Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 26, 2016 *SATURDAY~11:20pm*

DAZE'S POV

Pagkapasok na pagkapasok namin sa prisinto, nakita namin si Jin na nakaupo lang at galit siyang nakatingin sa sarili niyang kamay.

"Jin oh my God!" sigaw agad ni Manager Young at tumakbo siya papalapit kay Jin. 

Hinawakan niya ang kamay ni Jin na dumudugo at may mga sugat pa. "Are you okay? Dalhin ka namin sa ospital, ipatahi natin 'yang sugat mo." nag-aalalang sabi ni manager pero tinabig ni Jin si Manager at tinanggal niya yung pagkakahawak ni manager sa kamay niya. "Don't act like you care about me 'cause you're really not." walang ganang sabi ni Jin kaya nabigla si manager. 

Agad namang inakbayan ni Seidon si Jin. "Madaming dugo, dude. Kelangan ngang tahiin niyang sugat mo." pag-ulit ni Seidon. Sakanya lang kasi nakikinig si Jin dahil silang dalawa ang pinaka-close sa grupo namin.

"Everyone is talking about me. Lahat ng balita, ako yung laman. Pinahamak ko yung grupo. Aren't you mad at me? Alam kong galit kayong lahat sakin so don't pretend that you're concern about me." kunot noong sabi niya. Agad na uminit ang ulo ni Lyndon.

"Ganyan ba tingin mo samin? Jin kilala kita, alam kong hindi mo sinasadyang ipahamak yung grupo natin. Alam namin na hindi mo ginusto 'yun." inis na sabi ni Lyndon sakanya. 

"Acting like a leader again? I'm sick of it. I want to quit." sagot ulit ni Jin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Magpahinga muna tayo pare-pareho. Wag niyo munang pairalin yung init ng ulo niyo. Bukas na tayo lahat mag-usap pag medyo okay na." sabi ko kaya pare-pareho silang natahimik at hindi umimik.

Nauna na kami ni Kyran na lumabas ng prisinto at sumakay ng van. "Maybe Jin isn't yet over with manager Young kaya ganon niya itrato si manager." napatingin ako kay Kyran ng sabihin niya 'yan. 

Napaisip ako at tama nga si Kyran. Siguro nga hindi padin nawawala yung feelings  ni Jin para kay manager kaya siya ganyan umasta kay manager.

Binuksan ko ang phone ko at sa lahat ng social media at website, SECRET ang pinag-uusapan. Bad influence daw sa kabataan at mga ugaling kalye daw ang meron kami. Natawa nalang ako.

This is the problem with people. They judge us based on what they see without knowing our side and our own point of view.


November 27, 2016 *SUNDAY*

CLOVER'S POV

"Ayun na ayun na malapit na tayo!" masayang sigaw ko nung parating na kami sa MOA Convention Center. Don kasi gaganapin yung Album signing ng SECRET. 

Kahit na may issue na kumakalat tungkol sakanila, wala kaming pakialam kasi fan padin nila kami.

Ang tunay na fan, hindi basta basta huhusgahan ang idol nila.

Sobrang haggard ng itsura naming tatlo dahil nagcommute lang talaga kami papunta dito. Wala kasi si Break para samahan kami at ihatid kami gamit yung kotse niya. Tsk tsk.

 Speaking of Break, kamusta na kaya siya? Yung mommy niya kamusta na kaya? Sana okay sila. Hindi kasi nagtetext or tumatawag sakin si Break, eh. Naghihintay pa naman ako ng tawag niya. Hays.

Pagkadating namin sa loob ng MOA Convention Center, natigilan kami bigla at napahinto sa pagtakbo dahil nagulat kami ng makita namin ang SECRET sa gitna, magkakatabi silang nakaupo sa mahabang mesa at halos walang nakapila para magpapirma sakanila. As in wala talagang tao. SECRET lang talaga nandito at yung mga staffs nila.

