Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Fooled Hearts

Image Description sugarandalmonds   |   08 May 2018


Si Luke Castro ay inlove sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ,handa na syang lumantad at umamin, pero may malaking sikreto pala siyang dapat malaman...

FH 1:

Masakit ang ulo niya sa kadahilanang naparami ang nainom niya kagabi, mabuti na lamang at kaibigan niya ang may-ari ng bar na iyon, hindi siya basta basta mapapahamak kahit pa langong-lango na siya sa espiritu ng alak.

Natatawa naman siya habang unti-unting inaalala ang mga nangyari kagabi. Katuladng kanyang nakagawian, laman na naman sya ng isang gay bar, nakikipagsayaw sa mga nag-gwagwapuhan at macho-han na mga lalake, mga handang magpaligaya ng kapwa nila Adan na naghahanap ng pagmamahal , kahit panandalian lamang.

But, damn it !

Bakit ganoon? Sa tuwing malapit ng mauwi sa magandang tagpo ang lahat, kapag akala nyang muntik na syangmakakalimot, sa oras na hawakan ng simunang lalaki ang kanyang katawan, sa sandaling magtangka na itong manghalik sa kanyang labi, napapatigil siya bigla dahil pumapasok ang hitsura ng kanyang bestfriend sa kanyang isipan.

Si PJ.

Ang kanyang tanging mahal na magpahanggang ngayon minamahal pa rin.

Pinipilit niya na itong kalimutan perohindi nya talaga kaya. Ito pa rin talaga, hindi niya magawang tumingin sa iba, ito lang talaga! Posible pala ang ganoon? Kahit maraming ulam na nakahain sa harap mo, isa lang ang gusto? Isang putahe lang ang lagi mong hahanap-hanapin.


Hanggang ngayon, nakakulong pa rin ang puso nya sa alaala ng kanilangnakaraan, sa pangyayari noong twelve years old lamang sila, sa madilim na storage room na ng kanilang bahay, doon unang tumibok ang puso nya para sa kababata,sa hindi inaasahang pagkakataon , ang nakakafrustrate lamang, ito ang naunang humalik sa kanya noon. Ito ang may kasalanan, pero bakit kinalimutan nito ang ginawang paghalik sa kanya?

Kinalimutan ni PJ kung paano sila naghalikan sa storage room na iyon, kung paano nito hinawakan ang katawan nya,wala namang nangyari higit sa halikan, parehas pa silang hindi handa dahil mga bata pa. Pero bakit hindi na bumalik ang ala-alang iyon? Kung bakit pa kasi ito naaksidente kinabukasan? Bakit kailangang mabura ng tuluyan ang mga alaalang iyon sa isipan nito? Kung natatandaaan sana nito ang nangyari sa kanya ,hindi sana ito nandidiri sa kanya ngayon?

Kung nagkataon sana, nakukunsensya rin ito dahil ito ang siyang dahilan kung bakit siya naging bakla ngayon.


Naagaw ang kanyang atensyon sa pagtunong ng kanyang cellphone. It was his dad.

Hindi ito tumatawag sa kanya para kumustahin ang kanyang lagay, mas malapitito sa kanyang kuya Kris, na very manly talaga kung kumilos. Bakit nga naman sya magpapakamanly kumilos kung hindi naman talaga sya manly?

He is gay.


Kung ang tawag nito ay patungkol sa kanyang sexuality at kung nakarating na dito ang katotohan , marahil ito na siguro ang tamang pagkakataon.It's about time to come out in his closet. Tutal inaamin na naman nya kay PJ ang kanyang tunay na feelings, though he was rejected. His bestfriend Clem supports him all the way, sapat na iyon. That would be enough to free himself. Para na rin hindi na sya lapitan ng mga babae. Sawa na siyang tumanggi sa mga ito.


"Yes dad," he answered softly, nakikiramdam sa mood ng ama sa kabilang linay.


"Umuwi ka sa bahay ngayon and explain to me about these photos!" diin nito, bago pa sya makasagot, naibaba na nito ang tawag. Ganoon naman talaga ang kanyang ama, batas kung tawagin nilang magkakapatid,s’ya lang talaga ang naglakas loob na suwayin ito, salamat na rin sa tulong ng momny niya na laging nakasuporta sa kanya. Sila raw kasi yung magkamukhatalaga, mana niya dito ang soft features ng kanyang mukha na kapag ngumiti, mukha siyang anghel.

Napaisip siya kung anong mga litrato ang tinutukoy ng ama, sino kaya ang kumuha at nagpadala? Wala syang mapagsino kung sino ang nagpadala noon, kahit anong pilit nya, wala talaga.


Hanggang sa loob ng banyo ay okupado noon ang kanyang isipan, kahit sabihin na handa na siya, di mapagkakaila na talagang iba ang nerbyos na kanyang nararamdaman.

Alam niya na makakatikim talaga sya sa ama mamaya, kahit pa pumagitna ang kanyangkuya Kris, that won't help to control his father's anger. Sampal para dito ang magkaroon ng bakla sa kanilang pamilya.

