Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 7, 2016 *MONDAY CONTINUATION*

"Uy, Clover kain kana. 10pm na di ka padin kumakain. Ano bang problema mo?" nag aalalang tanong sakin ni Mikee. Umupo sila sa tabi ko at kinausap ako ni Sheria. "Kanina ka pa nandyan sa kama mo. May problema ka eh." dagdag ni Sheria. Hindi ako nagsalita. Kusang tumulo yung luha ko.

"Pano ko siya makakalimutan kung araw-araw ko siyang makikita?" nanghihinang sabi ko atsaka ko sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko na parang bata. Hinagod ni Mikee ang likuran ko at bahagya niya akong niyakap. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sakin. Pinunasan ko ang luha ko atsaka ako sumagot. "Kaklase ko ulit siya."

Natigilan silang pareho. "Nananadya ba siya? Bakit kaklase mo siya? Sa ibang campus siya nag aaral ah? Pano siya napadpad sa Princeton?" sunod sunod na tanong ni Mikee. "Sasapakin ko yon pag nakita ko. Resbak ba kamo Clover? Nandito lang ako!" sigaw ni Sheria.

Hindi na ko kumibo at tumayo nalang ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Break. "Busy ka?" agad kong tanong. "I'm about to sleep but you ruined it. Thanks though." sagot niya sa kabilang linya. Gustuhin ko mang matawa, hindi ko magawa dahil nanghihina talaga ako. "Pwede mo ba ko sunduin? I need---ugh. I need you now." tumahimik sa kabilang linya pero agad din siyang nagsalita. "Wait for me. Don't do anything stupid."

Pinatay niya na yung tawag at ako naman hinintay ko lang siya. Medyo malayo yung condo niya dito sa dorm namin pero siguro naman hindi niya ko paghihintayin ng matagal.

Mga 11pm dumating si Break. Sinuot ko ang jacket ko bago kami umalis ng dorm. Sinakay niya ko sa kotse niya at hindi na ko nagsalita. Tumingin lang ako sa bintana at sunod sunod na tumulo yung luha ko. Hininto ni Break yung kotse sa tabi ng kalsada kaya napatingin ako sakanya. "What happened? Tell me." tanong niya sakin. Sa paraan ng pagtanong niya, parang nawala yung coldness niya. He's my real friend kaya paniguradong ayaw niyang nakikita akong umiiyak.

"Nagtransfer si Tris sa campus namin. Classmate ko siya." parang bata akong nagsumbong. "Fvck. What did he do again this time?"

"Wala naman siyang ginawa kanina. Pero kasi, parang wala lang sakanya yung ginawa niya sakin dati."

"Then you should act like nothing happened. Set aside your bitterness and show him your happiness without him. Don't avoid him. If you continue to avoid him, he'll think you're not yet over him."

"Pero hindi padin naman talaga ako nakakamove on. Anong magagawa ko?" inis kong tanong.

"Ah, so you want him to see you destroyed and broken? Fine. Go. Do what you want. You're stupid as fvck."

Tama si Break. Hindi ko dapat ipakita na apektado ako. Ako si Clover diba? Kaya ko 'to.


November 8, 2016 *TUESDAY*

Pagpasok na pagpasok ko sa campus namin, may nakasalubong akong couple na holding hands while walking. Humarang ako sa daanan nila at inangat ko sa ere yung middle finger ko sabay sigaw ng "Enjoy your moment guys! Magbebreak din kayo!" bitter kong sabi.

"Miss Peewee! Whole day detention!"

dO_Ob

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko yung prof namin. WTF. Malas! Nag peace sign ako sa prof ko at agad akong tumakbo papunta sa detention. Malas naman, whole day pa. Dyahe! 1 hour lang dapat subject ko ngayon tapos naging whole day pa tuloy ako sa detention. Malas talaga.

Hanggang sa mag 5pm, lumabas na ko ng detention at paglabas na paglabas ko ng building, natulala ako sa dami ng students na nagkakagulo sa may tapat ng 2nd building.

Nakisingit ako sakanila hanggang sa makarating ako sa harap. Nalaglag yung panga ko ng makita ko yung malaking tarpaulin ng SECRET.

Victory Ball Night: November 11, 2016

Special Guest of the night: SECRET boy group

Napahakbang ako paatras. S-Seryoso ba 'to? B-Baka naman joke lang 'yan? AY SHEEEET.

"WUHOOOOOOOOO!!!" masiglang sigaw ko. Worth it yung pagtambay ko sa detention haha!

Sabay sabay kami nila Mikee na umuwi sa dorm at napagkwentuhan namin ang SECRET. At oo nga pala, buti di ko nakita si Tris ngayong araw na 'to.

"OMG CLOVER NAGCHAT SAYO SI DAZE!!!!" sigaw ni Sheria habang hawak niya yung laptop ko. Agad akong tumalon sa kama at tinignan yung chat ni Daze.

Daze Park: Chat me again. Gusto kitang kausap, stranger :D

"AY PUCHAAAAAAAA!!! YUNG BUHOK KO GUYS! LUMUBOG SA LUPA SA SOBRANG HABA!" sigaw ko. Nagtitili kami nila Sheria sa sobrang kilig dahil sa chat ng idol namin. Ohmygad lang! Si Daze! Gusto niya kong kausap! HAHAHAHA! Kinginers! Fan girl feels!

Inagaw ko yung laptop ko kay Sheria at nagreply agad ako kay Daze.

Clover Peewee: Kamusta ka? :D Thankyou pinansin mo ulit ako! :D

Daze Park: Okay lang. Gwapo padin. Hahahaha! Ikaw?

Natigilan ako bigla. Somehow, he reminds me of someone. Medyo may similarities sila ni Tris sa ugali. (nung kami pa ni Tris. Iba na ngayon eh, madami ng nagbago. Hugot ulit.)

Clover Peewee: Eto, cute padin. HAHA!

Daze Park: Let me sleep -_- haha

Clover Peewee: K.

Daze Park: Wow. Kzoned haha

Clover Peewee: Joke lang po idol! Hahaha! Di mo padin ako inaaccept :(

Daze Park: When the right time comes. Haha.

Clover Peewee: Daming alam. HAHA. Madami kang kachat?

Daze Park: Madaming nagchachat. Pero ikaw lang kausap ko :D

TAE. NOODLES GUYS! LUCKY ME! HAHAHAHAHA!

Daze Park: Bye na. May rehearsal pa kami :D

Clover Peewee: Okay sigeee. Bye! Haha.

November 8, 2016 *TUESDAY*

Pumasok ako sa unang subject ko sa umaga. Eto na, kaklase ko nanaman sya. Ugh.

Umupo na ko sa tabi niya. Di niya ko kinakausap. Mabuti naman. Ganyan lang, para di ako mahighblood.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone kos a bulsa ko. Pasimple ko 'yong kinuha sa bulsa ko at tinignan ko kung sinong nagchat. Buti nalang talaga may mobile data haha.

Daze Park: Goodmorning Clover Delight Peewe :D Haha.

Kusa akong napangiti. Yung ngiting kinikilig. Fvck hahahahaha. Nagpigil ako ng ngiti pero di ko talaga mapigilan. UGH. DAZE WTF! <3

Nakalimutan ko yung existence ni Tris sa tabi ko dahil kachat ko si Daze habang nagkaklase. Nakatago pa yung phone ko sa likod ng notes ko para di mahalata nung prof. #GalawangClover haha

Thanks to Daze! Atleast hindi ko nararamdaman yung presensya ng ex ko.

Iba talaga ang buhay ng fan girl <3

"Oy nakikinig ka ba?"

Napabalikwas ako sa upo ko dahil biglang nagsalita si Tris.

"Ha? May sinasabi ka?" inosenteng tanong ko. Seryoso, di ko alam na nagsasalita pala siya kanina pa. "Di ka nakikinig." kunot noong sabi niya.

Napangisi nalang ako. Ganyan ka din naman sakin dati nung may sinasabi ako di ka din nakikinig. Kwits lang tayo d--,b

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko. "May take home medical experiment tayo. San mo gusto gawin?" sagot niya at ngumisi lang ako. "Kaya mo na yan gawin mag-isa. Ikaw pa. Matalino ka diba? Gustong gusto mong binibigyan ng oras ang pag-aaral at ang mga ganyang bagay diba? Kaya mo na yan Mr. Valedictorian. Sayo nakasalalay grades ko. Haha. Una na ko." nakangiting sabi ko atsaka ako tumayo dahil dinismiss na ng prof namin yung klase.

November 9, 2016 *WEDNESDAY*

Wala akong pasok ngayon kaya magdamag lang akong nasa dorm at nagiinternet. Hindi ko nakachat ngayong araw si Daze dahil whole day daw yung rehearsal nila dahil may mall tour sila bukas sa Pampanga.

November 10, 2016 *THURSDAY*

Walang  pasok yung campus namin dahil sa preparation na gagawin para sa Victory ball night bukas. Nagpunta kami nila Mikee at Sheria sa mall para bumili ng susuotin naming cocktail dress bukas.

Sa bawat daanan namin na lugar, puro poster ng SECRET ang nakikita namin. Sobrang sikat at successful na talaga nila.

Pag-uwi ko namin sa dorm, binuksan ko agad yung laptop ko. Nagchat ulit si Daze.

Daze Park: You're not my stranger fan anymore.

d>_<b ANO DAW?

Clover Peewee: AT BAKIT?! -_-

Nanlaki ang mata ko ng isend niya sakin lahat ng pictures ko na inupload ko sa fb ko. Tae! Inistalk niya account ko?!

Daze Park: You're my favorite fan now :D


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019