Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruin by lies and selfishness. Will he be able to save their happy ending or make things worse?

“LANCE runaway?” bulalas ni Darwin.

Naitakip niya ang mga kamay sa tenga sa lakas ng boses nito. Mas OA pa kung maka react ang ‘sang ‘to kaysa sa kanya. Nabulahaw tuloy nito ang lahat ng nagka-kape sa Dolce Fate. Umagang-umaga, Darwin, OA. She told him everything that happened before Lance went missing. She was so upset with Lance the other night. She was so stressed out. Probably the reason why she fainted. Hindi niya nakayanan ang matinding emosyon.

Nagising na lang siya sa isang private room sa isang ospital kinaumagahan. Ni note ay wala siyang nakuha mula rito. Hindi niya maiwasang mainis at masaktan sa biglang pagkawala nito. Pagkatapos niyang ipagtapat ang tungkol sa pagbubuntis niya ay nilayasan lang siya ng walangya.

Tatlong araw na ang dumaan. She hadn’t heard anything from him yet. Unbelievable! Napa-iling-iling na lang talaga siya.

“Did you tried calling him?”

“He wont pick up his phone.”

“Have you tried calling his mother?”

“Why would I do that? Matagal na akong walang communication sa family ni Lance. At saka, ‘di naman ako naghahabol sa kanya. I did my part. I told him that I’m pregnant with his child. He can’t use that to me anymore dahil hindi ako naging selfish na ina. Malinaw na malinaw ‘yong sinabi ko sa kanya. Hindi ko siya ino-obliga na panagutan ako. I just want him to know. If that was his decision, then fine with me. Kaya kong buhayin ang anak namin na mag-isa.”

“But why are you so angry? Umuusok na ‘yang ilong at tenga mo. Akala ko ba, ‘di ka affected? You seem like you’re about to explode.”

“Well, you can’t blame me.” Kumalma na siya. “I didn’t expect him to be this jerk. I’m just upset, okay? Nasasaktan ako para sa anak ko.”

“Ninyo,” pagtatama nito.

“He didn’t want our child.”

“Huwag ka ngang mag-assume agad. Wala naman siyang sinabi na ‘di niya gusto ang anak ninyo. Baka nag-soul searching lang. Huwag mo namang i-judge agad ang asawa mo.”

“Well, he could have said it straight to my face. Hindi ‘yong lalayasan na lang niya ako bigla. Anong akala niya sa akin, manghuhula? How in the hell would I know kung anong tumatakbo sa isip niya?”

“Baka nakakalimutan mong ikaw ang unang nawala na lamang na parang bola.”

“Well, iba naman ‘yong kaso ko. Darwin, nilayasan ako ni Lance pagkatapos kong sabihin sa kanya na buntis ako. Sinong matinong tao ang mag-iisip na nag-babakasyon lang ngayon si Lance?”

“Ako,” itinaas nito ang isang kamay.

Binato niya ng tissue si Darwin. “Isa ka pa e. Magsama kayo ni Lance.”

Tinawanan lang siya ng loko. Kung kailan niya kailangan ng matinong kausap, ‘di niya naman magawang kausapin nang matino ‘tong si Darwin. Hindi niya alam kung, kakampi niya ba ito o hindi. Kasama nga niya ito pero iba naman ipinaglalaban. Tsk.

“Allysa, relax. Babalik din si Lance.”

“How sure you are?”

Darwin shrugged his shoulders. “I don’t know. I guess? Ikaw, ano sa tingin mo? Mas kilala mo si Lance kaysa sa akin. Anong klaseng tao ba si Lance? Sa tingin mo magagawa ka nga ba niyang takbuhan?”

Naglapat ang mga labi niya. Well, Darwin has a point. Hindi ganoong klaseng lalaki si Lance. Kilala niya ito bilang responsableng anak. Kahit noong estudyante pa lamang sila. Lagi itong top sa klase nito at maraming beses na nabigyan ng award for academics and extracurricular activities. Hindi naman kasi ito ang klase na snob at nerd.

Kung titignan kasi si Lance parang ‘di ito ang klase na pala aral at active sa school activities. Kahit noong tumanda ito, he still has his boy-next-door aura. Lance’s is sort of the happy-go-lucky kind of guy pero marunong ilagay ang sarili sa mga sitwasyon.

“O, natahimik ka? Tama ako, no?”

“Whatever,”

He chuckled. “Huwag ka ngang high blood diyan. Huwag mong ipaglihi sa sama ng loob ang mga anak mo. They deserve a happy and positive attitude from their mother.”

