Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruin by lies and selfishness. Will he be able to save their happy ending or make things worse?

HEAVEN time is different from Earth time. Their years are only half a day for them, their days are merely just minutes and their months are only just hours. He had already witnessed a lot of things that happened on Earth but he wasn't allowed to do anything. Really? Well, ‘yon ang sabi ng ama niya, who’s known to his famous name on earth as Mr. Destiny.

Wala siyang amor sa trabahong 'yon not ‘till he overheard his father and Keeper, his father’s obedient assistant talking behind his back. He knew it! Alam niyang pwede niyang gamitin ang kapangyarihan niya. Just that, his father doesn’t trust his way of judgment.

According to the law of Destiny, Darwin Jezrael Fate, the handsome son of Tandang Tadhana has the right to spread love and happy endings. Bawal ang bitter sa diksyunaryo ni Darwin. He will ship all deserving couple with our without the consent of his father. ‘Cause he is that great and awesome!

Inisa-isang tignan ni Darwin ang mga larawang tila lumulutang na nakadikit sa transparent wall ng malaking silid ng Destiny's Department, specifically the Love Room. Nagsilbi ‘yong malaking TV sa apat na sulok na silid na ‘yon. The pictures are connected with the red strings of fate.

There are actually three destiny rooms: the love, career, and death. Ang tatlong 'yon ay pinamamahalaan ng ama niya. He was assigned with the love room, the two other rooms are managed by his two older siblings. Dreanna for career and End for death. But as of now, ginawa pa siyang secretary ng kanyang ama. Again, wala raw siyang fair judgment at mas kritikal daw ang usaping pag-ibig. Edi wow!

Pinagdaop niya ang dalawang kamay sa likod at pinakatitigan ang mga mukhang pinagko-connect ng mga red strings. He leaned closer to this one particular pair. Kumunot ang noo niya dahil 'tila nawawala ang kulay ng string na nagkokonekta sa dalawa.

"Keeper," tawag niya sa assistant ng ama niya.

"Oh bakit Darwin?" mabilis naman siya nitong nilapitan. Kipkip nito ang isang modern type of clip board na hindi pa nailalabas sa Earth. It was similar to a tablet with the same size and design of a clipboard. "May problema ba?"

"Nagtataka ako, kasi matagal ko nang napapansin na may mga red strings na nawawala. Look at the red strings of these two." Itinuro niya ang papawalang connection ng dalawa. "The red strings of these two are fading. I've seen like this before some remain and some just vanished."

"Hmm," may kung ano itong tinignan sa tab nito. Lumabas ang hologram profile ng tinutukoy niyang couple mula sa clipboard nito. "Allysa Alonzo and Lance del Valle." Usal nito bigla. "Oh, something happened with their fate lines just an hour ago."

"What happened?"

"I've checked the screens kanina, there was a misunderstanding. It was cause by Allysa’s identical twin Alyce, who is driven by her own greed and selfishness.”

“But why is it fading? Does that mean, wala na silang pag-asa na dalawa?”

"It depends, humans are unpredictable.” Keeper shrugged. “Hindi lang naman ito ang unang case ng mga fading red strings. Wala naman tayong magagawa roon dahil nasa itaas pa rin ang huling pasya. Human minds are complicated, only the Supreme Being can understand them.” Tukoy nito sa creator ng dalawang mundo. “So I don’t question why things turns out bad or good for them.”

Naigala niya ang tingin sa buong paligid. There are trillions of pair occupying the whole big screen, but here he was, stressing himself with one pair. At nabubwesit pa siya sa mga sagot nitong si Keeper. May point naman ito but what he don’t agree with is, how could an innocent people suffer the effect of someone’s selfishness? That’s absurd!Noon pa man ay ‘di na niya gusto ang mga ganoong eksena.

"Keeper," naibaling ulit nito ang tingin sa kanya. "What will happen to them now?”

"Well,” napabuntong-hininga ito nang ibaling ang tingin sa fading strings ng dalawa. "I'm not sure with their fates now. I do hope these two can make the strings red again 'cause some just don't… and when that happens, their fates will refresh and may either bring them regrets or happiness.”


