Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 20, 2016 *SUNDAY CONTINUATION*

"Anterograde amnesia is a loss of the ability to create new memories after the event that caused the amnesia, leading to a partial or complete inability to recall the recent past, while long-term memories from before the event remain intact." sabi ko habang binabasa yung meaning sa google.

"Ugh. Yun pala yung Anterograde amnesia? Nakalimutan niya yung mga nangyari sakanya recently bago siya naaksidente tapos yung mga nangyari sakanya mula bata siya eh naaalala niya? Ibig sabihin nakalimutan niya yung time na pinansin ka niya sa chat hanggang dun sa naaksidente siya. Hala!" sabi ni Sheria habang kumakain siya ng Mr. Chips.

"Ay ewaaaan. Hays. Pero okay na din siguro. Kase fan lang naman ako. Sino nga ba naman ako para maalala niya diba?" sabi ko atsaka ako pumasok sa kwarto. Kinuha ko nalang yung notebook ko at napangiti ako ng basahin ko lahat ng kantang cinompose ko. Oo, mahilig ako magcompose ng kanta simula nung bata ako. Halos lahat ng nangyayari sakin eh nilalagay ko sa kanta at parang yung kanta na yun yung diary ko.

Yung notebook ko na 'to, mula Grade 4 ako ay gamit ko na 'to. Dito ko sinulat lahat ng chords ng gitara na cinompose ko pati lahat ng lyrics. Pati chords ng piano dito din nakasulat. Ewan ko ba, nalilibang ako pag nagsusulat ako ng mga kanta.

Kinuha ko ang ballpen ko at sumampa ako sa higaan ko. Nagsimula akong magsulat ng kanta. Bawat imahe na pumapasok sa isip ko, 'yun ang sinusulat ko.


November 21,2016 *MONDAY*

DAZE'S POV

"Dude, mukha kang namatayan?" pang aasar ni Kyran kay Cerulean. Ginulo ni Cerulean yung sarili niyang buhok sabay sampal niya sa sarili niya. "Di tinanggap ni Danica yung necklace! Di ko alam kung bakit. Nakakabeastmode talaga! Ang mahal mahal nun eh." reklamo niya.

"Yung necklace ba talaga yung mahal? O si Danica? Hahaha!" pang aasar ni Seidon sakanya. "Wala ka ng pag-asa kay Danica. Babaero ka eh." singit ni Jin.

Napatingin kaming lahat kay Hope. Nakakunot ang noo niya habang nakahawak siya sa pisngi niya. "HAHA! Di ka maka-get over sa sumampal sayo kahapon?" natatawang sabi ko. Napatingin siya sakin at mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Chill! Wag pikon! Hahaha!" pang aasar ko. Mabilis kasi magalit 'yang si Hope. Haha. "Guys, tignan niyo 'to." biglang sabi ni Lyndon habang hawak niya yung laptop niya. Lumapit kami sakanya at tinignan namin yung nasa screen ng laptop niya.

"Shit. Pano nangyari yan?" inis na sabi ni Jin. Nag-rank number 1 kasi yung Star Vision sa Dance Production pati sa Music Industry. Yung Star Vision yung kalaban namin na Boy Group. Ugh. They used to be in second place, pano sila nag rank number 1 ngayon? Kami dapat 'yun. SECRET dapat 'yun.

"Tignan niyo mga bro, 480 million views yung bagong release nilang music video sa youtube." sabi ko habang hindi padin makapaniwala sa nakikita ko. 390 million views lang kasi ang nakuha namin sa latest release music video namin kaya nag 2nd lang kami sa ranking.

Tinignan namin yung kanya-kanya naming mga phone at halos magmura sila Cerulean sa nakita namin. Halos lahat ng website, Star Vision yung rank number 1 at rank number 2 lang ang SECRET.

"Unique kasi yung music video na inupload nila eh." biglang sabi ni Seidon habang pinapanood niya yung music video. "Alam na ba 'to ni manager Young?" tanong ni Hope. Hindi kami nakasagot. Malamang kasi ay alam na ni manager Young ang balita dahil nagkalat na 'to sa social media.

Napalingon kami sa pinto dahil may biglang pumasok sa dance studio namin. Napatayo kami parepareho dahil si manager Young ang pumasok. "Nananadya ba talaga kayo? Tignan niyo, Rank number 2 nalang kayo. You used to be rank number 1 guys! Anong nangyari?" dismayadong tanong niya. Inakbayan ko si manager atsaka ko siya nginitian.

"Magagawan natin yan ng paraan manager. Kalma ka lang. Don't stress yourself. Wala ka bang tiwala samin?" nakangiting sabi ko. Well, para mapagaan ko ang loob niya. Alam kasi namin na apektado siya sa naging resulta. Inakbayan din siya ni Cerulean. "Oo nga manager, magagawan natin 'yan ng paraan." dagdag ni Cerulean.

"Hay, sana guys. Sana. Okay, so for now, magplano muna tayo ng first step kung pano tayo magrarank number 1 ulit." sabi ni Manager atsaka kami nag-Indian sit lahat sa sahig. Nasa dance studio kasi kami kaya walang upuan HAHA.

"Our first step, we need to find a great song composer. Hindi kasi pwedeng si Kyran lang ang laging gumagawa ng mga kanta para sainyo. We need a better composer. Yung talagang matatouch yung puso ng mga tao pag narinig yung kantang sinulat niya. We need to find that one person." seryosong sabi ni Manager Young habang iniimagine pa niya yung magiging resulta pag nahanap namin yung taong 'yun.

"Eh pano tayo makakahanap ng composer?" tanong ni Seidon. "Let's call for an audition. Simple as that." suggestion ni Hope. "Nailed it! May pakinabang ka pala minsan Hope. Hahaha!" pang aasar ni Kyran. Sinamaan lang siya ng tingin ni Hope. "Okay okay, magpapa-schedule tayo ng audition for this coming November 30. Mag-aannounce tayo sa social media about the audition." pag-sang ayon ni Manager kay Hope.

"Sana chix yung mga mag audition. Mwahaha!" sigaw ni Cerulean kaya hinampas siya ni Lyndon ng bote ng mineral water. Pft! HAHA! Buti nga. "Puro ka chix, kaya di ka sinasagot ni Danica eh. Hahaha!" dagdag ni Seidon sabay hikab. Tss, inaantok nanaman siya d=_=b


CLOVER'S POV

Ugh. Pano naman 'to? Asar. Sinara ko yung libro ko at kinuha ko yung phone ko. Cinontact ko si Tris.

"Oh payat napatawag ka? Namiss mo agad ako? Haha!" bungad niya sa kabilang linya. Psh. "Feeling mo. Magtatanong lang ako kung pano sasagutan 'tong take home exam natin kay Prof Yuri." sagot ko. "Grabe. Hahaha. Basahin mo kasi yung pinahiram ko sayong notes ko kanina. Dun mo makukuha yung mga formula tsaka yung ibang sagot."

"Okay sige salamat. Hahaha! Bye bakla, madami akong ginagawa eh." sabi ko. "Halata ngang busy ka. Di ka nagrereply sa mga chat ko eh."

"Sorry na bakla. Hehe, tulog kana. Maaga sched mo bukas diba. Goodnight bakla."

"Hmm, sige. Matulog kana din pagkatapos mo sagutan 'yang exam. Goodnight payat. I love you."

"Loveyoutoo! Bye."

Pinatay ko na yung tawag. Hinanap ko sa bag ko yung notes na pinahiram sakin ni Tris. Nagliwanag naman yung mata ko nung makita ko yun. Mwahaha! May tiwala ako sa notes ni Tris, matalino yun eh! Hahaha. Akmang bubuksan ko na yung notes kaso bigla akong binulabog ni Sheria.

"CLOVER! MAY SECRET ADMIRER KA!" sigaw niya. Napakunot naman ang noo ko. Pinagsasasabe non? Tss. Tamad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Tinuro sakin ni Sheria yung pinto palabas ng dorm at natigilan ako ng may makita akong maliit na box at may nakadikit na sticky note sa ibabaw ang nakalagay 'For you, Clover.'

Kinuha ko yung maliit na box at binuksan ko 'to. Napangiti ako ng makita ko ang magandang bracelet na may nakalagay pang letter C. "Ohmygad! May iba ka pa bang boyfriend bukod kay Tris? Wahahaha!" pang aasar ni Sheria kaya binatukan ko siya. "Abno ka. Wala kaya!" sagot ko.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ko yung malaking box sa ilalim ng higaan ko. Binuksan ko yung malaking box at napangiti ako dahil sobrang dami ng laman ng box ko. Yung box na 'yan kasi, dyan ko nilalagay lahat ng natatanggap kong regalo mula nung 14 years old ako. Hindi ko alam kung kanino galing yung mga regalo na 'yan, pero tinatago ko sila sa box ko. Minsan nga naisip ko, sino kayang nagbibigay ng mga regalo sakin?

Bakit ayaw niyang ibigay ng direkta sakin?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019