Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Fiancé Ko Ang Number One Hater Ko

Image Description aintkai   |   14 January 2019


May mga bagay sa mundo na kailangan mong matuklasan para matauhan ka. Mga pangyayari na kailangan mong makita para malaman mo ang halaga niya.

HALOS hindi namagkamayaw sa pagkilos ang mga tao sa paligid, hindi napigil ng oras o ng malakas na ihip ng hangin dulot ng masamang panahon ang kahit sinumang nandoon. Paano nga bang hindi? Ang kasalukuyang ginagawa nila ay ang tinaguriang "Most awaited romantic- drama movie ng kasalukuyang taon."

Habang abala ang lahat sa labas, at hinihintay ang muling pagsabak sa eksena ng phenomenal love team ng kanilang henerasyon, ayun at nagliliwaliw sa kwentuhan at asaran ang dalawa upang kahit papaano ay maibsan ang pagod at maibaling ang atensyon bago sila tuluyang sakupin ng antok.

"Miss, ang ganda mo sana ang laki lang ng bitbit mong maleta." Malakas na napahalakhak si Lemuelle sa sariling kalokohan, habang napairap naman si Jamella sa tinuran ng binata na wala atang balak tumigil sa pangbu-biwisit sa kanya.

"Makapanglait sa eye bags ko wagas. Excuse me Mr. Elizalde mas mabigat at mas maitim yang mga bag sa ilalim ng mata mo." Jamella

"Pikon ka na naman. Ano ba yan ang weak." Banat ni Lemuelle at muli na namang tumawa

"Masyado ka kasing mahilig! Mautot ka diyan kakatawa mo eh! Hmmp, halika na nga lang dito, picture tayo para matuwa ang mga fans. Atsaka para may nagawa ka namang matino sa araw na 'to." Jamella

"Napikon ba talaga kita? Sorry na baby." Sabi ng binata at niyakap ang huli.

"Ikaw kasi, you know how sensitive I am kapag red days tapos lalo mo pa akong binubwisit." Ungot ni Jamella habang nakanguso.

"Sorry na nga diba. Hay talaga ka naman, save that drama para mamaya. Atsaka halika na't mag-selfie na tayo." Sambit ni Lemuelle at iniabot ang kanyang cellphone sa dalaga.

Agad namang umayos ito at ini-aggulo ang camera sa harapan nila, matapos ay agaran naman itong ini-upload ng binata sa Instagram account niya.


                                                                             I N S T A G R A M


                           supremo_lemuelle: Making memories with you, is my favorite thing to do.


Wala pang isang minuto simula nung nai-post niya ang larawan sa Instagram ngunit sunod- sunod na ang pagtunog ng cellphone niya dahil inulan na naman ng likes at comments ang larawan nilang dalawa ni Jamella, ngunit isang komento ang pumukaw sa atensyon niya, at kahit pa sabihing dapat ay hindi na pinapansin ang mga bashers minsan talaga ay hindi mo ito mapipigilang basahin.


mercadoyanna: May mga tao talagang kahit committed na mahilig pa rin na lumandi sa iba. Ano @supremo_lemuelle isa ba talaga sa mga hobby mo yan?


Napahawak na lang siya sa noo at napiling-iling "Hayst, nagsimula na naman" napasabi niya sa sarili. Hindi rin nakalipas ang ilang segundo ay pinutakte na ng mga taga hanga niya ang naturang babae.


fangirlposts: Hindi ka ba nagsasawa @mercadoyanna ? Huwag ka ngang bitter teh. Humanap ka na lang ng lovelife mo! Wag mong pakielaman ang Lemella.

         mercadoyanna: Hindi ako bitter girl, nagsasalita lang ako ng katotohanan tungkol sa idol mong duwag.


itszoey: What are you're problem @mercadoyanna ? You know, you should know where to shut your mouth, your humilieating Lemuelle. And how can you be say that coward siya? You b****!

         mercadoyanna: Bago mo akusahan ang pagkatao ko, kahit hindi  mo naman talaga ako kilala, make sure to check your grammar first. Second, please know how to properly use you're and your, and also observe your spelling sayang naman kasi yung perang ginagastos para makapag- aral ka tapos wala ka din namang natutunan at puro kuda lang ang alam mo. Lastly, why would I shut up, kung lahat naman ng sinasabi ko totoo? Oh darlin' just better be with your grammar and language books tonight instead of wasting your time being a trying hard.


limwelxdyamela: Ano ka na @mercadoyanna? Wala ka ng ginawa kundi ang siraan si Lemuelle. Tigilan mo yan hindi mo naman siya kilala personally para sabihan siya ng duwag, at lalong hindi gaganda ang buhay mo sa ginagawa mong yan.

          mercadoyanna: Oh honey believe me, I know him better than you, o kahit na sino pa man sa inyo. At siguro nga hindi ikagaganda ng buhay ko itong ginagawa kong ito, pero kung malalaman mo lang ang katotohanan kung bakit ako ganito sa idol niyo, kung bakit ko nasasabing duwag siya, baka maintindihan niyo din ako.


Gumapang ang lungkot sa mukha ni Lemuelle, habang ang puso niya ay pinana ng kaba at sakit. Hindi siya mapakali, hindi niya malaman ang gagawin, dahil ang ilang salitang binitiwan ng babaeng nagngangalang Yanna Mercado ay tagos na tagos sa pagkatao niya. Marahil nga ay tama ito sa lahat ng akusasyon nito sa kanya, duwag nga ata talaga siya. Duwag siya dahil may mga pangyayari sa buhay niya ang hindi niya kayang panindigan.   


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018