Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 11, 2016 *FRIDAY NIGHT CONTINUATION*

Ng makalayo na ko sa hall, umupo ako sa garden ng campus namin at don ako umiyak ng umiyak. Bakit hanggang ngayon nasasaktan ako?

"Hey."

Nagitla ako ng marinig ko yung familiar na boses na 'yon. Tinago ko ang mukha ko at sinubsob ko lang ang buong mukha ko sa tuhod ko na parang bata.

"Wag mo kong titignan. Nakakahiya. Ang panget ko." nahihiyang tanong ko. Ugh. Gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil ayokong makita nya ko na sobrang maga ang mata at sabog sabog ang make up ng dahil sa luha. Bwisit. Wrong timing naman kasi yung pagpapaiyak sakin ni Tris eh. Pinaghandaan ko 'tong gabing 'to para sa SECRET eh! Nakakainis.

"Haha! It's alright." sabi pa niya. Unti unti akong tumingala para tignan siya at nakita ko siyang nakatitig sakin. "Why are you crying? Ganon ba ko kagwapo para mapaiyak ka sa tuwa? Hahaha!"

Kinginers. Bigla nalang akong natawa dahil sa kahanginan niya. "Maganda ka padin naman, eh." Ay pucha. Hindi ito ang tamang oras para kiligin pero kingina, sinong hindi kikiligin kung si Daze Park mismo ang nagsabi?! Tae sobrang gwapo niya talaga sa personal lalo na pag ganto kalapit. TAE TAE TAE!

Ohmygod. Bigla siyang umupo sa tabi ko at bigla niyang inabot sakin yung panyo niya. "Salamat. Kingina Dazeeeee! Kinikilig akooooo!" sigaw ko sabay kuha ng panyo niya at agad kong pinunasan yung luha ko. Shet lang kase eto na 'yun eh! Katabi ko yung idol ko slash CRUSH slash MEMBER NG SECRET!

Humalakhak siya. "I requested this campus kase nakita ko sa fb mo dito ka nag-aaral. Haha!"

dO_Ob

"Totoo?" hindi makapaniwalang sabi ko. Akala ko nagkataon lang na dito sila bibisita.

"Oo nga. Haha. Pero baka mayamaya aalis na din agad kami."

Natigilan naman ako bigla. Oo nga pala, sikat nga pala sila kaya paniguradong limitado lang ang oras nila. Natigilan ako bigla ng ilapit niya sakin yung mukha niya at tinitigan niya ng mabuti yung mukha ko.

"H-Huy, wag mo kong titigan." nahihiyang sabi ko. Bigla siyang ngumiti. "Nung kachat kita, nagugutom ako. Ngayong nasa tabi na kita, mas lalo lang akong nagutom. Hahaha! Clover Delight Peewee is an awesome name."

"Ay peste. Sheteeeee! Totoo ba talaga 'to? Kaharap kita? As in katabi? As in binigay mo talaga panyo mo sakin? As in sinundan mo talaga ko? As in---" natigilan ako sa pagsasalita ng bigla niyang tusuk tusukin yung pisngi ko.

"Naniniwala kana? Hahahaha!" tanong niya sakin pagkatapos niya kong tusukin. Jusko, totoo nga. Makulit siya at parang bata pero matured talaga. ANO DAW. Tsk basta mahirap siyang idescribe.

"Bakit ka pala tumakbo palayo kanina nung hinanap kita?"

"A-Ah, e-eh... Ayoko sanang magpakita sayo dahil nahihiya ako."

"Haha, fan ba talaga kita? I mean, kung ibang babae 'yun, I'm sure they'll grab the chance at hindi nila ko tatakbuhan palayo. Haha. Ibang klase ka."

Hindi na ko nagsalita. Hindi ko na din kasi alam ang isasagot ko. Bakit nga ba ang abnormal kong fan? Haha.

"Ayaw mong bumalik sa loob? " tanong niya sakin pero umiling lang ako.

"Kelangan ko na bumalik sa loob. May last performance pa kami." paalam niya sakin at agad naman akong tumango tango.

"Bye." paalam niya ulit atsaka siya nagmamadaling bumalik don sa hall. Naglakad din ako pabalik sa hall pero nandun lang ako sa medyo labas, nakasilip lang mula sa malayo.

Sumayaw ulit ang SECRET at sobrang ingay ng paligid. Nakatingin ako kay Daze. Sobrang nakakamangha talaga siya sumayaw, idagdag mo pa yung angas ng galaw niya at yung paborito ko sa lahat ay yung eyeliner niya. Yun talaga ang dahilan kung bakit para sakin, pinakagwapo siya sa SECRET. Eyeliner niya kasi yung unang kumuha ng atensyon ko. Hehe.

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang mapatingin sa pwesto ko at bigla niya kong kinindatan! TAE DAZEEEEE! ANO BA. YUNG SIPON KO NAHULOG NA. HAHAHA! JOKE.

"Omg kinindatan ako ni Daze!"

"Ako yun, wag kang feeler!"

"Ako yun! Hindi ikaw!"

"Sakin siya kumindat!"

"Sakin sabi eh!"

d>_<b Napailing nalang ako sa pag-aaway nung mga nasa harapan ko. Feeler sila parepareho. Hays.

Pagkatapos nilang sumayaw, pinayagan nilang magpapicture sakanila isa-isa yung mga fans nila. Jusko, nakasama ko na si Daze pero di manlang ako nakapagpapicture! MALAS NAMAN ATA!

Pumila ako sa mga nagpapapicture sakanila pero kamalas-malasan, pinakadulo ako. Sila Mikee at Sheria ayun, pinaka-una sa pila d=_=b Malas ko talaga.

Sobrang daming nagpapapicture kay Daze at Kyran. Sila talaga yung pinipilahan. Pero kelangan kong makapagpapicture sakanilang lahat! Pero hindi, imposibleng makapagpapicture ako sakanilang lahat dahil limitado lang oras nila. Kaya sa ngayon, kay Daze muna ko papapicture! Hehe.

Napapakunot ang noo ko twing may nagpapapicture kay Daze taposs----ugh. Bakit nila hinahalikan sa pisnge si Daze! Letcheeee! ASAWA KO YAN! T___T Wag niyong abusuhin ang pisngi niya! Ako nga nakatabi ko na siya at nakausap pero hindi ko siya hinalikan sa pisnge! Huhu mga abusado kayong fans :( So sad :( HAHA.

After the long wait, eh sa wakas ako na ang magpapapicture! Binigay ko kay Sheria yung phone ko at agad akong tumabi kay Daze. Napatingin ako sa mga tao sa paligid ko, bakit ang sama ng tingin nila sakin? d>_<b

Halos mamutla ako ng biglang ilapit ni Daze ang bibig niya sa tenga ko atsaka siya may binulong sakin.

"First picture natin. You'll thank me after this." bulong niya sakin at bigla siyang tumawa ng mahina. Tae kinikilig ako!

"One, two ,three!" sigaw ni Sheria at pareho lang kaming ngumiti ni Daze.

"Teka, isa pa. Haha!" request ni Daze kaya nag-react lahat ng fans ni Daze. Bwahaha! Mainggit kayo please! Si Daze mismo nagrequest ng isa pa! Wahaha!

"Okay, one, two, three!" bilang ni Sheria at nanlaki ang mata ko dahil saktong pagbilang niya ng three ay bigla akong hinalikan ni Daze sa pisngi ko.

"WAAAHHHH! ANO YON!!!"

"BAKIT GANON?!!"

"OHMYGAAAAD BAKIT ANG SWERTE NI ATE CLOVER!"

"KYAAAHHH HINDI TO PWEDE! AKIN LANG SI DAZE!"

"Are they dating?"

"Hala sila ba?"

"IMPOSSIBLE!"

Natawa nalang kami pareho ni Daze sa reaction ng mga tao sa paligid.

"Thankyou." malapad na ngiti ang ipinakita ko kay Daze bago ako umalis sa tabi niya. Pero bago ako makaalis sa tabi niya ay hinawakan niya yung kamay ko kaya agad akong napatingin ulit sakanya. Shet, hawak niya kamay ko guys!!! MAY SPARK! WUHOOOO!

"Makikita pa naman ulit kita diba?" seryosong tanong niya sakin at agad akong may naramdamang kaba at takot.

Kaba dahil baka mahulog ako sakanya, Takot dahil baka hindi niya ako saluhin.

"Minsan may mga bagay talaga na isang beses lang, sapat na." pilit na ngiting sabi ko atsaka ko tinanggal yung kamay niya sa kamay ko.

"Bye Daze." paalam ko sakanya atsaka ko siya tinalikuran, pero natigilan ako ng makita ko si Tris sa harapan ko. Nakatingin siya sakin habang nakakunot ang noo...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
25 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
19 December 2019