Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

December 2, 2016 *FRIDAY CONTINUATION*

"So, you'll start working with us starting tomorrow. Ano nga palang course ang kinuha mo?" tanong saakin ni manager Young.

"Medicine po."

"Hmm, you need to leave that course and starting next week, you'll attend the same class with them." sabi ni manager sabay turo kila Daze.

"S-Seryoso po? Makakapasok na ko sa Topaz Music International School?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Alam ko kasing dun nag-aaral ang SECRET pag maluwag ang schedule nila and alam ko din na sobrang sikat ng University na 'yun sa buong bansa dahil dun pumipili ng mga gustong pasikatin sa larangan ng music.

"Yep. And starting tomorrow, magdodorm kana sa Topaz Music University."

"O-Okay po okay po. Hehe."

"And oo nga pala, wag kanang mahihiya sakin at pati na rin sa SECRET, you're now one of us kaya wag kang mahihiya samin."

"Okay po manager!"

"Sumama ka nga pala muna sakin, ipapakilala kita sa staffs and crews ng SECRET Corporation."

Tulad ng sabi niya, inikot namin ang buong building at isa-isa niya akong pinakilala sakanila. Nakilala ko din yung PA (Personal Assistant) ng SECRET at ang masasabi ko ay sobrang gwapo niya. HEHEHEHE. Oo! Lalaki yung PA nila! Este, namin! XD Ang astig nga ng pangalan niya eh, Third yung name niya pero ang tawag sakanya ng lahat ay Tres.

Ng maipakilala na ko ni Manager Young sa lahat, bumalik na kami sa office niya at naabutan namin sila Kyran na tulog. As in tulog silang lahat. Oo, LAHAT.

"They're really tired. Walang pahinga yung schedule nila. Halos one week na nga rin silang hindi pumapasok sa klase." pagkekwento ni manager Young. Napatitig ako kay Daze. Tengene. Ang gwapo niya matulog. Medyo natawa nga lang ako dahil si Cerulean ay nakayakap kay daze habang tulog sila pareho. As in wow, pano nila nagagawang lahat matulog sa soffa ng nakaupo lang and nakasandal lang? Grabe. Mukhang pagod talaga sila.

Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi ni Jin sakin kanina. Totoo kaya 'yun? Who knows? Hay.

Natigilan ako sa pagtitig kay Daze dahil bigla siyang dumilat at nag-hikab pa siya dahil sa sobrang antok niya. Ang gwapo niya *O*

Napatingin siya kay Cerulean na nakayakap sakanya at dahan-dahan niyang tinanggal yung pagkakayakap sakanya ni Cerulean.

"Oh Daze, gising kana pala. Pwede bang ihatid niyo ni Kuya Fred si Clover?" tanong ni manager kay Daze.

"Ha? Si Kyran nalang." sagot niya.

"Daze, please?" pag-pilit sakanya ni manager kaya napakamot sa ulo si Daze atsaka siya tumayo.

"Oo na."

Nauna na siyang lumabas at nagpaalam na ko kay Manager Young. Nagmamadali akong sumunod kay Daze dahil ambilis niyang maglakad.

Sumakay kami ng elevator at walang umiimik samin pareho hanggang sa makalabas kami ng elevator. Pagkalabas na pagkalabas namin ng building, natigilan ako ng makita ko si Tris na nakaupo sa gilid. Ng maramdaman niya ang presensya ko ay napatingin siya sakin at agad siyang lumapit sakin.

"Payat, usap tayo please?" pagmamakaawa niya sakin pero umiwas ako ng tingin.

"Woah. Nandito ka padin? Alam mo bang bawal ka dito?" nakapamulsang sabi ni Daze kay Tris kaya napatingin si Tris kay Daze.

"Hindi ikaw ang kausap ko." seryosong sabi ni Tris.

"Did you forget that you're here in my territory? I will call the guards if you----"

"Daze, tara na." pagpigil ko sa sasabihin niya atsaka ko siya hinila papasok ng van.

"Kuya Fred, pahatid si Clover. San ka nga pala ihahatid?" baling sakin ni Daze. Ah, so Fred pala pangalan ng driver nila. Ay, namin pala.

"Sa Cambridge Princeton Dormitory." sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakatingin lang ako kay Tris. Ewan ko ba, kumirot yung puso ko habang nakikita ko siya. Naguguluhan ako sakanya.

"Ba't ba ayaw mo kausapin 'yun? He deserves to talk to you. He's your boyfriend afterall." biglang pagsasalita ni Daze.

"Pag niloko ka lang ng isang tao, kakausapin mo pa ba?" inis na sabi ko kaya natigilan siya.

"Well, I don't have any experience about that so don't ask me." inosenteng sabi niya.

Hindi na ko umimik pa at nanatili lang akong tahimik buong biyahe. Tae, hindi ko din maintindihan 'tong si Daze eh. Sobrang sungit niya sakin tapos bigla niya nalang ako kakausapin pag nasa mood siya makipag-usap. Wow lang. Ganyan ba talaga siya? Tsk.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa dormitory ng campus namin kaya nagpaalam na ko kay Daze.Kahit na di man lang siya nag-abalangmag-bye sakin dT_Tb bakit ang sama ng ugali niya? Napapaisip tuloy ako ngayon kung bakit siya yung pinakagusto ko sa SECRET eh d>>___<<b

DAZE'S POV

Ng maihatid na namin si Clover, nag-ring bigla yung phone ko kaya agad ko 'tong sinagot.

"Hello, ma? Napatawag ka?"

"Daze anaaaak! Ipapa-renovate ko sana 'yung bahay natin kasi lahat ng kapit bahay natin nagpa-ganda ng bahay. Syempre hindi ako papahuli! Kelangan magmukhang palasyo ang bahay natin!"

"Ha? Mama naman. Malaki na yung bahay natin ah? Halos mansion na nga 'yan eh."

"Eh Daze, sige na pagbigyan mo na ko anak. Please?"

Napabuntong hininga ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Mama ko siya eh.

"Okay sige, papadala akong pera sayo mamaya."

"Yes! Thankyouuu anak! You're the best! Hehe. Bisita kana din dito ha? Miss na miss na kita."

"Ma naman. Nung weekend lang binisita mo ko sa dorm ko ah?"

"Eh anak, syempre iba padin pag dito tayo sa bahay magkasama."

"Okay ma. Sige sige. Pag maluwag schedule ko bibisita ako dyan. Kamusta pala si Fuse?"

"Okay naman siya nak. Nako namiss mo nanaman si Fuse."

"Oo naman, syempre." nakangiting sabi ko kahit hindi nakikita ni mama yung ngiti ko. Sweet ko talaga haha!

"Sige anak. Bye na. Loveyou!"

"Loveyoutoo, ma."

Pinatay niya na yung tawag kaya tinago ko na sa bulsa ko yung phone ko.

She's always like that. Gusto niya palaging nangingibabaw. Halos lahat nga ng pinagpapaguran kong pera, kung san san niya lang ginagastos.

Pero wala na akong magagawa. Single mom siya, eh. Ako nalang yung inaasahan niya kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan.

I love her kaya lahat binibigay ko sakanya.

"Sir Daze, babalik na po ba tayo sa building niyo?" natinag ako ng tanungin ako ni kuya Fred.

"Yeah."

Medyo traffic nga lang kaya nabobored na ko. Natigilan ako ng makita ko si Sapphire sa gitna ng kalsada habang tinatadyakan 'yung van niya at mukhang sinisigawan niya yung PA niya pati yung manager niya. Wtf?

Tutal traffic naman, lumabas ako ng van at lumapit ako kay Sapphire.

"Any problem?" tanong ko. Napatingin sakin si Sapphire at tinaasan niya ko ng kilay.

"I have a stupid driver! That's my freakin' problem!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagsigaw niya. Haha! Totoo nga. Masungit nga siya.

"What happened?" tanong ko.

"Ugh! Can you please stop asking me stupid questions?!" sigaw niya. Nagtaka tuloy ako bigla. Bakit pati sakin ang sungit niya? Psh.

"How can I help?" tanong ko. Muling tumaas ang kilay niya at nag-isip siya ng isasagot.