Kumunot ang noo niya. Napapansin niyang laging naka ‘their’ at ‘mga’ ang gamit ni Darwin sa tuwing binabanggit ang baby niya. Iniisip ba nito na kambal ang anak niya?

“Why do you keep using ‘their’ and ‘mga’ in your sentences when we talk about my baby?” tanong na niya.

“Am I?” tumawa ito. “Sorry, I’m not really good with sentence construction.”

“Hindi halata,” pabalang niyang tugon. Hindi siya naniniwala.

“Mukha ko pa lang sapat na para pagtakpan ang mga kakulangan ko.”

She can’t help but to roll her eyes at Darwin. Malakas na tinawanan lang siya ng loko. Nag-aalsa na naman ang sang ‘to ng gusali. Hay naku! Ano pa bang bago?




“HOW is she?”

“She’s not really talking that much.” Malungkot na sagot ni Alyce sa kanya. “Sabi ng nurse niya, lagi lang nakatitig sa kawalan si Mama. Paminsan-minsan ay sumisigaw at tinatawag ang pangalan ni Papa. Minsan, may inaaway siya at tinatawag niya sa pangalan mo.” Alyce sighed. “I guess, it’ll take time before Mama can recover.”

Nalaman niya mula kay Darwin ang tungkol sa nangyari sa ina. Agad niyang tinawagan ang kakambal para kompirmahin ang lahat. Halos nawala ang meron sa kanila. Ang academy ay tuluyan nang nakuha ng mga del Valle. Ang academy lang ng ama ang tanging pinagkukunan nila ng yaman. Without the AAAM, the Alonzo’s are nothing.

Hindi ‘yon kinaya ng ina. Nagkaroon ito ng anxiety problem and depression. Hindi ito kumakain at lumalabas ng bahay. Hanggang sa isang araw, nagising na lamang si Alyce sa malakas na sigaw at tunog ng mga basag na bagay na tila sadyang ibinabato ng kanilang ina sa mga pader.

Ilang linggo pa lamang sa mental hospital na ‘yon ang kanilang ina at mukhang matatagalan pa bago ito tuluyang gumaling… na sana ay mangyari. Alam niyang minahal siya ng kanilang ina. Marahil, hindi lamang nito matanggap ang pagkawala ng kanilang ama. Wala itong masisi kaya nabunton lahat ng pangungulila at galit nito sa kanya.

Mali man o tama ang naging reaksyon nito, hindi mababago na ina pa rin niya ito. Oo, nasaktan at nagdam-dam siya pero kailanman hindi nawala ang munting pag-asa sa puso na sana… dumating ang panahon na… mahalin ulit siya ng kanyang mama.

Nilapitan niya ang ina na mag-isang nakaupo sa bench na malapit sa isang malaking puno. Tahimik at malayo ang tingin nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na maawa sa kondisyon ng mama niya. Maganda ang mama niya. She adores her mother’s beauty kahit noong bata pa siya. Para sa kanya, ang mama niya ang pinakamagandang babae sa mga mata niya. Lalo na kung nakangiti.

Ngunit ng mga oras na ‘yon, tila kasamang nawala ng mga panahong lumipas ang sigla at kulay ng magandang mukha ng mama niya. Tumanda ito nang higit pa sa edad nito, gayunpaman ay maganda pa rin ito sa mga mata niya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at pilit na pinigil ang maiyak sa tabi nito.

She hated her own mother for treating her bad. She hated her for making her life miserable. Gusto niyang kamuhian ang ina pero ‘di niya magawa.

Humugot siya nang malalim na hininga para kahit papaano ay mabawasan ang paninikip ng dibdib niya. Natigilan naman siya nang biglang ibaling ng ina ang mukha sa kanya. Lalong nanikip ang dibdib niya nang matitigan ang mukha ng ina. Mama.

“Anong pangalan mo?” tanong nito.

“A-Allysa,” she stuttered in response. “Allysa po.”

Bigla ay may sumilay na ngiti sa mukha nito. “Kapangalan mo ang anak ko.” ‘Di niya napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata. Bumukas ang pag-aalala sa mukha nito sa pag-iyak niya. “Bakit ka umiiyak?” she reached one hand to touched her face.

Umiling siya. “W-Wala po, na m-miss ko lang ang mama ko.”

