Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 12, 2016 *SATURDAY*

Wala kaming pasok ngayon kaya free kaming lumabas ng dorm. Nandito kami ngayon nila Sheria at Mikee sa mall at syempre, padating palang si Break.

Habang hinihintay namin si Break, bigla bigla nalang inopen up ni Sheria yung samin ni Tris. "Mahal mo pa ba si Tris?" tanong niya sakin. Kinain ko muna yung banana split ko bago ako sumagot.

"Pag nagmahal ka ng isang tao, kahit naghiwalay na kayo, hindi na mawawala yung pagmamahal mo sakanya kase mas mangingibabaw yung pinagsamahan niyo. Oo, maaaring maka-move on ka sakanya, pero kahit makahanap ka ng bago at kahit magmahal ka ng iba, may matitira pading pagmamahal para sakanya."

Hindi nakasagot si Sheria kaya nagsalita ako ulit.

"Kumbaga, pag nainlove ka ulit, 98 % mong mahal yung present mo, 2 % mong mahal yung ex mo/ past mo." sabi ko sabay kain ulit ng Banana Split.

"So, mahal mo pa nga si Tris?" tanong ulit niya. "Minahal, Oo. Ngayon hindi ko alam." pagsasabi ko ng totoo. "Soooo, pakiexplain yung paghalik sayo kagabi ni Daze! Jusko! Imbis na magselos ako eh kinilig pa ko sa ginawa niya sayo! O to the M to the G! Sobrang swerte mo Clover!" singit ni Mikee. Namula agad ako ng maalala ko 'yun. Tinignan ko yung photos ko sa phone ko at napangiti ako ng makita ko yung mga pictures namin ni Daze. Meron kaming tatlong pictures. Yung unang picture, may binubulong siya sakin. Stolen 'yun. Yung pangalawang picture, yung nakangiti lang kami pareho. Yung pangatlong picture, hinalikan niya ko sa pisngi. Hehez. Swertiiii.

"Ehem ehem, andyan na si pogiiii." biglang banat ni Sheria kaya napatingin ako sa likuran ko, kadarating lang ni Break. Umupo siya sa tabi ko.

"Tagal mo ata?" reklamo ko. "Traffic." simpleng sagot niya. "Pinagpapalit mo na ko sa traffic. Sige lang, Break. Break na tayo. Bwahahaha!" pagbibiro ko pero napakunot ang noo ko sa malutong na sagot niya. "Fvck you." mura niya sakin pero ngumanga ako kunyari tapos tinakpan ko buong katawan ko. "Wag ngayon Break, please hintayin mo muna kong gumraduate. Madami pa kong pangarap sa buhay." pag-arte ko at kunot noo siyang tumingin sakin. Bigla niyang tinaas yung middle finger niya sa harap ng mukha ko kaya hinampas ko siya. Bad influence talaga eh, hilig mag dirty finger. Hahaha!

Napatingin ako sa mga taong kumakain sa paligid namin, lahat sila ay pinag-uusapan ang SECRET.

"Uy, Mikee. Tignan mo nga fb mo, baka may nirelease na bagong dance video yung SECRET." sabi ko kay Mikee. Ganyan naman kasi palagi ang mga tao pag may bagong nirelease yung SECRET, agad agad na kumakalat at pinag uusapan. So famous! Huhu, sana ako rin. Eksdi.

Kinuha agad ni Mikee yung phone niya at nagscroll agad siya sa news feed niya. Pero nagtaka ako sa reaksyon niya.

"C-Clover...." tawag niya sakin. Kinuha ko ang phone niya para makita ko kung anong nakita niya, pero agad kong nabitawan ang phone pagkatapos kong makita yung article.

-SECRET member, Daze Park got into a serious car accident. Kyran said on the interview: "Daze is unconscious. His head was the most affected part"-


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
25 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
19 December 2019