"Ihatid mo ko sa building namin." taas kilay na sabi niya at natawa ako bigla dahil nauna siyang sumakay ng van ko. (Ng SECRET pala. Lol.)

I just shrugged and sumakay na din ulit ako sa van. Nagpupunas siya ng tissue sa buong mukha niya at iritable talaga yung mood niya.

"Nakakainis! Pinagpawisan na ko! Stupid Driver! Stupid Manager! Stupid P.A! Stupid people!" sigaw niya. Mainit ulo.

"Tao ka. Normal lang pagpawisan. Haha."

"You're not funny so shut up!" sigaw niya at inirapan pa niya ko. What the hell?

Hindi nalang ako nagsalita kahit na maya't maya yung reklamo niya dahil sa driver niya.

Malapit lang naman yung building nila sa building namin kaya mabilis lang namin siyang naihatid ni kuya Fred. Pagkalabas ni Sapphire ng van, hindi man lang siya nag-thankyou. Tch.

"Ang ganda niya sir, 'no?" pagcocomment ni kuya Fred. Napaisip tuloy ako.

"Pwede na." natatawang sagot ko dahil naalala ko yung itsura niyang iritable kanina.


CLOVER'S POV

Naasikaso ko na lahat. Nakausap ko na din sila mama at papa kanina sa phone tungkol sa kontratang pinirmahan ko at sinabi ko din na kelangan kong magfocus sa music kaya bibitawan ko na yung plano kong maging doctor. Ayos lang naman sakanila. Sabi nila kung saan daw ako masaya, go lang daw ng go.

Nakwento ko na din kila Sheria at Mikee yung tungkol sa paglipat ko ng school at ng dorm. At syempre, magpapahuli ba sa drama si Sheria? Ayun, nagtampo sakin. Bakit daw ako mang-iiwan. Tama daw pala yung sinabi ko, wala daw forever. Natatawa talaga ko kay Sheria eh, kahit kelan O.A! HAHA!

December 3, 2016 *SATURDAY*

Maaga akong sinundo ni Kuya Fred dahil ngayon daw ako pupunta sa Topaz Music International School. Wala daw klase ngayon dahil sabado pero kelangan ko na daw pumunta don dahil lilipat na ko doon ng dorm. Hindi ko kasama yung SECRET ngayon dahil may inaasikaso daw sila sabi ni kuya Fred.

Pagkasakay na pagkasakay ko sa van, tinulungan ako ni Tres sa maleta ko at box ko. Oo, naka-maleta talaga ako! HAHA! Syempre 'no! Madami talaga akong dala. Tsaka bitbit ko din kasi yung malaki kong box. HAHA. Si Tres yung gwapong P.A namin. Yes naman may P.A na din ako! Yiieee. XD

Maya-maya lang ay bumaba na kami ng van at talagang namangha ako sa nakikita ko. ANG GANDA NG DORMITORY DITO! SHET!

Pinagtitinginan ako ng mga studyante at nagbubulungan sila. Tch, makikilala niyo din ako! Bwahaha! Umakyat kami sa second floor gamit yung hagdan. Oo, hagdan. Bawal daw elevator dito dahil bawal daw tamad. Aba. Naks naman. HAHA.

Naglibot libot ako ng paningin at narealize ko na sa 1st floor and 2nd floor yung dorm ng mga babae at sa 3rd floor at 4th floor naman yung dorm ng mga lalaki. Hinatid ako ni Tres sa 2nd floor at binuksan niya yung room 209 dahil yun daw ang magiging kwarto ko.


"Sige Tres, okay na. Pwede mo na kong iwan. Hehe. Pahingi nalang pala ko ng number mo tsaka number ni kuya Fred at number ni manager Young para may ma-contact ako kung sakali." sabi ko. Kinuha naman ni Tres yung phone niya sa bulsa niya at hiniram niya yung phone ko. Siguro siya na yung naglagay nung mga number na hiningi ko. Naks, sipag ni Tres. Powtek, siguro hindi malabong maging crush ko 'tong si Tres! Gwapo eh! XD Gawin ko nga siyang textmate. Bwahaha! Talandeee nanaman Clover.