Nasa ganoong pag iisip sya ng sunod- sunod na mag-ring ang door bell ng kanyang condo. Wala syang expected visitor, wala din syang pinapadeliver na kung ano.

Hiling nyang mapagod na yun sa kakapindot, pero hindi sya pinabigyan, balak talagang sirain ng kung sinuman na taong yun ang door bell nya.

Iritable syang umalis ng shower room, kinuha nya yung white towel at tinapis sa katawan.

"Balak mo bang sirain ang doorbell ko?" iyon ang bungad nya , pag ka unlocked nya sa pinto. Gulat naman ang narehistro sa mukha ng babaeng napagbuksan nya, mahaba ang wavy nitong brown na buhok, may bangs pa, maputi ang kutis at medyo maliit sa kanya ng konti, nakasuot rin ito ng mini skirt ito at blouse na loose,may drawing ng Japan flag ang harapan.

Parang kilala nya ito, hanggang sa ang pagkagulat nito ay napalitan ng malapad na ngiti.


"Is this how you welcome your wife?" nakangiting bati nito sa kanya, nakakaloko lang.

"What?" balik tanong nya sa nakakabaliw na tanong nito, nabibingi yata sya, napasukan yata ng sabon yung dalawang tainga nya habang naliligo o baka tama nga sya ng dinig mali lang ang pintuan na pinag-doorbellan nito, baka ganoon nga.


"Nice view," the woman tease him. Napadako ang tingin nito sa expose nyang katawan. Oh shit! Pero bakit ganito ka vulgar ang babaing ito? Kung yung iba, titili at magtatakip ng mata, pero ito ang lapad ng ngiti at talagang sinusulit ang paningin ang pagkakaexpose ng katawan nya. Nanlalaki pa kasi ang mga brown nitong mata sa pagtitig sa kanyang katawan.

Tinakpan nya ng kamay ang katawan, baka maisipan nitong gahasain sya, si PJ lang ang gusto nyang gumawa noon.

"Go away, before I call the security." banta nya na tinawanan lamang nito. Baka rin myembro ito ng isang modus gang. Uso pa naman ang nakawan,minsan wala sa histura kung gagawa ng matino o hindi.

"Ouch, you’re so bad, but anyways," tumalon ito sa kanya, nakakapit na ito sa leeg nya, habang nakataas ang mga paa sa likod. Nabigla siya sa ginawa nito. Hindi siya nakagalaw agad.


"I miss you so much ," bulong nito sa tainga nya,napakalambing ,ewan ba nya, pero parang tumigilang oras, tapos magkadikit pa ang katawan nila, eh halos hubad na siya kung hindi lamang sa towel na nakatapis sa kanyang katawan, tapos ang lambot at ang bango pa ng babae, ang sarap ng strawberry nitong amoy, parang gusto nya tuloy kumain ng strawberry fresh from Baguio.

Natatakam sya-sa strawberry, nasa strawberry ang isipan nya ng maramdaman nya ang pagkagat nito sa kanyang tainga.

"Ah!" tinulak nya it kaya namna napabitaw ito sa kanya, hindi naman ganoon kasakit ang pagkagat nito sa kanyang tainga, pero parang may masakit lang sa katawan nya talaga. Nabasa na rin ang damit nito kasi basa nga sya diba? Tapos muli siyang niyakap nito na parang ahas, nakita nya ng bumakat yung red na bra nito. Bigla na lang syang napalulon sa nakita ng kanyang mata.

Ano ba ito? Parang ang init bigla?

"Don't you miss me, my LULU?" ngisi nito,napaisip naman sya, sinipat nya ang itsura nito, may tao agad na pumasok sa kanyang isipan, syang-sya nga, hawig nga kapag tinitigan mo masyado. Ang laki na kasi ng pinagbago nito. Idagdag pa na isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng Lulu, wala ng iba, endearment daw iyon ayon dito.Isang tao lang ay may malakas na sapak sa utak na paboritong gawing chicharon at kagat kagatin ang kanyangtainga.


Isa lang ang mahilig tumalon bigla at mangyakap sa kanya, para daw sa mga romantic movies na napapanood nito.

Isang tao lang,nag-iisang baliw at pasaway lang ang may kayang gumawa noon!

"Pyne?" tawag nya dito, sana itanggi nito, sana napagkamalan lang sya nito,sana hindi nga ito iyon , dahil kung hindi katapusan na ng tahimik nyang mundo. Hiling niya na sana itanggi nito ang pangalan na iyon.

"The one and only and yes my love, I’m back for good and more than ready to be owned by you." Napanganga si Luke sa sinabi nito. Hindi naman ito ganito dati magsalita. He was aware na may crush nga sa kanya si Pyne, lagi ba namna kasing ipaalala sa kanya na mahal siya nito, paano niya magawang makalimutan?

Pero handa ba itong malaman na ang mahal nya ay si PJ?

Ang kakambal nito?




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018