Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

December 1, 2016 *THURSDAY CONTINUATION*

"A-Ah, Hi?" patanong niyang bati atsaka siya pilit na ngumiti.

"Hi din. Bakit ka pala nandito?" amazed na tanong ko. Kasi syempre, sikat siya tapos eto siya, nandito sa dorm namin. Like O to the M to the G!

"Uhhh, actually, I have something to say." nakangiting sabi niya.

"So, can we talk?" tanong niya sakin.

"Oo naman!"

"Privately?" dagdag niya habang nakatingin siya kay Break. Tch, Oo nga pala nandito sa tabi ko si Break. Muntik ko na malimutan.

"Ah ano, oo nga pala Kyran, eto si Break. Fan na fan mo siya. As in adik na adik siya sayo. Hehehe." pagsisinungaling ko.

"What the fvck? Hell no!" biglang sigaw ni Break kaya tinawanan ko siya.

"Uwi kana. Next time nalang ulit." pabulong kong sabi sakanya. Nababasa ko sa mata nya na ayaw pa niyang umuwi pero wala na din siyang nagawa.

He kissed me on my cheeks atsaka siya tuluyang umalis.

"Boyfriend mo?"

Napatingin ako ulit kay Kyran ng tanungin niya ko. "Hindi ah. Bestfriend ko lang 'yun." sagot ko naman agad.

"Ah. Good."

"Ha?"

"Hahaha. Wala."

"Pasok ka."

"Hindi na. Dito nalang ako. It's fine with me."

"Okay, sige. Ano bang sasabihin mo?"

"I'll pick you up tomorrow. Anong oras ka ba pwede?"

"HA?! AMBILIS MO NAMAN MASYADO KYRAN! JUSKO! Uso naman manligaw muna! Bakit makikipagdate ka agad sakin? Jusko ka." pagrereact ko naman kaya agad na nanlaki ang mata niya.

"Wait, what? No! It's not a date! Like what the heck? It's gross!" nandidiring sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit nandidiri ka? Grabe! Maganda naman ako ah!" reklamo ko kaya natawa siya.

"It's not like that. Basta, kadiri. Haha! Teka, anong oras ka nga available bukas?"

"11am tapos na agad klase ko. Bakit?"

"You need to sign a contract."

"Anong contract?! Marriage contract?! Ganon?! Jusko Kyran please! Hindi pa ko handang magpakasal! Alam kong gwapo ka, alam kong sikat ka, alam kong mayaman ka. Pero jusmiyo! Hindi pa ko handang palitan yung surname ko! Masyado kong mahal ang Peewee kong apilido! Maawa ka. Ibang babae nalang pakasalan mo!"

"What? Hahahahahahahahahahhahaha! Are you kidding me? Me? Going to marry you? Hahahahahahaha! Are you serious?"

Napanganga ako dahil talagang tawa siya ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"I can't even imagine the two of us walking on the isle and marrying each other. Hahaha! Marriage contract talaga agad naisip mo? Hindi ba pwedeng Contract of exclusivity muna?"

"Ha?"

"Yung contract na pipirmahan mo ay yung contract para sa pagiging exclusive songwriter ng Secret."

Nalaglag lalo yung panga ko ng marinig ko yung sinabi niya.

"SERYOSO? Eh hindi naman ako nag-audition, ah?"

"Hindi ka nag audition pero sapat na yung CD mo. Pinakinggan ni manager Young yung compositions mo and she really liked your music."

"O---Oh my...Seryoso talaga? As in?"

"Yup."

"Okay sige. Daanan mo nalang ako bukas."

"Okay."

"Sige. Bye. Pasok na ko ah? Ingat ka." paalam ko sakanya.

Akmang tatalikod na ko pero natigilan ako dahil bigla siyang nagsalita.

"Can I hug you?"

"H-Ha? S-Sige." wala sa sariling sabi ko. Marahan niya akong niyakap at naramdaman ko nalang yung hininga niya sa gilid ng tenga ko.

Hindi ko alam kung bakit ko siya pinayagang yakapin ako. May parte sakin na hinayaan nalang siyang yakapin ako.

Binitawan niya na agad ako at nagtaka pa ko kung bakit bigla niyang pinunasan yung mata niya.

"I need to go." paalam niya sakin. Hindi na ko nakapagsalita pa dahil agad agad siyang umalis sa harap ko.

Umiiyak ba siya?


December 2, 2016 *FRIDAY*

Nakatulala lang ako habang nasa klase. Katabi ko si Tris pero hindi ko siya nililingon o kinakausap man lang. Sa totoo lang, gusto ko ng magpalit ng schedule para hindi ko na siya kaklase sa subject na 'to.