Iniwan na ko ni Tres at pumasok na ko sa kwarto. Woaaahhh! Ang ganda! May dalawang kama at may mga closet pa na halatang mamahalin yung presyo. May second floor yung kama. I mean, may kama sa ilalim tapos may kama ulit sa taas. Pero may spiral na hagdan papunta sa kama sa ibabaw. Hindi lang basta kama yung nasa ibabaw. May study table din dun at kung ano ano pa. Ang ganda sheeeet! Tinignan ko yung kama sa ilalim at nakita kong madaming gamit don. Mukhang may gumagamit na nung kama na 'yon kaya naman umakyat ako sa taas at don ako nag ayos ng gamit.

Agad kong inayos ang mga gamit ko. Nilagay ko sa closet lahat ng damit ko. Ng mapagod na ko mag-ayos, humiga na ko sa kama at talagang feel ne feel ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

~

~

~

"Ay shet!" sigaw ko. Napadilat pa ko ng deoras.

"Bakit mo ko binuhusan?!!!Letcheee!" reklamo ko. Pero natigilan ako ng mapagtanto ko kung sinong bumuhos sakin ng tubig na malamig.

"Sapphire?" gulat na sabi ko habang nakatingin siya sakin at nakataas ang kilay.

"Who the hell are you? What are you doing inside my room?!!" sigaw niya.

"Hala! Kwarto mo 'to? Eh dito din daw yung kwarto ko eh."

"What the heck?! Gahd! You're so frustrating!" iritang sigaw niya sakin.

"Just get out! I don't share room with anyone!" mataray na sigaw niya sakin.

"Ha? Eh san naman ako pupunta? Dito yung inassign sakin na kwarto ko."

"Just get out!!! Get out!!! Get out!! Get----"

"Any problem here?" napatingin kami pareho sa pinto. Oh shit. Ang gwapooooo!!!

"Sir Sleep, I don't want to share this room with her! Transfer her to another room." mataray na sabi ni Sapphire .

Sleep? Ang gwapo niya lalo na ng pangalan niya. Hehe. Ang sexy nung panga niya! O to the M to the G!

"No, Sapphire. From now on, She will be your roommate and you can't do anything about it." may awtoridad na sabi ni sir Sleep.

"I hate you sir!" maarteng sabi ni Sapphire at tinignan niya ko ng masama.

"Call me if there's any problem." sabi sakin ni sir Sleep at agad agad akong tumango.

Pagkalabas na pagkalabas niya, bumaling agad ako kay Sapphire.

"Music instructor siya dito?" tanong ko. Inirapan ako ni Sapphire.

"Why don't you figure it out?" maarteng sabi niya kaya napasimangot ako. Grabe, gaspang ng ugali. Hays. Namiss ko tuloy si Sheria at Mikee. Huhu. Lord, ayoko ng malditang roommate dT_Tb

"Hey ugly bitch."

Agad akong napatingin kay Sapphire. "A-Ako?" tanong ko.

"Duuuh? Sino pa ba? Tss. Stupid ugly bitch!"

"Letche. Kanina ka pa ah! Problema mo?"

"You. You are my big problem so can you just get out and don't show your face infront of me?"

Aish! Nakakairita yung ugali niya! Tae!

Bandang huli wala na kong ibang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto. Mag-iikot ikot muna siguro ako sa lugar na 'to para maging familiar. Hehe.

Ang ganda dito. Sosyal yung dormitory hehe. Puro glowing blue yung makikita sa hallway. As in sobrang ganda!

"NANDYAN NA YUNG SECREEEEET!"

Nanlaki ang mata ko ng biglang magsilabasan sa mga kwarto yung mga tao at agad na nagkagulo sa hallway. Hello? Secret din ako! Bakit hindi niyo ko pinagkakaguluhan! Hays. Joke lang hehehe.

Natigilan ako ng makita ko si Daze at Kyran na naglalakad sa hallway kasunod si Cerulean at Seidon tapos sa pinakadulo ay si Jin, Lyndon at Hope.