Tinignan ko ang mga mukha nila at nalungkot ako dahil nakita ko kung gaano sila kadismayado at kaproblemado dahil walang fans na dumalo sa album signing nila.

"Grabe, nasan na ang fans nila? Tayo nalang ba ang natira? Imposible naman ata 'yan." bulong ni Mikee. 

"Napaka-walang kwenta ng mga fans nila letche." reklamo ni Sheria. 

"Perooo, oy Clover, chance mo na 'yan. Ikaw lang muna ang magpapirma sakanila at chance mo ng lapitan si Daze! Sabihin mo sakanya na fan ka niya at nakakachat mo siya dati! Omg!" suhestyon ni Sheria. Napangiti naman ako sa suggestion niya.

Tama siya, chance ko na 'to para kausapin si Daze at sabihin sakanya na nakakachat niya ko dati.

"Inhale, exhale, inhale, exhale. Eto naaaaaa...." sabi ko at niready ko na yung CD na ipapapirma ko. 

Akmang lalapit na ko sa table nila pero napahinto ako ng may isang magandang babae na lumapit sa table nila.

"O to the M to the G! Si Sapphire Valdez!" nakangangang sabi ni Sheria. Tama siya, si Sapphire nga ang lumapit sa table ng SECRET.

She's Sapphire, the most famous solo singer.


DAZE'S POV

We're not expecting for thousand of fans to come here and fall in line to have our autographs, pero mas lalong hindi namin ineexpect na walang pupunta kahit isa man lang dito sa Album signing namin.

I guess this is the effect of what happened last night.

Pare-pareho kaming tahimik at umaasang may taong magpapapirma samin kahit isa man lang. Pero sa tagal naming nakaupo dito, wala talagang dumadating.

"Guys, let's stop this. Magpahinga muna siguro tayo." walang ganang sabi ni Lyndon at akmang tatayo na pero natigilan kami parepareho ng may naglapag bigla ng CD sa harap namin.

"Mind if you sign this? Ugh. Make it fast 'cause I have to go somewhere to record my song." maarteng sabi ni Sapphire habang naka-suot pa ng shades kahit wala namang sinag ng araw dito sa loob.

 I know her dahil pareho kaming part ng Music industry and nakakasama din namin siya pag may event yung whole music company. Pero hindi namin siya nakakausap dahil masama ata ugali nyan haha. Yun lang ang napansin ko pag napapatingin ako sakanya minsan, sinisigawan niya yung manager niya tsaka yung mga staffs niya tapos madalas din siya magmaldita. Pero despite of her bitchy attitude, madami padin siyang fans na nagmamahal sakanya dahil sa galing niyang sumayaw at kumanta.

Isa-isa naming pinirmahan yung CD na nilapag niya sa mesa namin at tumayo kaming pito para magpasalamat sakanya.

She doesn't know how happy we are ng dahil sa nagpapirma siya samin. She gave us strength and hope na kahit papano may nagmamahal pa samin.

"If you're thankful for this, then don't be. I have no time to welcome you. And oh, don't mind the haters and the bashers. They'll just get tired of hating you. They'll hate you and then they'll love you again. Vice versa." taas kilay niyang sabi samin atsaka niya kinuha ang CD at tumalikod na siya. Nagsimula siyang maglakad paalis at natawa kami nila Cerulean dahil pati yung paraan ng paglalakad niya eh mahahalata mo na agad kung anong ugali niya.

"She's not that bad, though." komento ni Kyran.

"Hala san sila pupunta?" biglang pagsasalita ni Cerulean at napatingin kami sa tinuturo niya. May tatlong familiar na babaeng nagmamadaling lumabas ng Convention Center at mayamaya lang ay nawala na sila sa paningin namin.

"They're just one of our fake fans. Siguro narealize nila na hindi sila dapat magpa-autograph satin so they decided to back out and run away from us." nakangising sabi ko.

Fake people everywhere. Fake world, isn't it?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
19 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
18 March 2020