Muling sumilay ang ngiti sa mukha nito. “Huwag kang mag-alala, na mi-miss ka rin ng mama mo.” Umisod ito ng upo palapit sa kanya at masuyo siyang niyakap. Tila ulan na bumuhos lahat ng mga luha niya nang maramdaman ang mainit na yakap ng ina. Mama! “Walang ina, na ‘di kayang tiisin ang anak.”

Yumakap siya sa ina at lalong hinigpitan ang yakap niya rito. Naramdaman niya ang masuyong paghagod nito sa kanyang buhok.

“Papauwi na sila Allysa at Alyce sa eskwelahan.” Wika nito. “Mamaya samahan mo akong salubungin sila kasama ng papa nila. Sigurado akong magugustuhan mo sila, lalong lalo na ang aking Allysa.”

Paulit-ulit man siyang ipagtabuyan ng ina ay hindi niya magagawang talikuran ito. Aalis siya. Hihinga at magpapalipas ng galit. Pero paulit-ulit pa rin siyang babalik dito. Alam niya sa puso niya, na minahal siya nito. Na minsan naging proud ito sa kanya. Hindi perpekto ang kanyang ina. Pero kung ‘di sa kanya… walang Allysa sa mundong ‘to.

Tatalikuran ito ng mundo pero kailanman ay hindi niya ito susukuan. Naniniwala siyang, gagaling ito at magagawa na ulit siya nitong mahalin. Magiging masaya ulit silang tatlo.

Mahal na mahal kita Mama. Sobra. Kaya magpagaling ka. Nandito lang kami ni Alyce para sa’yo. Hihintayin ka namin.




“AALIS ka?” tanong niya kay Alyce.

Niyaya niya itong maglakad-lakad muna sila sa malawak na hardin ng ospital kung saan ang ina. Mula sa puwesto nila ay tanaw nila ang bench kung saan tahimik na nakaupo ang ina. Nakangiti na ito at tila naaliw pa sa hawak nitong mga bulaklak.

She can’t help but smiled.

“Oo,” Alyce nodded. “Next month na kapag okay na ang lahat dito. Inaayos ko pa kasi ‘yong mga natira nating properties. Mas maalagaan din si Mama dito. Babalik-balik lang siguro ako but not for a longer time, I guess? Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Maybe by then, alam ko na kung anong gusto ko sa buhay ko.” Mapait itong ngumiti sa kanya.

“What about Lance?”

“Nagkausap na kami. Nilinaw ko na ang lahat sa kanya. I told him the truth. Nagalit siya syempre, but he has all the right to hate me. Mali naman talaga ang ginawa ko sa kanya… lalo na sa’yo. I’m sorry Al. I was so cruel to you. Kaya maiintindihan ko rin kung ‘di mo agad ako mapapatawad.”

“It’s okay Alyce. I also have my fair share of the blame. Let’s just forget everything and start anew.” She gave her sister a smile. “And you’ll be okay.” Masuyong tinapik niya ang isang braso nito. “Maniwala ka lang sa sarili mo. You don’t always need to prove yourself to other people. You’re beautiful, smart, and talented. Believe in that. Work hard but don’t overdo it. Learn to take a break. Hindi ka nabuhay sa mundong ‘to para sundin lahat ng mga expectations ng mga taong nasa paligid mo. Live a fulfilling life. Live for yourself. Maging kuntento ka sa kung ano ang meron sa’yo. Don’t let your insecurities live with you everyday. Live well. Live happily. Okay?”

Sa wakas ay may sumilay na ngiti sa mukha ng kapatid. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga luhang umalpas mula sa mga mata nito. Bigla siya nitong niyakap. Lumapad ang ngiti niya. Ah, Alyce. You’re really such a cry baby. Niyakap niya ang kapatid pabalik.

“I’m sorry Allysa. I was so selfish. I’m sorry for hurting you.”

“Tahan na, kalimutan na natin ang lahat ng ‘yon.”

Humigpit ang yakap ng kapatid sa kanya. “You deserve to be happy.” Dagdag nito. “Sobrang suwerte ni Lance sa’yo. Mahal na mahal ka niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ikaw ang minahal niya. Kung bakit ikaw ang hinahanap ng mga mata niya.” Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. Anong ibig sabihin nito? Mahal siya ni Lance? “You deserve each other. Hangad ko ang kaligayahan n’yong dalawa.”

“A-Alyce?”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Inabot nito ang dalawang kamay niya at ginagap ‘yon. Nalilito pa rin siya sa pinagsasabi ng kakambal. Sa huli ay napatitig lamang siya sa nakangiting mukha nito.