May lab experiment, partners kami ni Tris. Pero agad akong lumapit sa prof namin at nagrequest ako na kung pwede akong magpalit ng schedule dahil may malalim na dahilan. Buti nalang kahit papano maunawain yung prof na 'to kaya pinayagan niya agad ako at binigay niya sakin 'yung bagong sched ko.

Kinuha ko na yung bag ko at akmang aalis na pero pinigilan ako ni Tris.

Tinignan ko lang siya at hindi ako nag-abalang magsalita.

"Hindi mo sinasagot yung mga tawag ko kahapon. Hindi mo man lang ako binati kahapon payat. Birthday ko tapos wala ka."

"Masanay kana. Break na tayo." deretso kong sabi atsaka ko hinila yung braso ko mula sa pagkakahawak niya at nagmamadali akong lumabas ng classroom.

Madali lang naman makipag-break sa taong manloloko eh. Bakit mo siya pahahalagahan kung ikaw mismo pinaglalaruan niya lang?

Tumingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong 11:20am na. Tae! Baka kanina pa naghihintay si Kyran! 11:00 sabi ko sakanya, eh. Tae talaga ako kahit kelan.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng gate ng campus namin at nadismaya ako ng makita kong walang Kyran kahit saan.

Tch. Lahat talaga ng tao hindi marunong maghintay. Pag nainip na sila, iiwan ka nalang bigla.

Letcheng buhay 'to-----

"KAMOTE KA!" gulat na sigaw ko ng may humintong itim na van sa harapan ko. Bumukas yung pinto at nakita kong sumilip si Kyran.

"Sakay bilis." utos niya.

Magrereklamo pa sana ako pero nanlaki ang mata ko ng marinig ko yung mga yabag ng paa ng mga studyante sa paligid.

"KYAAAHHH! YUNG VAN NG SECRET NANDITO!!"

"NANDITO YUNG SECRET!"

"KYAAHHH!"

Agad agad akong sumakay ng van at sinara ko agad yung pinto. Nilock naman yun agad at nakahinga ako ng maluwag.

"Wuhoo, akala ko dudumugin ako ng fans." sabi ko habang nakakahinga na ng maluwag.

"Hindi naman ikaw yung dinudumog. Tss."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong si Daze yung nagsalita. Shemay. Bakit ba sobrang sungit niya sakin? Nagka-amnesia lang naman siya pero bakit ganyan na siya kasungit sakin ngayon? Masungit ba talaga siya nung panahong di pa niya ko chinachat dati? Ugh. Ano bang nangyayari sakanya? Ang daming nagbago, eh.

Hindi nalang ako kumibo.

"Ang cute mo Clover! Hahahahaha!" pangungulit ni Cerulean kaya napangiti ako ng tagumpay. Shet, ang cute ko daw sabi ng idol ko. Huhu. Fangirl feels.

"Wag mong pansinin si Daze. Sinusumpong lang 'yan. Haha." dagdag ni Kyran. Napatingin ako kay Lyndon sa tabi ni Kyran pero tahimik lang siya at walang kibo. Si Seidon at Jin naman parehong tulog sa tabi ni Daze. Si Hope naman solo dun sa pinakalikuran at natutulog din siya.

"Nasan pala yung manager niyo?" tanong ko kay Kyran.

"Naghihintay siya sa office niya. She's organizing the contract."

"Ah..."

Hindi na ko nagsalita pa ulit. Pero deep inside, gustong gusto ko na magwala dahil kasama ko yung mga idol ko. Shet lang diba! Dati pinagpapantasyahan ko lang sila, pero ngayon eto sila, kasama ko sa iisang sasakyan omg omg omg!

Kung si Sheria siguro yung nasa sitwasyon ko ngayon, malamang ni-rape niya na lahat ng members ng SECRET. At malamang sa malamang, uunahin niya si Cerulean dahil si Cerulean talaga ang pinakagusto ni Sheria sa Secret.

Ng makarating kami sa building nila, tahimik lang akong nakasunod sakanila palabas ng van hanggang sa makapasok sa building nila.

Binati ng mga staffs and crews ang SECRET. Hindi ako umiimik at nakayuko lang ako habang naglalakad. Ito yung building kung saan ako dinala ni Kyran nung audition. Sariling building 'to ng SECRET. Walang ibang singer or dancers dito bukod sa SECRET dahil sariling kumpanya 'to ng SECRET.

Huminto sila maglakad sa tapat ng elevator kaya huminto din ako syempre. Nauna silang sumakay ng elevator at sinundan ko si Daze na pasakay palang. Pero pagkasakay na pagkasakay ko ng elevator, tumunog bigla. Ibig sabihin overloaded na yung elevator. Letche. So maiiwan ako ganon?

