Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

December 1, 2016 *THURSDAY*

"ANO?!!! Ang dami naman atang nangyari sayo kahapon?! At bakit ngayon mo lang kinwento eh 24/7 tayong magkasama sa kwarto like duuuh?!! Clover naman! Jusko ka! Bakit mo kinimkim yung sakit na nararamdaman mo? Pano nalang kung inatake ka sa puso?! Pano na ko?! Pano na kami ni Mikee?! Mawawalan kami ng tangang kaibigan! Wag ganon!"

Hindi ko pinansin yung bibig ni Sheria na kanina pa putak ng putak pagkatapos ko magkwento ng lahat ng nangyari kahapon.

Singa lang ako ng singa ng sipon ko sa tissue dahil barado talaga yung ilong ko kakaiyak. Kingina.

"Hoy abusado kana ah! Kaibigan kita pero sana naman bumili ka ng sarili mong tissue. Langya. Mahiya ka naman!" sigaw nanaman ni Sheria sakin atsaka niya inagaw sakin yung tatlong rolyo ng tissue. Dalawang rolyo ng tissue na kasi yung nagagamit ko.

"Tengene. Kanina ka pa kamo! Sisipain na kita e!" reklamo ko sakanya at binato ko sakanya lahat ng tissue kong puro sipon na.

"Kadiri ka! My gaaahd" sigaw niya nanaman. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa kaepalan ni Sheria.

"Naiinis ako kay Tris. Hay." komento ni Mikee.

"Kaibigan ko siya pero hindi ko akalain na magagawa niya sayo 'to. Maiintindihan ko pa kung isang beses ka lang niya niloko, eh. Pero bakit dalawang beses pa? Hindi talaga siya marunong makonsensya, eh 'no?" dagdag pa ulit ni Mikee.

"Kaya nga, hinayupak na 'yan. Kapal ng mukha eh. Birthday pa naman niya ngayon, baka maging araw ng mga patay ngayon pag nakita ko siya. Nako nako, wag ako wag ako. Makakapatay talaga ako ng pukinginang lalaking manloloko." sabat nanaman ni Sheria.

"Grabe ka naman She, friend naman natin si Tris kahit papano, wag ka namang magsalita ng ganyan."

"Ay nako Mikee! Mas friend ko si Clover kesa sa Tris na 'yan! Tsk! Lande landee! Ano siya? Selecta? Two in one? Wow. Nahiya pa siya! Hindi pa niya ginawang three in one para Nescafe diba? Letche."

Hinampas ko ng unan si Sheria. Buti nalang kaibigan ko 'tong dalawang 'to, eh. Kahit papano gumagaan yung pakiramdam ko pag kasama ko sila.

"Teka may kumakatok!" anunsyo ni Sheria na para bang siya lang yung nakarinig nung kumatok eh narinig din naman namin ni Mikee d=_=b

"Kelangan i-broadcast yung kumatok, te? May tenga din kami, oh." sabi ko sakanya.

"Nako pasalamat ka broken ka Clover, pagbibigyan muna kita ngayong alipustahin ang aking pagkatao." sagot niya atsaka siya tumayo at lumabas ng kwarto para tignan kung sino yung kumakatok.

"Hala, pano pag si Tris 'yung kumakatok?" bulong sakin ni Mikee. Naiba nanaman ang mood ko at naalala ko nanaman yung nangyari.

"O to the M to the G!!!!" sigaw ni Sheria dun sa labas d>>____<<b Bunganga talaga 'non kahit kelan, eh.

Natigilan ako ng biglang may pumasok sa pinto at automatic akong napatayo ng makita ko siya. Lumapit siya sakin at hinalikan niya ko sa pisnge.

"I missed you." bulong niya sa tenga ko atsaka niya ko niyakap. Hinayaan ko nalang na magpahinga ang ulo ko sa dibdib niya dahil sa mga ganitong pagkakataon, siya talaga yung kelangan ko.

"I missed you too, Break." mahinang sabi ko. Muli nanamang kumawala sa mga mata ko yung mga luha ko. Traydor na mga luha. Akala ko tapos na kong umiyak, Hindi parin pala.

"Hey, are you okay?" tanong niya saakin ng marinig niya yung mahina kong paghikbi. "Langya ka. Kasalanan mo 'to. Bakit di mo sinabi agad sakin na boyfriend pala ng kapatid mo si Tris?" inis na sabi ko.

"What the fvck? You didn't even bother to ask me about it so why the hell would I tell you? And wait, why the fvck do you care about that man? I thought you're mad at him?"

Humiwalay ako sa yakap niya at inis ko siyang hinampas. "Nagkabalikan kami nung mismong araw ng birthday ko! Nung mismong araw na umalis ka nung birthday ko! Tae ka! Hindi ka man lang nag-abalang magkwento sakin na boyfriend siya ni Yannah!" reklamo ko.

"What the fvcking fvck. It's not my fault. You know it's not my attitude to tell you a story." seryosong sabi niya kaya napabuntong hininga ako. May point naman siya, hindi nga naman ako nagtanong sakanya ng tungkol 'don kaya hindi niya nga kasalanan. At teka, bakit ko ba sinisisi si Break eh si Tris naman talaga may kasalanan?

