Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Fresh from a breakup, Clover decided to spend her time fangirling to a famous boy group named SECRET Does fangirling really helps in the process of moving on or it will just be another heart break

November 29, 2016 *TUESDAY CONTINUATION*

CLOVER'S POV

"Yaaahhhh! Bitawan niyo koooooo!!!" reklamo ko habang pumapadyak ako ng malakas dahil buhat buhat ako ng mga guard.

"Miss wag kanang makulit please po, Ginagawa lang namin trabaho namin." pagpapaumahin nila atsaka nila ko nilapag sa labas ng building. Binitawan nila ko at napaupo ako sa sahig. Hays. Malas.

Sumimangot nalang ako habang nakatanaw sa building nila.

Bakit kung kelan ayokong magpakita sayo, dun tayo pinagtatagpo bigla. Pero bakit kung kelan gustong gusto kitang lapitan, bakit hindi ko magawa?

"Uyyyyy nalapitan mo siya? Nakausap mo na ba?" sigaw ni Sheria pagkatakbo nila papalapit sakin. Umiling ako.

"ANO?! SO IBIG SABIHIN NASAYANG LANG YUNG ACTING SKILLS KO?!!" reklamo niya. Tinulungan naman ako ni Mikee at hinampas ni Mikee si Sheria sa braso.

"Baliw ka talaga She, tignan mong nakasimangot na nga 'tong si Clover, lalo mo pang ida-down." ani Mikee.

"Hay, kalimutan mo na nga yung time na kinausap ka ni Daze. Normal lang 'yan. Sikat siya eh. Kumbaga langit siya, hampas lupa ka lang." panlalait sakin ni Sheria kaya inirapan ko siya.

"Hindi ako hampas lupa! Lupa lang!" reklamo ko.

Wala na kaming ibang choice kundi ang bumalik sa dorm at ngumanga. Nagmovie marathon nalang kami at kumain ng mga chichiria. Ng makaramdam ako ng antok, pumasok na ko sa kwarto at hihiga na sana pero naisip kong mas makakatulog ako kung papakinggan ko yung kantang ginawa ko. Nirecord ko kasi 'yung mga kanta na cinompose ko at may kunraye akong album XD Nilagay ko kasi sa CD ko lahat ng gawa kong kanta. Pati nga pag-pipiano at gitara ay nagamay ko na kahit hindi ako marunong nun dati.

Kinuha ko yung bag ko at halos mapakunot ang noo ko dahil hindi ko makita yung CD.

"Dito ko lang nilagay yun, eh. Nasan na?"

Shet naman.

Dear CD, Bakit ngayon ka pa mawawala kung kelan pinapahalagahan na kita?

"Asan na ba kasi yuuuun?! Aish! Malas talaga!"

Binalibag ko na yung bag ko't lahat lahat pero wala parin. Letche. Ayoko na nga. Matutulog nalang ako. Tch.

Nagring yung phone ko at nakita kong si Tris yung tumatawag. Napangiti ako ng deoras kahit badtrip ako kakahanap sa CD.

"Hello bakla." nakangiting sabi ko.

"Bakit gising ka pa payat? Tulog kana."

"Eto na nga eh matutulog na boss."

"Good."

"Hehe, goodnight. I love you."

"Goodnight din, I love you too."


November 30, 2016 *WEDNESDAY*

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, dumeretso agad ako sa mall para bumili ng ireregalo ko kay Tris. Malapit na kasi birthday niya. Sa December na.

Dumeretso ako sa department store at don talaga ako pumili ng shirt para kay Tris. Mahilig kasi 'yun sa mga t shirt na baduy yung print sa harap. d=_=b

May nahagilap na cute na shirt yung mata ko at kinuha ko agad yun. Natawa ako ng bahagya dahil dun sa nakaprint sa harap ng shirt.

~ Handsome as fvck ~

'Ganyang ganyan si Tris. Linyahan niya yan eh. Gwapong gwapo kasi siya sa sarili niya. Buset.

Binitawan ko yung shirt na 'yun dahil may nakita ako sa tabi na mas magandang t shirt.

Ang nakaprint sa harap ng shirt ay...

~ You instantly make me happy ~

Binili ko agad yung shirt na yun at ngiting tagumpay pa kong lumabas ng department store.

"Ate Clover!"

Agad akong lumingon lingon sa paligid ko ng may tumawag ng pangalan ko. Nakita ko naman agad si Yannah na kumakaway at dali dali siyang tumakbo papalapit sakin.

"Kamusta na?" nakangiting tanong niya.

"Okay naman, ikaw? Mahaba na buhok mo ah." sabi ko habang pinagmamasdan yung buhok niya. Maikli kase dati yung buhok niya (WELL, Hindi naman ganun kaikli.)

"Si Break pala? Hindi mo kasama?" tanong ko.

"Hindi ate eh. Busy kasi si kuya sa pag-aalaga kay mommy."

"Ah, kamusta na pala mommy mo?"

"Okay naman na siya ate. Medyo di nga lang makalakad si mommy kasi nakasemento pa yung legs niya."

"Hmm, mabuti naman. Hehe"

"Ate samahan mo ko kumain sa Kenny Rogers. Treat ko." nakangiting sabi niya at syempre pumayag naman ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang biyaya? Eksdiiiii.

Anyway, siya si Yannah. (Kung hindi niyo na siya naaalala haha) Siya yung ex girlfriend ni Tris at siya din ang mas batang kapatid ni Break. Schoolmate ko siya dati.

Ng makarating kami sa Kenny Rogers, umorder siya agad at siya na ang hinayaan kong umorder ng kung ano ano.

"Kaklase mo si Tris, diba?" nakangiting tanong niya.

"Oo. Haha pano mo nalaman?"

"Nakwento niya sakin."

"A-Ah..." sagot ko.

"Ano palang ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko para maiba yung topic.

"Hehe, wag ka maingay kay Tris ate ah? Bumili kasi ako ng regalo para sakanya. 8th monthsary na kasi namin bukas. Sayang nga eh, kung hindi kami nagbreak noon, edi sana 2nd anniversary na namin."

Agad kong natabig yung plato sa harap ko ng marinig ko ang sinabi niya kaya napatingin lahat ng customer saakin.

8th monthsary na kasi namin bukas

8th monthsary na kasi namin bukas

8th monthsary na kasi namin bukas

Nagpaulit-ulit 'yan sa tenga ko hanggang sa di ko namalayan na nabasag ko na pala sa kamay ko yung basong hawak ko.

"Ate? Okay ka lang? Ang laki ng sugat mo ate, gamutin natin 'ya---"

"O-Okay lang ako. Kelangan ko ng umalis Yannah, pasensya na." paumanhin ko atsaka ako nagmamadaling tumayo.

Niloloko lang pala niya ako simula't simula palang. Bakit ako nagpaloko? Masyado ba akong nabulag dahil nagmahal ako ng totoo?

Bakit ang daya? Bakit sobrang daya...

Hindi magawang tumulo ng luha ko. Wala man lang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at halos nanghihina na ako, ultimong pati luha ay hindi ko magawang ilabas.

Natigilan ako ng biglang may lumitaw sa harapan ko.

"Finally, I found you." nakangiting sabi ni Kyran atsaka niya hinila ang kamay ko papunta kung saan. Ni wala na kong lakas ng loob magtanong kung san niya ko dadalhin.

"If you're wondering where we'll be going, you'll find it out later." aniya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.


DAZE'S POV

"Ang tagal naman ni Kyran. Nasa kalagitnaan na ng audition wala padin siya." reklamo ni Lyndon.

"Uso maghintay master Lyndon. Hehe." sabat ni Cerulean.

Sunod sunod yung nag aadition at talagang mahaba ang pila. Tatlong oras ng nagsisimula yung audition pero hanggang ngayon wala padin kaming nakikita na may potential. Uh, yeah lahat sila may potential, pero hindi lahat sila ay qualified.

"Next." inaantok na sabi ni Seidon.

Nagsimula ng kumanta yung babae at hindi ako natutuwa sa kanta niya d=_=b Mukha lang siyang kumakanta sa birthday party eh.

"Guys she's here!"

Napalingon kaming lahat kay Kyran ng isigaw niya 'yon. Tumigil siya sa gitna ng audition room habang hawak hawak niya yung kamay nung babaeng sumira ng concert namin kahapon.

"She's the owner of the CD na napulot mo kahapon sa stage, Daze. Siya yung may-ari ng boses at compositions na pinakinggan natin kagabi mula sa CD niya. Siya, at wala ng iba pa." proud na sabi ni Kyran pero natigilan ako ng mapatingin ako sa kamay nilang magkahawak.

"Her hand is bleeding." gulat na sabi ko at napatingin si Kyran sa tinitignan ko. Nabitawan ni Kyran yung kamay nung babae ng makita niya yung walang tigil na tulo ng dugo mula sa kamay nung babae.

"30 minutes break. We'll continue the audition later." pag aannounce ko sa lahat.

Agad akong tumayo at lumapit sakanya. Kinuha ko ang kabila niyang kamay at marahan ko siyang hinila palabas ng aduition room.

Nananatili lang siyang tahimik at hindi kumikibo. Seriously? Ganyan lang ang reaksyon niya sa sarili niyang kamay eh kulang nalang maubos na yung dugo niya kanina. Psh.

Pinasok ko siya sa studio ni manager dahil may medical kit 'don. Wala naman si manager kaya okay lang. Pinaupo ko muna siya sa soffa atsaka ko binitawan ang kamay niya. Pumunta ko sa lamesa ni manager Young at sinilip ko lahat ng drawer niya hanggang sa makita ko yung medical kit. Kinuha ko agad 'yon at lumapit ako ulit sakanya.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ko yung kamay niya. Nilabas ko yung panyo ko mula sa bulsa ko at pinunasan ko yung mga dugo sa buong kamay niya. Kinuha ko yung bulak at nilagyan ko yun ng alcohol. Nilinis ko yung sugat niya. Mahaba kasi yung sugat niya tapos medyo malalim pa kaya siguro ganon kadami yung dugo kanina.

Naninibago ako sa pagiging tahimik niya. Kahapon kasi sobrang ingay niya. Ano bang nangyari sakanya?

At teka, ano bang pakialam ko? Tch.

Ng malinis ko na yung kamay niya, nilagyan ko ng betadine yung sugat tapos binalutan ko ng bandage yung buong kamay niya.

"S-Salamat." nahihiyang sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot atsaka ako tumayo.

"Nahulog mo yung CD mo kahapon sa stage. Pinulot ko 'yon. I have no intention to steal it but I got curious kung anong laman nung CD so I listened to it."

"P-Pinakinggan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah. Nagustuhan ko yung music mo kaya nirecommend ko kila Kyran na pakinggan din yung laman ng CD."

Kinuha ko sa lamesa ni manager yung CD at sinaksak ko 'yon sa music player dito sa studio ni manager.

There are 12 songs inside this CD but I selected the 12th song and it started playing. It was entitled 'Lose a fight'.

Umupo ako ulit sa tabi niya at pinakinggan namin pareho 'yung kanta niya.

~Everyone's falling, Each of us is failing

That's part of life, You need to fall in the deepest ground.

Victory is sweetest When you've known defeat

Victory may be nearest In the time of darkest defeat,~

She has a nice voice. She plays the guitar well. Habang pinapakinggan ko yung kanta niya, nawawala yung pagod ko kahit papano.

~Not all the time you're always on the top, Sometimes you've gotta lose a fight

But don't give up, You'll win when the time is right

Everyone's falling, Each of us is failing

That's part of life, You need to fall in the deepest ground.~

Nung pinakinggan ko kagabi yung kantang 'to, naisip ko na mukhang para sa SECRET yung kantang 'to. Kase dumating yung time na natalo kami ng rival namin tapos nag second spot pa kami sa music chart.

~Sometimes by losing a battle, You find a new way to win the war

Not all the time you're always on the top

Sometimes you've gotta lose a fight

But don't give up, You'll win when the time is right~

When I heard her song, para bang sa kanta niya dinaan yung gusto niyang sabihin samin. We all hit a time when we lost hope and need someone to put their arms around us and say: I've got you right now, I won't let you face this alone. Yun yung gusto niyang iparating.

~It's not right to give up...You'll win this fight...

Just trust yourself...Keep your head up high...~

Tumayo ulit ako at pinatay ko na yung music. I looked at her bago ako nagsalita.

"Though we begin to lose hope, your song brought our hope back."

Hindi siya nagsalita at parang nagulat pa siya sa sinabi ko. "Oo nga pala, ikaw si Clover diba?" tanong ko sakanya at biglang nanlaki ang mata niya.

"K-Kilala mo ko? Pano mo nalaman pangalan ko? Naalala mo na ko?"

"What the hell are you saying? Tch. May Clover na nakasulat sa ibabaw ng CD mo so I thought that your name was Clover. At tama ako."

"A-Ah. Ganon ba? Teka, bakit pala ako dinala dito ni Kyran?" tanong niya na para bang ngayon lang siya nagkaron ng malay. PSH, Kanina pa kasi siya tahimik at ngayon naman ay ang dami niyang tanong. d-_-b

"Mag-audition ka as our song writer." sabi ko.

"S-Sorry, pero k-kasi, kelangan ko na t-talagang umalis." nagmamadaling sabi niya at parang may namumuong luha sa mata niya. What the hell? May nakakaiyak ba sa sinabi ko?

Tears of joy ba 'yun dahil niyayaya ko siyang mag audition? Or sadyang iyakin lang siya? Tch.


CLOVER'S POV

Agad akong lumabas ng studio at tumakbo ako pasakay sa elevator. Ng makapasok ako sa elevator, dun nagsimulang tumulo ang mga luha na kanina pa naipon sa mata ko.

"Ang sakit sakit. T*ngina." sambit ko.

Napaupo nalang ako sa lapag at para akong bata na pinatong ang mukha ko sa sarili kong tuhod habang umiiyak.

Magsasara na sana yung pinto ng elevator pero biglang may humarang na kamay sa gitna at nagbukas muli ang elevator. Pumasok siya sa loob at---

"You're overreacting! Wala namang nakakaiyak sa sinabi ko ah? Kung ayaw mong mag audition edi wag mo. Hindi yung magwa-walk out ka tapos iiyak ka pa ng ganyan. Psh. Para kang bata. Iyakin." sunod sunod na sabi niya saakin atsaka siya inis na lumabas ng elevator.

Hindi ko namalayang bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
15 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
16 November 2019