"Ay. Hala pano si Clover?" tanong ni Cerulean. Nginitian ko lang siya.

"Sige mauna na kayo. Hehe. Hintayin ko nalang ulit 'tong elevator." sabi ko atsaka ako lumabas ng elevator. Hay. Malas.

"Oy Daze, labas kana. Sabayan mo na si Clover. Ikaw naman nahuli samin sumakay ng elevator eh." sabi ni Seidon sakanya. Tumaas bigla yung kilay ni Daze.

"Ikaw na. Tinatamad ako." pabalang na sabi ni Daze pero inakbayan siya bigla ni Lyndon.

"Be nice naman Daze. Bahala ka, baka magbago isip niya. Baka hindi niya pirmahan yung kontrata." pang-aasar sakanya ni Lyndon.

"Aish! Oo na eto na!" parang bata na reklamo niya. Padabog pa siyang lumabas ng elevator atsaka siya tumabi sakin.

Bago tuluyang sumara yung elevator, kumaway kay Daze yung members ng SECRET tapos sabay sabay silang nagsabi ng "Bye Daze!"

Natawa nalang ako. Binubully pala nila si Daze. XD

"Hehe, Hi Daze." pang aasar ko sakanya. Hindi siya lumilingon sakin at para bang wala siyang naririnig. Tae!

"Huy, Hi kako." pag-uulit ko.

"Ugh! Narinig ko na. Hindi mo na kelangan ulitin. I'm not deaf!" reklamo niya.

"Sorry naman."

Hindi na siya kumibo. Sobrang nakakunot lang ang noo niya at halatang gusto niya ng sumakay ng elevator pero wala siyang ibang choice kundi ang tumayo sa tabi ko at maghintay ng elevator. Tch.

"Payat!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko yung tawag na 'yun. Automatic akong napaharap sa direksyon kung san galing yung boses na 'yun at halos gusto ko nalang tumakas ng makita ko si Tris na tumatakbo papalapit sakin.

Ng makarating siya sa harap ko, hinawakan niya yung kamay ko.

"Wag ka namang magbiro oh. Hindi talaga nakakatuwa yung biro mo kanina eh. Pag-usapan naman natin 'to, oh. Ano bang problema?" tanong niya sakin. Pilit kong inaalis yung hawak niya sa kamay ko pero sobrang higpit nung hawak niya. Sht.

"Bitawan mo ko Tris." inis na sabi ko.

"Ano ba kasing problema? Sabihin mo kasi sakin para maayos agad." nakikiusap na sabi niya sakin. Bigla nalang akong natawa sa sinabi niya. Nagflashback sa utak ko yung sinabi ni Yannah.

"Kapal ng mukha mo. Hahahahahahahahahaha! Gago ka alam mo ba 'yon? T*ngina, Tris, t*ngina! Ano pang aayusin natin kung sirang sira na talaga?" galit na sabi ko. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko pero hindi ko nagawa. Kusa itong nagtuloy-tuloy sa pagtulo habang galit ang nararamdaman ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi niya.

Kusang gumalaw ang kamay ko at sinampal ko siya. Halos napatagilid pa yung mukha niya dahil sa lakas ng sampal ko sakanya. Humarap siya sakin at kitang kita ko sa mata niya yung gulat at pagkadismaya.

"S-Sorry." wala sa sariling sabi ko. Hindi ko akalain na magagawa ko sakanya 'yon.

Napatingin ako sa elevator ng bigla na ulit bumukas iyon. Gustuhin ko mang pumasok na sa elevator, ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Napatingin ako kay Daze ng bigla niya akong hilahin papasok ng elevator. Ng tuluyan ng sumara ang elevator, hindi padin tumitigil yung luha ko.

Gusto kong tumakbo ulit kay Tris at humingi ulit ng tawad sakanya pero napagtanto kong ang tanga tanga ko naman para gawin 'yon.

Natigilan ako ng iabot sakin ni Daze yung panyo niya.

"Kunin mo na. Nangangalay na ko." reklamo niya kaya agad kong dinampot yung hawak niyang panyo at pinunas ko agad yun sa luha ko.

"May boyfriend ka pala? Ayos ah. Haha!" pang aasar niya sakin pero wala akong ganang makipag-asaran sakanya kaya nanatili nalang akong tahimik.

Bumukas na yung elevator kaya nauna na kong lumabas. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad pero napahinto ako dahil biglang nagsalita si Daze mula sa likuran ko.

"San ka pupunta?"

Humarap ako sakanya. "Sa office ng manager niyo. San pa ba?" pabalang kong sagot.

"Tss. Hindi yan yung daan." kunot noong sabi niya at muli niya kong hinila paliko dun sa kaliwa. Aish! So mali pala yung dadaanan ko dapat kanina? Tsk. Pahiya ka nanaman Clover. Naknangtokwa.

Ng makarating kami sa dulo, binuksan niya yung pinto doon at pumasok kami pareho. Napatingin ako kila Kyran na tabi-tabing nakaupo habang yung manager naman nila ay naka-tayo lang habang may hawak na mga papeles. Lahat sila napatingin sakin at unang nag-react si Cerulean.

"Aba hoy Daziiiee! Pinaiyak mo si Clover?!" sigaw ni Cerulean.

"Anong ginawa mo kay Clover?" dagdag pa ni Hope kay Daze.

"Shut up. Wala akong ginawa sakanya. Tsk." sagot ni Daze atsaka siya umupo sa tabi ng Secret. Nanatili akong nakatayo at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Wala nanaman kasi ako sa sarili ko.

Napatingin ako kay Daze ng tapikin niya yung space sa tabi niya habang nakatingin siya sakin. Wala na kong ibang nagawa kundi ang umupo sa tabi niya dahil 'yun ang utos niya sakin.

"Hi Clover! I'm manager Young. I would like you to sign this contract of exclusivity. Uhm, I really like your compositions. Sobrang na-touch ako sa message nung kanta lalo na yung cinompose mo para sa Secret."

"A-Ah, Hello po. Thankyou po." pilit na ngiting sabi ko. Kinuha ko agad yung makapal na papel na binibigay niya sakin pati yung ballpen at nagsimula na kong pumirma.

Ng matapos akong pumirma, pumalakpak si Manager Young.

"Welcome to the family!" nakangiting sabi niya sakin at nanlaki ang mata ko ng bigla akong dumugin nila Cerulean at niyakap nila kong lahat (well except kay Daze at Jin dT_Tb Sila pa naman yung pinaka-gusto kong mayakap. Hays dT_Tb)

Napangiti nalang ako at niyakap ko din sila Cerulean.

"Yun! May babae na sa grupo natin!" dagdag ni Seidon.

"H-Ha? Songwriter lang ako diba?" inosenteng sabi ko.

"What? Are you kidding me? Hindi mo ba binasa yung pinirmahan mong kontrata? The contracts says you're now a member of SECRET."

"H-Ha?" naguguluhang sabi ko.

"Yes, you're the songwriter. Pero kakanta ka din at sasayaw kasama namin." pag-eexplain ni Lyndon kaya automatic akong napatayo at halos pagpawisan ako sa narinig ko.

Napatingin ako kay manager Young ng bigla siyang magsalita.

"Nung marinig ko kasi yung boses mo, naisip ko na ikaw ang bagay na idagdag sa SECRET. Your voice is really a unique one! I love it! So I decided na pasikatin ka. Why would you keep on hiding your talent if you can show it to the world, right?"

"MAKIKITA NA DIN AKO SA TV?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Exactly!" sagot ni Kyran kaya agad agad akong napatalon sa tuwa.

Sht! Halos hindi ako makapaniwala. Bakit ba kasi hindi ko binasa yung contract? Kyaaahhhh!!!!! Matutuwa sila mama at papa panigurado!

Dear Clover Deluxe Peewee, Hello kambal. Alam kong nasa langit kana pero O to the M to the G! Alam kong proud na proud kana sakin ngayon palang! Kyaaahhh! Sana buhay ka pa :( Sana buhay ka pa para magcelebrate tayo.

Inakbayan ako ni Kyran kaya napatingin ako sakanya.

"Congrats." nakangiting sabi niya.

"Tae, hindi mo naman agad sinabi sakin na hindi lang pala songwriter ang ganap ko." sabi ko.

"Para surprise." natatawang sagot niya.

"Welcome to SECRET, Clover." nakangiting sabi sakin ni Seidon kaya napangiti ako ng malapad. Ang cute ni Seidon! Huhuhuhuhu.

Na-excite tuloy ako bigla sa mangyayari sa buhay ko.

Niyakap ako ni manager Young kaya niyakap ko din siya.

"Thankyou po ng sobra. Thankyou po sa ganitong opportunity." sinsero kong pagpapasalamat pero natigilan ako ng lumapit sakin si Jin.

"You'll regret everything lalo na pag nagsimula ka ng sumikat. I'm warning you, Star is nice when you're looking at it from afar, but if you're the star, you'll hate it when you shine. 'Cause every twinkle you do, people will easily notice you." nakangising sabi ni Jin habang nakatitig sa mata ko.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
25 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
19 December 2019