Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Creepy Statue of Kasandra 2 The Model

Image Description Jaymeei   |   13 January 2020


Natuklasan ni Assunta ang lihim tungkol sa kambal na bulaklak at kaniya itong ginamit upang mapaibig si Jerico, ngunit sinusundan sya ng statwa ni Kasandra,



Nananalamin si Assunta sa harap ng tukador ng kaniyang silid at sinusuklay ang kanyang mahahabang mga buhok at pinagmamasdan ang kanyang maganda at maamong mukha, (ngunit magaspang ito at may mga pilat gawa ng pinag gapas sya ng mga palay ng kanyang ina nung sya ay bata pa, madalas tumama sa mukha niya ang mga dahon ng palay) ng biglang pumasok ang tiyahin niyang si Elena.              

"Manonood ka ba ng programa sa bayan bukas?".

"Opo tiyang manonood ako ng singing contest, kasali po ang kaibigan kong si Lara."

"Kung ganon kami na lamang ng Tiyo mo ang pupunta ng manukan, basta pagtapos ng programa umuwi ka na agad ha?".

"Opo." sabi ni Assunta Habang nagsusuklay ng mahaba nyang mga buhok.

Napansin ni Elena na malungkot si Assunta.

"Napapansin ko sayo lagi kang malungkot nitong mga nakaraang araw ?"

Hindi sya kumikibo patuloy pa din itong magsuklay.

"Tapatin mo nga ako, may problema ka ba?"

"Kasi po tiyang ... lagi na lamang akong napag iiwanan."

"Anong ibig mong sabihin ?"

"Lahat po kasi ng mga kaklase at kaibigan ko may mga nanliligaw sa kanila, samantalang sa akin wala ."

"Aba e bata ka pa naman, huwag kana muna makipag kasintahan. "

"Tiyang pangit po ba ako?"

"Asunta maganda ka."

"Pero bakit lagi po akong nahuhuli?"

"Alam mo, ang problema mo lamang ay ang iyong mga balat, nagmana ka kasi sa amin ng iyong ina, hindi talaga kami mapuputi."

" Pero bakit naman po yung iba hindi naman maputi pero marami pa din nagkakagusto sa kanila?"

"Medyo magaspang kasi ang mga balat mo, hindi ka naingatan, napabayaan ka sa bukid kaya lalo kang umitim at nagkapeklat sa balat pati mukha, hay ang nanay mo kasi hindi ka inalagaan ng husto eh, hay naalala ko tuloy ang iyong kapataid sa ina na si Kasandra."

"Kasandra, siya po yung kapatid ko na namatay bago ako ipinanganak?"

"Oo, kagaya mo din siya na napakaganda ngunit lagi din niya ako tinatanong noon kung bakit walang nagkakagusto sa kaniya."

Napaisip si Elena at naisipan nyang sabihin kay Asunta ang lihim ng kanilang pamilya.

"May sasabihin ako sayo na isang lihim."

"Ano pong lihim iyon?"

"Ang tungkol sa Benditas."

Nag umpisa magkuwento si Elena kay Asunta, 

"Alam mo ba na may isang kambal na bulaklak na nakakagawa ng malaking pagbabago sa isang kaanyuan ng isang tao?"

"Ano po yon Kambal na bulaklak?" interesadong tanong ni Asunta.

"Oo, ang isa ay matitinik at ang isa naman ay walang mga tinik, at yung mga walang tinik ay tinatawag na benditas, at ito ay nakakapagpaganda ng isang tao, kahit anong pangit ng itsura ng isang tao ay nababago nito ng gandang walang katulad,"

Napaisip si Asunta sa kaniyang narinig.

"At yung matitinik naman ay kabaligtaran ng benditas, ang tawag dito ay enigma,"

"Enigma?'

"Oo, ito ay pampapangit at kalaunan ay magiging halimaw ang sinumang gumamit nito,'

Kinilabutan si Asunta sa kaniyang narinig, 

"Ngunit mahirap itong makuha at mapanganib," patuloy na wika ni Elena.

At habang nagsasalita ito ay nauntol ito nang biglang pumasok si Oscar.

"O bakit di pa kayo natutulog, gabing gabi na,"

"Oo susunod na ako sa ating silid." sabi ni Elena sa asawa niyang si Oscar.

"Tuloy niyo na po kuwento ninyo." sabi ni Asunta

"Sa ibang araw na lang, matulog ka na."

Pagkalabas ng silid ni Elena ay napaisip si Asunta.

"Benditas? Narinig ko na sa nanay noon yun pero ayaw nyang sabihin ang kuwento." sabi nya sa kanyang sarili.

Maya maya ay biglang may naramdaman si Asunta na malamig sa kapaligiran.

Dumungaw siya sa bintana ngunit wala naman siyang nakita, kaya bumalik siya sa kaniyang higaan at siya ay nakatulog.

..............

Kinabukasan.

Fiesta sa Santa Barbara.

May malaking pagdiriwang sa isang bulwagan kung saan maraming tao ang nanonood.
May singing contest na pinamagatang " Santa Barbara Star Diva " at meron ding pa raffles na maaaring mapanalunan ng mga taong nanonood.

May mga nag peperform sa stage at isa sa mga panauhing pandangal ay ang bagong halal na Gobernador na si Enrique Ilustre, at ito ay nag tatalumpati sa stage, masayang nakikinig ang mga tao sa mga sinasabi nito..

Samantala..

Isa si Asunta sa mga nanonood, itinataas ni Asunta ang kanyang mukha upang masilip ang stage, ngunit sa dami ng tao ay hindi niya ito makita, kaya naisipan ni Asunta na makipagsisikan upang makalapit sa harapan ng stage, isa lamang ang dahilan kaya niya gustong makarating sa harapan ng stage, nais niyang makita si Jerico, anak ni Gobernor Ilustre, nakaupo ito sa sa gilid ng stage.

Madalas niya makita si Jerico noong panahon na nangangampanya ang ama nito, at mula ng makita niya ito ay pinangarap na niya si Jerico.

Nakaabot si Asunta sa bandang harapan ng stage at nakita niya si Jerico ng mas malapitan,
Hindi napapakinggan ni Asunta ang talumpati ni Gobernor Ilustre dahil nakatitig siya kay Jerico,
Nangangarap siya na sana isang araw ay magkakilala sila nito at magkagustuhan, ngunit alam ni Asunta na sa pangarap lamang ito maaaring mangyari , masaya siya habang pinagmamasdan niya si Jerico.Maya maya ay biglang may tumapik sa kaniyang balikat..

"Asunta?!" Sabi ng kaniyang mga kaibigan na si Lara at Celia.

Naantala ang pagkakatitig nya kay Jerico Ilustre.

"Kayo pala?"

"Nakita ka namin nakikipagsisikan para makapunta ka sa harapan diba? " sabi ni Celia.

Panay pa din ang tingin ni Asunta kay Jerico, nakasuot si Jerico ng magarang kasuotan na pang mayaman na lalong nagpaguwapo sa kaniyang itsura, nakatingin ito sa kaniyang ama na nagtatalumpati sa stage.
Napansin ni Lara na kay Jerico nakatitig si Asunta.

"Napakaguwapo ng anak ng Gobernor ano? Ano na nga ba ang pangalan niya ?" Sabi ni Lara.

"Jerico, Jerico ang pangalan niya." masayang sabi ni Asunta habang nakatingin pa rin kay Jerico.

"Alam ko haha! binibiro lang kita na hindi ko alam ang pangalan niya, uyy kaya ka siguro nagpunta sa harapan para makita mo siya ng malapitan ano?" Sabi ni Lara

"Naku hindi naman, Diba kasali ka sa singing contest? " ani Asunta.

"Oo, pagtapos magtalumpati ni Gobernor ay kakanta na ako. " masayang sabi ni Lara

"At kapag narinig ni Jerico ang boses mo siguradong ma iinlove siya sayo haha!" sabi naman ni Celia.

Nginitian na lamang siya ni Asunta, alam niyang maganda si Lara, kayumanggi ito, isa siya sa mga kinakahumalingan ng mga lalaki sa kanilang lugar, at bukod sa angking kagandahan nito ay napakaganda pa ng kanyang boses.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos ng mag talumpati si Gobernor Enrique..
At umupo ito sa tabi ng kaniyang asawang si Mildred at anak na si Jerico..
Matapos mag talumpati ay nag salita ang host.

"Maraming salamat po Gobernor Enrique sa magaganda ninyong inihayag sa amin at salamat at nagkaroon ng pagdiriwang na ito, nagkaroon ng bagong sigla ang bayan ng Santa Barbara. Ngayon naman mga kaibigan ay itutuloy na ang singing Contest, at ang susunod na kalahok ay si 'Lara Olivar' umakyat ka na ng stage Lara!" Masayang sabi ng host.

" Lara tinawag ka na, good luck! " sabi ni Celia kay Lara.

Umakyat ng stage si Lara..nakasuot siya ng simpleng kasuotan lamang, naka bistida si Lara ng kulay berde, kahit simple lamang ito ay nababanaag ang magandang hubog ng kaniyang katawan at malakas na sex appeal.

Kumanta si Lara ng kanta ni Adele na "Rolling in the deep"...
Habang kinakanta ni Lara ito ay napatitig sa kaniya si Jerico..
Patuloy pa din sa pagkanta si Lara at nahuhumaling ang lahat sa kaniyang boses at ganda.
Matapos niyang kumanta ay nagpalakpakan ang lahat at napapalakpak din si Jerico, sinusundan ni Jerico ng tingin si Lara..Bumalik si Lara kung saan nakatayo sila Asunta at Celia.

"Ang galing mo Lara binabati kita." sabi ni Asunta.

"Ano sa tingin niyo ako kaya ang mananalo?" Kinakabahang sabi ni Lara.

"Naku oo naman, nakita ko panay ang tingin sayo ni Jerico Iliustre, nakakakilig naman yan." sabi ni Celia.

"Papano naman ako magugustuhan ni Jerico e mahirap lang ako." sabi ni Lara

"Naku naman sa ganda ng boses at sa ganda mong yan hindi na importante kung mahirap ka lang, ang ganda ganda mo kasi eh." sabi ni Celia kay Lara.

Nakangiti si Lara sa sinasabi ni Celia at tiningnan niya si Jerico na nakatingin din sa kaniya at bigla siyang kinindatan nito.
Namula ang mga pisngi ni Lara.

"Uyy nakita mo ba yun Asunta, kinindatan ni Jerico si Lara, hay ang swerte mo naman Lara, ako ang kinikilig !"

Hindi nakakibo si Asunta, nakita niya si Jerico na nakatitig ito kay Lara at sinusundan siya ng tingin nito.

"Alam mo mamaya siguradong lalapitan ka ni jerico, siguradong ikaw ang mananalo, kapag nanalo ka siguradong liligawan ka niya." sabi ni celia

"Wala pa ba siyang kasintahan?" Tanong ni Lara

"Pagkaka alam ko hiwalay na sila ng sosyal na girlfriend niya, anak daw ng senador yon eh.= " sabi ni Celia.

"Sana magustuhan niya ako ngayon, eto na ang tamang pagkakataon na magkakilala kami." nangangarap na sabi ni Lara.

Nakaramdam ng pagkalungkot si Asunta.

"Uuwi na ako Celia, Lara, good luck na lang sayo. Sana ikaw ang manalo."

"Bakit ka naman biglang uuwi ? "

"Baka kasi hinahanap na ako ng tiyang Elena."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
06 September 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
20 August 2019