"Hi Daze!" bati ko. Syempre, fan niya padin ako kahit ano mangyari. Tinignan niya lang ako tapos nanlaki ang mata ko ng lagpasan niya lang ako. Wow talaga. Nagtawanan tuloy yung mga babae sa paligid ko. Shemerns. Pahiya ako don.

"CLOVER!" sigaw ni Cerulean sabay akbay sakin. Nagbulungan tuloy mga tao sa paligid.

"Hayaan mo lang yung mga tumatawa at nagbubulungan. Mahihimatay silang lahat mamaya pag inannounce namin kung sino ka." bulong ni Cerulean sakin atsaka niya ko kinindatan.

O to the M to the G. I-aannounce na nila? dO_________Ob

Hinayaan ko lang si Cerulean na akbayan ako habang naglalakad sila. "Bakit ba ang sunget ni Daze sakin?" nakasimangot na tanong ko.

"Hehe, Clover pagpasensyahan mo na. Madami kasing problema 'yun."

"P-Problema? Tulad ng?"

"Ah eh, basta. Kumplikadong mga bagay."

Na-curious tuloy ako. Ano kayang mga problema ni Daze? Bakit nagkakaganyan siya? Diba?

Natigilan kami sa paglalakad ng harangin kami bigla ni Tres.

"Balik daw kayo lahat sa van, nagpatawag ng live broadcast si Director Han." pagsasalita ni Tres. Si director Han ang may-ari slash president ng SECRET corporation.

~

~

"H-Hala. Kinakabahan ako." nanginginig na sabi ko habang nakaupo kaming walo. Nasa isang studio kami kung saan madaming camera ang nakatutok samin. Madami din ang reporters na nandito. At halos nagtataka sila kung sino ako.

"We're all here for a special announcement." nakangiting sabi ni manager. Blooming si manager tapos ang ganda pa ng ngiti. Sobrang elegante niya tignan.

"Everyone, meet Clover Delight Peewee, the new member of SECRET." nakangiting pag aannounce ni Manager habang nakapwesto siya sa likuran ko at hawak niya ang magkailang balikat ko. The reporters and the media all gasped. Shock is written all over their face.

Ngumiti ako ng itutok sakin ang lahat ng camera. Hindi pa ako gaanong sanay sa ganito kaya pagkatapos mag-announce ni manager, hinila na agad nila ako palabas ng studio. Hinabol kami ng mga reporters dahil sa mga tanong nila pero nagmadali kaming lumabas ng building. Sumakay na silang lahat ng van at dahil hindi pa ako sanay, naiwan ako sa labas ng van dahil ambagal kong nakatakas sa mga reporters kaya agad nila akong pinalibutan.

Sunod sunod ang mga tanong nila sakin at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang dami nila. Sumasakit ang ulo ko dahil sabay sabay silang nagsasalita at nagtatanong. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Shit.

Pilit akong tumingkayad para silipin yung van. Ugh! Tulungan niyo ko manager please!

Natigilan ako ng biglang bumukas yung pinto ng van at mula don ay lumabas muli si Daze.

"Excuse me. Excuse. Excuse. Excuse me." paulit ulit na sabi niya habang sumisingit siya sa media na nakapaligid sakin. Ng makalapit siya sakin ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ko palayo sa media.

"A-Aray shet." mahinang sabi ko dahil natapak-tapakan na yung paa ko dahil sa mga letcheng reporters at camera man. Ng makalapit na kami sa van ay agad akong sumakay at sumunod na sumakay si Daze. Sinara agad ni Daze yung van at agad na umandar yung van namin.

Napangiti ako. Hero ko talaga si Daze eh. Hays. Buti nalang dumating siya.

"Stop smiling like that. Hindi ko ginawa 'yun para sayo." masungit na sabi niya pero hindi ko padin mai-alis yung ngiti sa labi ko.

Kahit anong deny mo Daze, alam kong may tinatago kang "PAKE" dyan sa puso mo. Bwahaha!

"Kaya idol kita, eh." nakangiting sabi ko pero mukhang hindi niya ata narinig dahil nakapikit yung mga mata niya.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
25 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
19 December 2019