Once he set his mind to a certain couple. He would do everything just to give them a happy ending. So far, wala pang pumapalpak sa mga love schemes and love schedules niya. Ngayon lang niya ‘di nagugustuhan ang mga nangyayari sa buhay nila Allysa at Lance. Everything are getting out of hand. May pagkakataon na naiisip niya kung magiging masaya pa ba si Allysa o mas pinalala lang niya ang lahat.

He didn’t manipulate the accident, it was bound to happen. He was only liable with the lost memories of Lance. He thought that once he remove Lance’s memories, both of them can start anew, but he was wrong. He failed to see and consider the people around them. He forgot Alyce, Allysa’s mother and Lance’s family. Mas nag-focus siya kay Allysa at Lance.

Akala niya ay nagbalik na ang pulang linya na kumukonekta sa fate line nila Lance at Allysa but this time, hindi na niya nagugustuhan ang paminsan-minsang pagkawala ng pulang linya. Akala niya noon ay namamalikmata lamang siya pero napapadalas na ang pagkakawala ng pulang linya. May pagkakataon na ilang oras niyang hindi nakikita at nararamdaman ang fate line ng dalawa. Doon siya kinakabahan.

Marahas at mabigat siyang napabuntong-hininga. Ngayon lang yata ako na blanko nang ganito. I never had this big dilemma before. He don’t want to admit it pero hindi niya gusto ang naiisip na kahahantungan ng lahat lalo na’t – 

"Mukhang napapadalas ang mga malalim na buntong-hininga mong 'yan, anak." Bigla niyang naiangat ang mukha at naibaling sa gawi kung saan nanggaling ang boses ng ama. "Hmm," iginala nito ang tingin sa buong opisina niya. Kumunot ang noo nito. “Kailangan ba talagang i-display mo pa ang malaking larawan ko sa opisina mo?” itinuro nito ang lumang-luma ng larawan ng ama na nakasabit sa itaas ng pader sa likod ng working table niya. Sa huli ay natawa lang ito.“That would scare people away.”

"Anong ginagawa n'yo rito?" sa halip ay tanong niya.

Ngumiti ito bago tinignan ang hand pocket watch nito na lagi nitong hawak. It was like the vintage clock na ginagamit pa noong 16th century. "I have 20 minutes to bond with you my son." Ibinulsa nito ulit ang orasan nitong hawak. "How's Allysa and Lance?"

"How would I know?" tumayo siya at lumipat sa malaking bintana at namulsa. Mula roon ay natatanaw niya ang mga tao sa labas. He could vividly see the red strings of people walking on that street. "Dapat pa nga ako ang magtanong sa’yo niyan." Sumunod ang ama sa kanya. "

"Wait a little longer my son.” His father gently tapped his shoulder. “You'll understand.”

"Pero hanggang kailan? Why do they have to suffer like that kung sa huli wala naman lang din silang makukuha? I just can’t stand there knowing I can still do something for them.”

"Nothing is fair in this world. They have their minds of their own, Darwin. We may know everything but we cannot forced them. We set their destiny but they're the only right person who can decide who gets to stay in their lives." Naibaling niya ang tingin sa ama. "Sometimes the wrong choices will bring us to the right places… or maybe not."

"Hindi mo pa ba ako pababalikin sa itaas?"

"I’ve had enough of my scolding. I will let you decide on your own now.”

"Pa,” his father glanced at him. “Ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayon?"

"Remember Darwin, hindi ito isang drama. It's unpredictable. It can change. It may end now or tomorrow or it may continue, who knows? Only time will tell my son.”



"CLOSE your eyes first." Allysa eyed Lance suspiciously. Sinbukan niyang silipin ang itinatago nito sa likod pero madali nitong natakpan ang mga mata niya gamit ng libreng kamay nito. "Ay ang kulit, ha?" natatawang reklamo ni Lance sa kanya.

Nakangiting inalis niya ang kamay nito. "Ano ba kasi 'yan?"

"Surprise nga,” pinihit siya nito patalikod rito gamit pa rin ng isang kamay nito. "Sige na, ipikit mo na ang mga mata mo."

This time tumalima na siya at ipinikit ang mga mata. "Oo na, nakapikit na po."

"Good," naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa may tainga niya pababa sa likod ng kanyang leeg. "Do not open your eyes until I said so."

She nodded. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang tila malamig na bagay na isinuot nito sa leeg niya. Umakyat ang isang kamay niya sa bagay na 'yon hanggang sa makapa niya ang isang pendant na tila pahaba na oval.

"Ano 'yan?" mayamaya ay tanong ni Lance sa kanya. "Bawal tamang sagot."

Natawa siya. "Siomai?"

Malakas na napahalakhak si Lance. "Nice try, you can now open your eyes."

She opened her eyes. "Wow!" napasinghap siya sa gulat. Ang ganda! Masayang hinarap niya si Lance. "Lance ang ganda." She couldn't contain her happiness. Ang laki-laki ng ngiti niya.

Yinuko siya nito. "I know how you love baby’s breath that's why I made a similar one for you." There were three baby’s breath in different colors encased in a small tear drop glass na siyang pendant nito. It was like a pendant version of Beauty and the Beast's glass rose. "Wait here, patayin ko lang ang ilaw."

"Huh?"

"You'll see," iniwan na siya nito at pinatay ang ilaw.

"Lance!" natutop niya ang bibig sa sobrang pagkamangha nang umilaw ang pendant. "It's so beautiful." Halos pabulong na niyang sabi.

Nakabalik na ito sa harap niya at sabay nilang tinignan ang umiilaw na pendant.

"I hope you like it."

Pag-angat niya ng tingin rito ay nakatingin na ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata at sabay na napangiti.

"This is beautiful Lance. I love it." Tinawid niya ang distansiya sa pagitan nilang dalawa at patingkayad na ginawaran ito nang mabilis at magaan na halik sa labi. "Thank you."

Mabilis na hinaplos nito ang pisngi niya.

Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. "I want you to wear that always Al." Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. I will Lance. I will keep this forever. Pasimple niyang pinahid ang mga kumawalang luha sa mga mata. "If my memories comes back and I may forget this moment. Makita ko lang na suot mo ang kwentas na 'yan. I will surely remember you."

Lance? Bahagya nitong inilayo ang mukha nito sa kanya. Lance wrapped his arms on her waist and pulled her closer without tearing his eyes on her. Pareho silang nakangiti sa isa’t isa.

"Oh," palatak niya nang may maalala siya. "May gift ako sa’yo. Pero saka ko na ibibigay sa birthday mo." Aniya na may kasama pang kindat.

"Sige, pero dapat may pa unang gift ka muna sa akin." Mabilis na dinala niya sa labi ang isang daliri nang akmang hahalikan siya nito. Napahagikhik siya nang lumapat ang labi nito sa daliri niya at hindi sa mismong labi niya. "Tease!" natatawang akusa nito.

Muli nitong inilayo ang mukha sa kanya. He tilted his head while looking at her. May naglalarong ngiti sa gwapo nitong mukha. They stared at each other for awhile hanggang sa magsalita ito.

"You know I can stare at you all night."

"Uh-huh? Let's see," she smiled at him seductively.

"Ahm," he chuckled. "It depends –" she cut him off and threw her arms around his neck and kissed him hard on the lips. Kusang pumikit ang mga mata niya. Naramdaman niya ang pag-ngiti nito nang tugunin nito ang mga halik niya.

"Al," he moaned and deepened the kiss.

She felt his hands on her butt. Humigpit lang ang yakap niya sa leeg nito nang iangat siya nito mula sa sahig. She firmly wrapped her legs on his hips. They were hungrily kissing each other, totally ignoring the dimness of the living room. But none of them cared about that, lalo na't busy sila sa isa't isa.

Naipikit niya ang mga mata at dinama ang bawat halik nito sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg. Tila ba sinisilaban nito ang buong katawan niya sa bawat halik at haplos nito. Sinapo nito ang kanyang panga at muling siniil ng halik.

"Lance," anas niya. Napaungol siya nang pailaliman nito nang husto ang halik. Darn, she was already breathless with his kisses.

"Darn, Al." Maingat siya nitong inihiga sa sofa. "Okay lang ba tayo rito?" natatawang tanong nito habang hinahalikan siya. He tried to fit himself on top of her, straddling his feet on hers. "T-This is crazy." He chuckled.

"Lipat na lang tayo mamaya." Nakangiting sabi niya. "Now let's take this shirt off." Marahang dinama niya ang dibdib nito pababa sa puson nito hanggang sa ipasok niya ang mga kamay sa loob ng damit nito.

Lance moaned in pure torture. "So you want the couch this time?"

Natawa siya. She arched her back and gave her a quick kiss to answer his question. "Alisin mo na natin damit mo mister." Ulit niya na may mapanuksong ngiti. "Idagdag natin 'to sa labahin bukas."

Lance couldn't help himself but laugh. "I'll help you with the laundry tomorrow, Hon. But first let's just…” bumabang muli ang mukha nito, ilang hibla na lang ang layo sa mga labi niya.

"Ano?" she teased, slowly pulling his shirt up.

"Screw everything Al. I want you tonight on couch or in bed.”




"ANO tapos ka na ba?"

"Teka lang!” Nagmadali siyang tapusin ang last letter niya. Napangiti siya nang matapos niya ang sulat. "Done! Teka lang ipapasok ko lang sa jar."

"Okay na siguro 'to."

Naingat niya ang mukha kay Lance dahil nakasalampak siya ng upo sa damohan. Ibinaba ni Lance sa lupa ang pala na ginamit nito sa paghuhukay katabi ng hindi pa namumukadkad na bougainvillea tree. Pinunasan ni Lance ang pawis sa noo bago sumalampak ito ng upo. Inabot nito ang sariling jar at sinipat ang loob nun na punong-puno na rin ng nakarolyong sticky notes.

"Ano ready ka na?" nakangiting tanong nito.

She nodded with a smile. "Let's read this after ten years, okay?" sinapo nito ang likod ng ulo niya at kinabig palapit para gawaran ng halik sa noo.

"Deal," he then playfully pinched her nose.

They decided to bury their first batch of memories in the front garden. Puno na ang mga ‘yon kaya naisipan nilang ilibing na ang mga ‘yon para madagdagan pa ang mga ‘yon. Lance dig a deeper hole enough for long and wide metal box of assorted party biscuits na ginawa nilang time machine for their memory letters. He buried the empty can first. Sabay naman nilang ibinuhos ang laman ng mga jars nila sa loob ng can.

Parang mga batang kinamay nila ang lupa at pinagtulungang takpan ang inilibing nilang metal box.

"Ang taas naman ng ten years Al."

"Fine, let's have another option."

"Ano?"

"Kapag may tumubong bulaklak sa lugar kung saan natin ibinaon ang mga memories we can read the letters. Pero kapag wala namang bulaklak na tumubo, then ten years it is."

"I doubt it,” Lance grimaced. “May pag-asa pa sana kung may tinanim tayo rito. What about this tree," turo nito sa dahon pa lamang na bougainvillea. "Hintayin nating mamukadkad.”

Natawa siya. "Hey, nothing is impossible in this world.” May pagmamalaki sabi niya rito. “Malay natin, diba?” binigyan niya ito ng malaking ngiti. "But fine, kung wala, 'di 'yong bulaklak na lang ng bougainvillea."

Sa huli ay natawa ito. “Whichever comes first.”

Nagpatuloy ulit si Lance sa ginagawa nito. Hindi niya naman mapigilan ang sariling mapatitig dito. There was a smile on his face while shoving more soil on the hole he had made for their time machine memories.

I wish I’m still here when that time comes. I want to read your memories about me. I want to know if I was able to make you happy. Naalala niya ang maikling tawag ni Alyce noong isang linggo. Bagama’t ‘di na ulit tumawag si Alyce, alam niyang malapit na… malapit nang magbalik ang kakambal. And when that time comes… kailangan na rin niyang mawala nang tuluyan sa buhay nito, so Lance can start anew.

No more lies. No more Allysa. Then he could love someone new. Nawala ang ngiti niya nang maramdaman ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Mabilis na pinunasan niya ang mga ‘yon.

“Al? Are you crying?” may pag-aalalang tanong ni Lance sa kanya.

“Wala, napuwing lang ako.” Sagot niya na may kasamang tawa. “Wala ‘to.” May ngiting ibinaling niya ang mukha rito. “Dalian mo na riyan at mag-go-grocery pa tayo mamaya.”



MULA sa loob ng Dolce Fate ay kitang-kita ni Allysa ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Nasa second floor siya ng café at naka upo malapit sa glass panel wall ng naturang café. Sumabay pa sa ulan ang pangungulit ni Darwin sa kanya na isama niya ito sa birthday ni Lance.

Ibinilin niya kasi kay Darwin ang ginawa niyang pinhole camera kaya kinailangan niyang daanan ‘yon sa café bago siya pumunta sa bahay ng mga del Valle kung saan isi-celebrate ang birthday ni Lance. Mag-ta-taxi na lamang siya papunta roon at may dinaanan pa si Lance.

"Hindi ba talaga ako invited sa birthday ng my loves mo Allysa?" paulit-ulit na tanong ni Darwin sa kanya. Nangulambaba ito sa harap niya. "Hindi ka ba naawa sa akin?"

Darwin gave her a sad puppy face.

"Hindi kita pwedeng imbitahin dahil wala namang nakakakilala sa’yo."

"Sabihin mo na lang ex mo ko."

"Ayoko," isinilid niya sa paper bag ang gift niya kay Lance.

"Ex ni Lance." She glared at him. "Ex housemate ni kuya." Mabilis na bawi nito. "Jus ko! Natatakot talaga ako sa mga tingin mong 'yan Allysa."

"Matakot ka sa tingin Darwin." Done! Handa na ang gift niya. Ibinaling niya ang tingin kay Darwin."Magdadala na lang ako ng food bukas. Dadalhan ko kayo nila Mang Kaloy at Chu-Chu."

"Agahan mo dahil maaga silang uuwi bukas para sa Noche Buena."

"Opo,"

"Mukhang masaya ka?"

"Ito kasi ang unang beses na makakasama ko si Lance sa birthday niya at ang unang beses na sasalubungin ang pasko na kasama siya at ang buong pamilya niya." Mapait na napangiti siya. "Simula kasi nang mamatay si Papa hindi ko na naramdaman ang totoong saya ng pasko o kahit man lang ang excitement kapag papalapit na ang birthday ko."

"Allysa, tama na 'yan wala akong reserbang tissue."

"Baliw!” ingos niya. “Huwag na nga." Tinawanan lang siya ng loko. "Ikaw saan ka bukas? Hindi ka ba uuwi sa inyo?"

"Malayo ang amin… mga ilang milky ways pa."

"Saan nga?”

"Malayo nga. Alien nga ako, diba?"

"Ewan ko sa’yo," pero napapansin niyang iba ang tingin ni Darwin sa kanya. Hindi naman ito dating ganun. Ngayon para bang may gusto itong sabihin pero itinatago lang nito. Hinuli niya ang tingin nito. "Tapatin mo nga ako Darwin. May gusto ka bang sabihin sa akin?"

He shook his head. "Saka na," kapagkuwan ay ngumiti ito at inabot ang baso ng kanina pa nitong iniinom na iced tea. "Malalaman mo rin naman."

"Ang weird mo,”

"I always am,” he chuckled. “Anyway, anong oras ba ang party sa bahay ng mga del Valle?"

"Mamaya pa, pero mauuna na ako kay Lance. May dadaanan pa kasi siya kaya dumiretso muna ako rito para kunin 'tong regalo ko sa kanya."

Bumaba naman ang tingin nito sa may leeg niya. "Ganda ng necklace mo ah. Saan mo ninakaw?"

"Inggit ka?”

“Maganda,”

“Bigay sa akin ‘to ni Lance.”

"Naks, exchange gift sila."

May ngiting hinawakan niya ang pendant. "Ito lang yata ang hindi ko pwedeng ibalik sa kanya Darwin. Kaya kapag bumalik si Alyce bahala siya sa buhay niya."

"Hala ka, gumaganti si Allysa."

"Hindi nam –"

"Boss!" sabay silang napalingon sa may-ari ng boses, si Chu-Chu. Nasa landing ito ng hagdanan. Madaming dalang baso na nakapatong sa itim na tray nitong dala. "Pwede bang paki-abot na rin ng mga baso n'yo para malinis ko na rin."

Madaming tao sa café ngayon, knowing na isang linggo pa lamang ang lumipas simula nang mag-grand opening ang Dolce Fate. Busy tuloy masyado si Chu-Chu kahit manager na ito ng café dahil iilan pa lamang ang mga in-hire ni Darwin na mga staff. Nag-mu-multitasking tuloy ito.

"Balikan mo na lang –"

"Ay hindi," kontra niya. "Ako na, ubusin mo na 'yang iniinom mo."

"Hindi na, 'yong sa’yo na lang ang ibigay mo."

"Sige," nilingon niya si Chu-Chu. "Wait lang." Tumayo siya at madaling hinawakan ang baso pero dumulas 'yon sa kamay niya at nahulog sa sahig. Lumikha 'yon nang malakas na tunog. Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla.

Inangat niya ang tingin kay Darwin. Hindi ito nakangiti. Seryosong-seryoso ang expression ng mukha nito na tila ba nagpapahiwatig na may masamang mangyayari. Hindi niya madalas na makita ang ganoong ekspreksyon ng mukha na ‘yon ni Darwin, kaya lalo lamang siyang kinabahan.

Kinalma niya ang sarili.

"Okay lang 'yan Ma'am Allysa," ni Chu-Chu. "Tatawagin ko si Piolo para linisin ‘yan.”

"S-Salamat,"

Pero hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha ni Darwin. Hindi niya agad tuloy ma kalma ang sarili. Bakit Darwin?

"Darwin?" pukaw niya. "Okay ka lang–” bigla namang tumunog ang cell phone niya sa itaas ng mesa. Sabay na napatingin silang dalawa sa tumatawag. Pasimpleng niyang ikinuyom ang isang kamay para maibsan ang panginginig ng mga kamay niya.

Ito namang si Darwin tila hinihintay lang ang susunod niyang gagawin. Kumalma ka Allysa, ano ba?! Baso lang 'yon. Sinubukan niyang ngumiti.

"Hoy, babayaran ko 'yon. Huwag ka nang ma-i-stress diyan." Sabi niya rito sabay abot ng cell phone. "Sasagutin ko lang 'to." Lumayo siya nang kaonti para sagutin ang tumatawag. Mama 'yon ni Lance. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hello Ma –"

"Al na saan ka?!" may pag-alala sa boses nito.

"Bakit po? Papunta na ho ako riyan."

"Naaksidente si Lance habang nagmamaneho." Iyak ng ina nito. “Nabangga ang kotse niya sa gilid ng daan.” Nanghina siya bigla sa narinig. Hindi niya sinasadyang mabitiwan ang cell phone.

"Allysa?”

Hilam ng mga luha na nilingon niya si Darwin. "I-I need to go. Naaksidente si Lance. Kailangan ko siyang puntahan Darwin."

"Ihahatid na kita. Halika na."




LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Allysa nang makarating sa ospital. Hinanap niya agad kung na saan si Lance pero ang sabi ay nasa loob pa raw ito ng operating room dahil sa mga natamo nitong sugat. Hindi niya mahanap ang mga magulang nito. Hindi na rin niya nagawang tumawag dahil tulirong-tuliro na siya.

Dios ko, sana okay lang po si Lance. Parang awa n'yo na. Iligtas n'yo lang siya ay itatama ko na ho ang lahat. Natigilan siya bigla nang makita ang isang pamilyar na babae sa labas ng operating room. Alyce?

Nandito si Alyce? Natigilan din ito nang makita siya. Mabilis na lumapit ito sa kanya.

"Alyce?" halos pabulong na niyang tawag.

Nagulat siya nang hawakan nito ang braso niya. "Anong ginagawa mo rito?" mariing tanong nito sa kanya na tila ba dapat hindi na siya pumunta sa ospital.

"Si Lance?" naalala niya si Lance. Kailangan niyang makita si Lance. "Kailangan kong makita si Lance –" akmang lalagpasan niya ito nang muli nitong mahawakan ang braso niya. Napatitig siya sa kakambal.

"Allysa hindi mo na kailangang magpanggap! Nandito na ako. Ako na ang mag-aalaga kay Lance." Hindi siya agad nakapagsalita. Pero hindi niya naman mapigilan ang mga luha niya. "Umalis ka na bago ka pa makita ng mga magulang ni Lance."

"Alyce, kahit isang beses lang." Hinawakan niya ang mga kamay nito at nagmakaawa. "Makita ko lang siya ng huling beses at masigurong maayos siya ay aalis na ako.”

"Allysa," marahas na pinalis nito ang mga kamay niya. "Stop. Hindi ikaw ang asawa ni Lance. Alam ko na malaki ang utang na loob ko sa’yo pero sana naman i-respeto mo rin naman ang nararamdaman ko.”

"Alyce –" bumaba ang tingin nito sa kamay niya.

"Akin na 'to," hinawakan nito ang kamay niya at bigla na lang nitong kinuha ang sing-sing sa palasing-singan niya. "It’s mine in the first place." Umangat naman ang tingin nito sa suot niyang kwentas. "Bigay rin ba 'yan ni Lance?"

Mabilis na inilagay niya sa loob ng damit niya ang kwentas. Matapang na tinignan niya ito ng diretsa sa mga mata. "Hindi,” mabilis na sagot niya. “Matagal ko nang suot 'to." Pinilit niyang pinatatag ang boses. Hindi niya kailanman ibibigay ang kwentas na ‘yon. Sa kanya ‘yon. Bigay ‘yon ni Lance para sa kanya.

Pero gusto niya pa ring makita si Lance kahit sa uling pagkakataon man lang. She wanted to check if Lance’s fine and well. Kapag nasiguro niyang ligtas na ito sa kapahamakan ay aalis na siya.

Kagat labing lumuhod siya sa harap ni Alyce.

“A-Allysa?”

“Please Alyce, just this once.” She sobbed. “Kahit sa huling pagkakataon makita ko man lang si Lance. Nagmamakaawa ako sa’yo.“

"Umalis ka na Allysa, please. Ayoko na ng gulo."

"Hindi naman ako manggugulo –" napasinghap siya nang biglang may humaklit ng braso niya para pilit siyang patayuin. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya ang galit na galit na mukha ng ina. "M-Ma?"

"Ano pa bang ginagawa mo rito Allysa?! Umalis ka na.” Pagtataboy nito, bahagya siya nitong itinulak palayo mula sa braso. “Nandito na ang kapatid mo. Tapos na ang trabaho mo rito. Wala ka ng lugar dito."

"Aalis naman talaga ako!” hindi niya naiwasan ang pagtaas ng boses. “Gusto ko lang namang malaman ang kalagayan ni Lance."

"Para ano pa?!"

"Please Allysa," pagmamakaawa ulit ng kakambal niya. "Umalis ka na. Huwag ka nang maggulo pa. Do it for Lance. I’ll take it from here."

Pagod na pagod na siya. Gusto niyang lumaban pero wala ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Iyak na lamang siya nang iyak.

"Umalis ka na,” hinablot ng ina niya ang isang braso niya at pilit siyang inilayo mula sa lugar na ‘yon. "Huwag ka ng bumalik pa." Dagdag pa nito. "Huwag ka na ulit magpapakita pa.” Lance, sorry. Sana ay mapatawad mo ako. “Umalis ka na Allysa.” Marahas na binitiwan siya ng kanyang ina at muling itinulak palayo. Muntik na siyang masubsob sa sahig mabuti na lamang at napahawak siya sa pader. Iyak pa rin siya nang iyak.

“B-Bakit?” iyak niya. “Bakit ba gusto n’yo akong mawala sa buhay n’yo? A-Ano bang nagawa kung kasalanan? B-Bakit… B-Bakit ‘di n’yo ako magawang mahalin?” Sobra-sobra ang paninikip ng dibdib niya dahil sa matinding pag-iyak. Napahawak siya sa dibdib para kumuha ng lakas. “A-Ayoko na…t-tama na… pagod na ako.”

Pero bakit ang hirap? Bakit ang sakit-sakit pa rin?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE