Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 27, 2016 *SUNDAY CONTINUATION*

"AISH! Sayang talaga! Opportunity na 'yon! Wrong timing naman si Tris, eh!" pag-aalburuto ko dito sa kwarto habang hinahampas mga unan ko.

"Letche talaga! Huhu! Sarap mo katayin! Bakla ka huhu!" reklamo ko nanaman habang iniimagine ko na si Tris yung mga unan.

~F L A S H B A C K~

"Inhale, exhale, inhale, exhale. Eto naaaaaa...." sabi ko at niready ko na yung CD na ipapapirma ko.

Akmang lalapit na ko sa table nila pero napahinto ako ng may isang magandang babae na lumapit sa table nila.

"O to the M to the G! Si Sapphire Valdez!" nakangangang sabi ni Sheria. Tama siya, si Sapphire nga ang lumapit sa table ng SECRET.

She's Sapphire, the most famous solo singer.

"Close pala si Sapphire sa SECRET?" tanong ni Mikee.

"Clover pumila kana dali, dun ka sa likod ni Sapphire tapos magpapicture kana din kay Sapphire at sa SECRET bago mo kausapin si Daze daliiii! Gorabels na!" sabi ni Sheria.

Wuhoo, buti nalang kaibigan ko 'tong mga 'to eh, tumataas fighting spirit ko. HAHA. LET'S DO THIS!

Lalapit na sana talaga ako sa SECRET pero nagring yung phone ko. Dali dali kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko at nakita kong si Tris yung tumatawag. Problema neto?

"Oh?" bungad ko sakanya. "Payat, nasan ka?" tanong niya.

"Nasa MOA bakit?"

"Nasa ospital ako payat, appendicitis kasi bwiset. Pwede bang puntahan mo muna ko dito?"

d>>_______<<b

DI KO ALAM KUNG KIKILIGIN BA KO DAHIL KAILANGAN NIYA AKO, O KUNG MAIIRITA AKO DAHIL WRONG TIMING SIYA. TAE TAE TAAAAAEEEE!!!!

WHAT TO DO?! WHAT TO DO?!

"Wrong timing ka Tris kahit kelan. Oo sige papunta na ko dyan. Letche." padabog kong pinatay yung tawag.

"Emergency guys. Naospital si bakla."

"ANO?!!! AT TALAGANG SA GANITONG ORAS PA?!! JUSKO NAMAN YANG BOYFRIEND MO EH! ANG GALING SUMAKTO!" beastmode na sigaw ni Sheria.

"Sinabi mo pa. Hays!" reklamo ko din.

Wala na din kaming nagawa kaya naman nagmamadali kaming umalis ng MOA Convention Center at sumakay agad kami ng taxi.

~E N D O F F L A S H B A CK~

"Aish! Nakakainis talaga! Sayang! Yun na 'yun eh! Chance ko na 'yon! Panira talaga yung taeng bakla na 'yon. Nakakainis!"

Ang sama ko naman atang girlfriend. Badtrip. Haha. Dapat concern ako dahil naappendicitis siya. Bwahaha! Sama ko shet haha.

November 28, 2016 *MONDAY*

Nauna akong pumasok kesa kila Mikee at Sheria dahil maaga yung sched ko ngayon. Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa Princeton University, lahat ng students eh busy sa pinapanood nila sa phone nila. Ano naman kaya 'yun?

Kinuha ko nalang yung phone ko sa bulsa ko at tinignan kung ano yung pinagkakaguluhan nila sa social media at nakita ko yung kaka-upload lang na video.

Video ng interview ni Sapphire kanina lang. Pinlay ko yung video at napanganga ako dahil....

"I want to announce something. Jin isn't a bad guy. I was with him that night and some group of people attempted to hit me. I guess they were some of my haters. That's why Jin protected me that night. He didn't use any violence. He just saved me. Thanks to him." sincere na sabi ni Sapphire.

Wait, totoo? Totoo?! Anong meron sakanila ni Jin?! This can't be! Crush ko din si Jin eh! Naman eh!!! T_T

"Bakit kayo magkasama ni Jin that night?" tanong ng reporter kay Sapphire kaya nanlaki ang mata ni Sapphire. "A-Ah...About that...We're not really together that night. Nagkataon lang talaga na nandun din siya sa lugar kung nasan ako and nagkataon lang din when the incident happened." sagot ni Sapphire and she smiled.

