Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruin by lies and selfishness. Will he be able to save their happy ending or make things worse?

PRENTENG nakahiga si Darwin sa mahabang wooden bench sa rooftop ng DESTINED MART. Nakaunan ang dalawang braso sa likod ng ulo niya habang nakatingala sa madalim na kalingitan na unti-unti nang napupuno ng mga bituin.

"Effective kaya ‘yong ginawa ko?”

"Ano bang ginawa mo?"

"Eh kasi, nagkabuhol-buhol ang love path nila Allysa, Alyce, at Lance. Kailangan ko munang iayos 'yon. Takte naman talaga at naging complicated na tuloy ang –" biglang may pumatid sa bench kung saan siya nakahiga kaya nabuwal siya at muntik pang mamudmod ang mukha niya sa sementadong sahig kung ‘di naging mabilis ang kilos niya. "Son of a –" pag-angat niya ng mukha ay ganoon na lamang ang pananlalaki ng mga mata siya. Fuck! “Papa?!”

“Nagmumura ka na naman sa isip Darwin.” Napangiwi siya at umayos ng tayo. Pinagpag niya ang nadumihan niyang suot na jeans. "Ikaw na bata ka," lalo lang siyang napangiwi nang magsalita ulit ito. Para 'yong kulog na nag-i-echo sa buong kalangitan. Alam niyang siya lang ang nakarinig n’on at nakaramdam nang bahagyang pagyanig dahil sa boses ng ama. "Pinayagan kitang mag negosyo sa lupa hindi para pakialaman ang tadhana ng ibang tao!"

"Pa let me explain –“

"Silence!"

Para talagang babagyo sa tuwing magagalit ang ama niya.

Fine, he sort of lied kung bakit bumaba siya ng lupa. Buryong-buro na siya sa itaas sa kakapanood sa mga buhay ng mga tao. Para lang siya nanonood ng teleserye sa langit. It's just that, it takes them years to unfold things. He ended up calling it the loading destiny. Pucha naman kasi, lagi na lang may season two. Ang tagal ng development ng love story. Nakakaburyo.

His father was what they called on Earth "Mr Destiny". He don't do much though, pero madaming prayers at messages silang natatanggap sa Destiny Department. Eh wala namang ginagawa masyado ang tatay niya. Nanonood lang sa malaking screen sa opisina nito na maihahantulad sa laki ng screen sa loob ng sinehan. Ang ama lang niya ang mag-isang nandoon. Sa laki ng mundo, hindi niya alam kung paano nagagawa ng ama niya ang i-monitor lahat ng mga tao.

To make an epic description of his father, he’s old and bald, maybe around 50 years old in the human world’s age. He’s the 3rd Destiny Guardian ever since the world was created by the highest God. So gurang na talaga si Tanda. He’s usual attire is black suit, coat, hat and tie. He always have this pocket watch with him inside the pocket of his long coat. In my opinion, mas mukhang grim reaper ang ama ko kaysa isang Destiny Guardian.

There are 7 layers in heaven.

First layer is the guardian headquarters o ang tinatawag sa lupa na guardian angels. Second layer, is the soul quarantine o 'yong parang tinatawag nila na gate of heaven kung saan tinitignan muna kung nandoon pa rin ang pangalan ng mga namatay o kung ipapa-purgatoryo muna. He guessed, hindi naman siya ganoong gumagala sa ibang headquarters. May ganoong usap-usapan sa langit, kung totoo bang may purgatoryo o wala. Si Uncle Peter lang may alam. Anyway, souls get their ID pass from Uncle Peter.

Third layer is the destiny headquarters. This is the most boring and detailed work. Trust me! Fourth layer is the saint headquarters. Fifth layer will be the Sin Court of Justice. Hinuhusgahan muna ang mga souls na medyo fifty-fifty sa fifth layer. Sixth layer will be the Master's Board. Lahat ng mga head guardians sa iba't ibang layer ay nagmi-meeting doon kasama ang Highest God of all human and heavenly beings na tanging mga guardians lang ng each layer ang nakakakita. The seventh layer will be the Golden Gate of Heaven o 'yong tinatawag sa lupa na paraiso.

"Pinayagan kitang bumaba sa lupa hindi para mangialam sa tadhana ng tatlong taong 'yon. Naiintindihan ko kung hindi mo pa gaanong naiintindihan kung paano gumalaw ang kanya-kanyang tadhana ng tao. Pero hindi ko inasahang mangingialam ka sa buhay ng mga taong 'yon. Alam mo ba ang pwedeng kahahantungan nang pagmamanipula mo sa buhay nila Alyce, Allysa, at Lance, Darwin?!"

Napangiwi siya nang kumulog na naman ulit.

"Hindi iisang beses Darwin na sinubukan mong manipulahin ang mga fate lines ng mga tao. Noong una ay hinayaan kita para matuto ka. You’ve been a wanderer on this Earth for how many years already Darwin yet you still don’t understand how destiny works. And now, you’ve gone overboard!”

“Pwede mag-explain?”

“Fine, explain it to me.”

“Allysa’s fate line is connected to Lance eversince they were born. Malinaw na malinaw ‘yon sa screen na pinakita ni Keeper sa akin sa fate line room. There was a mistake. Hindi si Alyce ang para kay Lance. Now, their red strings are fading dahil kay Alyce. Kailangan ‘yong maitama bago paman mahuli ang lahat para kina Allysa at Lance. May magagawa tayo. We know their fate and it is right for us to guide them to the right path. You see my point Papa?”

"It doesn't work that way, son." Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ng ama. I don’t get it? "Hindi mo pwedeng manipulahin ang lahat. Hindi lahat ng bagay rito sa mundo ay nangyayari dahil 'yon ang nakatadhana."

"'Di ko maintindihan. If it’s already been decided from above then bakit ‘di siya nangyayari? Why some things didn’t go along with what is written on their fate lines?"

His father sighed. "Hahayaan kita rito sa lupa. Makakauwi ka lang kapag nalaman mo na ang sagot. But never manipulate again. At huwag mong iisipin na wala akong alam sa mga pinaggagawa mong kalokohan dito. Ang amnesia?” tumaas ulit ang boses ng ama. "Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo 'yon? Take responsibility of it! Habang nasa lupa ka aalisin ko ang kapangyarihan mo. You will live here like human. That’s a punishment."

"Fuck –” napangiwi siya ng batukan siya ng papa niya.

"Stop cursing.”

“Pa naman, you can’t do this to me.” He groaned.

“Of course, I can, my son.”

‘Yon lang at nawala na ito bigla. Marahas na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at naingat ang mukha sa madilim na kalangitan. Stars aligned to formed the word BEHAVE na may exclamation point pang kasama. Napabuga siya ng hangin.

“Seriously?!”



NAABUTAN ni Allysa si Lance na naglalagay ng band aid sa isang daliri nito sa sala. Naawa naman siya sa itsura nito. May band aid din ito sa mukha at braso. Hindi talaga ito sanay sa gawaing bahay pero ginawa pa rin nito lahat ng mga pinag-uutos niya na walang reklamo. Feeling niya tuloy ang sama-sama niya.

Kahit na nahihirapan na ito kanina ay nakangiti pa rin at kumakanta ito. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya masasabi kung ganoon ito dahil mahal nito si Alyce, since wala naman itong naalala. Gusto niyang isipin na tinitiis nito lahat ang pagpapahirap dahil sa kanya.

Lumapit siya kay Lance at naupo sa tabi nito.

"Al," nakangiting lingon nito. “Bakit?”

"Ako na,” inagaw niya rito ang bagong band aid na kinuha nito at pinihit ito paharap sa kanya. Siya na mismo ang naglagay nun sa isa pang daliri nito. He has so many blisters in his fingers. Nakonsensiya na tuloy siya. “Pinahirapan na nga kita, heto at nakangiti ka pa rin."

"I don’t want to complain.”

"Magreklamo ka kasi 'di mo alam kung bakit pinahirapan kita ngayon."

Umayos ito ng upo sa tabi niya. Inabot nito ang isang kamay niya. Naingat niya tuloy ang tingin sa mukha nito dahilan para magtama ang mga mata nila.

"Alam ko na," tumaas bigla ang kilay niya. "Binitin kita kagabi." Natawa ito pagkatapos.

“Hindi ah.” Kaila niya. Pero she felt a bit embarrassed by Lance’s answer. She concealed it by acting unaffected. Oa mo kasi Allysa kaya hayan. Napa-acting ka tuloy. Ganda ka ‘te? “Napag-trip-an lang talaga kita.” Dagdag pa niya.

"Iba ka rin man-trip eh.” Natatawang yumakap ito sa kanya at inihilig ang ulo sa isang balikat niya. "Hindi biro ang pinagawa mo sa akin ngayon. Pero okay lang, ‘di naman ako nakaramdaman ng inis. It’s kind of weird, pero natatawa lang talaga ako. Pero Al naman, huwag mo na ulit ipalinis sa akin ang buong bahay. Tubuan ka naman ng konsensiya para sa asawa mo.”

Natawa siya. Tinapik niya ang isang pisngi nito na hindi ito tinitignan. Mabilis na ibinaling niya ang mukha kay Lance nang maramdaman niya ang pag-angat ng ulo nito mula sa balikat niya. Bumakas ang pagtataka sa mga mata nito depite his worn out face and slouch shoulders dahil sa buong araw na paglilinis.

“Bibigyan kita ng three kinds of dishes.” May ngiting wika niya. “Pambawi ko sa’yo.”

"Mabubusog ba ako niyan?” he smiled while asking.

She nodded before cupping his face with her hands. Their gaze met. “Entrée,” hinalikan niya ito sa noo. “Main course,” hinalikan niya naman ang magkabilang pisngi nito. “And dessert,” she gave him a quick kiss on the lips. Sumilay ang isang malaking ngiti sa mukha ni Lance.

“I want to order more,” bigla-bigla ay sinapo nito ang likod ng ulo niya at siniil nang mariin na halik sa mga labi. Kusa niyang naipikit ang mga mata at dinama ang tamis ng mga halik nito. She opened her mouth for him to taste and devour as she kissed him back with so much passion and willingness.


"MAY balita na ba kay Alyce?"

"Wala," nahimigan niya ang inis sa boses ng ina. "What do you expect from someone who ran away? Kung pinigilan mo sana ang kapatid mo 'di sana mangyayari ang mga 'to. You're really a disappointment Allysa."

Naikuyom niya ang mga kamay. "Ma –"

"I don't want to talk to you anymore. I'll call you when I find Alyce."

End call.

Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. Pumasok siya ng bahay at dumiretso sa music room na sinadyang pinagawa yata talaga ni Lance noong hindi pa ito nagka-amnesia. Syempre para kay Alyce. Napangiti siya nang mapait. Naalala niya ang kakambal. Hindi mo alam kung ano ang sinayang mo Alyce. You left a very special person who can give you all the love in the world.

Tahimik na naupo siya sa bench sa harap ng kulay itim na grand piano. Music was her first love. Hindi nga lang niya seneryoso ang musika dahil sa kambal na si Alyce. She doesn't want to compete with her. It just don't feel right. She would always feel the need to not compete with Alyce. She had seen the worst of her, and she doesn't want to see that again.

Naabutan ni Allysa na umiiyak ang kakambal sa kwarto nito. Napansin niya na na wala ito nang mag-request ang papa nila na tumugtug siya para sa mga bisita.

"Alyce?"

"I-iwan mo ko Allysa." Hikbi nito. "I need... to be alone."

"A-Anong bang problema?" tanong niya. Lumapit siya sa kakambal. "Bakit ka umiiyak?"

"I hate you." Nagulat siya sinabi ng kakambal. Bakas sa mukha nito ang galit. Nasaktan siya. "I can't understand why Papa prefers you than me. Lagi na lang ikaw ang sinasabi niyang magaling. Lahat ng tao, pati si Mommy, at ang mga teachers ko sinasabing mas magaling ako kaysa sa’yo. Pero bakit kay Papa, hindi? Ano bang meron sa’yo?!"

"A-Al?"

"I don't like it. Ayokong i-kumpara sa’yo."

"Alyce –"

Hinuli nito ang tingin niya. "Please don't compete with me Allysa."

"Al, hindi naman ako –"

"Just don't compete with me!"

Simula noong mga bata pa sila ay hindi na siya kailanman gumawa ng mga bagay na gusto nito. Siya na mismo ang umiiwas. It works better for me.

Binuksan niya ang takip ng piano keys. Madalang na lamang siyang tumugtog ng piano. Mabibilang na lang yata sa kamay. She missed the feeling; the freedom of playing the piano without any hesitation and fear. ‘Yong wala ang takot na baka masaktan niya si Alyce o mapagalitan siya ng mama niya. She remember, sneaking inside the music room noong high school siya. Kapag nalulungkot siya at wala siyang makausap, itinutugtog niya lahat ng mga kalungkutang naipon sa puso niya.

Laging sinasabi ng kanyang ama noon na may puso siya kapag tumutugtog. 'Yong hindi pilit. 'Yong hindi pinipigilan. 'Yong may puso na malaya. Napapangiti siya sa tuwing sinasabi sa kanya ‘yon ng kanyang ama. Nararamdaman niya sa mga salita nito na espesyal siyang tao.

Humugot siya nang malalim na hininga. As soon as she felt the keys on her fingers she started playing her heart out.

Can't Help Myself Falling In Love With You - her own piano version.

She loves playing that song. It's one of her favorites. Lagi niya 'yong pinapatugtog kapag malungkot siya. Kapag mag-isa siya sa bahay. Playing the piano has always been her source of comfort – her happiness.

And when she finished the music piece hindi niya mapigilan ang mapangiti. Nagulantang siya sa pagpalakpak ng kung sino.

"Lance!" natutop niya ang dibdib sa gulat.

"Wow!” namilog ang mga mata nito sa sobrang pagkamangha. "That was beautiful Al.” Nakangiting lumapit ito at naupo sa tabi niya. "So that explains why we have this grand piano in the house. Mabubuhay mo na ako sa pagtugtog mo." He grinned. "Misis buhayin mo na lang 'tong gwapo mong mister."

"Ikaw ang bumuhay sa akin. Ikaw 'tong mayaman."

“So pinakasalan mo lang pala ako dahil mayaman ako?"

"Tsk, akala ko pa naman 'di mo mapapansin." Biro niya na may tawa.

"Ang sama mong misis." He made a face. Darn, cute. Hindi niya mapigilan ang mga kamay na ikulong ang mukha nito sa mga palad niya. “Inaapi mo na naman ako.”

Natawa siya. "Mag-date tayo bukas.”

Kumislap ang mga mata ni Lance. Ibinaba nito ang mga kamay niya. Ito naman ang humawak sa magkabilang braso niya.

"Date? Sinong gagastos?" he chuckled.

“Syempre ikaw.”

"Al,” ibinaba nito ang mga kamay niya saka hinawakan ang isang kamay niya. Tinapik-tapik nito ang likod ng isang kamay niya habang nag-iisip. “Let's have a kind of date na medyo kakaiba. Kunwari wala tayong budget. Kailangan nating maka-survive ng buong araw kahit na wala tayong budget. Ano sa tingin mo?” ibinalik nito ang tingin sa kanya na may ngiti. “I think, it’ll be fun."

"Kahit saan basta dala mo ang credit card mo.”

"Wala ka bang tiwala sa akin?” natatawang tanong nito.

She rolled her eyes at him. “Duh, mahirap pong umuwing gutom.”

Malakas na tumawa si Lance. Pabirong sinuntok niya ito sa braso. Natawa lang ito nang husto. In the end, she found herself smiling while looking at his happy face. Tila musika sa kanyang tainga ang masayang tawa ni Lance. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtitig dito. Kung sakali man, gusto niyang baunin ang mga masasayang alaala na ‘yon sa kanyang pag-alis.


I always find Al mysterious. Ewan ko, pero parang may iba talaga sa kanya. Kahit na lagi siyang nakangiti, still, I can see a glimpse of sadness in her eyes. I don't know why, but I want to take that sadness away from her. I want to make my wife happy. And that song seems familiar to me. Saan ko nga ba 'yon unang narinig? – Lance

I can't help myself falling in love with you Lance. – Al


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE