski ako, kating-kati na para gisingin sa kahibangan nila ang mga players na yun. Mga walang modo!

Lalo na nang marinig namin yung huling sinabi nila bago sila lumabas.

“Pustahan na lang kung sino ang unang maka three point shot. Open ang condo ‘ko, be the first to taste.”

Pagkalabas nila, hindi nila kami napansin at tuloy-tuloy lang silang naka-alis. After the game… Yun ang nasa utak naming tatlo.

“Galingan nila dahil may paglalamayan sila after the game.”

“They can taste pure pain from me.”

At sabay silang umalis na dalawa, bitbit ang napakadilim na aura.

Kaya nga eto ngayong matatapos na, konti na lang… Pero nararamdaman ‘kong may hindi makakapagpigil. Lagot na…

“NUMBER 1, RED DRAGONS, OFFENSIVE FOUL!” Bigkas ng referee.

Si Captain ang tinutukoy niya.

Lumapit yung Captain ng Aces sa Captain namin. “Sinasadya mo ba, ah!? Kanina ka pa, ah!” Kanina pa rin kasi nakakakuha ng violation sa pambabalya si Captain.

Nakatitig lang si Captain sa kanya. Pero halata na ang pagpipigil sa kilos niya. Lumapit sa’kin si Adrian.

“Oy Baste, anong meron?” Habang nakatingin kami parehas kay Captain. “Ang moody ni Captain, period?”

“Gusto mong murahin kita? Humanda ka lang diyan.” Sabi ‘ko. “Magkakagulo.” At saka nag-umpisa na naman ang game bago pa makapagsalita si Adrian.

Hindi pa man nagtatagal, si Luke naman ang nagkaroon ng violation.

“Ref! ‘Di mo ba nakita, nananadya na yung team nila—.”

“Nag-iisip ka ba!? Basketball ‘to, hindi tennis. Malamang na magkakabalyahan tayo.” Si Luke. Patay na, nawala na ang coolness nitong isang ‘to.

Nagkakatinginan na kaming team, naamoy na rin nila ang madilim na aura nung dalawa. Buti wala si Manager ngayon, delikado.

“Iba ang game sa boxing pre—.”

“Wag mo ko matawag-tawag na pare, pwede!?”

May lumapit na referee sa kanila pero sa sumunod na nangyari, wala ng paki ang team kung mapaalis kami sa game o hindi. Ang mahalaga, mapigilan yung dalawa.

Nagulat na lang ako, nakabulagta na sa lapag yung captain nung kabila. “Who cares about your name!? Just leave her alone!” Nagsilapitan na yung ibang players ng Aces na nasa bench at ano pa nga ba, pati ang amin, sumunod na.

Bago pa nila makanti si Captain, nasa harapan na nila ang team. Patay na naman kay Manager. Bahala na.

“Masyado ninyong pinagtatanggol ang babae niyo—.” At isang solid na suntok ang ibinigay sa kanya ni Luke.

“Sige salita pa! Walanghiya, salita pa!” Sigaw ni Luke.

Bigla ‘ko na lang nakitang binato ni Captain ng bola yung captain nung kabila. Sapul sa ulo! Tsk!

Habang nakatingin naman si Captain Troy dun sa target niyang nakabulagta sa sahig. Biglang naman ‘tong napaturo kay Captain sabay sabing “Malala ng sapak mo sa ulo! Ipapakulong kita!” Eh, masyado atang nagulat sa ginawa ni Captain sa kanya. Buti nga at yun pa lang ang ginawa sa kanya, pasalamat pa siya.

Aktong lalapit naman si Captain dito kaya napa-atras yung isang yun mula sa pagkaka-upo niya habang takot na nakatingala kay Captain. Pagkahinto ni Captain. “Stop talking, let’s do the bleeding now—“ At nag-umpisa na nga. Patay na.

“Oy teka—.” Aawat na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Adrian.

“Hayaan mo sila Baste, ang saya oh!” Sabay tawa.

“Sasabihin ‘ko kay Manager, ikaw promotor!”

“Peace lover ako! Tara!” Aya niya bigla. “Pigilan mo si Captain, ako bahala kay Luke.”

Naghiwalay na kami at sinubukan ‘kong pigilan si Captain kaso, parang huli na ata. Iniisa-isa na ni Captain yung players nung kabila.

“Oy! Anong ginagawa niyo diyan!?” Sigaw ko sa ka-team ko na parang nag-aabang lang.

“Ah? Eh abang-abang lang ng gaganti kay Captain. Kaso mukhang kayang-kaya na.”

“Nasa’n ang popcorn!” Sigaw nitong isa. Mga loko talaga.

Nang may lalapit na kay Captain, biglang nagpulasan na ang mga ‘to sa kanya-kanya nilang eksena.

“Sabi ‘ko pigilan hindi makigulo!” Sigaw ko.

Sa kabila naman.

“Adrian ano ba?! Bitawan mo ‘ko kung ayaw mong ikaw ang mapagbuntungan ko!” Sigaw ni Luke kay Adrian habang pinipigilan nito si Luke mag-amok. At napahawak na lang ako sa ulo ‘ko bigla. Aba’t binitiwan nga ng loko si Luke!

“Madali akong kausap pare! Ge! Sa kanila mo ibunton lahat, wag lang sa’ken!” Sigaw ni Adrian.

May mga dumating na security at lahat ng lumapit kay Captain, nadisgrasya pa. Nasampolan ni Captain kaya napatakbo ako dun sa kawawang referee na umaawat.

“Ref!” Sigaw ‘ko na napa-upo sa lapag.

“Umaawat lang ako, oh. Anak naman ng tinapa yang Captain niyo oh.”

“Sorry Ref, nakablue ka kase. Napagkamalan.” Matatawa ba ‘ko sa nangyayare?

Etong mga team mate ‘ko naman, mga patawa din ang mga loko.

“Oy! Tama na yan!”

“Sabing awat na eh!”

“Don’t you know peace, men!?”

Sabay hatak sa Aces na susugod kay Captain. Kala ko aawatin, yun pala sabay suntok palayo kay Captain. Habang yung mga nanunood, naglabasan na dahil sa gulo.

Hindi na ‘ko nakisali sa kanila, tinawagan ko na lang si Mr. Hans at pati na rin ang ospital para magpadala ng ambulansya. Hindi para sa team mates ko, kung hindi para sa team ng kabila.

Ngayon lang ulit nakipag-away ang dalawang yan. At ang masama, sa magkaparehas pang dahilan. Si Nads…


-=-


Ano ba naman ‘to, ang sakit na ng dila ko, ah. Kanina ko pa nakakagat, nagdudugo na nga ata, nasa daan pa lang kami. Sinu-sino ba ‘tong mga nakaka-isip sa’kin at panay na panay ang pagkagat ko sa dila ko? Ay ewan.

Eto at palakad na kami papasok sa gym ng Austine, dito kasi sa home court nila ginawa ang game. Kaso parang tapos na ata kasi naglalabasan na yung mga tao.

“Grabe, panalo na sana, eh.” Narinig kong sabi nung isang grupo na palabas.

“Nakakatakot si Captain.”

“Eh si Luke nga, ngayon ko lang nakita na nagkagano’n.”

Eh? Captain? Luke? RD ba ang tinutukoy nila? Talo ba sila? Nako, tatawanan ko si Mokong kapag natalo sila. Kaya lang nahinto ang kalokohan ko nang makapasok na kami sa mismong gym.

Napatigil kaming apat sa paglalakad ng tumambad sa’min ang court na napakagulo. Mga long table at upuan na nakataob, at may mga naglilinis ng—dugo? Sa mismong sahig ng court.

“Wait, what’s happening?” Nagtatakang tanong ni Sandy.

“Basketball ring o Boxing arena?” Si Liz.

“Uy, Nads!” Sigaw ni Chris nang umalis ako bigla.

Lumingon ako saka ko sinabing,“Sandali lang, pupuntahan ko lang sila! Locker room!” Sigaw ko.

Nakakakaba naman kasi kung anong nangyari rito. May nangyari kayang masama sa team? Eh, si Luke kaya ayos lang? Yung Mokong? Sus! Kapre siya kaya siguradong okay yun.

Papunta ako sa locker room nila. Titingnan ko lang naman kung anong nangyari. Kaso biglang may lumabas sa unang locker room na nadaanan ko. Tatlong lalaki, players sila to be exact. Shark Aces, yun ang nakalagay sa jersey na suot nila. Lalagpasan ko na sana sila nang bigla nilang hinarangan yung daraanan ko.

“Ikaw yun eh,” sabi nung isa. Napatingin naman ako sa kanila. Anong sinasabi nito?

“Oo, siyanga yan.” Dagdag pa nung isa. Tatalikod na sana ako kaso bigla akong hinatak nung isa pa, kaya napaharap ako ulit sa kanila.