"And wait, are you fvcking kidding me? Nakipagbalikan ka sakanya? Without even telling me? Are you really treating me as your friend or not? How come na huli ako sa balita?"

"Aish, sorry na! Eh kasi ikaw eh, di ka naman nagparamdam sakin! Di ka nga nagtetext or tumawag man lang! Aba malay ko ba kung busy ka or masaya kana sa buhay mo ng wala ako. Tsk!" reklamo ko.

Umupo ako sa higaan at umupo din siya sa tabi ko. "And why are you crying right now? Is it because of him, again?"

Tumango tango ako bilang sagot at napakunot ang noo ko ng itaas niya ang middle finger niya sa harap ko. "Fvck you for being stupid. Why did you let him break your heart again? Are you really that stupid? Once is enough, Clover. Why the fvck did you let him hurt you again?"

"Yan! Go fafa Break! Sermonan mo 'yang si Clover ng matauhan! Tatanga tanga eh! Hehehehehe." sabat ni Sheria kaya tinignan siya ng masama ni Break.

"Can you fvckin' get out for a while and fvckin leave us alone?" deretsong tanong sakanya ni Break at nanlaki naman ang mata ni Sheria.

"Letche! Dorm mo 'to? Dorm mo?!!! Kung maka-utos ah! Bwiset! Huhu! You're breaking my heart fafa Break!"

"Are you going to shut the fvck up or not?"

"Aba eh kung labi mo ang magpapatahimik sakin, why not diba? Sige na Break, i-kiss mo na ko. Nahiya ka pang i-shut up yung lips ko eh. Hehehe----ay powtek, salbahe ka! Oo na lalabas na!" sigaw niya atsaka niya hinila si Mikee palabas ng kwarto. Tinaas nanaman kasi ni Break yung middle finger niya kay Sheria kaya ganon.

"Yannah told me to give this to you. Naiwan mo daw nung magkasama kayo."

Napatingin ako sa hawak ni Break at napakunot ang noo ko ng makita ko yung paper bag ng binili kong t shirt para kay Tris.

"Tapon mo na 'yan." walang gana kong sabi tsaka ko niyakap yung unan. Aish! Hindi ko alam kung bakit ganon. Bakit palagi nalang ako naloloko. Palagi nalang ako napaglalaruan. Palagi nalang akong naniniwala sa mga kasinungalingan.

"Bitter as fvck, eh? Haha." pang aasar sakin ni Break kaya tinaas ko yung middle finger ko. "The hell. Can you stop doing that? Wag mo kong gayahin." seryosong sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Yes naman, concern ang bestfriend ko. Hahahaha!" puri ko sakanya. "Pero salamat, ah? Salamat kase nandyan kayo nila Sheria at Mikee. Kahit papano, hindi ganon kasakit tulad nung unang beses niya kong sinaktan." sinserong sabi ko.

"Fvck you for being cheesy as fvck." nandidiring sabi ni Break kaya hinampas ko siya ng unan. Langya. Kaibigan ko ba talaga siya? d>>___<<b

Kinwento ko kay Break lahat ng nangyari pati kanina dun sa hinila ako bigla ni Kyran papunta sa building nila tapos yung napakinggan pala nila yung CD na pagmamay-ari ko at kinwento ko din kay Break kung pano napunta sakanila yung CD ko.

"Clumsy as fvck. But with a good result, though. Haha." pang aasar niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Dapat pumayag ka sa usapan niyo ni Daze kanina. It's a great opportunity for you. Oo nga pala, fvck you for not telling me about your talent in composing songs."

"Eh, hindi ko naman talaga talent 'yun. Gumagawa lang naman ako ng kanta pag bored ako."

"Bakit di ka nag audition kanina? Fan ka nila diba?"

"Napapadalas na tagalog mo ah. Hahahaha! I'm so proud of you, Pinoy kana talaga. Hehe."

"What the fvck?"

"Hahahaha! Joke lang. Pero kasi kanina, ewan ko ba! Ayoko talaga mag audition kanina kase naiinis ako kay Tris. Nagagalit ako na ewan. Badtrip. Ang laki niyang gago eh. Paker siya. Isa siyang malaking paker." iritang sabi ko.

"You should make yourself busy with other things in able for you to forget what he did."

"So anong ibig mong sabihin?"

"Idaan mo sa pagsusulat ng kanta para makalimutan mo siya?" patanong niyang sagot. Aba, nagtatagalog na talaga siya ng straight. Magaling magaling.

"Uwi kana kaya sa condo mo Break? Gabing gabi na, eh."

"Fine. Tss."

"Hatid kita sa labas. Hehe." sabi ko pa atsaka kami tumayo.

"Oy She at Mikee, hatid ko lang sa labas si Break." paalam ko.

Pagkabukas na pagkabukas namin ni Break ng pinto, napatalon ako sa gulat.

"Kyran?" sabi ko. Nanlaki ang mata niya at para bang gulat na gulat din siyang makita ako.

"A-Ah, Hi?" patanong niyang bati at pilit siyang ngumiti.

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019