Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Introduction


Ito dapat ang pinakauna kong #KwentongFangirl pero somehow nahirapan akong tapusin, baka dahil na rin ultimate idol ko si Judy Ann Santos. Na pressure ang Ate Gurl niyo. Yung feeling na conscious na conscious ka sa mga words na gagamitin mo kasi baka mabasa ni idol at baka hindi niya magustuhan. Napansin ko na lang ang sarili kong napapa-google para maghanap ng mas magandang salita. Pero kailangan kong pigilan kasi gusto kong akong-ako pa rin iyong nagsusulat. Mas nakaka-pressure pa ito kumpara pagtinititigan ka ni crush.

Si Juday kasi yan. Ultimate idol ko. Simula pa nang mapanuod ko siya sa Esperanza.

Si Juday na dahilan kung bakit umaalis ako ng bahay sa gabi para makinuod ng tv sa kapitbahay dahil iba pinapanuod ng mga magulang ko.

Si Juday na dahilan kung bakit napapalo rin ako ng nanay ko dahil nga ako.

Si Juday na dahilan kung bakit hindi ako kumakain dati ng lunch nung gradeschool para makabili lang ng magazine cover niya.

Si Juday na dahilan kung bakit gusto kong mag-artista.

Si Juday na dahilan kung bakit nagsimula akong magsulat sa diary dahil napanuod ko sa Mara Clara. And yes nilagay ko rin minsan ang diary sa itaas ng ref namin.

Si Juday na dahilan kung bakit na inlove ako sa mga romcom movies.

Si Juday na ginawan ko ng DIY stickers noong gradeschool sa pamamagitan nang paggupit ng pictures niya sa magazines, dinidikit sa sticker paper and charaaan may Juday Ann stickers na ako, limited edition.

Si Juday na napatalon ako sa tuwa nang makakita ako ng Judy Ann paperdolls sa isang bookstore. Siyempre binili ko.

Si Juday na dahilan kung inis na inis ako nang mawala lahat ng Judy Ann merchandise collection ko nang lumipat kami ng bahay. Ka sad no?

Si Juday na ginagaya ko kung paano siya umarte sa harap ng salamin. Yes pinipilit kong maluha. Iyong singlakas ng gripo.

Si Juday na dahilan kung bakit sa gitna ng nursing duty ko sa hospital bigla akong naiyak dahil kinakasal na pala siya kay Ryan Agoncillo. Yes, naiyak ako kasi hindi ako invited.

Si Juday na dahilan kung bakit kapag nanunuod ako ng mga cooking shows palagi kong nasasabi “Sus kaya ni Juday yan!”

Si Juday na pagdating ko pa lang sa NAIA airport, first time ko sa Maynila, noong October 2011, pinagdarasal ko na sana sinasalubong niya ako sa arrival area.

Si Juday na gustong-gusto kong maka-eksena kahit sampalin niya lang ako.

Si Juday na dahilan kung bakit nakaka-relate ako kay sa Finding Nemo dahil gagawin ko rin lahat makapiling lang siya, kaya sinimulan ko ang adventure kong Finding Juday.

Si Juday. Bow.


Next chapter: Finding Juday in ABS-CBN


  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018