"I'm sorry I need to go." maarteng sabi niya atsaka siya nagmamadaling umalis sa harap ng camera. Natapos na ang video kaya naman sinara ko na din yung phone ko.

"Wooo! Akala ko nag-dedate sila ni Jin eh! Buti nalang hindi! Mwahahaha!" parang tangang sabi ko kahit wala naman akong kausap.


DAZE'S POV

"She's awesome!" namamanghang sabi ni Hope pagkatapos namin mapanood yung interview kay Sapphire.

"Ikaw Jin ah, di mo naman sinabi na niligtas mo pala si Sapphire kaya ka nakipag-basag ulo haha!" pang aasar ni Cerulean.

"That's not true. Hindi ko siya niligtas. She's not even there." nagtatakang sabi ni Jin habang nakakunot ang noo.

"Maybe she did that to clean our name." nakangiting sabi ni Kyran.

"Woah, oo nga. Mukhang 'yun nga yung gusto niyang mangyari." sabi ko habang nakatingin sa phone ko. Nag-trend agad kami sa twitter na may hashtag na #SECRETisAMAZING.

"Tignan niyo, Bumalik lahat ng fans natin." nakangiting sabi ko. "Mukhang fan nga natin si Sapphire mga dude. Haha! She even used her own name para lang malinis yung pangalan ng SECRET." dagdag ko pa.

"Naturn on ako mga dude! Siya nalang kaya ligawan ko? Wahaha!" sigaw ni Cerulean at sinikmuraan naman agad siya ni Seidon. "Wala kana talagang pag-asa kay Danica." komento ni Seidon. "Di na kami magtataka kung bakit paulit ulit ka niyang binabasted." dagdag ni Lyndon.

"Ceru, wag ka nang umasa. Wala ka ngang pag-asa kay Danica eh, kay Sapphire pa kaya? Haha! Di ka type ni Sapphire dude. Panget mo kase haha!" pang aasar ko sakanya kaya binato niya ko nung hawak niyang face towel.


CLOVER'S POV

"O to the M to the G!" sigaw ko habang nagtatatalon ako sa tuwa.

"Magandang plano 'yan Sheria!" sigaw ko pa ulit.

Nagplano kasi kami ng paraan para makausap ko si Daze. Sabi ni Sheria, papasok daw kami sa Music Company nila sa paraan na madaya. HAHA! Adik yung term, eh.

Ganto yung plano, i-didistract daw ni Sheria at Mikee yung mga guard tapos pupuslit ako ng palihim papasok ng entrance nung building. Mwahaha! d--,b See you tomorrow babyyy Daze! Bwahaha!


November 29, 2016 *TUESDAY*

"Okay, hinga ng malalim guys. We can do this!" sigaw ko atsaka naunang maglakad si Sheria at Mikee papalapit sa mga guard don sa may entrance. Nilabas ni Sheria sa yung fake niyang baril atsaka niya tinutukan ng baril si Mikee.

"Walangya kang kabit ka! Ilang gabi mong pinagfiestahan ang katawan ng asawa ko ha?!! Masaya kana ba?! Porket payat ka at mataba ako?! Ha?!!! Walangya ka talaga!!!! Mamatay kana!!!" sigaw ni Sheria at bago niya iputok yung fake niyang baril eh nagkagulo na yung mga guard at inawat si Sheria at Mikee.

Dahan-dahan akong tumakbo papasok nung building habang nagkakagulo sila don at ----yes! Mwahaha! Nakapasok din!

Nilabas ko sa bag ko yung cartolina kong may naka-doodle na I LOVE YOU SECRET! Ngiting tagumpay ako habang naglalakad sa hallway.

"Omg!" mahinang sigaw ko ng makasalubong ko yung sikat na girl group which is Tirania Ladies. "Ang ganda ni Pulka sa personal!" manghang sabi ko.

Napatakip ako sa bibig ko at nagpigil akong tumili ng makasalubong ko si Myungsoo. Agad kong nilabas yung notebook ko at hinarang ko talaga si Myungsoo.

"PA-AUTOGRAPH AKO PLEEEAAASE!" sabi ko at tinanggap niya naman yung notebook ko at pinirmahan niya yun. "Selfie na din tayo para sulit! Hehe!" dagdag ko pa. Inakbayan niya naman ako at ngiting tagumpay ako sa selfie namin. Bwahaha!

"Thankyouuuu!"