“You don’t need to worry about me. I know how you both love each other. Lalo na si Lance. Maniwala ka sa akin, mahal na mahal ka nun. Minahal niya ako, siguro. Pero alam ko na mas higit ang pagmamahal niya sa’yo kaysa sa akin. Give him a chance if he asks, okay?”




“IKAW ba ‘yong laging nagpadala sa’kin ng breakfast sa condo?” tanong niya agad kay Darwin nang makapasok sa Dolce Fate. Naupo sila sa isang vacant table. “Three days straight na, ha?”

“Hindi ako ‘yon,” iling nito. “Hindi ako nag-aaksaya ng pera para sa’yo.”

“Eh, sino namang gagawa nun?”

‘Yong breakfast, laging may sunny side up. Malamang, food for breakfast nga. Ang pinagtataka lang niya ay, aside from the sunny side up. Tila alam na alam ng nagpadala ang mga paborito niyang pagkain. Pati na sa juice at desserts. Paminsan-minsan ay may kasama pang baby’s breath na bouquet. Wala namang note. Iniiwan lang sa labas ng unit niya.

“Hindi kaya si Lance?” hula niya.

“Nagparamdam na ba si Lance sa’yo?”

Umiling siya. “Hindi pa. Ewan na saan na ‘yon.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ni Alyce sa kanya. Mahal raw siya ni Lance. Pero parang ang hirap paniwalaan. Malayong-malayo sa Lance na naglayas ang Lance na sinasabi nitong mahal siya. Kung gusto o mahal siya nito, sana ay nagpakita na ulit ito. Pero wala siyang Lance na mahagilap.

At paano nito nasabing higit siyang mahal ni Lance kaysa rito? May alam ba ito na ‘di niya alam?

“Hay naku, Allysa. Huwag mong hanapin ang mga taong ayaw magpahanap. Kusa ‘yong lilitaw kapag gusto nang magpahanap.”

Marahas siyang napabuntong-hininga.

“Sabagay, bahala siya sa buhay niya.”

“Oy si Lance!”

Mabilis na napalingon siya sa may pinto. Nadismaya siya nang makitang wala namang Lance na pumasok. Narinig niya naman ang malutong na tawa ni Darwin. Bwesit! Marahas na ibinaling niya ang mukha sa walangya. Kating-kati na siyang ibato rito ang baso.

“Oy na mi-miss na niya.” Tudyo pa nito.

“Isang hirit pa at ibabato ko ‘tong baso sa’yo,” banta niya pa. “Umayos ka.”

“Nga pala,” pag-iiba nito, hindi pa rin nawala ang aliw sa mukha nito. “Ibalik muna sa akin ‘yong hiniram mong cook book. Sa tatay ko pa ‘yon. Hinahanap na niya. Mukhang ‘di ka naman yata natuto.” Wow, ha?! Nami-mersonal. Hiniram nga niya ‘yon. Naalala niyang naiwan niya ‘yon sa bahay nila ni Lance. “O, ba’t mukha kang problemado riyan? Huwag mong sabihing nawala mo ‘yon.”

Nakagat niya ang ibabang labi.

“Nasa bahay ni Lance.” Sagot niya.

“O, nasa bahay lang pala ni Lance. ‘Di kunin mo. I-text mo na may kukunin ka doon para ‘di ka makasuhan ng trespassing.”

“Bumili ka na lang ng bago –“

“Hindi pwede, pamana ‘yon ng mga ninuno namin.”

“Dapat ba, ngayon na? May lakad ka ba?”

“Uuwi ako sa amin. Hinahanap na ako saka ‘yong cook book.”

“Aalis ka?” bahagyang nagulat siya sa sinabi ni Darwin.

Bigla siyang nalungkot.

“Oo.” Tumango ito. “Aalis na ako. Uuwi na ako. Kaya, ‘yong cook book, isauli mo na sa akin.”

“Aalis ka nang ‘di man lang nagpapaalam sa akin.” May tampong tugon niya.

“Bakit? Nang umalis ka, nagpaalam ka rin ba?”

“Ibang kaso naman ‘yon.”

Ngumiti si Darwin. “Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ako gaanong mami-miss.” May napansin siyang kakaiba sa mga salita nito. Tila may kahulugan ang bawat binibitawan nitong mga salita. “Trust me, Allysa. You’ll be happy by then.”

Pero si Darwin ‘yon.

His words always means something.

“Umalis ka, pero dapat bumalik ka.”

Isang ngiti lang ang naging sagot nito.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE