Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruin by lies and selfishness. Will he be able to save their happy ending or make things worse?

"AKALA ko naman nagsara na ang DESTINED MART," aniya habang iginagala ang tingin sa buong second floor ng DESTINED MART na ngayon niya lang nakita at naakyat. Storage room yata ‘yon ng DM dati. Darwin transformed it to his café’s second dining area. Allysa can’t help but glared at Darwin. "Ilang buwan na tayong magkakilala pero 'di mo man lang sinabi sa akin na ikaw pala ang may-ari nito kahit na may hinala na ako.”

Natawa lang ang loko. "Ano ka ba naman Bes, humble ako eh."

Pumwesto sila sa isa sa mga vacant table roon. It was near the glass panel wall not far from the second floor stair landing, from there, she can vividly see the people walking on the busy street of Serendepity Road. Come to think of it, nasa perfect location pala talaga ang café ni Darwin.

"Tsk, pero 'di nga, why changed of business?"

"Wala lang," he shrugged with a smile. "Gusto ko lang ng new environment at saka new life.”

"Echosero nito,” akusa niya sabay tawa. "But I like your new idea.” Bawi niya naman agad. “Wala pang café sa lugar na 'to at malapit pa sa eskwelahan at simbahan. Even the name of the road is perfect for DM and Dolce Fate.”

Well, she still had to admit that she liked the transformation of the place, from the plain convenient store to this creatively thought café. It was really a big step for Darwin despite the inevitable risk of putting up a business na on the trend sa panahon ngayon. From the meticulously picked furniture, fixtures, color palettes, glass panels, display decors, lights and floor tiles… it was really creative, she must say.

Too modern yet very classic. There is a rustic design blade signage outside the café, attached to the frame of the door that says, ‘Let’s Meet Here’. The idea was cute and catchy. It was a destiny themed café, as per Darwin. So most of the wall decors and menu names are quotes and terms that are all related to destiny.

The renovation is almost finished. Sa hula niya, second or third week of December ang opening ng Dolce Fate Café, the new name of Darwin’s business. Malapit na rin ‘yon.

"I know right," he chuckled. "Pero maiba ako, mukhang masaya ka, ah?" he mischievously leaned closer on the table. "Iba ang aura mo ngayon." Pinakatitigan siya nito nang maagi with that lopsided grin on his face. Sapo ng isang kamay nito ang kaliwang bahagi ng mukha nito. "Nadiligan ka na, no?" Oh now, he’s teasing her!

Napamaang siya. “Wow, ha?”

Hindi maalis ang ngiti nito. He leaned back on his seat and crossed his arms over his chest. "Alam mo Allysa, alam na alam ko 'yang saya mong 'yan eh. 'Yang mga ganyang aura nadidiligan 'yan lagi ng mga asawa nila."

"Alam mo minsan Darwin iniisip ko kung anong meron ‘yang utak mo at hype na hype ka sa usaping kamunduhan.”

Malakas na natawa ito. "Ito naman, 'di na mabiro. At saka Allysa, ano bang ikinakahiya mo eh may asawa ka naman."

"I don’t entertain explicit content topics.” She answered him with her usual resting bitch face.“So let’s change the topic, shall we?”

"Oh well,” Darwin just shrugged his shoulders, still, nandoon pa rin ang mapanuksong ngiti sa mukha nito. “Kumusta naman ang baby loves mo? May naalala na ba? Sana huwag na siyang makaalala, no?"

"Grabeh siya oh,” still she can’t help but sighed. "Lance's fine. May naalala na siya." Napangiti naman siya nang maalala ang gabing 'yon. "She remembered me playing the piano."

"Sure ka bang ikaw 'yon?"

"Alam ko, ako 'yon. Huwag kang panira ng moment, Darwin." Binato niya ito ng tissue. "Kasalanan mo 'tong lahat. Grabeh mo ako kung sulsulan."

"Oy grabeh ka. Sino ba may sabing dibdibin mong pinagsasabi ko? The last decision is always yours, my dear. My words will only live in your mind if you agree with my way of thinking."