“Ano ba!” Hinila ko yung braso ko sa pagkakahawak ng kamay niya. Pero bigla namang hinawakan nung isang lalaki yung baba ko gamit ang isang kamay niya. Iniharap niya yung mukha ko sa kanya.

“Kaya nagkagulo kanina dahil sa’yo, alam mo ba yun, ah!?”

Inalis ko yung kamay niya pero bigla akong hinawakan nung dalawa sa magkabilang braso ko. “Ano ba! Ano bang problema niyo?! Bitiwan niyo nga ako—UHMM!!” Tinakpan nila yung bibig ko habang nagpupumiglas ako sa kanila.

Hinimas naman nung isa yung ulunan ko. “Mamaya ka na sa kanila, sa’min ka na muna. Ssshhh.”

“Tara na sa loob. Mabilis lang.” Sabi nung may hawak sa’kin.

Nilibot ko yung tingin ‘ko sa paligid. Pero lumalabo yung mata ‘ko dahil natatakpan ng pangingiyak ‘ko. Ano ba! Wala bang ibang tao!??

Pinasok nila ako sa kwartong pinanggalingan nila kanina. Walang tao sa loob. Inurong nila yung mga mahahabang upuan at saka nilapit yung malaking table. Binuhat ako nung dalawa, saka nila ako inihiga sa lamesa.

“Ano ba—AH.” Parang naubusan ako ng hininga nang sikmuran ako nung isa. Nagdilim ang paningin ko, ninakawan ako ng lakas sa isang suntok lang nila.

“Gusto pang nasasaktan.”

Umiiyak ako dahil natatakot ako. Natatakot ako kasi pinatay nila yung ilaw at wala ako masyadong makita. Naramdaman ko na lang na may nakawak sa magkabilang braso ko at may humahatak ng binti ‘ko dahil sinusubukan kong sumipa.

“Bilis na pre, ako next.”

Next!? Isusumbong ‘ko kayo sa Kuya ‘ko! Humanda kayong lahat! Mommy!

“Tama na!!” Sigaw ‘ko nang maramdaman kong may tao na naka-ibabaw sa’kin. Naramdaman kong may nagbubukas ng butones ng blouse ko. Umiiyak ako dahil wala akong magawa. Kala ko malakas ako, hindi pala. “AAHHH!!!” Sumigaw ako nang pilit na sinira nila yung damit ‘ko. Alam ‘kong nakabukas na ‘to kaya nanlamig yung buong katawan ko sa takot.

“Mabilis lang, babe.” Naramdaman ko yung mukha niya sa leeg ‘ko pero agad siyang napahinto nang may marinig silang kumakalabog. Iyak ako nang iyak, natatakot ako… Yun ang totoo.

“Hayaan mo na yan p’re, bilis na.”

Kaya agad na hinawakan ng isa sa kanila yung damit ko para tanggalin kaso sumigaw ako… Sumigaw ako para huminto sila.

“TAMA NA SABE!!!” Nangingiyak na sabi ko.

“I want that scream later—.”

Isang napakalakas na kalabog ang nagpatigil sa kanya. Hindi ko alam pero hagulgol ako nang hagulgol. Mukha akong tanga… Mukha akong baliw…

Nagsalita yung lalaki pero naputol din. “Patay, yung captain—.” Ang sumunod na narinig ‘ko nalang ay kalabog ng mga nagbabagsakang gamit at nag-iilingan sa sakit. Nakapikit lang ako at hindi gumagalaw sa pwesto. Nanginginig ako sa takot.

Pero maya-maya, may humawak ng magkabilang braso ‘ko kaya napa-iwas ako.

“Tama na…” mahinang sabi ko habang umiiyak. Hindi ko siya nakikita, madilim pa din kahit may liwanag akong naaaninag mula sa pintuang nakabukas. Humigpit yung hawak sa braso ko at tinulungan akong maka-upo. Hindi ko magalaw yung magkabilang kamay ko, nanginginig. “Ayoko…” Bulong ko.

Pero naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung magkabilang dulo ng damit ko at saka niya isinira sa harapan ko para takpan ako. Hinawakan ko naman para hindi na bumukas ulit, at literal, umiyak ako.

Alam kong ligtas na ‘ko…

“Sorry, I’m late.”

Hinawakan niya yung isang kamay ko na nasa lap ko.

“Freak.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019