"You're welcome." nakangiting sagot niya.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at talagang puro mga sikat na singer at dancer ang nasa company na 'to.

Nakasalubong ko din si Suzy at IU. Syempre hindi ko pinalampas yung chance at nagpapicture din ako sakanila kahit sobrang busy nila.


DAZE'S POV

"Woah, daziiee, Eyeliner mo talaga nagpapagwapo sayo. Sana naging eyeliner ka nalang." pang aasar sakin ni Cerulean habang mine-make-upan kami ng stylist namin. Nagtawanan tuloy sila Seidon dahil sa pang aasar sakin ni Ceru.

"Guuuys! Dalian niyo, 10 minutes before the live broadcast ng mini concert niyo." sabi ni Manager na nakasilip sa pinto.

Ngayon kasi yung mini concert namin dito sa company gaganapin. Nauna ng lumabas sila Kyran kanina dahil nag-rehearsal pa sila sa studio. Kami nalang ni Cerulean, Seidon at Jin ang naiwan dito sa dressing room dahil di pa kami tapos ayusan.

Maya-maya lang ay natapos na din kami ayusan kaya lumabas na kami ng dressing room. Habang naglalakad kami sa hall way papunta sa studio, natigilan ako sa paglalakad ng may babaeng biglang humarang sa harapan ko.

"DAZE PARK! I love you! Super duper I love youuuuuuuuu!!! Ikaw yung favorite ko sa SECRET! Mahal na mahal kita omg!!!!" sigaw niya at napatakip ako ng kamay ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

"Thanks." pilit na ngiting sabi ko. Ang weird niya kasi. Medyo creepy lang. "Daziiie tara na mag-sstart na yung concert." nagmamadaling sabi ni Cerulean kaya nilagpasan ko nalang yung babae at nagmamadali kaming pumasok sa malaking studio.

Nag-ready kami sa backstage.

"Hahahaha! Shet! Priceless yung mukha ni Daze kanina nung may sumalubong sakanya na fan niya!" pagkekwento ni Ceru kila Kyran. "Nagtakip ba naman ng tenga si Daze nung isigaw nung fan niya na mahal niya si Daze. Hahahaha!" dagdag pa ni Cerulean kaya tumawa sila Kyran.

"Ang mean mo dude." natatawang sabi niya at parepareho kaming tumigil ng lumitaw na kami sa mismong stage.

Nagsigawan yung mga tao at sigaw sila ng sigaw ng pangalan namin. Pero pinakanaririnig kong pangalan ay pangalan ko, syempre. Hahaha!

Nagsimulang tumugtog yung kanta namin kaya nagsimula na din kaming sumayaw. Sa pinaka-harap ako nakapwesto at habang sumasayaw ako eh napahinto ako sa pagsayaw ng may babaeng biglang sumakay sa likod ko.

"WAAAHHH! DAZE! TULUNGAN MO KO! HINAHABOL AKO NUNG MGA GUARD!" sigaw niya. "Shit. Get off!" sigaw ko sakanya at pilit ko siyang inaalis sa likuran ko pero sobrang bigat niya at sobrang lakas niya kumapit sakin.

"Alis sabi eh!" reklamo ko. Ang likot likot niya kasi at sigaw pa siya ng sigaw.

Nilakasan ko yung pagkakatanggal ko sa kapit niya sakin kaya nahulog siya at inis akong humarap sakanya. Natigilan ako ng makita ko yung mukha niya.

"Ikaw nanaman?" reklamo ko. Siya yung maingay na babae kanina sa hallway. Ugh.

"H-Hehe, hello!" naka-peace sign na sabi niya at nagsisigaw nanaman siya ng palibutan siya ng guard at sapilitan siyang pinalabas ng studio.

"What the hell? Nasira yung performance natin. Live broadcast pa naman 'to." sabi ko at napa-face palm kami pare-pareho, at napakunot ang noo namin ng mapatingin kami kay Kyran habang tumatawa siya.

"Anong nakakatawa dude? Nasira yung performance natin." sarkastiko kong sabi sakanya pero di padin siya tumitigil sa kakatawa.

"It's not big deal. In fact, she---hahahahahaha! She really made my day! Hahahahahahaha!" tumatawang sabi niya habang nakahawak pa siya sa tiyan niya.

Tch, ngayon ko lang nakita si Kyran na ganyan tumawa. What the? d-_-b


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020