Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruin by lies and selfishness. Will he be able to save their happy ending or make things worse?

KUMUNOT ang noo ni Keeper nang biglang pumasok si Strar. Ngayon niya lang ulit nakita ang mokong pagkatapos ng pagliliwaliw nito sa mundo. Strar is the guy in the crescent moon. Lagi itong may dalang fish bait or what Strar would name it his star bait. Ito ang may kagagawan ng mga shooting stars. He used stars to catch wishes. Milagrong nandito ito sa Destiny's department.

Sumalampak ito ng upo sa sofa at itinabi ang star bait nito sa gilid. Nilaro-laro nito sa kamay ang isang malaking wish ball na nag-uumapoy sa pula. Mukhang may pinag-isa na naman itong wishes. Hay naku! Wala pa ring pinagbago ang 'sang 'to. Tamad pa rin. Pumapangawala ‘to kay Darwin.

"Hoy Strar!" tawag niya rito. "Tapos ka na bang maglibot at nandito ka na ulit?"

Ngumisi ito. "Nagpapahinga lang. One wish at a day sana ako ngayon kaso dalawa ang nahuli ko kaya pinag-isa ko na lang."

"Naku, sinabihan na kita diyan sa mga kalokohan mo't baka mapahamak ka na talaga ngayon. Alam mong hindi pwedeng pagsamahin ang mga hiling ng tao."

"Chill ka lang Keeper. Na check ko na 'to. Trust me, they'll thank heavens for my work."

"Talaga lang, ha?"

"Ikaw wala kang belib sa akin eh. Kailan pa ba ako nagkamali? I know the conditions and I have my alternative ways of granting wishes without messing their lives."

"You should be dahil kapag nagkamali ka. Patay ka talaga sa itaas."

Tinawanan lang siya ng loko. "Anyway, saan ba si Darwin?"

"Nasa ibaba,"

"Na impyerno?!"

"Hindi, nasa lupa."

"Ah, kailan naman siya babalik?"

"Depende, depende sa mood."

"Tsk, akala ko pa naman siya na ang papalit kay Tanda. Hindi pala siya natuloy?"

"Hindi pa, pero baka sa susunod na century."

"Ang tagal pa kung pagbabasehan ang Earth time. Anyway, may pagkain ba sa pantry? Nagugutom na ako."

"Tignan mo na lang doon may binabantayan pa ako."

"Sige, magpakadalubhasa ka kaibigan."

"Lol,”

"Ha ha.”

Natigilan sila nang malakas na tumunog ang alarm sa buong department. Napangiwi siya. Malimit lang na magka-emergency alarm ang headquarters at nangyayari lang 'yon kapag may nangialam na naman sa tadhana ng isa sa mga tao at may buhay na naman na at stake.

"Anong nangyayari?!" nagpa-panic na tanong ni Strar.

He quickly check the monitors kung ano nga bang nangyayari at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang dahilan ng emergency. Nak ng nimbus cloud! They're really in big trouble. BIG! BIG! TROUBLE!

"Holy comets!" Strar cussed.

Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"Strar!" parang niyayanig ang buong opisina sa sigaw ng ama ni Darwin. Mabilis naman na nagtago si Strar sa likod niya. Muli siyang napangiwi. Naloko na! Ayaw kasi makinig. "Anong ginawa mong bata ka?!”

"Keeper, sabihin mo kay Tanda nagka-amnesia ako at wala akong matandaan."

“Hindi maniniwala sayo 'yon."

"Darn comets! Mapapatay ako sa top management nito."

"Good luck na lang talaga sa’yo."




NAGISING si Darwin na namimigat ang ulo. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Damn it! Hindi na talaga siya maglalasing. Kung bakit kasi hindi niya magawang i-adjust and alcohol tolerance niya.

Pikit matang bumangon siya at hinilot ang sentido. Ilang segundo pa siyang ganoon nang biglang marinig niya ang paggalaw ng kung sino sa tabi niya. Awtomatikong naimulat niya ang mga mata at naibaling ang tingin sa katabi.

Faaa – Nagpanic siya. What happened? Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha. Sumilip siya ilalim ng kumot. Damn it! Something happened. This is not good. Allysa will gonna kill him. His father would double kill him. He'll be double dead!

Mayamaya pa ay nagising na si Alyce sa tabi niya at mukhang nagulat din ito nang makita siya. Akmang titili ito nang matakpan niya ang bibig nito.

I really hate after sex encounter in movies and it's even worse in real life. This is crazy! Gulo na naman ‘to.

Immortals can't love and made love with humans. It's an immortal sin dahil 'di siya mortal at tiyak na nababaliw na ang langit sa nagawa niya. Pero ilang beses na siyang nalalasing pero hindi naman siya umabot sa kama.

"Darwin!" Pareho silang natigilan nang marinig ang boses ni Allysa sa labas ng pinto. Kumatok ulit ito. "Gising na! Nakahanda na ang pagkain."

"Na lock ba natin ang pinto?" he mouthed at her.

Alyce shrugged her shoulders in response. Hindi ito makasagot dahil nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig nito. Ah, never mind. Ibinaba niya ang kamay at sinenyasan itong tumahimik. Saka na niya iisipin kung paano niya lulusutan ang gulo na ‘to.

“S-Susunod ako,” sagot niya sa paos na boses.

"Okay. Nasaan kaya si Alyce?" narinig pa niyang tanong ni Allysa. "Wala siya sa kwarto niya eh. Hanapin ko muna. Bumaba ka na, ha?”

Mukhang lock naman ang pinto dahil hindi nito mabuksan ang pinto. Mayamaya pa ay narinig na niya ang papalayong yabag ng mga paa ni Allysa. Nakahinga siya nang maluwag. Thank Heavens!

Umagaw sa pansin niya ang unti-unti pag-ilaw ng pulang tali sa isang kamay niya at kahit hindi niya tignan kung saan ito konektado, he was already sure it was connected now with Alyce.

Damn, I’m in big trouble. Serious big trouble!

"Will you marry me Darwin?" mahinang tanong ni Alyce na siyang nagpaangat sa tingin niya sa mukha nito.

"Is that a proposal?"

"Hindi, tinatanong ko lang, so will you?"

"That, I'm not sure."

And I can't marry a human.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE