Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


Habang pinagmamasdan ni Sylvana ang interior ng bahay, lalo siyang namamangha.Kung paano naipatayo ni Santino ang dream house niya nang hindi nababalita sa lugar nila is a mystery. Uso pa naman ang tsismis sa Cavanah Valley. Ang mga muwebles na kahoy ay mukhang ipinasadya nitong lahat. The decorations are both classy and elegant. Off white ang kulay ng pintura ng buong kabahayan habang wood parquet naman ang sahig nito. May mga pin lights din sa bawat corner ng kisame bukod pa sa malaking ilaw sa gitna ng bawat silid. Kahit moderno ang disenyo ng glass house, may touch of the classic ranch house na may wooden details sa bawat sulok.Ang mga cornices ay gawa sa mahogany wood na nagpatingkad lalo sa off-white na kulay ng pintura.Dalawang palapag ang bahay at may anim na malalaking silid. Santi toured her around the house at kada isang kuwarto na pinapasukan nila, lalo niyang minamahal ang bahay. Natandaan ni Santi ang mga naikuwento ni Sylvana rati na ayos ng mga silid sa dream house niya. Nakakagulat na maging ang maliliit na detalye ay naalala pa ni Santino gaya ng kung anong tipo ng kama ang ilalagay, kulay ng pintura at maging ang mga theme ng mga ito.She entered a pink themed room at naisip niya kaagad si Zarina. Nang mapasok naman nila ang isang kuwarto na panglalaki, may mga disenyo ng buwan at bituwin sa dingding, si Dennis naman ang naisip niya.


“What are you thinking?” Napansin ni Santi na natigilan si Syl matapos nitong makita ang dalawang silid.


“Wala. May naalala lang ako.”


“Parang alam ko na.I will adopt Zarina and Dennis. Pinapalakad ko na sa lawyer ko ang mga papeles.”She huffed then walked away briskly pababa ng hagdanan.She stopped when she saw the floor to ceiling wall sa tapat ng staircase at ang engrandeng chandelier na nakabitin sa itaas nito. Mula sa glass window gaya ng kuwarto na tinulugan niya, tanaw roon ang mga puno na nakapalibot sa bahay.The scene was breathtakingly beautiful na nakalimutan niya sandali ang dahilan ng pagmamaktol niya. Lumapit si Santi at niyakap siya sa likuran at ipinatong ang baba sa mga balikat niya. She closed her eyes nang masamyo ang mabangong buhok ni Santino na amoy citrus.


“Sinisiguro ko lang naman na hindi sila maampon ng iba. Para sa ‘yo. Because I want to make you happy and make all your dreams come true.I know how much you care for the two children at napamahal na rin sila sa akin.I want to build a family with you and this is the start.


“Iyon lang ang dahilan mo?” She challenged him while she automatically leaned back nang mas higpitan pa ni Santi ang yakap sa kanya.


“Aaminin ko, paraan ko rin iyon para mapalapit sa ‘yo... Desperado na ‘ko Syl.”Hindi naisip ni Sylvana na siya ang dahilan ng pag-ampon ni Santi sa mga bata.She assumed that he only wants to compete with her in everything. Tumango lang si Sylvana at marahang umalis sa pagkakayakap.He took her hand and the resumed their tour.Napansin niyang may mga litrato siya doon. Mga kuha tuwing may competition sila ni Santi. Rodeo, Darts at Polo.May mga kuha rin sa ilang pagtitipon at party kung saan pareho silang guest.


“Ang ganda ng buong bahay pero ang creepy na may mga litrato ako. Para kang stalker.How did you manage to take those pictures without me noticing?” Napangiti si Santi dito habang si Syl naman ay tinaasan siya ng kilay.


“I’m just staking my claim on you and I am branding this house with your presence dahil hindi matitirhan ito kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko.Sa mga litrato mo naman, if there’s a will, there’s a way.”


“Gusto ko nang maniwala na para sa akin nga ang bahay mo.”


“Maniwala ka na dahil para sa’yo naman talaga ‘tong bahay natin.Are you sure you still don’t want to live here now that you’ve seen everything me and this house has to offer? Don’t you feel some kind of connection? Sa akin ba, wala rin? Connection?” Sylvana just smiled.Kung connection lang naman ay bonded na sila ng bahay maging ni Santi.Ngunit maraming dahilan para hindi siya tumira roon, isa na ang kanyang ama na kailangan siya.


“Nag-usap na tayo, hindi ba? You agreed that you’d give me time.” With a deep sigh, Santi just nodded his head at niyakap siyang muli.


“I know.Sana lang bumilis ang oras para makapag-decide ka na to live with me.I will file the requirements tomorrow morning para masigurong valid ang kasal natin.” Gustuhin mang makipagtalo ni Syl, hindi na niya magawa.Her feelings are messing up her brain. Siguro kung hindi sila magkalapit dalawa, mas makakapag-focus ang isip niya.


“Ihatid mo na ‘ko, Santi. Maggagabi na.Siguro naman tuyo na ang mga damit ko?” He nodded and smiled.Kahit may closet full of clothes doon si Sylvana, hindi sinabi ni Santino dahil gusto niyang nakasuot lang ito ng t-shirt niya and naked underneath. Easy access kung baga.


Mabigat man sa loob ni Santi, he had to follow what Sylvana wants.She wanted time to think about things pero pinayagan niya rin si Santi na lumapit na sa kanya.Ayon na rin kay Santi, he would woo her into submission hanggang sa dumating ang panahon na si Sylvana na mismo ang gugustuhing makasama siya.
































  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018