Nangulambaba siya at pinakatitigan si Darwin. "Ang sama ko ba?"

"Bakit mo naman nasabi?”

"Kasi 'yong sarili ko lang iniisip ko? Kasi ang saya-saya ko ngayon. Kasama ko si Lance. Pinapaniwala ko siya na ako si Alyce… na hindi siya iniwan ng mahal niya. Ginagamit ko ang sitwasyon na dapat matagal ko nang tinapos."

"You know what Al.”

"Hmm?"

"Naniniwala pa rin akong may dahilan kung bakit nagpapaka-tanga ka ngayon."

"Tsk,” napasimangot siya. “Akala ko pa naman may maganda kang sasabihin."

"Sinimulan mo na 'to Allysa. You'll just have to finish it with or without flying colors. At the end of the day, dalawa lang naman ang makukuha mo. Kaligayahan o sakit. You're risking everything Al. Pinaglalaban mo ang pagmamahal mo kay Lance sa paraan na alam nating pwede kang manalo or matalo. Dalawang bagay lang ‘yan, regrets at failure. If I were you, I’d rather fail in an unknown quest than not fighting at all and let my regrets live with me forever.”

Darwin has a point. He always do, actually. She had been holding her feelings for Lance. Normal ‘yon dahil sino ba naman ang gustong masaktan, diba? Sino ba naman ang gustong lumuha dahil sa sakit ng kabiguan? But it’s Lance, Allysa. Si Lance na mahal mo. Si Lance na nagpapasaya sa’yo. Si Lance na gusto mong ipaglaban. The future will always be unknown. She made a choice. She agreed to pretend as Alyce. Therefore, it is rightful that she must face all the consequences that she might gain in the choices she had made.

"Pumunta ako rito para makipagkwentuhan hindi ang mag-emote. Change topic na nga lang, may ibibigay nga pala ako sa’yo." Pag-iiba niya. Kinuha niya mula sa bag ang regalo niya rito. "Galing pa 'tong Thailand."

"Naks! Hindi talaga ako nakalimutan."

"Tadan!" proud na ihiniharap niya ang ghost baby doll kay Darwin.

Napaatras naman ito sa gulat. "Tang na juice, naman Allysa! Seryoso ka ba?!"

Natawa siya. "Oy grabeh 'to. Binili ko nga 'to para sa’yo." It was a small life-like big-eyed-doll. 'Yong pamatay ang pilik mata at may magandang buhok. "In Thailand, they called these dolls as Luk Thep dolls or child angels. It is believed that these dolls are possessed by spirits that will bring good fortune and prosperity in business.” Inabot niya ang kamay ni Darwin at pinahawak ang manika. "Alagaan mo 'yan. May baby ghost na nakatira sa loob ng manika niyan. Treat her as your daughter." Dagdag pa niya na may kasamang kindat.

"Sa tingin mo ba gaganahan pa akong alagaan ang manikang 'to?" napapangiwing itinabi nito ang manika. "Tsk, kung may galit ka sa akin diretsahin mo na lang ako hindi 'yong kung ano-anong ibinibigay mo sa akin."

"Wala akong galit sa’yo.”

"Allysa, ang Dios ang nagbibigay ng biyaya hindi ang mga multo. Ghost doesn't exist, they're fallen angels disguised to scare people using the remaining memories of the person who died on that place."

"Oo na! Oo na! 'Di na totoo ang multo."

"And just to clear things out, souls do exist, 'yon 'yong mga may unfinished business. They are given 49 days to finish everything before they faced their final judgment."

"Wow!" she gave him a slow-motion-clapped na para bang hangang-hanga siya rito. Hindi niya naman talaga alam na mahilig pala sa kababalaghan 'tong si Darwin. Pinipigil niya lang ang tawa niya but she was grinning. "Ikaw na."

"Mukha mo, pinagloloko mo ako, Allysa." Natawa lang siya. "Baka ano pang laman ng manika na 'yan." Napangiwi na naman ito. "Tsk, hoy, diba may lakad ka pa?"

"Ah oo nga pala,” bigla niya namang naalala si Lance. “Magkikita kami ni Lance ngayon."

"Bakit nagtataguan ba kayo sa bahay at ngayon lang kayo magkikita?"

She rolled her eyes at him. "Ewan ko sa’yo. May kasalanan ka pa sa'king loko ka. Saka na kita sisingilin pagbalik ko."

He finally smiled. "Whatever, padilig ka ulit."

"Isa pang dilig Darwin at ikaw ang ibabaon ko sa lupa para madiligan."

Tinawanan lang siya ng baliw. "Ingat ka na lang. Ingatan mo sarili mo Allysa."

"Hmm," she squinted her eyes at him. "You're weird."

"I'm always weird, Al."


INIHILIG ni Allysa ang ulo sa likod ni Lance habang kumakain ng Piatos. Nakaangkas siya sa likod nito habang ito naman ang nagpi-pedal ng bisiklita. Bonding moments daw nila 'yon. Tinatamad siyang maglakad kaya nagbisiklita na lang sila. Naka tatlong ikot na yata sila sa buong village.

"Sino pinuntahan mo kanina Al?"

"Kaibigan ko lang. Ibinigay ko ang regalo ko sa kanya. Eh, ikaw, kumusta naman ang lakad mo? Magsisimula ka na ba ulit sa trabaho?"

"Nope, may binigay lang si Dad na mga files. I still have to study those documents. Ikaw, wala ka pa bang balak na bumalik sa pagtugtog?"

"Tinatamad pa ako.” Hobby ko lang 'yon 'di ko naman ikinabubuhay 'yon. “Isang taon na lang muna akong magiging ulirang asawa mo." Aniya sabay tawa.

"Oy, parang gusto ko rin 'yan."

"Magtrabaho ka para may pangkain tayo."

"Mayaman naman tayo.” Lance chuckled. “Hindi problema ang pera. Malaki ang share ko sa kompanya. No, let me correct that. We actually own the company."

"Eh paano kung magkaka-baby na tay –" ay shuks! Kain ka kasi ng kain Allysa kung saan gumagala isip mo. Lihim siyang napangiwi.

"Baby?" ulit ni Lance. "I'd like that Al.” She could hear the smile in his voice. “Unahin na lang muna natin ang magka-baby saka ako babalik sa trabaho."

Pinalo niya sa ito sa balikat. "Oh sige, basta ikaw ang magbuntis."

"Pwede ba 'yon?!"

"Gawan natin ng paraan."

Natawa lang ito. "Good idea. Umuwi na tayo at may gagawin pa tayo."

"Hoy! Wala akong sinasabing –"

"Gutom na ako!" natatawang sigaw nito at binilisan ang takbo ng bisiklita. "Ano bang masarap kainin ngayon? Hindi pa ba babalik si Mikay?"

“Baka next week.”


"AW," madaling dinala ni Allysa ang dumudugong daliri sa bibig. "Tsk," napangiwi siya nang makitang 'di tumitigil ang pagdurugo. Mukhang malalim yata ang hiwa.

Napasinghap siya nang biglang hawakan ni Lance ang kamay niya. "What happened?” sinipat nito ang nasugatang daliri. He looked displeased with what he saw; showing that frown on his face. “This seemed like a deep cut. Halika, gamutin muna natin 'yan."

Iniwan muna siya nito para kunin ang first aid box mula sa isa sa mga cupboards sa kusina.

"Dumulas kasi," aniya. "Malayo naman 'to sa bituka."

"It's okay," pina-upo muna siya nito sa isa mga silya bago maingat na nilapatan ng gamot ang daliri niya. Inangat nito ang mukha sa kanya. "Nandito lang naman ako para gamutin ang mga sugat mo." Kinindatan siya nito bago nito nilagyan ng band aid ang daliri niya. “Pero huwag naman sana lagi. Ayoko rin naman na nasasaktan ka. You’re really clumsy Al.”

