Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 7, 2016 *MONDAY*

"Nako, hindi ah. Ang hirap nga nun eh. Alam mo ba, nung una takot pa ko sa dugo. HAHA. Kaso nung pinanood ko yung Doctor Stranger at yung Blood na Koreanovela, nawala na yung takot ko sa dugo dahil naging crush ko na yung dugo bwahaha! Gwapo nung mga Doctor eh!" pagmamalaki ko.

"So sila yung nag-inspire sayo mag-doctor at hindi si papa mo?" tanong ni Sheria sakin at tumawa nalang ako. "80% yung Koreanovela. 20% papa ko. Hahaha!" proud na sagot ko kaya hinampas ako ni Sheria.

Gusto ko kasi talagang maging surgeon. Hindi lang basta doctor, gusto ko talaga maging successful na surgeon. Nainspired talaga kasi ako sa mga koreanovela na pinapanood ko palagi.

Ng makarating kami sa 3rd floor, naghiwa-hiwalay na kami nila Mikee at Sheria. Iba-iba kasi kami ng sched ngayon.

Start na ng 3rd sem at iba-iba nanaman ang magiging kaklase ko. Habang naglalakad ako sa hallway, lahat ng studyanteng nakakasalubong ko, may pinapanood sa phone nila. At parepareho lang ang pinapanood nila. Yun yung bagong release na dance video ng SECRET. Kagabi ko pa napanood yun at sobrang hot talaga nila sumayaw. Alam niyo ba kung ano yung sinayaw nila? Yun yung See You Again ni Wiz Khalifa.

Pagpasok ko sa una kong subject, umupo agad ako sa likod. Napatingin ako sa lahat ng students dito at ganun din ang ginagawa nila, nanonood sila ng video sa phone nila. Tsk, sikat talaga ang SECRET. Grabe.

"Omg. May gwapooo!" bulong nung dalawang katabi ko. "Ohmygaaad ohmygaaad. Ang gwapo niya!" dagdag pa nung nasa harap ko. Sino bang pinag-uusapan nila? Tsk. Napatingin ako sa glass wall ng classroom namin at kusang huminto ang paghinga ko ng makita ko siya na naglalakad papasok dito sa classroom namin.

"Hala transferee ata siya! Ngayong 3rd sem ko lang siya naencounter eh." bulungan ng mga katabi ko. Muli akong huminga at binalewala ko ang nakita ko. Hindi na ko nag-abalang pagmasdan pa ang kilos niya pero kusa siyang nahahagip ng mata ko.

Umupo sa siya harapan ng klase. Buti nalang.

Biglang dumating yung prof namin. Ayos, panibagong prof. "Let's proceed to the laboratory." maikling sabi ng prof at nagsitayuan na lahat ng mga kaklase ko. Tumayo na din ako at sumunod sakanila papunta sa dulo ng 3rd floor. Nandun kasi yung lab.  Nahulo akong pumasok sa lab. Nakayuko lang ako habang naglalakad at umupo ako sa pinakalikuran. Dun sa dulong table.

May tumabi saakin na babae. Nginitian ko lang siya. Pang-dalawang tao kasi yung bawat table dito. Ganito yung itsura:

(Ako)   (Yung katabi ko)

|                                       |

|________________|

"By pairs ang bawat table so ngayon ko i-aannounce kung sino ang permanent partner niyo sa bawat oral performance at written performance." panimula nung prof. Isa-isa niyang inannounce ang mga partners at naglipatan na ng pwesto yung magkakapartner.

"Clover Peewee and Tris Vier Fuentes. Table number  13."

Fvck. Ngayon alam ko na kung bakit hilig ni Break ang salitang fvck.

Napalingon sakin si Tris at bahagya pa siyang nagulat ng makita niya ko. Ngayon niya lang siguro napansin na kaklase niya ako. Tumayo na ako at tumayo din siya. Pareho kaming lumipat sa table number 13 at ang awkward dahil magkatabi kami.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilabas ko na yung notes ko. May lecture kasi kami sabi nung prof.

"Ay shet." mahinang sabi ko ng tumalsik yung ballpen ko sa harap ni Tris. Tae. Buti nalang madami akong extra ballpen. Kukuha na sana ulit ako ng ballpen sa bag ko pero biglang kinuha ni Tris yung ballpen sa harap niya at nilapag niya yun sa harap ko.

"A-Ah, Kamusta?" tanong niya sakin. Hindi ko alam kung san niya nakuha yung laaks ng loob niyang itanong sakin 'yan. Agad kong dinampot ang ballpen ko at nagsulat na ko ng lecture. Hindi ako nag-abalang sagutin yung tanong niya.

Naging busy ako sa pagsusulat ng lecture at nakalimutan ko ang presensya niya sa tabi ko. Buti nalang.

Para akong nakuryente ng hindi sinasadyang magdikit ang balat namin. Kingina naman kasi bakit katabi ko pa siya.

"Dito ka din pala nag-aaral?" biglang tanong niya. Irita akong lumingon sakanya. "Pwede bang wag mo kong kausapin?" pranka kong tanong sakanya pero ngumiti lang siya. "Hindi pwede eh. Kahit ayaw mo kong kausapin, kailangan parin." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Excuse me? Why the hell on earth would I talk to you?" irita kong sabi at bigla siyang tumawa. "Partner mo ko sa subject na 'to. Buong 3rd sem natin kailangan mag-usap." casual na sagot niya. "Kaya kong makapasa sa subject na 'to kahit walang partner. Sanay na kong mag-isa." paghugot ko atsaka ko inalis ang tingin ko sakanya. Muli akong nagsulat ng lecture.

Kinginers naman, matagal pa ba matapos 'tong subject na 'to? Ayoko na siyang makausap. Badtrip naman. Bakit ba kasi sa dami ng campus sa mundong to, bakit dito pa siya nagtransfer? Nananadya ba talaga siya? Kingina.

"Class dismissed." agad akong tumayo at kinuha ko na yung bag ko ng lumabas na yung prof ng lab. Nagmamadali talaga kong lumabas kaso---

"Teka!"

Kingina. Irita akong lumingon sakanya. "Oh?" walang gana kong tanong. Naglakad siya papalapit sakin at kingina parang gusto ko nalang tumakas dahil baka anytime eh umiyak nalang ako bigla sa harapan niya.

"Naiwan mo." casual na sabi niya at inabot niya sakin ang panyo ko. Nilagpasan niya ako at nauna na siyang lumabas ng lab habang ako nananatiling nakatayo at nakatitig sa panyo ko.

Bakit ang lakas ng loob mong kausapin ako pagkatapos ng ginawa mo sakin?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019