Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 25, 2016 *FRIDAY*

"Grabe 'no? Second Spot lang yung SECRET sa Nationwide Music Hit Chart for this month." sabi ni Sheria habang nakatitig kami sa screen ng laptop ko. 

"Top Spot yung Star Vision. Okay lang, gwapo naman sila eh! Mwehehehe---Joke sabi ko nga hindi okay eh huhuhu. Dapat SECRET yung top spot huhuhu." pagbawi ni Mikee.

Nagluluksa ako dahil first time mawala sa top spot ng SECRET. Nakakalungkot, promise. Ano kayang nararamdaman ngayon ng SECRET? :(

Aish, wala na akong ibang magagawa para sa kanila dahil hindi naman nila ako kilala. Kumbaga, lupa lang ako at langit sila.

Kumuha nalang ako ng papel at nagsimula akong magcompose ng kanta. Kinuha ko din yung gitara ko at sinubukan kong gawan ng chords at notes yung lyrics. Halos napuyat ako dahil don, pero ayos lang. Inspired naman ako habang sinusulat ko 'yon.

Nakatulog ako habang nagcocompose at pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako dahil meron palang 6 missed calls galing kay Tris.

November 26,2016 *SATURDAY*

"Dyaheee, andami niyang missed call." reklamo ko sa sarili ko. Sa sobrang busy ko magcompose ng kanta kagabi, di ko na namalayan na tumatawag pala si Tris sa phone ko. Hayaan na.

"UMAYGAAAAD!!!" sigaw ni Sheria. 

"Oh napapano ka nanaman She?" tanong ni Mikee. 

"EMEGED EMEGED! ALBUM SIGNING NG SECRET BUKAS SA MOA! KELANGAN NATIN SUMUGOD!" sigaw nanaman ni Sheria. 

"Tae, kanina pa namin alam ni Mikee yan. Huli ka sa balita." natatawang sabi ko kaya napasimangot si Sheria. 

"Grabe hindi niyo man lang ako binalitaan agad!" reklamo niya. 

"May mga bagay na hindi na dapat sabihin sayo dahil ikaw dapat ang maka-alam nito mismo." hugot ko.

 "Pasalamat ka di natin kasama si Claire, kundi mababatukan ka nanaman! Hugot pa more Clover!" pang aasar niya sakin.


DAZE'S POV

Nasa loob kami ng van at halos mabingi kami sa kadaldalan ni Cerulean. Kanina pa siya reklamo ng reklamo dahil hindi daw nagrereply si Danica sa mga message niya. 

"Hindi ka ba titigil? Lumabas ka nalang kaya?!" sigaw ni Hope sakanya. 

"Hindi ako titigil. Masakit, eh! Mashakeeet!" reklamo nanaman ni Cerulean. 

"For Pete's sake, Cerulean! Pagpahingahin mo naman kami. Parepareho tayong pagod dito. Gusto ko ng katahimikan. Gusto ko ng kapayapaan." reklamo ko. 

"Gusto mo ng katahimikan? Gusto mo ng kapayapaan? Dun ka sa sementeryo! Buset!" sigaw niya. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil kay Ceru. Wala na talagang pag-asa yung bibig niya. Tch.

"Wait guys, nasan si Jin?" tanong ni Seidon kaya agad kaming napalingon sa buong van at wala nga si Jin. 

"OH MY GOD. Where the hell is Jin?!" sigaw ni manager Young. 

I think I know where he is.


JIN'S POV

Having a simple life is all I ask. No cameras. No medias. No attention. No spotlight.

Ang daming nagbago sa buhay ko simula ng sumikat kami. I don't regret showing my talent, but I regret getting known by millions of people.

I regret having the spotlight.

Naglalakad lakad lang ako kung saan saan kahit gabi na. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ko ng mga tao. Ang daming humaharang sakin para makapagpapicture, pero tinataboy ko silang lahat.

Ngayon ko lang naman itataboy yung mga fans ko. Kahit ngayong gabi lang, gusto kong maranasan ulit yung normal na buhay ko.

"OMG! JIIIIN! WE LOVE YOU!" sigaw ng mga babae na nakakasalubong ko. 

"Papicture kami please!" sigaw nila. Kunot noo akong naglakad at nilagpasan sila pero hinila ako kaya nabadtrip ako. Tinulak ko yung babaeng humawak sa kamay ko kaya natumba siya at napaupo siya sa kalsada.

"Can you shut the f*ck up and go away? Hindi ako si Jin!" sigaw ko. Mas lalong kumunot ang noo ko ng may tatlong lalaki na lumapit sakin. Yung isang lalaki naman nilapitan yung babaeng tinulak ko. 

"Okay ka lang ba Jenny?" tanong niya sa babae atsaka siya tumingin ng masama sakin. Nilapitan ako ng mga lalaking hindi ko kilala at napangisi ako.

"Jin Reales ng Secret, isang kahihiyan naman ata ang pagiging bayolente mo sa fan mo?" maangas na sabi sakin nung isang lalaking kasing tangkad ko.

"I didn't use any violence. I just f*ckin' needed to be alone. Hindi ba kayo makaintindi?" ubos na pasensyang sabi ko. 

Tumawa yung mga kasama niya. "Mayabang ka pala Reales. Hindi ko alam kung bakit idol ka ng girlfriend ko." tiim bagang niyang sabi. 

Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong sinuntok sa mukha.

Pinunasan ko yung tumulong dugo galing sa gilid ng labi ko. Napangisi ako.

No one dares to touch me. How the hell did he?

Galit akong sumugod sakanila at pinagsabay sabay ko sila gamit ang dalawa kong kamay. It's been a year since I used violence. Inubos nila ang pasensya ko.

Ng mapatulog ko yung dalawa, umibabaw ako dun sa pangatlo at sunod sunod kong sinapak yung mukha niya. Kingina, wala akong pakialam kung mamatay yang gagong 'yan.

Nakarinig ako ng mga sigawan sa paligid ko at nakarinig din ako ng bulungan ng mga tao. Halos masilaw ako sa mga flash ng camera nila at halos mabingi ako ng makarinig ako ng ingay ng padating na sasakyan ng mga pulis.

Damn.


DAZE'S POV

Kanina pa kami tahimik dito sa condo namin pero wala padin si Jin. 11pm na pero wala padin siya. Si Manager Young ay halos hindi na mapakali dahil kanina pa niya cinocontact ang phone ni Jin pero hindi ito sumasagot.

"Aish, nasan na 'yung mokong na 'yun?" nag-aalalang tanong ni Hope. 

"Okay lang kaya siya? It's not safe for him to go outside ng siya lang mag-isa."  dagdag ni Kyran.

Natigilan kami at sabay sabay na napatingin kay Manager ng magring ang phone niya. Agad niya itong sinagot at napahawak sa noo si Manager pagkatapos niyang makausap ang kung sino sa phone niya.

"Nasa police station si Jin. My goodness! Bakit ba nangyayari satin ngayon 'to?" stressed na sabi ni manager.

Jin caused trouble. Pano namin malulusutan 'to?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
19 November 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
18 March 2020