Napangiti siya. Oo nga noh? Sa tuwing inaakala mo na ako si Alyce at nakikita mong may sugat ako lagi mo na lang ginagamot ang mga 'yon.

“Right,” lumapad ang ngiti nito. ‘Di niya alam kung bakit. “I always wonder why I have this weird habit of stocking band aids in my wallet. Now I know why.”

Napakurap-kurap siya. Huh?

"Done," inangat nito ang mukha sa kanya. Nakangiting hinaplos nito ang pisngi niya. "Ako na rito. Tatawagin na lang kita kapag nakapaghanda na ako."

Lutang ang isip na tumango siya. "S-Sige, sa taas lang muna ako."

Iniwan na niya si Lance at umakyat sa itaas. Mabilis na isinara niya ang pinto at naupo sa itaas ng kama. Dapat ba akong matuwa na tungkol sa akin ang mga bumabalik na alaala ni Lance? Alam kong 'di buo ang mga naalala ni Lance, pero bakit nauuna ang mga alaalala niya  sa akin?

Bigla namang tumunog ang cell phone niya. Lutang pa rin ang isip na inabot niya ang cell phone at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang caller.

"Hello?"

"Nawiwili ka na yata sa pagpapanggap mo bilang Alyce, Allysa."

Napaigtad siya. "M-Ma?"

"Kumusta? Nag-enjoy ka ba sa Thailand?" pabalang na tanong ng ina. "Tumawag lang ako para ipaalala sa’yo na hindi ikaw si Alyce at hindi ikaw ang totoong asawa ni Lance. Know your place Allysa, dahil sa oras na bumalik si Alyce ako mismo ang kakaladkad sa’yo palabas ng bahay na 'yan."

Inilayo niya ang cell phone at bumuga ng hangin. Nagsimulang manikip ng dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang emosyonal ngayon. Get a hold of yourself Allysa. Focus! Huminga siya nang malalim bago sinagot ang ina.

"Hindi n'yo na kailangang gawin 'yan, though I'd be touch if you will do that. Pero ayoko namang mapagod ka pa. Ako na mismo ang aalis."

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."

"Kung hindi man masyadong abala sa’yo, please do inform me ahead of time para naman makapaglinis ako ng bahay. Nakakahiya naman kasi sa anak n’yo.”

Sa halip na sagutin siya ay binabaan lamang siya ng telepono ng kanyang ina.

Tila naupos na kandilang nabitiwan niya ang hawak na cell phone. Natutop niya ang noo. She suddenly felt dizzy. Pero hindi niya gaanong ininda ‘yon. Mula sa ilalim ng kama ay kinuha niya ang isang kahon. Binuksan niya 'yon at hinawakan ang lumang pink teddy bear na itinago niya sa kahon na ‘yon at iningatan ng maraming taon. Hindi na naalis ang bakas ng dugo sa katawan nito.

Bumuhos lahat ng emosyon niya nang makita 'yon. A moment after, she found herself silently crying at the sad memory she thought she could forget.


"IKAW lang naman ang mahal ni Papa eh!" iyak na sigaw ni Alyce. "Ayaw niya bilhin 'yong teddy bear kasi ako nagpapabili pero kapag ikaw binibili niya agad! He's so unfair!"

"Alyce, hindi totoo 'yan! Papa loves you. Bibilhin niya naman talaga 'yon."

"No he wouldn't! He said it already." Patuloy lang sa pag-iyak ang kakambal niya.

"He will! Promise ko 'yan sa’yo." She cupped Alyce's face and wiped the tears in her eyes. May ngiting tinapik niya ang pisngi nito. "Babalik ako." Tinalikuran niya ang kakambal at tumakbo palayo.

"Where are you going?!"

"Basta!" nilingon niya ito. "Pagbalik ko dala ko na ang teddy bear at may bonus pa na I love you kay Papa."


"MAHAL na mahal mo talaga ang kakambal mo, Allysa." Nakangiting baling sa kanya ng Papa niya habang nagda-drive ito. Pabalik na sila sa bahay at nabili na rin nila ang pink teddy bear na gusto ni Alyce.

May ngiti ring yakap-yakap niya ang teddy bear. "Syempre naman Pa. Mahal na mahal ko si Alyce. Kaya ikaw Pa, huwag kang bad kay Alyce."

"Ako? ‘Di naman ako bad eh. Mahal ko kayong dalawa, anak. Marami na kasing toys ang kapatid mo. Eh ikaw, 'di ka man lang humihingi ng kung ano, kaya kapag nagri-request ka natutuwa ako kasi mabibilhan na kita ng gusto mo."

"Hindi ko naman kailangan ng maraming toys Papa. Makita ko lang kayo na masaya nila Mama at Alyce, okay na po ako. Saka po, ‘di naman po ako mahilig sa toys. Sayang lang.” She giggled. “Ayos po ba?!" inuumang niya ang kamao for a fist bump.

Natatawang nakipag-fist bump din ang Papa niya sa kanya.

"Iniisip ko kung ilang taon ka na nga ba anak at mas matanda ka pang mag-isip kaysa sa akin."

"Bata pa po ako Pa. Kaya dalian n'yo na po sa pagda-drive. Alyce is waiting for us. At huwag mo pong kalimutan na mag-sorry at mag-I love you sa kanya, ha?"

"Yes boss!"

"And Pa,"

"Hmm?"

"Ayoko pong i-enroll n'yo ako sa piano class like Alyce."

"Huh? Bakit? You love piano, baby."

"Hobby ko lang po 'yon Pa," pagsisinungaling niya. Pilit siyang ngumiti. "At saka ayoko pong mag-aral lagi."

"Ikaw talaga," her father playfully messed her hair. "Kahit ano pang gusto mong gawin anak susuportahan kita basta huwag na huwag kang tumigil sa pagtugtog."

"Pa?"

"You've always been in love with music Allysa."

"But you love Alyce, right, Pa?"

"I love Alyce, anak. Kayong dalawa ng kakambal mo." Napangiti siya. Niyakap niya nang mahigpit ang teddy bear. "Do me a favor anak."

"Hmm?"

"Take care of your sister for me."

"Po?"

"Madaling masaktan ang kapatid mo. Iniisip niya lagi na may kulang sa kanya. She’s always proving to herself and to other people her worth kahit 'di naman na kailangan. At natatakot ako na baka pagsisihan niya ang mga bagay na pwede niyang gawin dahil gusto niyang may mapatunayan siya. Your sister needs you, Allysa. Alagaan mo siya. Pwede mo bang ipangako 'yon sa akin?"

Wala man siyang maintindihan ay tumango lang siya. "Promise po, Pa!"

Bigla ay tumunog ang cell phone ng ama niya. Sinilip nito ang tumatawag sa screen. "Oh Alyce is calling –" inabot nito ang cell phone sa itaas ng dashboard ng kotse pero dahil nga sa harap ang tingin nito ay nahulog 'yon. "Wait."

Sinubukan ng ama niyang abutin ang cell phone nito sa ibaba. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa harap at sa ibaba.

"Pa –" nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malaking truck na gigiwang-giwang ang takbo. Lumipat ito sa lane nila. Napahawak siya sa braso ng ama. "Papa!" sigaw niya.

“Al –”

Hindi nagawang iwasan ng ama niya ang sasakyan. Mabilis na niyakap siya ng kanyang ama. “Hush, baby, you’ll be alright. Papa will protect you.” Damang-dama niya ang mabilis at malakas na pagsalpok ng sasakyan. Tila may malakas na puwersa na humihila sa kanya dahilan para mapasinghap siya sa sobrang pagkabigla at sakit. "I love you Allysa. Always remember that."

Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na 'yon. Hindi niya inasahan na 'yon na ang huling beses na maririnig niya ang boses at ngiti ng ama niya. After that accident everything changed.

Rinig na rinig ni Allysa ang malakas at galit na boses ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid. Bahagyang nakaawang ang pinto at mula roon sinilip niya ang ina at ang kapatid nito na si Tita Celine. Yakap-yakap niya ang teddy bear ni Alyce.

"I don't want to see that kid again!" sigaw ng ina niya. "Siya! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Luis.”

"Ano ka ba naman Amanda, anak mo pa rin si Allysa. Isipin mo naman na muntik na ring hindi magising ang anak mo. Dapat nga magpasalamat ka pang na buhay siya!"

"Wala akong anak na mamamatay tao! I only have one daughter, Celine. At si Alyce lang 'yon." Iyak ng ina niya. Humigpit ang pagkakayakap niya sa teddy bear. Iyak lang siya nang iyak. Kahit sa murang edad naiintindihan niya lahat ng sinasabi ng mama niya. "Naiintindihan mo?! Si Alyce lang! Si Alyce lang ang anak ko."


"AYOKO niyan!" sigaw ni Alyce. Pinalis nito ang laruan sa harap niya at tumilapon sa sahig. Nasaktan siya sa ginawa ng kapatid. "Sinabi mo na ibibigay mo sa akin 'yan kasama si Papa." Iyak nito. "Gusto ko si Papa! Ayoko na niyan! Si Papa ang gusto ko!" patakbong iniwan siya nito.

"Alyce!" tawag niya pero tila hindi siya nito naririnig.

Napabuntong-hininga siya. Nilapitan niya ang teddy bear at kinuha 'yon. Inalis niya ang dumi sa mukha nun.

"Ayaw na nila sa akin." Nagsimula na naman siyang maiyak. "Sana 'di mo rin sabihin 'yon sa akin, ha?" napahikbi siya at niyakap ang laruan. "Ang sakit kasi… ang sakit kasi pakinggan."


TAHIMIK na bumaba siya at tinungo ang dining area. Naabutan niyang isa-isang inilalapag ni Lance ang mga pagkain sa mesa. Niyakap niya ito mula sa likod.

"Al?"

"Can I be honest with you Lance?"

"Hmm?"

"Mahal na mahal kita, alam mo ba? Sa panahon na sobrang lungkot ko nandiyan ka. Sa tuwing nasusugatan ako ikaw ang unang nakakapansin ng mga sugat na 'yon. Nag-aalala ka sa akin. Pinaparamdam mo sa akin na karapatdapat din akong mahalin." Humigpit ang yakap niya rito. "Inisip ko noon na hinding-hindi ko na 'yon mararamdaman pero… pero dumating ka." Iniisip mo man na ako si Alyce sa mga panahon na 'yon pero sa tuwing tinititigan kita sa mga mata alam ko na totoo ang nakikita kong pag-aalala sa mga mata mo.

Pinihit siya nito paharap sa kanya. He cupped her face. "Ganun ba?" tumango siya. "Masaya ako at naging mabuting Lance pala ako sayo Al."

"You've always been nice to me Lance."

You’ve always been nice to Allysa.

Bumaba ang labi ni Lance sa labi niya. Mabilis na ikinuwit niya ang mga kamay sa leeg nito at buong pagmamahal na tinugon ang halik nito.

Mali man o tama. Hindi ko pagsisihan na minahal kita Lance. Na mas pinili kong magpanggap na Alyce sa sandaling panahon. Love is worth risking anyway. May happy ending man o wala. I would still grab this chance. I would still choose you.

"Lance," anas niya.

"I love you," he said between kisses. "I love you Alyce."

At tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Bahagya niyang inilayo ang mukha rito. Masuyo niyang hinawakan ang mukha nito at tinitigan. Masakit man pero handa akong masaktan para sa’yo.

"I know," may ngiting tapik niya sa kaliwang pisngi nito. "Alam ko Lance."

In love, it's not always about winning 'cause sometimes we need to lose and it's not a failure but an act of true love in a form of sacrifice.

Muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi na buong alab niyang tinugon. She will never get tired of loving Lance. Kahit na dumating pa ang oras na kailangan na rin niyang iwan ito.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE