Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 11, 2016 *FRIDAY*

Nagsimula na ang Victory Ball. Ang mga iba ay kumakain na at umiinom na ng wine. Ako nakaupo lang, umiinom ng juice. HAHA. Letse. Hanggang juice lang talaga ako palagi. Di ko din alam kung bakit.

Biglang nagsimula yung instrumental ng kantang Human ni Christina Perri. Nagsimula ng magsayaw ang iba sa gitna.

Napatingin ako sa kamay na biglang nakalahad sa harapan ko. Kahit hindi ko tignan ang mukha niya, alam kong kamay niya 'to.

Ewan ko ba. Nanghina nanaman ako.

Dahan dahan kong inangat ang paningin ko sakanya at nakita ko siyang nakatitig lang sakin.

~I can hold my breath

I can bite my tongue

I can stay awake for days

If that's what you want

Be your number one~

"Can you dance with me?" nakangiting sabi niya sakin. Kingina. Nananadya ba talaga siya? Gustong gusto niya bang nakikitang nanghihina ako?

Pero eto ako, hanggang ngayon tanga padin. Kahit ayaw kong sumayaw kasama siya, may parte sa puso ko na gusto siyang makasayaw dahil sobrang miss ko na siya.

~I can fake a smile

I can force a laugh

I can dance and play the part

If that's what you ask

Give you all I am~

Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti ako ng konti sakanya. Inalalayan niya ko papunta sa gitna at kusa kong ipinatong ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. Hinayaan kong ilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at nagsimula na kaming magsayaw.

Hindi ko magawang tumingin sakanya dahil pakiramdam ko, oras na magtama ang mata naming dalawa ay kusa nalang tutulo ang mga luha kong gusto ng kumawala mula sa mga mata ko.

~I can do it, I can do it, I can do it

But I'm only human

And I bleed when I fall down

I'm only human

And I crash and I break down

Your words in my head, knives in my heart

You build me up and then I fall apart

'Cause I'm only human~

"Payat..." mahinang sabi niya kaya agad na nanlambot ang tuhod ko. Halos isang taon na mula ng marinig ko 'yang tawag niya sakin. "W-Wag mo kong tawagin ng ganyan." nauutal na sabi ko. "I'm sorry. I'm really sorry. Ang gago ko. Sobrang gago ko..." mahinang sabi niya sakin. Ng marinig ko 'yon ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Sunod sunod na pumatak ito. "Gago ka. Sobra..." humihikbing sabi ko. Natigilan ako ng marahan niyang ipatong ang ulo ko sa dibdib niya. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak sa dibdib niya.

~I can turn it on

Be a good machine

I can hold the weight of worlds

If that's what you need

Be your everything

I can do it, I can do it, I'll get through it~

"Akala ko hindi mo ko sasaktan tulad ng iba. Pero sinaktan mo ko, Tris. Sobrang sinaktan mo ko... Akala ko hindi mo ko pagsasawaan, pero pinagsawaan mo ko. Akala ko hindi mo ko lolokohin, pero niloko mo lang ako... Sobrang sakit malaman na pinagsawaan mo lang ako, Tris... Hindi ko matanggap..."

Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sakin.

"Hindi ako nagsawa sayo."

"Ikaw mismo nagsabing nagsawa ka. Tapos ngayon babawiin mo yung sinabi mo? Wag mo na kong paulit ulit na gawing tanga."


~But I'm only human

And I bleed when I fall down

I'm only human

And I crash and I break down

Your words in my head, knives in my heart

You build me up and then I fall apart

'Cause I'm only human~

"Kung nagsawa ako sayo, sa tingin mo ba susundan kita hanggang dito?" sinserong sabi niya pero agad na kong bumigay. Umalis ako sa yakap niya sakin at malakas ko siyang sinampal.

"Sino bang nagsabing sundan mo ko? Diba ayaw mo na sakin? Bakit nagpakita ka pa? Ayos na eh. Kaya ko na ng wala ka. Pero bakit dumating ka ulit? Gustong gusto mo talagang nasasaktan ako eh."

~I'm only human, I'm only human,Just a little human

I can take so much

'Til I've had enough~

Humakbang siya muli papalapit sakin pero tinulak ko siya. "Wag na wag ka ng lalapit ulit sakin. Please. Sa susunod na lumapit ka pa sakin, ako mismo ang lalayo." malamig na sabi ko atsaka ko pinunasan ang luha ko.

Akmang aalis na ako pero natigilan ako bigla dahil sa inannounce ng emcee.

"Let us all welcome, the SECRET!"

Nagsigawan ng malakas ang mga tao sa paligid ko at dahan dahan akong lumingon sa stage. Nag-play ang kanta ni Charlie Puth na One Call Away at nagsimulang sumayaw ang SECRET. Hindi padin ako umaalis sa pwesto ko hanggang ngayon. Nananatili akong nakatayo sa harap ni Tris habang atensyon ko ay nasa SECRET.

Ng matapos silang sumayaw, binigay ng emcee ang microphone kay Daze. Nagtilian ang mga babae sa paligid at nginitian naman sila ni Daze.

"Before everything, I wanna ask something." nakangiting sabi niya at mas lalong nagtilian ang mga babae. "Where is Clover?" biglang tanong niya na dahilan ng pagtataka ng ibang tao at agad na nagtinginan sakin ang mga nakakakilala sakin. Nagbulungan ang iba at ang iba naman ay tinuro ako.

Halos mamutla ako sa kaba ng mapatingin sakin si Daze at nagtama ang mga mata namin.

Tinitigan niya ang isang fan na tulad ko...

Pero agad kong hinubad ang high heels ko at nagmadali akong tumakbo paalis. Ayokong magpakita sayo Daze. Ayoko...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020