Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 14, 2016 *MONDAY*

Habang nasa klase ako, nakatitig lang ako sa calling card na nilagay ni Kyran sa bulsa ko kahapon. Halos hindi na nga ako nakakapagconcentrate sa klase dahil tumatakbo sa isip ko kung bakit ako binigyan ng calling card ni Kyran. Tsaka pano niya ko nakilala? I mean, sobrang sikat siya, bakit niya ko kinausap at bakit niya ko binigyan ng calling card?

Ang daming tanong sa isip ko, pero ni isa don wala akong malaman na kasagutan at hindi padin ako nalilinawan.

Napatingin ako sa mga kaklase ko sa subject ko ngayon. Buti nalang mamaya ko pa kaklase si Tris sa next subject ko. Mas lalo lang kasi akong hindi makakapagconcentrate. Hay.

Ang daming dinidiscuss ng prof ko, pero walang pumapasok sa utak ko dahil iba ang nasa isip ko. Ugh. Anong gagawin ko? Naguguluhan talaga ko sa inasta ni Kyran kahapon. Gustuhin ko mang kiligin dahil kinausap ako ni Kyran, hindi ko magawa dahil naiinis ako kay Daze. Bakit niya ko kinalimutan? Bakit niya ko nakalimutan? Bakit?

Pagkatapos ng klase, tinago ko nalang yung calling card sa bag ko.  Sa ngayon, hindi ako makapaniwala na nakalimutan  na ko ni Daze.

Yung feeling na napansin kana ng idol mo, pero sa isang idlap, hindi ka na niya maalala.

Nagring yung phone ko kaya agad ko ring sinagot yung tawag ni mama. Oo, si mama yung tumatawag.

"Hello ma?" bungad ko. "Anak, ano ng plano mo sa birthday mo?" tanong niya sakin at agad akong napaisip. "Wala naman po akong plano masyado. Mama naman, 17th birthdy ko lang naman sa wednesday at hindi naman 18th birthday kaya wag kang O.A." reklamo ko. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Aba syempre gusto ko present kami ni papa mo sa birthday mo. Oh ano ngang plano mo? Wala talaga?" hay nako. Ang kulit talaga ni mama. "Wala po talaga ma." naimagine ko tuloy na nakasimangot na ngayon si mama. Bwahaha! "Anak, mag-overnight nalang kayo dun sa resort ng tita mo. Para makapunta din kami ng papa mo. Pleaaaase?"

"Mama naman. Ano namang gagawin ko dun?" nakasimangot na tanong ko. "Edi imbitahan mo mga kaibigan mo. Ano pa nga ba? Common sense anak. Ay wala ka pala non. Mwehehehe."

d>_<b Napakaisip bata ng nanay ko. HAHA.

"Okay sige ma, iimbatahan ko sila. Happy?" narinig kong tumawa ulit siya. "Masayang masaya anak at makakapagrelax din kami ng papa mo. Hahaha! Okay naaak, babyee i love you!"

Napangiti nalang ako sa sinabi ni mama. "I love you more, ma." nakangiting sabi ko bago ko pinatay yung tawag.

Pag-uwing pag-uwi ko sa dorm, agad kong tinawagan yung mga dati naming kaklase nila Sheria  na nagsilbing bestfriends ko buong highschool life ko. Haha.

Cinontact ko sila Giselle, Monica, Careen (Joyeen) , Claire, Mikaela, Lianne, Jake, Pipoy, Allen, Vic, Greg, Vinz at Marc.

Sabi nila ay makakapunta daw sila sa birthday ko basta daw may pagkain. Mga loko talaga. Hahahaha. Sunod kong tinawagan si Break.

"Hoooy!" bungad ko sakanya ng sagutin niya yung tawag. "What?" cold na tanong niya. Psh. "Sama ka ha? Birthday ko sa wednesday. Dun tayo sa resort ni tita."

"Okay. I'll be there."

Binabaan niya na agad ako ng tawag. Bwisit talaga 'yun.

Humiga nalang ako sa higaan ko at nanatili lang akong nakatitig sa screen ng phone ko. Tinititigan ko lang yung numero ni Tris kung dapat ko bang tawagan o hindi. Ugh. Ito padin ba number niya? Taeng 'yan.

Iimbitahan ko ba siya o hindi? UGHHHH. Eh kasi naman, ang hard ko naman kung hindi ko siya iimbitahan. Pero ang masokista ko naman kung iimbitahan ko siya. Letche di ko na alam gagawin ko!!!!----WHAT THE F*CK?!

Aksidente kong napindot yung CALL. Letche letche letcheeee!!!!

"Bakit?" sagot niya sa kabilang linya. TAE. TAE. TAE ibig sabihin hindi padin niya binubura number ko simula nung nagbreak kami. Ibig sabihin naka-save padin number ko sa phone niya. UGH WALANG IBIG SABIHIN YUN CLOVER WAG KANG ASSUMING.

"A-Ah, H-Hi. Ano kase, birthday ko this Wednesday. Invited lahat ng batch natin sa dati nating school. Makakapunta ka ba?" derederetso kong sabi. Napapikit pa ko dahil sa pagaantay ng sagot niya. Narinig ko yung bahagya niyang pagtawa sa kabilang linya. "Pinapapunta mo ba talaga ako or napipilitan ka lang? Hahaha! Sabi mo kasi last time, wag na kitang lapitan. Tapos biglang iimbitahan mo k---"

"EDI WAG KANG PUMUNTA! KINGINA!" sigaw ko atsaka ko pinatay yung tawag. Badtrip putek! Uso namang sabihing ayaw niyang pumunta hindi yung andami pa niyang sinasabi! Letche!

Biglang tumunog yung phone ko at may lumitaw na text galing kay Tris.

From: Tris Panget

Thanks for inviting me :) Pupunta ako anokaba :") Hahaha

Ewan ko ba. Kahit na wala na kami, kahit na HINDI na KAMI, kusang lumundag yung puso ko sa simpleng text niya.

Hindi ko alam kung anong irereply ko kaya naman ito nalang yung nireply ko...

To: Tris Panget

Pakyu


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020